SABRINA's POV:
Di ko namamalayan na nasasaktan ko na pala si draven sa mga pagkukulang ko sa kanya akala ko sapat na yung binibigay namin ni jazz na pangangailangan sa kanya pero parang nasobrahan yata kami ng pagkukulang kay draven di ko na naasikaso si draven ,simula nung tumuntong siya sa elementary hanggang ngayon na grade 12 na siya ,busy kasi ako masyado sa work ko di ko na nabigyan pa ng kapatid si draven kasi natatakot na ako baka mawalan ulit ako ng anak ,naintindihan naman yun ni jazz ewan ko bakit ganun na lang yung pag trato ko kay draven na para bang di ko siya anak ,sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko papabayaan yung anak ko ,katulad ng ginawa sa amin ni papa pero nagawa ko pa rin na saktan at pabayaan siya,napaka wala kung kwentang ina ,huhuhu !
Nandito ako sa harapan ni draven nakaluhod pinipigilan niya ako .
Draven:tumayo ka na diyan ma ! oo na napatawad ko na kayo tumayo ka na diyan .
Ako:hayaan mo akong lumuhod sa harapan mo anak ,napakarami ng kasalanan ko sayo ,sorry kung hindi buo yung pagmamahal ko sayo,sorry kung napabayaan kita,di ko alam na napakalaki na pala ng pagkukulang namin sayo.
Draven:isa lang naman ang hinihiling ko ma ,na sana makalimutan niyo na yung kambal ko na si danver kasi matagal na siyang wala nandito naman ako, buhay na buhay yun lang naman ang gusto ko eh ! na sana mapansin niyo rin ako ! ni graduation ko nung elementary ako si lola ang pumunta dun pati yung nanalo ako sa MR.CAMPUS si lola ang nandun ,wala kayo dun ni papa napansin niyo lang ako nun nung hindi ako umuwi sa araw na yun,di niyo nga napansin yung dala kung trophy pati sash kasi yung pagkakamali ko lang ang napapansin niyo.
Pagkasabi nun ni draven ay bumuhos yung luha ko,grabe bakit ko yun nagawa sa kanya, Lord ! ano ba ang nangyayari sa akin,huhuhu !
Draven:tumayo na kayo diyan ma,kasi okey lang naman sa akin eh ! sanay na ako,pangako ! di na ako gagamit ng drugs ,kahit ano ! kung ulitin ko man yun,magpapahuli ako kay papa.
Mama:sab ! tumayo ka na diyan,ano ka ba ! hayssttt ! ang aga aga ang drama ninyo(tinayo ako ni mama) ,draven ! apo yakapin mo mama mo .
Ayun niyakap ako ni draven,ramdam ko pa rin ang galit niya.
Draven:sorry ma,sorry sa mga nasabi ko.(malungkot niyang sabi sa akin)
Niyakap ko rin siya ng mahigpit .
Ako:draven,sorry rin ! sana bigyan mo kami ng chance para makabawi sayo .
Draven:kayo bahala ma ! sige maliligo na ako,papasok na kasi ako baka dumating si papa na ganito pa rin yung itsura ko .
Inalis na niya yung pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ko ang mukha ni draven .
Ako:ngayon ko lang napansin na kahawig mp pala yung papa mo,napaka gwapo mo anak ,hatid na kita sa school sabay na lang tayong pumasok.
Draven:(pinahiran niya luha ko)thank you ma ,sige !
Ayun umakyat na sa taas si draven at lumapit sa akin si mama.
Mama:tingnan mo ngayon sab,yan ang sinasabi ko sa inyo ni jazz porket lalaki yang anak mo ay di na yan masasaktan,sab mas madaling masaktan yung mga lalaki lalo na kapag binabalewala sila ,kadalasan sa mga lalaki ay mama's boy ,mabait naman si draven at palaging nasa top nung elementary hanggang grade 10 pero nung tumuntong siya sa grade 11 hanggang ngayon ay palagi na siyang pasang awa sab ! di pa huli ang lahat ,palagi ko kayong pinapayuhan ni jazz na ibaling niyo yung atensyon niyo kay draven,hindi puro na lang trabaho,nag iisa na nga lang yang anak niyo,pinagdadamutan niyo pa ng pagmamahal .
Pagkasabi nun ni mama ay sobra akong nasaktan ,tagos mula sa puso hanggang sa apdo ko yung sakit .
Ako:sorry ma ! pangako simula ngayon,babawi na kami ni jazz,sige ma ! ayusin ko na tong mga report ko ,dun na lang to sa school tatapusin .
Mama:sige sab ,maghahanda na rin ako sa sarili ko , sige ayusin niyo yan ha ! love na love ko yang si draven ,only apo ko lang yan,sige sab .
Ayun umalis na si mama,heto nagliligpit na ako ng mga report ko ,naligo na ako at nakabihis na rin ,si draven na lang yung hinihintay ko .
Febbie:hai tita (nakangiti niyang pagbati sa akin habang may dalang lunchbox)
Ako:ang aga mo naman febbie,(ngiti kung pagbati kay febbie)sasabay ka sa amin ni draven.?
Febbie:wait !! so it means na ihahatid mo si draven sa school namin ,hehehe ! close na kayo tita ni draven ang saya naman.
Ako:babawi ako sa kanya febbie pati rin pala ikaw,nahahalata na di kami close ng anak ko.
Febbie:di naman masyado tita,kasi diba nag cocommute lang si draven pero ngayon tiyak makikita ko na sa wakas yung mga ngiti niya,hehehe !
Ako:love mo talaga anak ko ano febbie ,boto ako sayo,hehehe .
Febbie:ayieehhh! one point na ako,yesss !thank you tita (sabay yakap sa akin at kaagad niyang inalis)
Ako:kamusta yung papa mong si kevin ?
Febbie:si papa ,ayun busy sa kanyang negosyo,si mama naman ay pressure na sa kanyang work ,hehehe !
Ako:makakabisita rin kami ni jazz sa inyo febbie pag makaluwag kami ng time.
Febbie:sige tita,asahan ko yan miss na kaya ni papa si tito jazz,hehehe !
Ng biglang dumating si draven
Febbie:wow !! Ang gwapo naman natin ngayon motmot ha ! hehehe
Draven:shut up !(pagsusungit niyang sabi kay febbie)tara na ma ! alis na tayo .
Ayun kaagad na lumabas ng bahay si draven ..
Ako:okey lang yan iha! love ka rin yan ng anak ko,.
Febbie:sana'y na ako sa ugali niya tita pero kahit ganun yan ayos lang,hehehe ! tara na po pasok na tayo sa kotse mo.
Ako:ang bait mo talagang bata ka ,siguro maraming nagkakagusto sayo,nagmana ka sa mama mo,napaka ganda
Febbie:uhhmm ! thank you tita,(sabay tumawa)oo may nanliligaw sa akin pero di ko sila pinapansin kasi si draven lang yung gusto ko,ewan ko diyan sa anak mo tita kailan niya kaya ako liligawan.
Ako:kinikilig naman ako sa inyong dalawa,hehehe !
Draven:ma ! tara na (galit niyang sabi)
Ako:andiyan na,tara na febbie ,nagagalit na yung prinsipe mo ,hehehe
Febbie:hehehe .
Ayun sumakay na kami sa kotse at pina andar ko na ito ,magkatabi kami ni draven ,nasa backseat si febbie .
Ako:draven,anak ! may girlfriend ka na ba ?
Draven:wala pa !!
Febbie:yesss ! hehehe
Draven:pwede ba tumahimik ka diyan (sinigawan niya si febbie)
Ako:draven,wag mo namang ganyanin si febbie ,mag sorry ka !
Draven:bakit naman ako mag sosorry sa kanya ?
Febbie:okey lang po tita,hehehe ,lambing lang po sa akin yan ni draven.
Ako:draven ,mag sorry ka !
Draven:tssk ! sorry !!!(galit niyang sabi)
Ako:yung sincere .
Draven:hayssst ! nag sorry na ako ,sapat na yun.
Febbie:tita,okey lang talaga di naman ako galit kay draven.
Ako:draven ,sige na mag sorry ka na yung sincere .
Draven:Sorry na (mahina niyang sabi kay febbie)
Febbie:its okey draven ,hehehe
Napakamot sa ulo si draven kaagad na tumingin sa labas .
Ako:hay naku !
Maya maya ay nandito na kami sa school nila draven kaagad na bumaba si draven sa kotse,di man lang ako hinalikan sa pisngi ,pero okey lang .
Febbie:bye tita,thank you .
Ako:sige,ingat kayo ha ! bantayan mo si draven
Febbie:opo tita,bye .
Ayun pumasok na sila sa loob ng campus nakita ko na mabilis yung paglakad ni draven na para bang nilalayuan niya si febbie , hay !ang cute nilang dalawa sana sila ang magkatuluyan , hehehe !
Heto papunta na ako sa school kung saan ako nagtuturo .
---------------------
DRAVEN TIMOTHY's POV :
Ako na yata yung pinaka malas na anak na nabuhay dito sa mundo ,bwesit !!!
Ako si Draven Timothy Reyes ,17 na ako at nasa grade 12 sobra akong nagagalit sa mga magulang ko kasi wala silang pakialam sa akin kasi yung gusto nila ay yung kakambal ko na namatay di pa ba sila nakakapag move on ang unfair naman ,ginawa ko naman lahat para mapansin nila ako pero wala pa rin,ganun pa rin buti pa si lola siya yung number 1 supporter ko tinigil ko na yung pagiging top ko sa klase wala rin namang saysay eh ! kasi di yun nakikita ng mga magulang ko.
Gumagamit ako ng marijuana pati shabu,pampatanggal ng problema ko pero ganun pa rin. Bumabalik pa rin yung problema ko .
Alas 3 na ng madaling araw na nakauwi ako sa bahay galing sa birthday ng tropa kung macky boy,actually di ako gumamit ng marijuana nung araw na yun dinala ko lang yun para makita ni papa ,alam ko kasi na parati siyang pumapasok sa kwarto ko para gisingin ako kaya tama nga ako di ako nagkakamali nakita nga niya yung isang pakete ng marijuana at nung makita niya yun ay kaagad niyang hinawakan ang leeg ko at itinayo ,muntik niya pa akong sapakin nun buti di niya tinuloy,kaya sa kwelyo na lang niya ako hinawakan at ayun kinakaladkad ako pababa.
Di ko na napigilan yung galit ko sa kanila nailabas ko na ito,nakita ko si mama na umiyak siya ,ramdam ko naman yung pagsisisi niya sa akin pero bakit ganun masakit pa rin dito sa puso at damdamin ko,sinasabi ko sa kanya na napatawad ko na siya pero yung totoo ay hindi pa diba ang gulo ko ,bibigyan ko sila ng pagkakataon para maipakita nila na tunay ko silang mga magulang,pangako na di na ako ulit gagamit ng drugs .
Nandito na ako sa school at isa pa sa pinaka na bwebwesitan kung tao ay walang iba kundi tong febbie na to,di naman talaga ako naiinis sa babaeng to pero nung sinumbong niya ako sa mga magulang ko nung first time kung gumamit ng marijuana ay dun ako nagalit at nainis sa kanya hanggang ngayon.
Heto sunod ng sunod pa rin siya sa akin na parang aso di ko siya pinapansin bahala siya sa buhay niya,mag classmate pa talaga kami .
Febbie:draven,hoyyy !! hintayin muna man ako .
Bahala siya ,kausapin niya yung sarili niya maya maya ay nandito na kami sa classroom namin nakita ko na nandito na si tito lesther,asawa ni tita abegail na ninang ko .
Tito lesther:late ka na naman draven ,pati rin ikaw febbie
Febbie:sorry po sir,nasiraan kasi ng gulong si tita sab hinatid kasi kami ngayon ng mama ni draven.
Tito:ah ! ganun ba ,sige umupo na kayo
Ayun kaagad akong umupo sa upuan ko,di ko na pinansin si tito,alam na niya yung ugali ko at hindi niya ako ibabagsak kasi magagalit si ninang abegail sa kanya,pasang awa lang yung grado na ibibigay sa akin,pagka upo ko ay kaagad kung pinikit yung mga mata ko at natulog lahat ng klase ko ay natutulog lang ako .
Habang natutulog ako ay biglang may tumabi sa upuan ko akala ko si febbie yung tumabi sa akin pero nung pagdilat ko ng mata ko ay nakita ko yung mukha ng babae,grabe di ba siya marunong mag ayos ng sarili,yung buhok niya makalat,naka eye glasses siya,maitim siya at maraming pimples kaagad akong bumangon at tinulak ko yung upuan niya,kaya kaagad siyang natumba .
Nagtawanan yung mga classmates ko .
Tito lesther:draven ! pumunta ka mamaya sa deans office .(galit niyang sabi)
Ako:okey !
Tito:sige alis na ako,draven hihintayin kita mamaya.
Ayun umalis na si tito lesther
Nakita ko na tumayo ng dahan dahan tong pangit kung classmate na ngayon ko lang nakita at grabe tumabi pa talaga sa akin .
Ako:di ka ba natatakot sa akin,miss !(galit kung sabi sa kanya habang busy siya sa kanyang libro)
Di siya makapagsalita ,kaya balak ko na sana siyang itulak ng biglang hinawakan ni ryan yung kamay ko .
Tiningnan ko siya ng masama.
Ako:bitawan mo kamay ko (galit kung sabi kay ryan)
Si ryan ay karibal ko pagdating sa basketball palagi na lang kasi siya ang mvp ,di kami magkasundo ng taong to palagi kaming nag aaway .
Ryan:pati ba namang inosenteng babae,pinapatulan mo ang hanep mo draven,ganyan na ba talaga kasama yang ugali mo .
Kaagad akong tumayo at tinulak ko ng mahina lang si ryan.
Ako:anong pakialam mo,bakit may ambag ka ba sa buhay ko kung concern ka sa pangit na yan edi ! pakasalan mo ,ayoko na tumabi siya sa akin.
Febbie:ako na lang ang tatabi sayo draven para wala ng problema.
Ako:tumahimik ka diyan,wag kang sumali dito
Ryan:gago ka talaga kahit kailan,class president yang binabastos mo febbie hahayaan mo na lang ba na ganyanin ka ng taong yan.
Arianne:wag na kayong mag away ,aalis na lang ako,lilipat na lang ako ng school .
Nakita ko na umiyak si panget at habang paalis siya na dala dala niya yung aklat at bag niya ay nakita ko yung sugat sa paa niya hindi siya makalakad ng maayos kaya kaagad ko siyang nilapitan at kinuha ko ang bag niya pati libro ,nagulat siya sa ginawa ko.
Ako:bumalik ka na sa upuan,payag na ako na tumabi ka sa akin.
Pagkasabi ko nun ay nagulat lahat ng nandito lalo na si febbie ,gulat na gulat siya.
Ayun bumalik ako sa upuan ko at nilapag ko na sa mesa yung gamit ni panget .
Ako:bahala na kayo sa buhay niyo,matutulog na ako .
Ryan:may konsensya ka pa pala ,sige na arianne ,umupo ka na dun at pag sinaktan ka pa ulit ng mokong na yan,sabihin mo lang sa akin
Di ko na lang pinatulan tong ryan na to humanda siya mamaya,tang ina niya ! mokong pala ha !
Habang nakapikit ako ay naramdaman ko na tumabi na sa akin si panget nagpupunas siya ng luha niya ,ewan ko yung isang mata ko nakabukas ,tinitingnan ko siya grabe nakakaawa pala siya,napaka gago ko talaga bakit ko yun ginawa sa kanya .
Itutuloy.