DRAVEN's POV:
Ako:gagawin niyo kaming pa in,grabe bakit dinadamay niyo kami sa problema niyo ,AYOKO !!! (kaagad akong tumayo)
Papa:umupo ka !!(sigaw niyang sabi sa akin)
Ako:bakit mo ako idadamay sa problema niyo ,si arianne na lang ang idamay niyo ,ayokong sumama diyan .
Papa:draven,makinig ka ! di kayo masasaktan ni arianne dito ,magiging spy lang kayo at wag kang OA diyan parang titingin lang kayo ng mga paintings dun pero mamanmanan niyo lang yung alyas na framewore na yun kasi hanggang ngayon hindi pa nahuhuli yang de paz na yan,di pa kayo nabubuhay dito sa mundo ,salot na yang si de paz .
Ako:bakit sino ba yang de paz na yan at hanggang ngayon ay di niyo pa nahuhuli,kasing lakas ba niya si san gokou .
Mama:draven ,mas malakas pa siya kesa kay san gokou ,tingnan niyo hanggang ngayon di pa yun nahuhuli ,
Ako:parang gusto ko yatang makipag kilala sa de paz na yun,ayoko pa ring gawin yang pinagagawa niyo sa akin,
Papa:saan mo ba minana yang ugali mong magaspang ha !!
Ako:malamang sayo ,saan ko pa nga ba to nakuha ,alangan naman kay mama .
Biglang tumayo si papa at lumapit siya sa akin ,biglang hinawakan ni papa yung damit ko at matalas ang titig niya sa akin
Mama:jazz,tigilan mo yan !!
Papa:gusto yatang sampulan ko tong magaling mong anak kung saan niya nakuha talaga ang magaspang na ugali nito .
Febbie:tito !
Ako:sige saktan mo ako,di na ako magugulat kung ano ang gagawin mo sa akin,tutal wala naman talaga akong pakialam sayo diba (galit kung sabi)
Ng bigla akong sapakin ng malakas ng erpat ko ,tang ina ang sakit ,dumugo yung labi ko biglang lumapit sa akin si febbie at mama
Mama:jazz ,sabi na wag munang patulan tong anak mo !
Papa:di ko alam kung anak ko ba yan,eh !! Napaka gago yang batang yan wala ng kunting respeto sa atin,ewan ko kung ano ang gagawin namin sayo para magtino ka na !(galit na sabi sa akin)
Ako:wala kayong dapat gawin kasi kayo mismo ang nakakaalam kung bakit ako nagkaganito at kung ayaw mo sa akin ayaw ko rin sayo .
Papa:kita mo yang walang utang na loob na batang yan ,hayop ka !! Napaka walangya mo talaga ,lumayas ka !!(sigaw na sabi sa akin)tingnan natin kung di ka babalik dito at hihingi ng tawad,anong pinagmamayabang mo ha !! yang mukha mo ,yang katawan mo ,saan mo ba yan napulot ,sa amin ng mama mo ,tingnan lang natin kung patitirahin ka ng mga kaibigan mo sa kanila,tiyak sa kalsada ka matutulog .
Pagkasabi nun ni papa ay parang nasaktan ako ng kunti ,grabe imbis na pigilan niya ako ,pinagtutulakan niya talaga ako ng lumayas ,kaagad na lumapit si mama kay papa at umiyak ito
Mama:jazz ,please !! Wag mong gagawin yan sa anak mo ,ako na ang kakausap sa kanya .Please !! wag mo siyang palalayasin !!
Papa:sab ,dapat bigyan ng leksyon yang batang yan,kasi kung pababayaan lang natin yang ugaling pinapakita sa atin ay baka araw araw ko yang masaktan,baka nga isang araw bumalik na yang gagong batang yan ..
Kaagad akong tumayo
Ako:yun ang akala mo ,sige kung yan ang gusto mo,lalayas ako ..
Kaagad akong umalis at pupunta na sana ako sa taas para kunin ang mga damit ko ng biglang sumigaw si papa
Papa:sinong may sabi na kukunin mo yung gamit mo,lumayas ka na wala kang dala ,yang suot mo lang ngayon ang dalhin mo ! tingnan natin kung tatagal ka sa kalsada,sa akin mo namana yang ugali mo diba !. pwes ngayon malalaman muna kung gaano kasama yang ugali mo , umalis ka na !!
Nakita ko si mama iyak ng iyak ,ganun din si febbie,si arianne ,ayun nakatakip lang yung tenga niya pati mga mata niya .
Ako:napaka walang kwenta mong ama ,di ko malilimutan tong ginawa mo sa akin,tandaan mo ..(tiningnan ko siya ng masama)
Balak na naman akong sapakin ng erpat ko pero pinigilan siya nila mama at febbie
Febbie:tito ,tama na po at ikaw draven tumigil ka na pwede ba ,lalo mo lang pinapalaki yung sitwasyon,imbis na magsorry ka ,ikaw pa tong malaki ang ulo,nasaan na yung draven na nakilala ko dati ha ..(galit niyang sabi sa akin)
Ako:bahala kayo !
Ayun umalis na ako ,lumabas na ako ng bahay,narinig ko ang malakas na iyak ni mama,buti na lang wala dito si lola kundi baka pati siya umiyak ng umiyak ,
Habang nandito na ako sa labas ng gate namin ,ay narinig ko ang boses ni arianne na tinatawag ako
Arianne:draven ,
Ako:umalis ka na dito ..
Arianne:alam ko ang sitwasyon mo ,alam ko na nadadala ka lang sa emosyon mo kaya nagkakaganyan ka,pero makinig ka ,mahal na mahal ka ng mga magulang mo,ginawa lang yun ng papa mo kasi gusto niya malaman kung may kunti ka pang pagmamahal sa kanila ,hindi gusto ng papa mo na umalis ka ,ayaw niya lang ipakita sayo na concern siya sayo
Ako:(tinulak ko siya pero mahina lang)tumigil ka nga diyan,ikaw pa talaga dito ang pumunta sa akin ,di ako nakokonsensya sa ginawa ko at wag kang maawa sa akin kasi alam ko naman na tuwang tuwa ka sa nangyari sa akin,sabihin mo sa erpat kung magaling ,di ako nababalik hanggang di siya lumuluhod sa harapan ko ,sabihin mo yan sa kanya ,panget !!!(galit kung sabi sa kanya)
Ayun di na niya ako kinausap ,hinayaan niya na lang ako na umalis,pupunta na lang ako kina macky ,heto tinawagan ko na si macky ,
Ring.ring.ring
Macky:pare,ano pupunta ka na dito,hehehe
Ako:oo pre ,saan kayo ?
Macky:ayos ,sige andito kami sa cerebro ,nandito na rin sila drake at rocky ,
Ako:may kasama ba kayong mga chicks ..
Macky:oo pare ,,wag kang mag alala meron ka dito ,hehehe,sige tawag ka na lang pag nandito ka na bilisan mo !
Ako:opo sir ! sige na ..
Ayun binaba an ko na siya ,heto habang nag aabang ako ng taxi ay naisip ko,saan pala ako ngayon kukuha ng pera,bwesit !!wala akong ni isang centimo man lang dito ,tanging cellphone na lang yung nadala ko pati tong suot kung short at tang ina !! Naka sando lang pala ako pero okey na to ,kesa nakahubad ako ..
Heto nakasakay na ako ng taxi ,,
Driver:saan tayo sir ?
Ako:cerebro ..
Driver:okey ..
Papunta na ako sa cerebro ,at maya maya ay nandito na ako .
Ako:kuya,sandali lang kukuha lang ako ng pambayad.
Driver:naku !! Sir ,lumang style na yan,,wala naman pala kayong pambayad ,sasakay sakay pa kayo ng taxi
Tang ina ! ginagalit ako ng driver na to ,pasalamat siya di ko pinakita sa kanya yung galit ko .
Ako:sige,tatawagan ko na lang yung kaibigan ko,sandali lang po .
Tinawagan ko na si macky ..
Ring.ring
Macky:hello pre,nasaan ka na ?
Ako:nandito na ako sa labas ng cerebro,lumabas ka muna,wala kasi akong pambayad ,hehehe
Macky:bwesit ka !!Hahaha sige lalabas na ako,bye ..
Binaba ko na ang tawag at maya maya ay lumabas na si macky boy ,lumabas na rin ako ,kaagad akong binatukan ni macky
Macky:marami kang sasabihin sa akin pare,siraulo ka talaga,hahaha,kuya (tumingin sa driver)heto na po yung bayad ng pulubi kung kaibigan,keep the change ,hehehe,
Binigyan ng 300 yung driver
Ako:sana all much money ,hahaha,
Driver:salamat sir ..
Ayun umalis na yung taxi inakbayan ko si macky at ginulo ko yung mahaba niyang buhok
Ako:salamat pre,da best ka talaga,hehehe
Macky:bakit yan ang suot mo,naka pambahay ka lang,uhmmm !! ,let me think pare,pinalayas ka ba sa inyo,hahaha
Ako:hahaha ! your instinct is correct,oo pare tang ina !! Nag away kami ng erpat ko ,bwesit !! walang wala ako ngayon kahit sentimo pati nga mga damit ko di ko nadala
Macky:paano na yung pag aaral mo pare ,sayang graduate ka na
Ako:bahala sila,teka mag chichika lang ba tayo dito o papasok tayo sa loob,
Macky:hahaha,tara na..
Ayun pumasok na kami sa loob ,pagpasok ko ay nandun na nga yung dalawang mokong sila drake at rocky ,may katabi silang mga hot na chikababes ,,kaagad kaming lumapit sa kanila,
Drake:wow !! parang nasa bahay lang tayo pare,hahaha
Rocky:sana all macho ,hahaha ,umupo na kayo dalawang kupal
Samantha:hai ? my name is samantha ,parang may kamukha ka .(sabay lapit sa akin tong magandang dilag)
Freda:freda is my name,girlfriend ni rocky ,hehe
Grabe may bago na namang syota tong rocky boy na to ,iba talaga at anong sinasabi tong samantha na to,ako may kamukha,eh !matagal ng patay yung kambal ko ,
Tinabihan ko si samantha,ang ganda niya at ang sexy ,kaagad ko siyang inakbayan at tinitigan.
Rocky:yun oh ..
Macky:yan ang lodi ko ,hehehe,shot na ..
Ako:(tinitigan ko si samantha)ganun na lang ba ako ka gwapo para sabihin mo na may kamukha ako,hehehe
Samantha:actually mas hot ka kesa sa kanya,hehehe ! pero oo magka face talaga kayo pramis !! ,pero napaka mahiyain niya at lampa ,sobrang lampa niya at higit sa lahat walang kahilig hilig ,para siyang nerd pero wala siyang eyeglasses ,palagi nga siyang binubully dun sa campus namin
Parang nagulat ako nung sabihin yun ni samantha,para kasing nagsasabi siya ng totoo ,pero sino kaya yung tinutukoy niya na kamukha ko ..impossible naman na kambal ko yun,kasi matagal ng patay si danver
Drake:naku po ,pare ! parang may komopya sa mukha mo,baka isa yung clone o doppleganger mo,hahaha
Rocky:baka kambal niya yun na nabuhay,hahaha
Macky:o di kaya konsensya niya yun,kasi wala yun si draven,hahaha
Ako:mga siraulo talaga kayo ,,hahaha ,pero sam anong name niya ,yung full name niya ?
Samantha:Keith Saavedra name niya ,ka age lang natin,17 rin siya sayang nga siya eh !!,gwapo sana at charming pero napaka lampa at medyo kakaiba siya,ewan ko dun,kaya nga nagulat ako nung makita kita ,kasi akala ko ikaw si keith ,magkaiba talaga kayo ng ugali ,baliktad kayo ,hehehe
Freda:baka nagkataon lang na magkamukha silang dalawa,meron kasi yan ,di na yan bago sa atin ,lalo pa't mga millenial na tayo ngayon o baka kamag anak mo yun draven .
Ako:ewan ko ,pero gusto ko siyang makita at makilala kasi may plano na ako ,hahaha ..
Itutuloy.