JAZZ POV:
Ganun na ba kalaki ang kasalanan namin ni sab sa suwail naming anak na si draven parang mas grabe yata yung nakuhang ugali sa akin ni draven,parang di naman ako ganun nung nasa edad ko siya ,ang hirap magpalaki ng anak na suwail .
Di ko naman intensyon na saktan ko si draven kaya ko siya sinasaktan kasi nag aalala ako sa kanya,dinidisplina ko lang siya ,wala akong magagawa kundi saktan siya kasi kahit anong payo namin sa kanya ni sab ay di nakikinig ,pinagsabihan na rin namin yung mga kaibigan niya lalo na yung bestfriend niyang si macky boy .Lord ! ito ba yung sinasabi niyong pagsubok sa akin ,bakit ganito yung anak ko .
Hanggang ngayon ay di pa rin makalimutan ni sab si danver ,naninindigan pa rin siya na buhay pa ang isa naming anak ,at nasa panganib ito ,grabe naman yung instinct niya ,hayssss !.
Heto matapos kung palayasin yung napakagaling kung anak ay nilapitan ko si sab habang iyak ng iyak .
Sabrina:bakit mo naman ginawa yun sa anak natin jazz,huhuhu (iyak siya ng iyak )
Ako:(tiningnan ko si febbie)febbie ,pwede bang umuwi muna kayo ni arianne ,iwan niyo muna kami ng tita sab mo.
Febbie:okey po tito ,sige po ..
Biglang bumalik si arianne matapos niyang habulin si draven
Arianne:sorry po,di ko po napakiusapan si draven
Ako:okey lang yan arianne,matigas talaga yung ulo ng batang yun,kami nga hindi sinusunod,sige umuwi muna kayo ni febbie,salamat sa inyong dalawa ha ..
Arianne:paano po tito yung pinapagawa niyo sa amin ni draven,dun sa alyas framewore
Ako:kalimutan muna yun arianne,gagawa na lang ako ng paraan,pasensya na ha ..
Arianne:sige po,alis na po kami ..
Ayun umalis na sila ,kaagad na tumayo si sab at umakyat sa taas ,kaya sinundan ko siya,maya maya ay nandito na kami sa kwarto ni draven
Ako:sab,sorry ..
Niyakap ni sab yung unan ni draven
Sabrina:kawawa naman anak ko,wala siyang dalang gamit ,jazz bakit mo ginawa yun sa anak mo ,siya na nga lang yung mayroon tayo,sinabi ko sa kanya kanina na babawi na tayo pero lalo mong pinapalayo yung loob niya sa atin
Ako:(nilapitan ko siya at niyakap)sab ,babalik kaagad yung batang yun ,kasi wala yung pupuntahan .
Sabrina:paano kung hindi pa siya bumalik,teka dala niya pala yung phone niya,tatawagan ko siya.
Kaagad na kinuha ni sab yung phone niya sa bulsa niya at tinawagan niya si draven
Naka tatlong tawag na si sab pero hindi ito sinasagot ni draven.
Ako:hayaan mo muna siya ngayon sab ,di niya yan sasagutin kasi galit pa yan sa atin .
Mama:jazz ,jazz(sigaw niya)
Narinig ko na nandito na si mama,sumisigaw siya at parang papunta siya dito sa kwarto at maya maya ay tama nga ako binuksan niya yung pinto kaagad na lumapit sa akin na galit na galit.
Mama:puntahan mo ngayon yung anak mo !(galit niyang sabi sa akin).
Ako:uuwi rin yun ,matanda na yun at may tamang pag iisip ,alam na niya yung gagawin niya.
Mama:jazz ! 17 years old pa lang yung anak mo ,paano kung bumalik yung paggamit niya ng droga ha ! jazz ano bang nangyayari sayo ? ni minsan di kita ginanyan pero sa anak mo ginaganyan mo .
Ako:eh ! di naman ako pasaway katulad niya at ma ! alam ko ang ginagawa ko ,dinidisplina ko lang siya at kung gagamit siya ulit ng drugs ,edi ! problema niya na yun ,
Kaagad akong sinampal ni mama. First time niya yun na ginawa sa akin.
Mama:anong nangyayari sayo jazz ,ewan ko kung kilalang kilala muna yang anak mo,kasi ako kilala ko si draven,malambing at mabait siyang bata,sab at jazz bakit niyo hinayaan na magkaganito yang pamilya niyo,nag iisa na nga lang yung anak niyo di niyo pa mabantayan at maalagaan ,kung ayaw mong hanapin at pauwiin si draven,ako ang maghahanap sa kanya.
Sabrina:ma ,sasama ako sayo baka nandun yun kina macky boy .
Mama:halika sab ,kasi yang asawa mo ,walang pakialam sa anak niya(galit niyang sabi sa akin)
Kaagad akong tumayo .
Ako:oo na ,pauuwiin ko na si draven at hihingi na ako ng tawad sa kanya,wag na kayong lumabas gabi na .
Mama:mabuti naman ,sige na at maghihintay kami sa inyong dalawa .
Sabrina:jazz ,tama lahat ang sinabi ni mama,panahon na para bumawi tayo kay draven.
Ako:haysss !.oo na ,sige na ! aalis na ako ,magpahinga na kayo..
Kaagad akong umalis at iniwan ko sila parang nasaktan ako sa sinabi ni mama ,tang ina !! ..
Bago ko paandarin yung motor ko ay tinawagan ko muna si macky boy
Ring.ring
Macky:hello ,tito jazz ,si draven po ba yung hinahanap niyo ?
Ako:oo ,magkasama ba kayo ngayon ?
Macky:kanina magkasama kami pero umalis na po siya.
Ako:saan raw siya pupunta ?
Macky:uuwi na raw siya ,hihingi na raw siya ng tawad sa inyo,wala pa po ba diyan,eh !kanina pa yun umalis dito ,isang oras na ang nakakalipas.
Ako:nag inuman ba kayo ?
Macky:oo pero kunti lang yung nainom niya .
Ako:sige ,salamat macky ha ! ibababa ko na to .
Macky:sige po tito..
Saan kaya nagpunta yung batang yun,bakit ngayon wala pa ,parang kinabahan yata ako ,bwesit !! ,
Tiningnan ko muna kung bukas yung gps ni draven pero di ko siya makita sa gps ,nasaan na kaya yun,patay ako nito kina mama at sab ,
Pina andar ko na yung motor ko ,bahala na baka makita ko sa daan si draven,
Habang nagmamaneho ako ay tinitingnan ko bawat daan na dinaraanan ko baka makita ko si draven .
Di ko alam kung anong oras na pero parang isang oras na akong naghahanap kay draven di ko pa rin siya makita ng bigla akong may nakitang mga tao na para bang may namatay na tao ,nagkukumpulan sila ,kaya kaagad akong huminto at nilapitan ko sila ,
Ako:anong meron dito?
Sabi ko sa isang lalaki
Lalaki:may lalaking sinaksak ng maraming beses ,hanggang ngayon di pa siya kinukuha ng ambulance .
Kaagad kung tiningnan kung sino yung biktimang yun .
Ako:tabi kayo diyan ! pulis ako .
Kaagad na nagsilayo yung mga tao at nung makita ko kung sino yung biktima na sinaksak ng maraming beses ay kaagad akong napaluhod sa semento kasi yung batang lalaking na nakikita ko ngayon na walang malay,duguan at mga sampu yung saksak ay walang iba kundi yung anak kung si draven ,kaagad ko siyang niyakap .
Ako:sino may gawa nito sa kanya ,sabihin niyo,may nakakita ba sa kanya kung sino ang may gawa nito(sinigawan ko sila)
Lalaki:isang nakamaskarang tao,di namin alam kung lalaki ba o babae ,
Maya maya dumating na yung ambulance ,kaagad na kinuha nila si draven .
Nurse aid:sir ,kayo po ba yung tatay ng biktima
Ako:oo,sige susunod ako sa inyo dalhin niyo ng mabilis sa ospital yung anak ko .(taranta kung sabi )
Nurse aid:okey po ! sa saint pauls po namin siya dadalhin.
Kaagad na nilang pinasok si draven ,draven wag kang susuko,alam ko malakas ka katulad ko ,nararamdaman ko pa yung pulso mo,papatayin ko yung gumawa nito sayo.
Umalis na yung ambulance ,kaagad kung nilapitan yung lalaking nakakita sa pagsaksak sa anak ko ..
Ako:sabihin mo ,ano ang kasuotan niya ?
Lalaki:nakasuot siya ng sombrero na itim at naka jacket siya na black ,yung maskara niya ay parang yung kay robinhood ,yung mukha lang yung nakatakip at nakatakip naman ng panyo yung bibig niya,nilapitan niya yung anak mo habang naglalakad ito ng biglang saksakin siya ng maraming beses,di ko na nagawang tulungan yung anak mo kasi baka pati ako nadamay,at di na ako nagtawag ng tulong kasi anong oras na ,mag aalas onse na ng gabi ,natutulog na yung mga tao
Ako:natutulog pero heto sila ngayon gising na gising ,pahingi ako ng number mo,kailangan kita bukas para maging witness,baka yung alyas framewore na yun ang gumawa sa anak ko
Lalaki:sige heto ..
Ayun binigyan niya ako ng contact number niya ,
Ako:sige alis na ako,matulog na kayo at mag ingat ..
Ayun pina andar ko na yung motor ko,tang ina yung framewore na yun,ako mismo ang papatay sayo pati anak ko dinamay mo ,walangya ka ..paano ko ba sasabihin to kina sab at mama ,tiyak magagalit yun sa akin ,bahala na ..sana walang mangyari kay draven,bigla akong nakaramdam ng takot at panginginig sa katawan ko,lord !! Patawarin niyo po ako sa nagawa ko sa anak ko ,wag niyo po muna siyang kunin sa akin,please !pangako babawi na po ako sa kanya sa mga nagawa ko sa kanya ..
Maya maya ay nandito na ako sa ospital kaagad kung tinanong kung saan naconfine si draven at ayun papunta na ako sa room niya ,maya maya ay nandito na ako sa room niya nakita ko na nandito pa yung doctor at nurse,nilapitan ko sila
Ako:doc,okey lang po ba yung anak ko ..
Doctor:(tumingin sa akin)himala sir ,himala na naka survive pa yung anak mo,oo okey na siya,napakatapang ng anak mo sir ,nung una ay nawala yung tibok ng puso niya at ilang minuto lang ay biglang bumalik yung pagtibok ng puso niya,,
Ako:thank you lord,di niyo pa kinuha sa akin yung nag iisa kung anak,doc salamat po ..
Doctor:sige sir,una na kami,
Ayun umalis na sila ,at kaagad kung nilapitan si draven ,umupo ako katabi siya ,hinawakan ko kamay niya
Ako:draven,alam ko na di mo ito naririnig pero nais ko lang sabihin sayo na sana mapatawad mo ako ,sorry kung nagawa kitang saktan at sorry kung napabayaan kita,sorry rin kung napalayas kita,simula ngayon ay magbabago na ako ,magbabago na ang pakikitungo ko sayo,napakalaking kasalanan ko sayo ,muntik ka ng mawala dahil sa akin,salamat at napakatatag mo ..
Habang sinasabi ko yun kay draven ay napansin ko yung peklat niya sa braso niya pati sa leeg niya,teka meron palang peklat sa leeg at braso si draven parang ngayon ko lang to napansin .
Itutuloy.