JAZZ POV:
Nung makita ko na malubha ang kalagayan ni draven ay sobra akong nalungkot at nagalit sa sarili ko.Ang daming pasa niya sa katawan pati sa mukha na parang binugbog siya ng dalawang tao ,humanda yang framewore na yan sa akin papatayin ko siya.
Ng biglang tumawag sa akin si alien ,oo nga pala di ko pa pala nasasabi tungkol kay draven ,sinagot ko ito
Sabrina:jazz ,nasaan ka na ? Magkasama na ba kayo ni draven ? Nag aalala na ako sa kanya ?
Mama:siguraduhin mo lang na magkasama na kayo ngayon ng apo ko (sigaw niyang sabi)
Ewan ko parang kinakabahan ako kung paano ko sasabihin sa kanila ang nangyari kay draven ,tiyak ako ang sisisihin nila ,bahala na ..
Sabrina:jazz,ba't di ka nagsasalita ?
Ako:sab ,si draven(malungkot na sabi ko sa kanya)
Sabrina:anong nangyari sa kanya ? Hindi ba kayo magkasama ?
Ako:nandito kami ngayon sa ospital ,hanggang ngayon wala pang malay si draven,sab ! im sorry dahil sa akin nalagay sa piligro si draven ..
Sabrina:nasaan kayong ospital (narinig ko na umiiyak siya)jazz nasaan kayo ?pupunta kami ngayon din ni mama diyan..
Ako:dito sa saint pauls ospital ,sab .
Sabrina:sige ,wag mo siyang iiwan diyan,papunta na kami .
Ayun binaba na niya yung linya ,bwesit !! ano bang nangyayari sa akin,bakit ba ako nagkakaganito,bakit ginanun ko yung anak ko ,hindi ako nito mapapatawad nila mama at sab pag may nangyaring masama kay draven,buti na lang kasing tapang ko si draven,marunong siyang lumaban.
Habang tinitingnan ko yung mukha ni draven parang may nagbago sa kanya,wala na siyang hikaw sa tenga niya,tapos yung kilay niya medyo makapal na ng kunti ,lalo tuloy akong nagalit sa sarili ko kasi napakalaki na ng pagkukulang ko kay draven,di ko na namamalayan yung mga pagbabago niya sa katawan niya. Bwesit !!
Biglang tumawag sa akin si kevin ,oo nga pala naka survive na pala siya sa sakit niya buti na lang at lumaban siya ,anak niya si febbie ,gusto namin na magkatuluyan sila febbie at draven kaso parang malabo yata mangyari yun kasi tong anak ko ,iba yata yung type ,masyadong napakataas ng standard ,
Sinagot ko yung tawag niya
Kevin:pare ,kamusta ? Nahanap mo ba si draven,kanina pa nag aalala dito si febbie
Ako:oo pre ,nahanap ko na ,sabihin mo kay febbie na wag na siyang mag alala
Kevin:buti naman,bakit kasi ginawa mo yun sa anak mo pare ,di ka naman ganyan dati ..oo alam ko napaka pasaway ni draven pero kawawa naman yung bata kailangan niya lang ng atensyon niyo ni sab,diba yun ang sinasabi ko sayo paulit ulit ,
Ako:wow ! nanay ba kita pare,hahaha ! siraulo to ! oo simula ngayon babaguhin ko na ang pakikitungo ko sa kanya,wag munang ipamukha pa sa akin yan kasi alam ko na yan,
Kevin:hahaha,sige pare asahan ko yan,sige ibababa ko na to ..
Ako:nga pala pare,tulungan mo akong mahanap yung framewore na yun,muntik na niyang patayin yung anak ko .
Kevin:teka !!(gulat niyang sabi)anong nangyari sa inaanak ko ? nandiyan kayo sa ospital ngayon
Ako:oo pare nandito kami,sinaksak siya ng maraming beses pero okey naman siya ngayon.
Kevin:tinawagan muna ba si general ? oo pare tutulungan kita bukas na bukas ,sabay natin huhulihin si framewore kahit wala na ako sa serbisyo
Ako:salamat pare ,sige magpahinga ka muna ,wag mo muna to sasabihin kay febbie baka di yun makatulog ngayong gabi .
Kevin:sige pare ,magpakatatag ka ,kaya yan ni draven,kilala ko yun matapang rin yun kagaya mo ,sige pare..
Ayun binaba ko na yung tawag ,at maya maya biglang may bumukas ng pinto at nakita ko sila sab at mama ,kaagad na lumapit sila kay draven ,
Sabrina:anak ,sorry sa nagawa namin ng papa mo,sorry ,huhuhu(kaagad na tumulo yung luha niya niyakap niya ito)
Mama:ano sabi ng doctor sayo ,jazz (galit na sabi sa akin)siguraduhin mo lang na good news yan,
Ako:okey na si draven ,baka bukas magising na siya .
Sabrina:(nilapitan ako at bigla akong sinampal)wag munang uulitin to sa anak mo jazz,kasi pag mangyari pa to sa kanya,di ko alam kung ano ang gagawin ko sayo jazz ,please !! mahalin mo naman yung anak natin alam ko na marami ang kasalanan niya sa atin ,alam ko na palagi niya tayong sinasaway pero may kasalanan rin tayo dito jazz at sana bumawi na tayo sa kanya(sabay tulo ng luha niya)
Niyakap ko ng mahigpit si sab
Ako:oo sab,pangako ko yan sayo,simula bukas ,babaguhin ko na yung pakikitungo ko sa kanya,sorry na ..kasalanan ko na lahat ng to ,nagpapasalamat ako kasi walang masamang nangyari kay draven,
Inalis ko na yung pagkakayakap kay sab at nilapitan ko si mama
Ako:ma ,sorry rin kasi muntik ng mapahamak yung nag iisa mong apo ,sorry ..
Mama:sige na jazz,magpahinga ka na ,kami na ni sab ang magbabantay kay draven,at sana mahuli mo yung gumawa nito sa anak mo
Ako:di ako titigil hanggan di ko mahuli yung framewore na yun
Sabrina:bakit mo nasabi na si framewore yung gumawa yun sa anak natin
Ako:siya lang naman ang taong may galit sa atin diba ? at siya rin yung taong kayang gumawa nun sa anak natin,kahit yung de paz na yun huhulihin ko rin yun.
Sabrina:sige jazz ,sana nga mahuli muna siya..
Kaagad na lumapit si sab kay draven ,tinabihan niya ito ,at hinawakan ang kamay pati mukha ,
Sabrina:parang may nagbago sa mukha ni draven ,(sabay tumingin kay mama)
Mama:anong sinasabi mo sab ,
Kaagad na tiningnan ni mama si draven at hinahawakan niya yung mukha ni draven
Mama:kailan pa nagkaroon ng peklat sa leeg si draven at pati sa braso may peklat rin siya ,eh ! Kanina lang wala to ,teka ..baka hindi to si draven ..
Ako:anong pinagsasabi mo ma ,eh ! sino yan ibang tao ,eh ! mukha yan ni draven eh ! ma ,naman di pa naman kami ulyanin,di pa kami nakakalimot sa mukha ng anak namin
Sabrina:pero nararamdaman ko na anak ko siya ,ewan .
Mama:simula bata ako ang nag alaga kay draven,kaya alam ko kung may mga marka siya sa katawan niya ..baka ginaya niya lang yung mukha at katawan ni draven
Ako:haysss ! ma ,naman eh ! wag ka namang ganyan ,baka di mo lang napansin yun na may marka siya sa leeg niya pati sa braso niya ,sige na uuwi na ako at magpapahinga,maaga pa ang duty ko bukas,huhulihin ko kaagad yung framewore na yun.
Sabrina:sige jazz,mag ingat ka sa pag uwi ,bye(sabay halik sa labi ko)
Ako:sige sab ..kayo rin dito ni mama,bye ..at sayo rin ma ,alis na ako,wag munang isipin yan ,about sa apo mo ,,
Mama:sige na ..
Ayun umalis na ako ,at maya maya ay nandito na ako sa labas ng ospital ..
Kinabukasan ...
Maaga akong nagising,mga ala singko palang ng umaga,kaagad akong naligo at pagkatapos ay nagbihis ,,sandwish na lang yung kinain ko ,habang paalis ako ng bahay biglang tumawag sa akin si sab ,sinagot ko kaagad ito
Ako:hello sab ,kamusta si draven,nagising na ba siya ?
Sabrina:jazz,pumunta ka dito ,si draven nawala yung alaala niya,mayroon siyang amnesia,di niya matandaan kung sino siya,huhuhu(narinig kung umiiyak si sab)
Pagkasabi nun ni sab ay nanghina ako,lord ,bakit ganito ,bakit kailangan pang mawala ang alaala ng anak namin,ito ba yung paraan mo para maalagaan namin siya ulit ..
Ako:sab ,please calm down,okey ..babalik rin yung alaala niya ,madali lang yun,basta nandito lang tayo nila mama para sa kanya,sige papunta na ako diyan ,,
Sabrina:huhuhu ! sige jazz ..
Ayun binaba ko na yung linya,kaagad kung ginamit yung motor ko at kaagad kung pinaharorot ito ..syempre ni lock ko muna yung pinto at gate ng bahay namin,
Papunta na ako sa ospital ,,after ilang minuto ay nandito na ako ,kaagad akong pumasok sa loob ng ospital at pumunta kina sab ,maya maya ay nandito na ako ,nakita ko si draven na nakaupo na siya sa kama niya,salamat at nagkamalay na siya,kaagad na tumingin sa akin si draven ,
Keith:sino po siya ?(sabay tumingin kay sab)
Sabrina:siya ang papa mo ,anak .
Keith:papa ? ,ang swerte ko naman ngayon ko lang nalaman na may tatay at nanay pala ako,pero bakit ganun di ko matandaan yung mga mukha niyo ,di ko matandaan kung sino ako,at di ko matandaan kung bakit ako nandito ,(kaagad na tinakpan ni draven yung mukha niya)
Mama:baka hindi ka talaga yung apo kung si draven,oo pareho kayo ng boses kapag nagsasalita pero the way na magsalita si draven hindi siya ganyan ,
Sabrina:ma ,please !! Wag muna man ganyanin si draven ..
Ewan ko parang tama yung instinct ni mama ,parang hindi si draven yung nasa harapan namin.
Biglang dumating si doc,,at may binigay siya sa akin ,panyo at cellphone ni draven ,
Doctor:nakalimutan kung ibigay to sayo sir ,yan po ang gamit ng anak mo,nasa loob yan kagabi ng short niya ..,buti di kinuha ..
Kaagad na lumapit si sab at kinuha niya yung panyo at phone ni draven
Sabrina:salamat doc ,maraming salamat.
Doctor:sige ,mamaya pwede na siyang ma discharge ,yung pagkakaroon niya ng amnesia ay di naman yun magtatagal ,basta tutulungan niyo lang siya na maalala niya kung sino at ano talaga siya
Sabrina:sige po doc,gagawin po talaga namin yan,salamat po ..
Doctor:okey ..
Ayun umalis na si doc at nilapitan ulit ni sab si draven,
Sabrina:draven,alam ko ikaw yan kasi heto oh ! nandito yung panyo na binigay ko sayo ,pati heto ,kunin mo yung phone mo ,tingnan mo yung mga pictures mo diyan,pati mga messages ,para unti unti mong maalala ang lahat
Mama:(niyakap niya si draven)apo ko ,sorry kung pinaghinalaan kita,naniniwala na ako na ikaw si draven,,hindi naman mapupunta yung phone at panyo ni draven kung hindi ikaw yun,sorry talaga
Keith:okey lang po,kasi po kahit ako ay di ko alam kung sino ba talaga ako ,hehehe,pero masaya po ako kasi may mga pamilya pa pala ako,hehehe at sa akin ba tong phone na to,grabe parang ngayon lang ako nagkaganito,sobrang napakaganda ..
Ewan ko parang bigla na akong naniwala na siya si draven,parang mas lalo tuloy akong natuwa nung makita ko na okey na ulit si draven,iba yung pinapakitang ugali ngayon ni draven,parang gusto ko yung ugali niya ngayon,hindi ma angas yung boses,malambing ..
Ako:(nilapitan ko si draven)sorry anak ha ..sorry sa ginawa namin ,sorry talaga ..
Keith:nahihiya na po ako,bakit po kayo nagsosorry sa akin,wala naman po kayong kasalanan sa akin,
Sabrina:(hinawakan niya yung pisngi ni draven)hehehe,natutuwa naman ako sayo anak,salamat ha ..sana pag bumalik na yung alaala mo ay di ka na galit sa amin,
Keith:di ko po yun magagawa,parang di ko po kayang magalit ,hehehe
Mama:basta ang importante ay okey ka na apo ko ,tingnan mo yung mga pictures mo diyan sa phone mo baka may maalala ka ,hehe
Kaagad na binuksan ni draven yung phone niya,buti walang password yung phone niya at tiningnan niya na yung mga pictures sa phone niya ,
Keith:grabe ,marami pala akong kaibigan,sino kaya sila ..
Ako:sila yung mga matatalik mong kaibigan anak,yung katabi mo siya si macky boy at yung katabi ni macky ay si rocky at yung isa naman ay si drake ,di ko kilala yung mga babae na kasama niya ,basta yung tatlo na kasama mo diyan ay mga kaibigan mo ..gusto mo tawagan mo ngayon na si macky boy ..
Keith:ganun ba,wow ! Ang saya naman ,sige po ..
Ako:bakit di mo kami tinatawag na mama at papa ni sab ,draven pati yung lola mo,hehe
Keith:naiilang po kasi ako ,hehehe
Sabrina:ang cute mo naman anak,hehehe,sanayin mo yung sarili mo simula ngayon,tawagan muna kami ng mama at papa pati yung lola mo
Keith:sige po ,ma at sayo rin pa ,pati sayo rin lola,hehehe
Mama:ang sweet naman ng boses mo apo,kaya mo palang maging malambing ang boses,yun ang matagal na naming hinihintay,hehehe
Biglang dumating si febbie at si kevin ,kaagad na lumapit si febbie kay draven at niyakap niya ito
Febbie:motmot ,namiss kita,grabe buti nagising ka na ,wag ka ng maglalayas ha !
Keith:motmot ? diba draven yung pangalan ko .
Kaagad na inalis ni febbie yung pagkakayakap niya kay draven at nakita ko ang reaction ni febbie kay draven,gulat na gulat ..
Febbie:teka ,may amnesia ka draven ?
Sabrina:oo febbie may amnesia si draven ,kaya dapat tulungan natin siya para bumalik kaagad yung alaala niya,
Febbie:naku po tita ,kahit wag na po,hehehe,eh ..gusto ko yung draven ngayon,napakabait at malambing na ang boses niya,diba motmot ,hehehe(niyakap niya ulit si draven)
Napangiti na lang kami habang tinitingnan namin silang dalawa ,kaagad akong inakbayan ni kevin
Kevin:pare,mukhang di pa tayo talo,mukhang magkakasundo ulit yung mga anak natin,hehehe
Ako:kaya nga,parang bumabalik yung kabataan nila,hehehe
Keith:ang higpit naman ng yakap mo miss,hehehe,parang kailangan ko ng oxygen di ako makahinga ,hehehe
Kaagad na iniwas ni febbie yung yakap niya at pinisil niya yung pisngi ni draven
Febbie:matagal ko na tong gustong gawin sayo,di ko na to nagagawa sayo,hehehe,buti na lang may amnesia ka,di ka masungit sa akin,hehehe,hayss ..motmot namiss kita ..
Kevin:pare tara usap tayo sa labas,pag usapan natin tungkol kay framewore tinawagan ko na kanina si general
Ako:sige pare ..
Kaagad akong nagpaalam kina sab ,
Ako:sab,lalabas lang muna kami ni kevin,may pag uusapan lang namin
Sabrina:sige jazz ..(ngiti niyang sabi)
Heto lumabas na kami ni kevin ,nandito na kami sa labas ng kwarto ni draven
Itutuloy.