Gagawan ko ng POV dito si Keith ,kasi malaki rin ang role niya dito sa storyang to ,ano nga ba ang relasyon nila keith at draven ?
KEITH SAAVEDRA's POV:
Bakit ganun ? Bakit ni isa walang may nagmamahal sa akin,kahit sarili kung ina hindi ako magawang mahalin.Simula pagkabata ko ay palagi na lang akong sinasaktan ng ina ko pati yung kapatid ko ,na para bang hindi ako parti ng pamilya nila,pero kahit ganun ang ginagawa nila sa akin ay mahal ko pa rin sila ,sila na lang yung meron ako kasi ni isa wala akong kaibigan ,pati sa school binubully nila ako ,kaya ang dami ng pasa sa katawan ko ,meron na ngan peklat dito sa leeg at braso ko dahil sa pananakit sa akin ng kapatid at ina ko ,di ako lumalaban kasi alam ko balang araw ay magbabago ang pagtingin nila sa akin,iniisip ko na baka ampon lang ako ,hindi ako tunay na anak ng ina ko pero impossible naman yun kasi bakit inampon niya pa ako kung sasaktan lang din naman niya ako ..
Nandito ako ngayon sa sala gumagawa ng portfolio about sa nangyari noong world war 2 ..
Amanda:kuya ,sabi ni mama ,pumunta ka raw ngayon sa saint pauls ospital .
Siya si amanda yung pasaway kung kapatid,ni minsan hindi pa ako nirespeto nitong kapatid kung to ,mabuti nga tinatawag pa akong kuya ,hayssstt !
Ako:anong oras ? tapusin ko muna tong portfolio ko..
Biglang sumigaw si amanda
Amanda:ma ,ayaw sumunod ni kuya oh ! sabi niya ikaw na lang daw ang pumunta dun (sigaw niyang sabi kay mama)
Maya maya biglang lumabas si mama galing sa kanyang kwarto at kaagad na lumapit sa akin,
Mama maica:anong sabi mo keith (galit niyang sabi sa akin)
Kaagad akong tumayo
Ako:wala po ma ,pupunta na po ako dun ,maya ko na to tatapusin tong ginagawa ko (malumanay kung sambit sa kanya)
Mama:mabuti naman,akala ko di muna ako sinusunod,kung hindi masasaktan ka na naman,sige na umalis ka na ,(sigaw niyang sabi)
Ako:ligpitin ko muna tong portfolio ko
Mama:bilisan mo ,naghihintay na dun si doctor sanchez,
Ayun umalis na si mama na naka simangot ang mukha ,nakita ko si amanda na tuwang tuwa ,
Amanda:kawawa ka naman ,yan kasi feeling astig ..wag na wag kang magpapakita sa akin mamaya sa school,kasi nakakahiya ka di ka manlang marunong lumaban sa mga bully na mga engot na yun ,sayang yang pagiging charming looks mo kuya kung lalampa lampa ka ..
Ako:(busy sa pagliligpit ng gamit ko)sige na amanda umalis ka na ,kung wala kang matinong sasabihin sa akin.
Amanda:bading ka ba kuya ?
Ako:hindi !
Amanda:bakit parang ang lamya mo ,alam mo ba yung volleyball varsity player na si samantha ,may gusto sayo yun kaya ka palaging binubully nila rolly kasi insecure sila sayo,hindi naman ako against sayo pero kuya kailan ka ba lalaban ,kailan mo ba ipagtatanggol yang sarili mo.
Ako:bahala ka sa buhay mo amanda,alis na ako ,baka pagalitan pa ako ni mama ..
Nilapag ko na yung portfolio ko sa cabinet ..sa wakas may nasabing tama tong kapatid ko ,pero ewan ko nga bakit di ko kayang lumaban ,naduduwag ako sa isip ko lang ako matapang .
Alas 5 na ng hapon ,nandun pa kaya si doctor sanchez,bahala na ..isang oras pa naman yung biyahe dun papuntang saint pauls ospital,di ko alam kung bakit ayaw akong bigyan ng motor ni mama,mabuti pa si amanda may sasakyan na ,pero heto ako ,nag cocommute lang ..tsk ..ano pa ba yung ikakagulat ko ,eh ! simula bata hanggang ngayon wala siyang pakialam sa akin ..
Heto naghihintay na akong sumakay ng jeep ,at sakto may papalapit na jeep sa akin kaagad akong pumara ,buti hindi pa puno ,huminto na ito at ayun sumakay na ako ..
Umandar na yung jeep ,habang umaandar yung jeep papunta sa pupuntahan ko ay meron isang babaeng kaedad ko lang ,kanina pa tingin ng tingin sa akin,di ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin ,di ko naman siya kilala ,ng bigla siyang magsalita na ..
Quennie:draven ?
Teka ako ba ang sinasabihan ng babaeng to na draven ? baka nagkakamali lang siya keith kaya pangalan ko ,bahala siya di ko siya pinansin ,kaagad akong tumingin sa bintana ng jeep
Quennie:hoyyy !! draven ,anong ginagawa mo dun sa brgy.luna,may kamag anak ka ba dun ?
So ako nga ang sinasabihan niyang draven,kaagad ko siyang hinarap
Ako:sorry miss di ako yung tinutukoy mong draven.
Quennie:wehh !! ,teka parang malumanay yata yung pananalita mo draven,hahaha ,teka anyari ? Bakit bigla kang bumait ngayon,hahaha(sabay palo sa braso ko)
Sino ba yang draven na yan bakit niya ako tinatawag na draven,magkamukha ba kami,teka may kamukha pa pala ako kahit ganito na yung itsura ko .
Ako:seryoso ako miss ! keith ang pangalan ko hindi draven,sorry !
Nagtitinginan yung ibang pasahero sa amin,nakakahiya naman to ..
Quennie:okey ! baka magalit ka pa diyan,nakakatakot ka pa naman kung magalit,mag usap na lang tayo bukas sa school ,kasi sabi ni sir refuerzo sa akin kanina na bumalik ka raw sa basketball kasi ikaw raw yung magaling dun ,kesa kay ryan bukas na lang draven ,bababa na ako para poooo (sigaw niya)
Kaagad na huminto yung jeep .
Quennie:una na ako sayo draven,kitakits bukas ..bye..
Ayun bumaba na yung babae ,
Grabe ang lakas ng natirang vulcasel ng babaeng yun,nababaliw na yata,sayang ang ganda pa naman kaso mukhang may sira sa utak pati na rin sa mata,draven pinagsasabi niya ..siraulo ..
Maya maya after isang oras ay nandito na rin ako sa wakas sa saint pauls ospital ,6:10 na ng gabi,grabe anong oras na kaya ako nito makakauwi sa bahay mamaya ..kaagad akong bumaba at pumasok sa ospital at hinanap ko si doctor sanchez at buti na lang nandito pa siya,kaagad akong pumunta sa office niya at maya maya ay nandito na ako sa labas ng office niya ,dahan dahan kung binuksan yung pinto at nakita ko yung secretary niya ..
Secretary:yes sir ? Good evening po ..
Ako:pwede po ba kay doctor sanchez
Secretary:bakit sir ?.anong kailangan niyo kay doc ?
Ako:anak kasi ako ng kaibigan niya,sabihin niyo lang po na nandito si keith ,yung anak ni maica camarines
Secretary:okey po sir ..sandali lang..
Maya maya ay pinapasok na ako ng secretary ni doc sa opisina niya
Ako:good evening po doc .
Doctor:umupo ka iho ,talagang ang laki muna ngayon ha ,may girlfriend ka na ba ?
Ako:wala po doc,hehehe
Doctor:ganun ba ,sayang naman,nga pala heto yung strips at may machine na yan iho ,para sa blood sugar ng mama mo ,
Ako:diabetic pala si mama
Doctor:di ba niya sinasabi sayo,oo iho diabetic yung mama mo,at nandyan na rin yung regalo ko sa inyo ni amanda,hehehe ..maya muna buksan kapag nakauwi ka na ..
Binigay ni doc yung malaking box kaagad ko itong kinuha ..
Doctor:sige na iho baka gabihin ka pa lalo ..salamat sa pagpunta at sabihin mo sa mama mo na wag siyang magkakakain ng mga sweet foods
Ako:okey po doc,thank you rin po ,sige po alis na ako ..
Ayun nagpaalam na ako ,na dala dala ko tong malaking box na ito,kaya pala mainitin yung ulo ni mama sa akin kasi may sakit siya ,
Habang palabas ako ng ospital ay may tumatawag sa akin na number lang
Sinagot ko ito baka emergency
Ako:hello ?
Samantha:kieth,nasaan ka ? si samantha to ..
Teka saan nakuha ni samantha yung number ko .
Ako:nandito sa saints pauls ospital,bakit ?
Samantha:okey ,buti malapit ka lang dito ,please wag ka munang aalis diyan,please !!
Ako:nagmamadali kasi ako,baka hanapin ako ni mama,mag seseven na ng gabi .bakit anong kailangan mo
Samantha:may gustong makilala sayo ,tiyak magugulat ka
Ako:sino ?
Samantha:basta ,wag ka munang aalis diyan,madali lang ,pupunta na kami diyan,
Ako:sige,15 minutes yung paghintay ko
Samanth:okey,thank you ..sige papunta na kami diyan..
Binaba na niya yung linya ,heto lumabas muna ako ng ospital at dito muna ako umupo sa labas ..
Sakto tumatawag si mama sinagot ko kaagad ito
Mama:nasaan ka na (galit niyang sabi)
Ako:papunta na po ako ma,naghihintay na lang po ako ng jeep
Mama:bilisan mo !!!
Ako:opo ..
Ayun kaagad na pinutol niya yung linya ,ngayon naiintindihan ko na si mama kung bakit galit sa akin ..nasaan na ba si samantha ,akala ko ba madali lang sila ..10 minutes na yung paghihintay ko ,,
Lumipas na ang 15 minites ay heto tumayo na ako ,bahala siya ang tagal niya ,heto papunta na ako sa abangan ng jeep ng biglang may huminto sa harapan ko na kotse ,napahinto ako ,baka si samantha na to at nakita ko si samantha na bumaba may kasama siyang lalaki at dun ako nagulat as in gulat na gulat yung makita ko yung mukha at tindig na pangangatawan ng lalaking huling bumaba ng kotse,teka namamalikmata ba ako ,,bakit magkamukha kami ..teka anong nangyayari ,
Ganun din yung lalaking kamukha ko,gulat na gulat rin siya di siya makapagsalita ..
nagkatitigan lang kaming dalawa
Macky:shit !!! Totoo nga ang sinasabi mo sam,magkamukha nga sila ni draven,tang ina !! Pare kuhang kuha nga niya yang walangyang mukha mo ..
Samantha:seee !! Sabi ko sa inyo diba ..keith meet draven yung twins mo ,hahaha ,my ghaddd !! Magka face nga kayo,hehehe
Lumapit sa akin yung kamukha ko at hinawakan niya yung pisngi ko ..
Draven:tang ina !! sino ka ? Bakit magkamukha tayo ?
Itutuloy ..