Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 65 - CHAPTER 64:SWITCH IDENTITY

Chapter 65 - CHAPTER 64:SWITCH IDENTITY

KEITH's POV:

Draven:tang ina !! Sino ka ? Bakit magkamukha tayo ?

Gulat na gulat siya nung makita niya ako maski ako nagulat din sa kanya para kaming magkakambal , magkamukha talaga kami ,! sino kaya tong lalaking to na kamukha ko .

Samantha:draven ,siya si keith ,siya yung sinasabi ko sayo kanina pa .

Macky:pare,sigurado ka ba talaga na patay na yung kakambal mong si danver

Draven:di ko alam,yun ang sabi nila mama sa akin na patay na si danver pero paano nangyari na magkamukha kami ni keith .

Di ko alam kung ano ang kanilang pinagsasabi dito sa harap maski ako ay naguguluhan kung bakit kami magkamukha ng lalaking to.

Ako:di ko rin alam pero pasensya na ha !nagmamadali kasi ako kailangan ko na tong maibigay sa mama ko .

Samantha:hatid ka na namin keith dun sa inyo

Draven:sandali lang ! keith pwede bang humingi sayo ng favor,please !!

Ako:ano yun ?

Draven:tutal magkamukhang magkamukha tayo kahit saang anggulo ,promise magbabago yung buhay mo kapag pumayag ka sa favor ko !

Ako:ano nga yun ?

Draven:gusto kung makipagpalit sayo,gusto kung magpanggap ka bilang ako !

Pagkasabi nun ni draven ay nagulat at napa isip ako..

Ako:siraulo ka ba ? Bakit ko naman gagawin yun at ayokong manloko ng tao lalo pa't yung mga magulang at mahal mo sa buhay ang lolokohin ko !

Draven:di mo kasi alam kung bakit ko to ginagawa,sinabi ni samantha sa akin na mabait ka at achiever ,malayo yun sa ugali ko ,baka pag magkapalit tayo ay mahalin na ako ng erpat ko ,lumayas kasi ako ngayon sa bahay ,kasi pinalayas ako ng erpat ko,isang buwan lang naman yung hinihingi ko keith at pangako babaguhin ko rin yung nakasanayan mong buhay dun sa pamilya mo pati sa mga kilala mo,yung ikaw ang binubully nila pero ngayon hindi na mangyayari yun kasi magpapalit na tayo,ano keith payag ka ba ? sige na !

Samantha:keith ..

sumasang ayon ako kay draven

Macky:ako rin ..

Napaisip ako ng malalim sa sinabi ni draven,tama siya gusto ko rin baguhin yung dating ako pero gusto ko na ako ang gumawa nun pero di ko kaya ,kaya ewan ko parang gusto ko yung sinabi ni draven ,alam ko na mali to at maari na mabuko kami sa ginawa namin .

Draven:keith ,ano na ? umaandar yung oras,ano na ang desisyon mo,pangako di ako gagawa ng masama laban sa mga mahal mo sa buhay .(sambit sa akin habang nasa harapan ko).

Ako:sige !

Ewan ko bigla akong napasabi na sige ! di ko alam bakit pumayag ako sa kanya nakaramdam kasi ako ng awa kay draven na para bang nasasaktan rin ako ,ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya ,nararamdaman ko na di siya nagsisinungaling na sincere siya at pursigido sa sinasabi niya .

Draven:yesss ! salamat keith(bigla niya akong niyakap)

Ako:sige ! tara na baka hinahanap na ako ni mama .

Inalis na niya yung pagkakayakap niya sa akin

Samantha:oh ! right ,hehehe tara na ..

Ayun sumakay na kami sa loob ng kotse ni samantha ,magkatabi kami ni draven pina andar na ni macky yung kotse .

Draven:keith ,anong pangalan ng mama mo at may kapatid ka ba?

Ako:maica camarines yung name ng mama ko at yung lola ko ay si vivian camarines,isa lang yung kapatid ko si amanda ,may pagka maldita yung kapatid kung yun .

Draven:ah ! ganun ba ,sige tatandaan ko pangalan nila,magpalit tayo ng suot baka mahalata nila,wala naman akong putok ,hehehe

Ako:sige ..

Ayun hinubad na namin yung mga damit namin ,naka sando lang si draven at naka short ,nakapambahay lang siya,pinalayas nga siya .Nagpalit na kami ng suot ..

Ako:tiyak magtatanong si mama niyan ,kasi amoy alak ka draven

Draven:eh ! sasabihin ko na uminom lang ako saglit,bakit di ka ba umiinom ?

Ako:umiinom naman pero hindi permanente,magtataka lang kasi yun,

Draven:natatakot ka ba sa ermat mo keith,hehehe ! mama's boy ka pala eh !

Samantha:sinabi ko na sayo diba draven na sinasaktan siya ng mama niya,kaya ikaw draven,dapat di mo sagot sagutin yung mama ni keith baka mahalata ka niya

Draven:tingnan lang natin,hehehe ! di ko yata yun makakaya na maging silent lang ako.

Maya maya ay nandito na kami sa bahay .

Draven:yan ba bahay niyo keith

Ako:oo ,basta draven ha ! yung usapan natin,

Draven:ako ang bahala,ikaw rin keith ! akin na yang hawak mo at magpalit na tayo ng cellphone ,nga pala keith yung name ng mama ko ay sabrina del pilar at yung papa ko naman ay jazz andrie reyes,wala akong kapatid kaya wala kang problema,hehehe

Ako:sige ! ang gagawin ko lang naman ay maging mabait sa kanila diba ?

Draven:oo ,yun lang

Binigay ko na kay draven yung kinuha ko kay doctor sanchez at nagpalit na kami ng cellphone at ayun bumaba na si draven ..di muna kami umalis dito hinintay namin na makapasok si draven ,

Samantha:ano keith,tara na ..

Ako:sige ! sana di mahuli si draven na nagpapanggap lang siya na ako

Macky:magaling yun ! wag kang mag alala keith ,hehehe ! grabe nakaka excite naman tong eksena niyo,hahaha

Samantha:sinabi mo pa ,,tiyak gaganahan na akong pumasok sa school kasi magka klase na kami ni draven.

Macky:akala ko ba si keith yung gusto mo,hehehe

Samantha:hindi kaya di nga yan nagsasalita dun sa klase nagulat nga ako at nagsalita to ngayon pati sinagot niya yung tawag ko

Ako:pasensya na sam ha ! nahihiya lang kasi ako ..

Samantha:okey lang,sanay na ako ,nga pala keith ,paano kapag mahalata ka ng mama at papa ni draven

Ako:edi magsasabi ako ng totoo ,

Macky:wag naman sana,di pa nga nagsisimula yung eksena nila,hahaha ,

Samantha:hahaha,how sad naman kung ganun,nga pala keith ,alam mo ba yung address nila draven,di na kasi kita mahahatid sa kanilang bahay ..

Ako:oo pero yung exact na bahay nila di ko alam

Samantha:pinapa uwi na kasi ako nila papa ,ikaw macky samahan mo na lang si keith

Macky:may pupuntahan pa ako sam,dito na lang ako bababa na ako,

Biglang pinahinto ni sam yung kotse at bumaba na si macky ,,

Samantha:keith,pasensya na ha ! di na kita maihahatid ..

Ako:okey lang ,saan mo ba ako ibababa

Samantha:dun sa may san lazaro street ,malapit na lang yun sa bahay nila draven,pwede kang magtanong,kanina pa kasi text ng text si papa eh ! galit na galit na siya baka kalbohin ako nun !

Ako:sige !

Samantha:thanks (sabay ngiti sa akin)

Ayun pina andar na niya ulit at maya maya ay nandito kami bumaba na ako at nagpa alam na kay samantha ..

Heto naglalakad ako ,wala talaga akong makita tao dito na tumatambay ,anong lugar to ,ang tahimik naman dito ,habang naglalakad ako ay parang may sumusunod sa akin ,pero di ko ito pinansin,nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad ng biglang may tumawag ng pangalan ni draven pero di ko ito pinansin ,hindi naman ako si draven eh ..

Framewore:anak ka diba ng mayabang na pulis na jazz na yun

Pagkasabi niya yun ay bigla akong napatigil ,so kilala niya pala si draven pati yung papa ni draven ,kaagad ko siyang nilingon at nagulat ako nung hinarap ko siya kasi nakasuot lang siya ng mask na parang kay robinhood ,yung mukha lang niya yung nakatakip pati may sombrero siya ..

Ako:sino ka ?

Framewore:pasensya na kung nadamay ka sa kasalanan ng tatay mong hambog ,

Bigla siyang lumapit sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong saksakin ,lalaban na sana ako pero biglang namanhid yung katawan ko at ayun sinaksak niya ako ng maraming beses hanggang sa mawalan ako ng malay ..

Paggising ko ..

Nagulat na lang ako na nandito na ako sa ospital,at sino tong mga kasama ko dito ..biglang lumapit sa akin tong babaeng to ..

Sabrina:draven,anak okey ka na ba ?

So ito pala yung mama ni draven,grabe ang bata pa niya parang magkapatid lang sila ni draven ,kunwari di ko alam pangalan niya ,kaya kunwari nagkaroon ako ng amnesia ..

Ako:sino po kayo ?

Pagkasabi ko nun ay nagulat yung mama ni draven at bigla na lang tumulo yung luha niya .

Lola emerald:hindi to maari ,draven apo ko ,di mo kami kilala ?

Kaagad na lumapit sa akin yung lola ni draven ..

Ako:wala po akong matandaan ..

Mama sab:diyos ko po,huhuhu ,lord bakit niyo ba to nagagawa sa akin,huhuhu ..draven anak ,ako to ,mama mo ..

Ako:sorry po ,wala po talaga akong maalala ..

Biglang may tinawagan si mama sab ,yung papa yata ni draven yung tinawagan niya,

Lola emerald:sigurado ka ba talaga na wala kang maaalala,kilala ko yung apo ko ,hindi ganyan yung boses niya ..

Nagulat ako sa sinabi ng lola ni draven ,grabe nahalata niya kaagad na hindi ako yung apo niya ,patay paano na to ..

Lola emerald:bakit di ka makasagot ?

Ako:di ko po alam yung sinasabi niyo ..

Lola:tingnan mo to ,bakit bigla kang nagkaroon ng marka diyan sa leeg mo pati dito sa braso mo ha ..ni minsan di nagkaroon ng ganyan si draven

Heto na nga yung sinasabi ko,bakit bigla akong kinabahan ,ano na ang gagawin ko ..

Mama:ma ,wag mo naman ganyanin si draven,kita mo ng may amnesia siya ,papunta na dito si jazz ,pati yung doctor

Lola:sab ,di ka ba nagtataka ,tingnan mo siya ..ang daming nagbago sa kanya,kilala ko si draven ,kasi ako ang nag alaga sa kanya simula bata ,

Mama sab:kanina ko pa yan napapansin,pero di ko na yun inintindi ma ,ano may kamukha si draven,matagal ng patay si danver,tanggap ko na yun,baka di lang natin nahalata ng mayroong marka si draven sa leeg at braso niya,yung pananalita naman niya ,baka sanhi lang yun ng pagkakaroon niya ng amnesia

Parang nakaramdam ako ng saya nung sinabi yun ni mama sab ,buti na lang di siya kagaya ni lola,hehehe mukha mapapa amin na tuloy ako nito ng di oras,

Lola:ay ewan ..

Maya maya dumating na yung papa ni draven,grabe bakit parang mukha bata pa yung mga magulang ni draven,para niya talagang kapatid yung mama at papa niya ,at nagulat ako nung bigla siyang nag sorry sa akin,humingi siya ng tawad,grabe nakaka inggit naman si draven,ang babait naman pala ng magulang niya ,tapos sasabihin niya na di niya ito kasundo ,sana ganito rin si mama maica ,ang sarap naman sa feeling na magkaroon ng ganitong mga magulang ..

Maya maya dumating na yung doctor at yun na nga sinabi niya na may amnesia ako,buti na lang at ganun si papa jazz ayaw niyang maniwala na ako si draven kaya buti na lang na akin yung cellphone ni draven ,buti na lang at nagpalit kami ,at ayun naniwala na si lola emerald pati si papa jazz,grabe ang saya pala ng pamilya ni draven,nagtataka ako bakit nakipagpalit siya sa akin..maya maya biglang may dumating na babae at yung papa niya yata to .nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin,

Febbie:motmot ,namiss kita ..(sabay yakap sa akin)

Teka sino tong babaeng to bakit ang ganda niya ,baka kaibigan to ni draven sana all maraming kaibigan nung sinabi sa kanya ni mama na may amnesia ako ay nalungkot tong si febbie at biglang natuwa ,siraulo rin to ,,mas masaya raw siya ng ganito ako kesa sa dati .

-----------------

DRAVEN's POV:

Grabe di ko talaga inaakala na mayroon akong kamukha,grabe halos kopya niya lahat yung mukha ko,kung di lang patay yung kambal ko baka isipin ko na magkapatid kami tong si keith,

Nung sinabi sa akin ni samantha na may kamukha ako ay kaagad na sumagi sa isip ko na magpalit kami ni keith kasi di ko pa kayang magpakita kina mama at papa,gusto ko muna makita kung sino ako ,kaya nagpapasalamat ako na pumayag si keith sa favor ko ,sana di siya mahalata nila papa pati si lola ,,

Nandito na ako sa bahay nila keith,pagbukas ko ng pinto ay sumalubong kaagad yung kapatid niya yata to na nakasimangot at naka kunot yung noo ,

Amanda:ma ,nandito na si kuya,mukhang naka inom yata ,amoy alak ,(sigaw niya)

Ewan ko di ko napigilan yung sarili ko bigla kung tinakpan ang bibig ni amanda at binulungan ko siya sa tenga niya

Ako:sige subukan mong sumigaw,at itatapon kita palabas ng bahay ..

Pagkasabi ko nun ay nakita ko ang mukha ni amanda,nagulat siya at nagulat ako ng bigla niya akong tinulak

Amanda:sino ka ? di ikaw ang kuya ko ,bakit nag iba yang boses mo ..

Ako:isa akong espiritu na sumanib sa katawan ng kuya mo,kaya pag magsalita ka pa diyan,lilipat ako diyan sa katawan mo (pananakot ko sa kanya)

Amanda:mama ,,mama halika dito ..(sigaw niya ulit)

Totoo nga maldita na tong kapatid ni keith,dapat turuan to ng lection ,maya maya lumabas na yung mama ni keith,teka parang namumukaan ko tong mama ni keith,parang nakita ko na siya,saan nga ba yun ?

Maica:ano ba !!(galit niyang sabi)wow ! buti naman at naisipan mo pang umuwi keith ,nasaan na yung binigay ni doc sanchez

Ayun kaagad kung binigay sa kanya at nagulat ako ng bigla akong sampalin tong mama ni keith,kaya di ko napigilan sarili ko

Ako:bakit mo yun ginawa ? umuwi naman ako diba ? Naibigay ko na sayo yung pina utos mo sa akin ? Sabihin mo bakit kailangan mo akong sampalin ?(galit kung sabi sa kanya)

Ayun nagulat na naman si amanda pati si maica ,grabe pala nila apihin si keith ,tsk !

Amanda:tingnan mo ma,marunong ng sumagot yang keith na yan ..

Ako:ano sabi mo amanda ? tinawag mo lang akong keith ,napaka walang respeto mo talaga ..

Maica:kailan ka pa naging ganyan ,porket nakainom ka ? Kailangan muna akong sagot sagutin ..pumasok ka ! (galit niyang sabi)

Ayun pumasok na lang ako at nagulat ako ng biglang inihagis sa akin yung makapal na libro buti nasalo ko ito..

Balak ko na sanang ibato sa kanya tong libro na hawak ko buti na lang napigilan ko sarili ko ,naisip ko si keith ..

Maica:mag uusap pa tayo bukas keith,pasalamat ka ! pagod ako ngayon at wala akong oras na saktan ka ,dito ka matulog sa sala ,,amanda tara na .

Amanda:buti nga sayo lumalabas na yung pagka demonyo mo .(pagtataray na sabi sa akin)

Di na lang ako nagsalita baka kung ano pa ang mangyari haysstt !.akala ko pa naman magiging okey na,mas malala pala yung pamilya ni keith kesa sa pamilya ko , tang ina !

Itutuloy.