Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 60 - CHAPTER 59: ALYAS FRAMEWORE ?

Chapter 60 - CHAPTER 59: ALYAS FRAMEWORE ?

DRAVEN's POV :

Tapos na ang dalawang subject namin heto kaagad akong tumayo sa aking upuan ,kaagad na lumapit sa akin si febbie.

Febbie:motmot ,di ka ba ngayon maglalaro ngayon ng basketball diba semi niyo ngayon.

Ako:ayoko ng maglaro niyan ,ipapaubaya ko na lang sa hambog na ryan na yan yung pagka MVP ko ,baka kasi malungkot siya kapag nasungkit ko yun.

Ryan:sabihin mo natatakot ka lang !

Ako:(tiningnan ko ng masama si ryan)nakakahiya naman sayo ,pasalamat ka nga naaawa pa ako sayo .

Ryan:hahaha ! okey sabi mo eh ! (tiningnan niya si arianne)arianne manood ka mamaya ha !.tingnan mo kung gaano ako kagaling maglaro,hehehe

Arianne:sige(ngiti niyang sabi)

Ako:hambog ,wala namang maipapakita tingnan lang natin mamaya .

Kaagad akong umalis baka masapak ko pa yung pagmumukha ng ryan na yun.

Febbie:so maglalaro ka na motmot(sinundan niya ako)

Ako:oo sana kaso wala akong dalang jersey .

Arianne:meron ako ditong extra jersey gusto mong hiramin.

Nagulat ako sa nagsalita walang iba kundi yung panget na ito,nagkakalat pa talaga yung buhok niya ,pati yung salamin niya di niya maayos sa pagsuot .

Ako:wag na baka may amoy pa yan,mahawa pa ako sa baho niyan.

Febbie:talaga arianne may extra jersey ka diyan,akin na ! hehehe

Arianne:oo ,palagi kasi akong nagdadala ng extra na damit ,sakto lang jersey ni felvin ang nadala ko .

Ako:di na lang ako maglalaro at febbie umalis ka na,wag mo na akong sundan ,maliwanag ba ! (galit kung sabi kay febbie)

Febbie:motmot naman eh ! akala ko ba ayaw mong magpatalo sa ryan na yun,bakit parang natatakot ka na ngayon.

Ako:wala rin namang saysay kung ako ang maging MVP dun kasi wala namang pakialam yung mga magulang ko .

Arianne:so susuko ka kaagad,hindi porket wala silang pakialam sayo ay susuko ka na sa pangarap mo,patunayan mo sa kanila na kaya mo na wala sila .

Nagulat na naman ako sa sinabi ng panget na ito kaya nilapitan ko siya at tiningnan ko yung napakasama niyang mukha.

Ako:anong karapatan mo na magsalita ka sa akin ng ganyan !(tinulak ko siya pero mahina lang)sa susunod na magsalita ka ulit,lagot ka sa akin at ayaw mo nun magiging bida na yung hambog na ryan na yun diba idol mo yun,di ka talaga ano nahihiya nagpapakita ka sa amin na ganyan yang itsura mo,kung ako sayo itago mo na lang yan sa cabinet para may pakinabang ka sa mundo wala ka ng pag asang gumanda pa.

Pagkasabi ko nun ay bigla niya akong sinampal ng malakas at nakita ko siya na biglang tumulo yung luha niya.

Arianne:wala kang kwentang tao ,napaka perfect mo ! (galit niyang sabi sa akin)

Kaagad na tumakbo palayo si panget at bigla akong tinulak ni febbie.

Febbie:bakit mo naman ginawa yun kay arianne,alam mo ba na muntik na yun magpakamatay dahil palagi siyang binubully sa dati niyang school tapos gaganyanin mo lang siya ,draven di na talaga kita kilala,ikaw pa ba yan .

Ako:saan mo naman nahagilap yang storya na yan at kasalanan niya kung bakit siya binubully kasi hindi siya marunong mag ayos

Febbie:kay ryan sinabi sa akin ni ryan at draven di naman kailangan ayusin niya yung buhay niya o mukha niya ang dapat ayusin dito ay yung nagbubully sa kanya kasi napaka perpekto naman nila para pagsabihan nila ng ganyan si arianne at isa ka na dun draven.

Ako:ewan ko sayo,wala akong pakialam sa kanya pati na rin sayo bahala ka ! wag kang susunod sa akin kung ayaw mong pati ikaw ay pagsalitaan ko ng ganyan.

Di na nagsalita pa si febbie ,heto umalis na ako mga wala talagang kwenta yung mga taong nakapaligid sa akin,akala niya makokonsensya ako ,manhid na kaya to !

Heto palabas na ako ng school ,di pa ako gaanong nakakalabas ng school ay nakita ko si panget na sinasaktan siya ng tatlong babae,parang grupo nila quennie yung nakikita ko ,sinasabunutan nila ang buhok ni panget ,yung bag ni panget ay sinira ng isang babae at binuhusan pa ng tubig yung uniform ni panget,yung mga studyante naman ay walang ginawa kundi tingnan lang nila na sinasaktan si panget ,ewan ko gusto kung di na lang pansinin yung nakita ko at maglakad na lang pero bigla ko silang pinuntahan ,kinuha ko yung phone ko at kinunan ko sila ng video saka ko sila sinigawan

Ako:hoy ! tigilan niyo yan kundi ipapakita ko to sa dean at ipopost ko ito sa social media yung pinagagawa niyo(sigaw na sabi ko sa kanila)

Pagkasabi ko nun ay napatigil sila at kaagad na tumakbo ,nilapitan ko si panget at itinayo ko siya ,iyak siya ng iyak ,gulong gulo na yung buhok niya

Ako:grabe hinahayaan mo lang na ganyanin ka nila,wala ka na ba talagang silbi sa mundo,pati sarili mo pinababayaan mo ,di mo kayang ipagtanggol yang sarili mo

Arianne:salamat ,huhuhu !

Ako:sumama ka sa akin

Arianne:saan mo ako dadalhin

Ako:sa lugar kung saan walang impossibleng gumanda,kaya sumama ka sa akin !

Arianne:ayoko ! sabi mo na wala na akong pag asang gumanda at dapat itago ko na lang ito sa cabinet .

Ako:bahala ka ! ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong choossy ! ang panget mo na nga ,choossy ka pa ! bahala ka sa buhay mo .

Ayun iniwan ko siya badtrip pasalamat nga siya inalukan ko siyang magpaganda.

Di na ako papasok sa last subject ko ,pupuntahan ko na lang si macky boy yung gago kung tropa ,ewan ko kung nandun sila sa tree house na ginawa naming apat nila macky boy .

Sumakay na ako ng taxi at maya maya biglang tumawag yung erpat kung pulis sinagot ko na lang baka bugbugin na naman ako nun.

Ako:hello !

Papa:nasaan ka ?(galit niyang sabi)

Ako:nandito sa school ,alangan naman nasa presinto .

Papa:kilala mo si arianne dela cruz ,alam ko magka klase kayo

Kaagad akong nagtaka sa sinabi ng erpat ko ,ano na naman kaya tong ipapagawa sa akin,bwesit !!

Ako:bakit ?

Papa:anak siya ng ninong ramos mo ,alam mo naman kung ano ang sitwasyon niya diba ?

Ako:na palagi siyang binubully ,so ano papabantayan mo ako sa kanya .

Papa:oo draven ,bantayan mo siya at wag mong hahayaan na ma bully siya diyan,kasi ako ang nagsabi kay ramos na diyan na lang sa school mo mag aral si arianne kasi nandiyan kayo ni febbie ,magtatanggol sa kanya

Ako:ano pa nga ba ,oo wag kang mag alala ,kasalanan naman kasi niya kung bakit siya nabubully

Papa:draven ,bawas bawasan mo yang ugali mo ,di ko na yan nagugustuhan,di mo alam kung ano ang pinagdaraanan ni arianne .

Ako:oo na ,sige na ! ibababa ko na to .

Papa:sige ! yung usapan natin ha !

Ako:oo sabi bye !

Ayun pinatay ko na yung tawag,ginawa pa akong bodyguard dun sa panget na yun,bwesit !! as if naman gagawin ko yung inuutos niya .

Driver:sir ,saan po kayo bababa ,

Ako:dun sa may flores street sa may waiting shed lang.

Driver:ah ,sige ! malapit na tayo

Maya maya ay nandito na ako sa flores street ,kaagad akong nagbayad at bumaba na ..

Tinawagan ko na si macky boy ..

Ring.ring.ring.

Macky:oyyy,pare anong problema ,ba't napatawag ka ?

Ako:nasaan ka ? nasa tree house ka ba ngayon pare,tara tagay tayo ngayon ,nauuhaw kasi ako ,hehehe

Macky:papunta kami ngayon ni drake sa cerebro ,sama ka ?

Ako:kayo lang ni drake ?

Macky:oo ,may chikababes kaming kasama ,tiyak magugustuhan mo yung isang chikababes

Ako:sige,sama ako nasaan ka ngayon ?

Macky:andito pa ako sa last subject ko pare ,

Ako:tang ina ! umalis ka na diyan,para namang nag aaral ka ng mabuti,hahaha ! ako nga di ko na tinapos last subject ko

Macky:wag pare,baka palayasin ako ng erpat ko,kilala muna man yun ,mas matindi pa yun kesa kay tito jazz

Ako:haysstt ! sige sige,tatambay lang muna ako dun sa tree house ,sige walangya ka !

Ayun pinatay ko na yung tawag at pumunta na ako sa tree house ,malapit lang sa bahay nila macky boy ..

Ng biglang tumawag ulit si papa ,ano na naman ba ang kailangan niya ..tsk !!

Ako:hello !!

Papa:nasaan ka ? sabi ni febbie di ka na pumasok sa last subject niyo pati sa last game niyo ng basketball di ka naglaro ,nasaan ka !!!(galit niyang sabi habang sinigawan ako)

Talagang ginagalit ako ng febbie na yun,napaka sipsip talaga,hayssstt !!! tang ina !! humanda siya sa akin pag magkita kami,bwesiitttt siya !!!

Papa:hoyy !! sumagot ka !! Nasaan kang bata ka !! Ginagastusan ka namin ng mama mo tapos ito ang gagawin mo ,wala ka na ba talagang kunting respeto manlang sa amin ha !

Ako:wag kang mag alala ,di ako gagamit ng marijuana ,nandito ako ngayon kina macky ,ngayon lang naman ako di pumasok kasi tinatamad ako ..

Papa:umuwi ka na ngayon sa bahay,pag di kita maabutan mamaya pag uwi ko,ako mismo ang pupunta diyan kung nasaan ka,draven wag mong sasagarin yung galit ko sayo kung ayaw mong masaktan ka !

Ako:oo na ,uuwi na ako ! sige na ibababa ko na to ..bye !

Ayun pinatay ko na kaagad yung tawag ,nakaka putang ina talaga yung febbie na yun bwesit siya !!!!!

Tinawagan ko si macky ..

Ring.ring.ring

Macky:pare,mamaya na matatapos na kami dito ..

Ako:pare,di na ako makakasama sa inyo galit na galit yung erpat ko ,tang ina !! ginagawa akong baby ,next time na lang pare.

Macky:hahaha ! akala ko ba matapang ka pare,sige sige ,kami na lang nila drake basta humabol ka na lang pare pag makagawa ka ng paraan,hahaha

Ako:walangya ka talaga ! trashtalk pa more pare hahaha,sige !

Pinatay ko na yung tawag ,heto sasakay na naman ako ng taxi ..tsk !! Bakit ba puro kamalasan tong nangyayari sa buhay ko ,walangya !! parang gusto ko ng lumayas sa bahay,ayoko ng tumira dun pero saan naman ako kukuha ng pera para sa araw araw ko,magtratrabaho ako,ano ba ang alam ko sa trabaho,eh !magluto ka ng itlog di ko alam pati maghugas ng plato ,tang ina ! napaka walang silbi kung tao ..

Biglang may dumaan na taxi at pinarahan ko ito .agad na huminto yung taxi ..

Kaagad akong sumakay at nagulat ako sa kasabay ko dito sa loob walang iba kundi tong panget na arianne na to ! nagulat siya nung makita niya ako ..

Ako:wow ! ha ! ikaw pa tong nagulat ,wag kang dumikit sa akin baka mahawa ako sa kapangitan mo .

Arianne:si tito jazz pala yung papa mo .

Ako:as if naman di mo alam,baka nga kanina mo pa ako sinusundan , stalker ka ba ?

Arianne:hindi ,,di ko yun gawain kasi tumawag sa akin si tito jazz kanina sabi niya ikaw na raw bahala sa akin.

Ako:naniwala ka naman,bakit kapatid ba kita ,girlfriend ba kita ha !

Arianne:sorry ! ako na lang ang lalayo para wala ng gulo.

Ako:siraulo ka ba o talagang intensyon mong magalit sa akin si papa,sige pag ginawa mo yun,lagot ka sa akin !

Arianne:sabi mo wala kang pakialam sa akin .

Ako:basta ! sumama ka sa bahay ngayon,para naman di masyadong magalit sa akin sila papa,pag kasama kita .

Arianne:talagang dun naman ang punta ko sa bahay niyo,pinapupunta ako ni tita sab .

Ako:grabe ! tsk !

Driver:nandito na tayo sa fisherman village .

Ako:bayaran mo ! wala akong pera dito ..(kaagad akong bumaba)

Maya maya ay bumaba na rin si panget di kami magkasabay na pumasok sa gate at binuksan ko na ang pinto .

Mama:draven ,anak buti nandito ka na at wow ! magkasama na pala kayo ni arianne (sabay yakap kay panget)

Grabe di man lang ako niyakap ni mama,,tsk..

Nakita ko si febbie na ngumiti sa akin,balak niya akong lapitan pero sinungitan ko siya

Ako:umalis ka !! wag mo akong lalapitan akyat na ako sa taas ma .

Nakita ko ang malungkot na mukha ni febbie ,pasalamat nga siya yun lang ang ginawa ko sa kanya ..

Mama:anak ,sumabay ka na sa pagkain

Ako:di ako nagugutom,mamaya na ako kakain,

Febbie:hayaan na lang po muna natin si draven tita,pagod lang yata siya.

Ako:bwesit !!

Mama:draven,halika nga dito ..(sinigawan ako)

Ako:(bigla kung hinarap si mama)ano ???

Mama:mag sorry ka kay arianne pati kay febbie

Ako:ayoko nga ,bakit naman ako magsosorry ,eh ! sila nga yung may kasalanan sa akin,ayoko !!

Kaagad akong umakyat sa taas ,di na ako kinulit ni mama ,buti naman at akala ng febbie na yun na magsosorry ako ,bukas lang siya humanda siya sa akin.

Kaagad kung hinubad yung uniform ko ,pati t shirt ko ,bali naka boxer na lang ako ng biglang may bumukas ng pinto at nagulat ako kasi nakita ko si panget na nakatingin sa katawan ko at kaagad tumingin sa pagkalalaki ko kung saan bakat na bakat ito ,kaagad niyang pinikit yung mga mata niya at tumalikod.

Arianne:sorry !

Kaagad kung tinakpan ng unan yung ibaba ko .

Ako:umalis ka !! panget ka na nga manyakis ka pa ,nagpapa simple ka pa.

Arianne:nandiyan na kasi si tito jazz,pinapatawag ka sa baba .

Ako:umalis ka na,oo bababa na ako,(hinagisan ko siya ng unan na matigas)

Arianne:aray !! sige .

Kaagad na umalis si panget,waaaahhh !! lord ,

Talaga bang iniinis mo yung araw ko ngayon.

Kaagad akong nagbihis,naka sando lang ako at ayun bumaba na ako nakita ko si febbie na nakatingin sa akin habang pababa ako

Febbie:ang hot talaga ng motmot ko,hehehe

Mama:halika anak kumain ka na !

Papa:kumain ka na dito ,mabuti naman at umuwi ka ..

Nilapitan ko sila at tumabi ako kay panget,binulungan ko siya

Ako:alam muna ang sasabihin mo sa kanila,wag kang magkakamaling magsabi ng totoo ,

Napalunok na lang si panget

Mama:ano yung binulong mo sa kanya anak,grabe close na kayo kaagad,hehehe

Papa:arianne ,sabihin mo ,anong ginawa sayo ni draven kanina,pinagtanggol ka ba niya.

Tiningnan ko ng masama si panget at tumingin siya sa akin at kaagad siyang nagsalita na

Arianne:opo tito,siya po ang nagligtas sa akin kanina,habang binubully ako ng tatlong babae kanina.

Papa:mabuti naman,sa wakas nakagawa ka na rin ng tama ,pagpatuloy mo lang yan draven kasi bukas sasamahan mo si arianne dun sa exhibit niya.

Ako:may klase ako bukas at ano ako,bodyguard niya ! ayoko nga ..

Febbie:ako na lang ang sasama kay arianne tito

Mama:draven,di lang naman basta exhibit yung pupuntahan niyo ni arianne

Ako:bakit ano bang klaseng exhibit yun ..

Papa:magiging spy kayo ni arianne bukas.

Ako:spy ?

Papa:oo,tutulungan niyo kami sa kaso ni alyas framewore mga studyante yung pinoponterya niya,may kutob ako na si de paz ang leader nila.

Ako:gagawin niyo kaming pa in , grabe bakit dinadamay niyo kami sa problema niyo,ayoko !!(kaagad akong tumayo)

Itutuloy..