SABRINA's POV:
Sobrang excited ko nung ilalabas ko na sa wakas yung twins ko di na ako makapaghintay na makita ko sila .
Nung oras na nilabas ko yung isang kambal ko ay labis akong natuwa kasi narinig ko ang kanyang unang pag iyak at dun ako sobrang natuwa nung ilabas ko yung 2nd twins ko kasi sa wakas nakaluwag na rin ako at sa wakas makikita ko na rin sila after 9 months na nandun sila sa loob ng tummy ko .Thank you lord ! parehong malulusog yung twin boys ko yung marinig kung umiyak yung 2nd twins ko ay sobrang gumaan yung pakiramdam ko na para bang nakakita ako ng maraming anghel sa langit kaya unti unti kung pinikit yung mga mata ko sa sobrang pagod .
Paggising ko nakita ko si jazz na umiiyak at matamlay ang mukha kaagad akong nagtaka bakit siya matamlay ,eh ! dapat maging masaya siya kasi isa na siyang ganap na daddy ngayon lalo na mga lalaki yung mga anak niya ,ganun din sila abegail at nicole ,ano ang nangyayari sa kanila ?
Jazz:sab ! please wag kang magpapadala ng emosyon mo , okey ! ganito kasi yun.(sabay hawak ng kamay ko habang malungkot yung emosyon niya)
Bigla akong kinabahan nung sabihin yun ni jazz ng biglang pumasok yung nurse at karga karga na niya yung anak ko pero laking gulat ko bakit isa lang ang dala niya, kaagad kung kinarga yung isang kambal ko at nagtanong ako sa nurse kung bakit di pa dinadala dito yung isa ko pang anak .
Dun ako lalong nagulat at kinabahan sa sinabi ng nurse at nilagay ko muna yung anak ko sa kama at hinawakan ko ang pisngi ni jazz at napasabi na.
Ako:jazz ! tell me ? What happen ? anong nangyari ? Di na ako natutuwa parang kinakabahan ako sa kutob ko,wag naman sana.
Jazz:sab,isa lang ang nabuhay sa kambal hindi naka survive yung isa(kaagad na tumulo yung luha niya)sab kinuha siya kaagad ni lord.
Para akong binaril ng maraming beses dito sa puso ko sobrang bumagsak yung mundo ko nung marinig ko yun mula kay jazz biglang tumulo yung luha ko pero bakit di ako nakaramdam ng kaba o takot ,kasi naniniwala ako na buhay pa yung isa kung anak.
Di ko napigilan na umiyak ng umiyak ,sobra akong nanghihina ngayon lalo pa't nalaman ko na di naka survive yung anak ko pero bakit ganun ,bakit nararamdaman ko na buhay pa siya kaagad kung pinatawag yung doctor na nagpa anak sa akin kasi gusto ko talaga malaman ang totoo na buhay pa ang anak ko .
Jazz:sab ! Kalmahin mo muna sarili mo okey ! please !! baka mapano ka .(pag aalalang sabi niya habang hawak hawak kamay ko)
Ako:jazz ! huhuhu (bumuhos yung luha ko) di ko mainitindihan bakit ganito ang nangyayari sa atin ,huhuhu ! ano ba ang nagawa ko bakit pinaparusahan tayo ng ganito ,huhuhu !
Kaagad akong niyakap ni jazz
Jazz:tahan na sab ! (sabay himas sa likod at ulo ko)baka mapano ka ,isipin nalang natin na mahal pa rin tayo ni lord kasi binuhay niya yung isang anak natin ,tahan na pleasee !!
Biglang dumating yung doctor at inalis na ni jazz yung pagkakayakap sa akin lumapit sa akin si doc.
Doctor:miss del pilar,sorry talaga ! oo umiyak yung baby mo nung lumabas siya pero kaagad siyang binawian ng buhay .
Ako:paano niyo po maipapaliwanag yung pagputol niyo ng pusod niya ! doc ! (galit kung sabi kay doc)kitang kita ko po na buhay siya at malusog ,narinig ko na umiyak siya,huhuhu ! nararamdaman ko yun gusto kung makita yung anak ko kung siya talaga yun.
Doctor:di ko pinutol yung pusod niya miss del pilar kung nagdududa kayo sa akin pwede namang tingnan natin sa cctv kung ano talaga ang totoo,alam ko ang nararamdaman mo ngayon ,kasi nawalan din ako ng anak pero tanggapin na lang natin na kinuha kaagad siya ni lord,nandyan pa naman yung isa mong anak miss del pilar , im so sorry talaga .
Jazz:doc ! pasensya na po ,sige ako na ang pupunta dun para kunin yung anak namin.
Nurse:hindi na kailangan sir kasi papunta na dito yung isang nurse na nagbantay sa anak mo .
Ayun nakita ko na pumasok na yung nurse at karga karga niya yung anak ko habang nakatakip ng lampin ,kaagad kung kinuha yung walang buhay kung anak tiningnan ko siya ,tiningnan ko yung mukha niya at alam ko naman na pareho lahat ng mukha kapag baby palang lalo na't new born ito pero nung kinarga ko yung anak ko ,oo nalungkot ako at tumulo yung luha ko pero nararamdaman ko na hindi ito ang anak ko wala akong nararamdaman na lukso ng dugo .
Doctor:miss del pilar alam ko na nagdududa pa rin kayo kung gusto niyo tingnan niyo yung cctv para makasigurado kayo .
Jazz:doc ,pasensya na !.intindihin niyo na lang yung asawa ko pasensya na po talaga .
Hindi na ako nagsalita bagkus niyakap ko na lang ng mahigpit tong anak ko ,lord sorry po kung ganito ako di ko lang po talaga tanggap na nawalan ako ng isang anak, oo inaamin ko na pinagdududahan ko yung doctor ,dala lang po yata to ng emosyon ko kaya nagkakaganito ako, sorry po talaga lord ! at salamat kasi binigyan niyo pa rin kami ni jazz ng isa pang anak di niyo po sila kinuha na dalawa sa akin.
Ayun di ko na lang tiningnan yung cctv kasi parang nagsasabi naman ng totoo si doc at di ko lang talaga matanggap yung pagkawala ng anak ko kaya ayun after ilang oras ng pagyakap ko kay baby danver yung anak kung namatay ay binigay ko na siya sa nurse para dalhin sa morque.
At maya maya ay dinala na si baby danver ,humiga na ako at katabi ko si baby draven ,umalis na sila abegail at nicole babalik na lang sila bukas dito tumabi sa akin si jazz.
Jazz:tatabihan ko kayo ng anak natin sab .(kaagad siyang tumabing humiga sa amin)
Ako:jazz ! bakit ganun ,bakit kailangang kunin sa atin si baby danver (di ko mapigilang tumulo yung luha ko )
Jazz:sab,naiinis rin ako kay lord kung bakit niya ito ginagawa sa atin,ano ba ang nagawa nating kasalanan pinagbayaran naman natin yung mga kasalanan natin pero baka may plano si lord kung bakit si baby draven lang ang binuhay niya ,sab(hinalikan ako sa noo)wag ka ng malungkot,nandito pa naman kami ni baby draven,please ! baka mabinat ka magpalakas ka muna.
Ako:di ko alam jazz,di ko alam kung ano ang gagawin ko,huhuhu ! (bumuhos na yung luha ko)di ko alam ,huhuhu ! masakit pa rin ,gusto kung puntahan si baby danver pero di ko pa kayang tumayo ,di ko pa kayang maglakad ,wala siya ngayong kasama dun,nag iisa lang siya napakawala kung kwentang ina ,huhuhu !
Bigla akong niyakap ni jazz ng mahigpit
Jazz:tama na yan sab ,tama na ! wala kang kasalanan,tama na pleaasee !! tiyak gagabayan tayo ni baby danver alam ko na nandito siya ngayon sa tabi natin,sinasamahan niya yung kuya niyang si draven ,tama na sab baka mapano ka pa .
Di ko alam na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod at sa sobrang lungkot sa pagkawala ni baby danver .
Kinabukasan ..
Nagising ako na katabi ko si baby draven at nakita ko na maraming pagkain sa mesa nakita ko si harold na naglalaro sa kanyang phone ,kaagad akong bumangon.
Harold:(lumapit sa akin)ate ! wag ka munang babangon .
Ako:nasaan si jazz ?(malungkot kung sabi)
Harold:nandun siya sa bahay,nandun na kasi ang katawan ni baby danver,ate may sasabihin ako sayo ?
So hindi pala ako nanaginip,totoo pala na nawalan ako ng isang anak,huhuhu !
Ako:anong sasabihin mo ?
Harold:si maica ate ?
Ako:anong si maica ?
Harold:nakita ko siya kahapon na lumabas sa OR kung saan ka nanganak .
Ako:ano sabi mo ? si maica ? baka namamalikmata ka lang,impossible naman yata na nandito siya at anong gagawin niya sa OR.
Harold:di ko alam ate di ako nagkakamali siya talaga yun,kaso di namin siya naabutan ni sir lesther.
Ako:harold ! wag muna siyang intindihin ,okey !
Harold:nagulat lang kasi ako ate,baka may kinalaman siya sa pagkawala ni baby danver.
Ako:isa lang ang makakapagpatunay niyan ,cctv ang solusyon .
Harold:ate ,tiningnan na namin kanina nila kuya jazz yung cctv.
Ako:anong nakita niyo ? totoo ba na si maica ang nakita mo ?
Harold:ate ,parang plinano yung pangyayari eh !
Ako:anong plinano ?
Harold:alam mo ba nakipag away pa si kuya jazz dun sa tagabantay ng cctv pati yung doctor na nagpa anak sayo pati nga yung ninang niya na si doctora ida ay inaway niya.
Ako:bakit harold ? bakit ginawa niya yun,anong nangyari ?
Harold:kasi ,di namin nakita yung panganganak mo ,sira raw yung cctv nung araw na yun pero yung ibang cctv hindi,dun lang sa OR at base naman sa entrance at exit hindi namin nakita na lumabas si maica ,sabi ni kuya jazz na pagkatapos ilibing si baby danver ay iimbestigahan niya yung nangyari,baka kasi may kinalaman dito si maica.
Ako:nasaan yung doctor ,gusto ko ng lumabas dito at si maica ewan ko kung magagawa niya yun,alam ko na galit siya sa akin pero di ko na alam ang gagawin ko harold,gulong gulo na ako wasak na wasak na yung isip ko sa dami ng problemang dumarating sa akin,huhuhu !(di ko na naman napigilang umiyak) tanggap ko na ,na nawala sa akin si baby danver pahiram nga ng phone mo harold ,tatawagan ko lang si jazz.
Harold:sige ate ! heto .
Ayun kinuha ko yung phone ni harold at tinawagan ko na si jazz.
Ring.ring
Jazz:hello ?
Ako:jazz ?
Jazz:sab ,wag ka munang babangon diyan,pupunta ako mamaya.
Ako:gusto ko ng umuwi jazz,gusto ko ng makita si baby danver.
Jazz:oo sab,mamaya ! ididischarge ka na ,sige na magpahinga ka muna .
Ako:tungkol kay maica ,sinabi na lahat sa akin ni harold.
Jazz:sab,nakukutuban ako na may kinalaman dito si maica .
Ako:jazz,wag mo ng imbestigahan about kay maica,okey na ako ! tanggap ko na nawala sa atin si baby danver di naman yata yung magagawa nila doc diba ,lalo na yung tita ida mo .
Jazz:di ka ba nagugulat sab ,kung bakit nandun si maica.
Ako:di naman tayo sigurado na si maica ang nakita ni harold diba ? at baka sira talaga yung cctv sa oras na yun,kaya jazz wag na natin tong palakihin ,lalo lang lumalala yung problema.
Jazz:sige sab ,sige di ko gagawin yun sabi mo eh ! ang importante ay okey ka na ,sige magpahinga ka na sab ,kasi mamaya kukunin na kita diyan.
Ako:sige jazz,i love you !
Jazz:i love you too sab ,sige na .
Ayun pinatay ko na yung tawag at binigay ko na kay harold yung phone .
Humiga na ako at pinadede ko na si baby draven .
Harold:ate,di ka ba naniniwala sa sinabi ko ,about kay maica ?
Ako:di ko alam harold,baka kasi namamalikmata ka lang ,sige na maglaro ka na diyan sa phone mo .
Harold:okey .
.........
After 17 years ..
Jazz:alien ko ,nasaan si draven nakaligo na ba yun ! sabay na lang kaming pumasok .
Heto busy ako sa kaka encode ng report ko dito sa laptop ko .
Ako:ewan ko dun sa batang yun,baka mahimbing pa yung tulog nun ,gisingin mo na lang jazz,busy ako dito (masungit kung sabi sa kanya)
Jazz:(ginulo yung buhok ko)ang sungit na naman ng alien ko ,hehehe ! sorry ha ! inistorbo kita tapusin muna yan ,aakyat na ako sa taas.
Ako:okey !
Maya maya ay bumaba na si jazz ,nagulat ako ng makita kung hawak hawak niya yung kwelyo ni draven pababa ,kaagad akong tumayo .
Ako:jazz,anong ginagawa mo sa anak mo ?
Jazz:(binitawan niya si draven at tinulak)yang anak mo ,ako ang kukulong diyan pag di pa niya tinigil yang kaka marijuana niya nakita ko dun sa kama niya tong pakete ng marijuana(pinakita sa akin)
Kaagad nag init yung ulo ko nung makita ko yung marijuana sa kamay ni jazz at sinampal ko si draven ng malakas,nakayuko lang siya ,hinawakan ko ang mukha niya nakita ko ang mga mata ni draven parang kakatayin niya ako .
Jazz:wag mong titingnan ng ganyan yang mama mo (galit na sabi niya kay draven at binatukan niya ito)
Ako:ano ba ang nagawa namin sayo anak,nagkulang ba kami sayo,nagkulang ba kami ng mga payo sayo ,bakit ganyan ka ,pulis yang papa mo at teacher naman ako pero bakit ganyan ka ,draven ! akala ko magbabago ka na pero bakit bumabalik ka ulit sa dati .
Draven:simple lang naman ma,kung bakit ako nagkakaganito kasi hanggang ngayon ,yung kakambal ko pa rin yung iniisip niyo pati rin kayo pa(tiningnan si jazz)palagi na lang mali ang nakikita niyo sa akin,di ko na alam kung saan ako lulugar mabuti pa nga na ako na lang yung nawala at si danver ang nabuhay ,baka maging masaya kayo .
Pagkasabi nun ni draven ay sinampal ko siya at napa upo na lang ako,di ko alam na nasasaktan ko na pala si draven,di ko siya masisisi kasi hanggang ngayon ay inaalala ko pa si danver yung kambal niya .
Draven:simula pagkabata ko tanging si lola emerald lang yung nagmahal sa akin ng totoo pero kayong dalawa ay busy parati sa mga trabaho niyo yung nagkasakit ako nung bata ako,nasaan kayo ! nandun kayo sa mga trabaho niyo,tanging si lola lang ang nag alaga sa akin tapos ngayon sasabihin niyo kung saan kayo nagkulang,ma ! bakit sarili niyong anak di niyo pinapansin buti pa yung mga studyante mo pati si danver napapansin niyo yung mga high grades ko nung elementary palang ako ,di niyo pinapansin,grabe napaka drama ko ,tang ina !
Balak na sanang sapakin ni jazz si draven ng biglang dumating si mama emerald
Mama:jazz !(sigaw niya kay jazz)
Napatigil si jazz at lumapit si mama kay draven .
Mama:ako na ang bahala kay draven,ako na ang kakausap sa kanya kung hindi pa siya magtino ulit,ilalagay na natin siya sa rehab center .
Jazz:alis na ako,pag ako umuwi mamaya na ganyan pa rin yang walang utang na loob na batang yan(tinuro niya si draven) palalayasin ko yan dito at ikukulong.
Draven:edi palayasin mo ,di ako natatakot .
Jazz:walangya ka talaga,sumasagot ka pa(sinigawan niya si draven)
Ako:jazz,tama na ! sige na ako na ang kakausap sa kanya,pumasok ka na sa trabaho mo .
Jazz:sige alien ko ! alis na ako ! bye .(hinalikan ako sa noo)
Ayun kaagad na umalis si jazz at heto nilapitan ko si draven at lumuhod ako sa harapan niya .
Draven:ma !!(gulat niyang sabi sa akin habang hinawakan ang kamay ko)
Ako:hayaan mong lumuhod ako sa harapan mo anak gusto ko lang sabihin sayo na sorry sa mga nagawa ko sayo,sorry kasi di ko pinapansin yung mga achievement mo ,di ko pinapansin yung mga tamang nagagawa mo,sorry kung napabayaan kita,sorry kung mas mahal ko yung kambal mong si danver kesa sayo,pero anak wag mo ng idaan sa pag gamit ng droga yung mga hinanakit mo sa amin ng papa mo kasi di lang katawan ang masisira sayo pati utak mo,anak ! sorry ! im sorry ..huhuhu !(pagmamakaawa kung sabi kay draven).
Itutuloy.