JAZZ POV :
Sabrina:magkasama kayo ?
Ako:oh ! Bakit parang nakakita ka diyan ng multo sab .
Sabrina:di kasi ako makapaniwala na magkasama kayo.
Lesther:nakita kasi ako ni jazz sa may daan ,may lalaki kasing nangtrip sa akin buti dumating tong si jazz tinulungan ako,magkaibigan na kami ngayon sab ng matapang mong asawa ,hahaha !
Ako:(inakbayan ko si lesther)nag usap na kami ni lesther ,alien ko ! (sabay nginitian si sab)nagugutom na ako anong ulam natin ?
Sabrina:berry good ! mabuti naman kung ganun jazz,it's nice to hear that ,di ka na sa wakas ma prapraning diyan sa pagseselos mo at mabuti jazz na okey ka na ,tara kumain muna tayo may caldereta dun at tocino ,niluto ko .
Lesther:wow !! Ang sarap naman niyan ,hehehe !
Ayun kumain muna kami ,habang kami ay kumakain ay kinausap ko si harold na busy sa kanyang cellphone
Ako:harold ?
Harold:ano yun kuya (tingin niya sa akin habang hawak ang cellphone)
Ako:ano pala ang ginawa mo sa ate mo ?
Harold:nakakahiyang sabihin sayo eh .
Sabrina:nakakahiya ? sabihin mo lang natatakot ka lang magsalita (galit niyang sabi kay harold)
Lesther:siguro may pinaiyak kang babae ano ? hehehe ! sa gwapo mong yan .
Sabrina:mabuti sana kung yun lang ang ginawa niya
Harold:hayssstt ! heto na naman tayo,sesermonan na naman ako na parang bata .
Ako:bakit harold anong ginawa mo,nanakit ka ba ng kapwa mo studyante .
Sabrina:ang lakas talaga ng kutob mo jazz,oo nanakit yan ,di lang nanakit ,binugbog pa nila at siya pa ang leader ibang klase talaga parang action star lang,ngayon ko lang nalaman na bully pala tong siraulo kung kapatid .
Harold:oo na ,ako na ang masama ! sorry na nga ate ! di ko na yun uulitin .
Sabrina:aba ! mukhang ikaw pa tong galit ha !
Harold:eh ! kasi naman paulit ulit ka na eh .! nakakahiya sa kanila lalo na kay kuya jazz.
Lesther:bro ,wag muna ulit yun uulitin ,di maganda yung nambubully ka tandaan mo ,maari ka ng makulong sa pangbubully mo .
Ako:wag muna ulit yun gagawin harold at wag kang mainis o magalit sa ate mo,pasalamat ka nga, may ganyan ka pang ate na pinapangaralan ka at minamalasakitan ,tandaan mo harold tanging si sab na lang ang kasangga mo dito,kaya wag mo ulit siyang sasaktan.
Harold:pasensya na kuya jazz at sayo rin ate(tumingin kay sab)pangako di ko na yun uulitin.
Sabrina:gawin mo ,wag mong sabihin ! action speak louder than words ,sige na ubusin muna yang pagkain mo .
Ayun mukhang sincere naman si harold sa paghingi niya ng tawad sa kanyang ate .
Maya maya ay natapos na kaming kumain,umuwi na rin si lesther ,si harold ay dun ko muna siya pinatulog sa dati kung kwarto, heto matutulog na kami ni alien .
Sabrina:jazz,kamusta na pala si kevin ?
Ako:ayun nagpapagaling na siya dun sa america ,alam ko na gagaling siya ,malaki ang tiwala ko kay kevin nawala na yung pangamba ko sa kanya .
Sabrina:oo jazz ,gagaling si kevin at lalaban siya ,kaya wag munang isipin na may masamang mangyayari sa kanya.
Ako:opo mahal kung alien,tara na matulog na tayo(hinalikan ko siya sa kanyang ilong)
Sabrina:sige matulog na tayo jazz,goodnight ,i love you .(sabay halik sa labi ko)
Ako:i love you too alien ko .
Ayun nagyakapan na kaming dalawa,diba ang sweet namin wala kayo nun,hahaha !
Lumipas ang ilang buwan ,napakabilis ng panahon ,manganganak na ngayon si sab at di lang isa ang magiging anak ko kundi dalawa ! thank you lord ! twins ang binigay mo sa akin at puro lalaki pa ,napaka saya ko sobra ,excited na ako sa mga anak ko kung magiging tarantado rin sila kagaya ko,hahaha !
Si kevin naman ay nandun pa rin siya sa america nagpapagaling.
Hindi pa siya gaanong magaling pero malakas na siya ng kunti ,baka next year ay umuwi sila dito ni jessel ,dapat lang siyang umuwi at magpagaling na kasi siya ang kukunin kung ninong sa kambal ko ,HAHAHA !
Nahuli na rin sa wakas si menard ,talagang ako ang gumawa ng paraan para mahuli kaagad si menard kasi ayokong mag alala ulit si sab lalo pa't manganganak na siya ngayon .
Nandito kami ngayon sa ospital ,nakahiga na siya kaya heto todo bantay ako sa kanya ngayon .
Sabrina:jazz,excited na akong makita yung mga angels natin,excited na kinakabahan ako ngayon jazz.
Ako:mas excited ako sayo alien ko (ngiti kung sabi kay sab)grabe sobrang napakasaya ko kasi kambal yung anak natin tiyak sobrang likot nila paglaki ,HAHAHA ! at wag kang kabahan alien ko nandito lang kami ng anak mo ,tatlo na kaming lalaking babantay sayo(sabay kiss sa ilong niya)
Sabrina:oo nga jazz ,sana magmana sila sa katapangan ko ,hehehe ! wag lang yung kamanyakis mo , hahaha !
Ako:hahaha ! kung hindi dahil sa pagiging manyakis ko alien ,di sila mabubuo diyan sa tiyan mo, HAHAHA !
Sabrina:ewan ko sayo pupunta sila abegail at nicole dito mamaya pati si lesther.
Ako:dapat may dala silang pagkain ,hehehe ! basta alien ko ,draven timothy at danver thompster yung pangalan ng anak natin diba ang astig,lalaking lalaki , HAHAHA !
Sabrina:oo na ,unique naman yung name na ibibigay mo parang swabe naman .
Ako:syempre !.habulin rin sila ng chicks paglaki nila,syempre magmamana sa akin,hahaha !
Sabrina:ewan ko sayo jazz andrie reyes ,kausapin mo yung sarili mo(sabay tumawa ng mahinhin)
After ilang oras ay dinala sa OR si alien ,maski ako kinakabahan na rin. Lord wag mong papabayaan yung mga mag iina ko kung pwede lang pumasok sa OR para damayan ko si alien kaso bawal, kahit kaibigan ni mama yung isa sa mga doctor dito na si doctor ida ay di siya pumayag na pumasok ako sa loob ng OR kasi baka pagalitan raw siya kaya wala na akong nagawa kundi maghintay heto naghihintay ako dito sa labas ng biglang dumating sila abegail ,nicole at lesther pati si harold nandito rin.
Harold:kuya,kamusta si ate ?
Ako:ayun kunting tiis na lang at lalabas na yung kambal ,sana success yung panganganak ni sab .
Abegail:si sab pa na palaban yun,hehehe ! hayssstt !! Excited na kami sa inaanak namin.
Nicole:kaya nga di na ako mapakali ,gagawin ko ang lahat para maging perfect ninang ako sa kanila, Hehehe !
Lesther:ikaw nicole kailan ka magkakaroon ng baby,hehehe
Nicole:soon ,pero di pa ngayon,palalakihin ko muna ng maayos yung first inaanak ko .
Abegail:ikaw lesther kailan ka magkakababy ha !.teka nga nililigawan mo ba si nicole(sabi niya kay lesther)
Lesther:hindi ko siya nililigawan ,kasi siya ang nanliligaw sa akin,hehehe !
Nicole:wow ha !! sana all nililigawan .
Ako:bakit ang tagal naman nila dun sa loob(natataranta na ako)
Abegail:jazz ,bakit anong akala mo sa panganganak ,isang minuto lang okey na labas kaagad ng baby,don't worry ! malulusog yung mga anak mo kasi di pabaya si sabrina.
Nicole:tama !
Abegail:at ikaw harold ,wag mong tuturuan ng mga gawain mo yung mga pamangkin mo ,mga lalaki pa naman yung twins nila jazz.
Harold:grabe naman po kayo maam abegail,nagbago na kaya ako .
Nicole:oo nga nagbago ka na nga,kaya nga pati mga syota mo pabago bago.
Lesther:ano namang masama kung pabago bago ng syota nicole ? ang importante walang label ,yung fling fling lang,diba harold ,HAHAHA (sabay tingin kay harold)
Harold:bahala kayo diyan,mag usap usap,hehehe ! di ako nakakarelate sa mga pinagsasabi niyo
Abegail:grabe ang iingay niyo ,tingnan niyo si jazz di na mapakali,hoy !! Jazz umupo ka nga .
Di ko alam bakit nakakaramdam ako ng kaba ,di ako mapakali ,kanina pa ako lakad ng lakad ,paikot ikot !
Nicole:hayaan mo muna siya bakla ,ganun talaga pag first time maging daddy di mapakali .
Lesther:ikaw nicole kailan mo gustong maging first time na mommy ,hehehe !
Nicole:ewan ko sayo lesther !.siraulo ka talaga .
Maya maya biglang lumabas yung doctor at kaagad akong lumapit sa kanya.
Ako:doc,kamusta po yung mag iina ko ?(pag aalala kung sabi)
Doctor:iho ,ligtas yung misis mo at yung isa mong anak , uhmm ! pero yung isa mong anak ay hindi nakaligtas isa lang ang nabuhay sa kambal mo ,sorry ! (malungkot niyang sabi)
Para akong tinamaan ng isang milyong bala dito sa puso ko nung marinig ko ang sinabi ni doc ,kaagad akong nanghina at biglang tumulo yung luha ko ,bakit lord ! bakit isa lang yung binuhay mo sa kambal ko,bakit di nalang silang dalawa,huhuhu ! pina asa mo lang pala kami .
Abegail:(hinimas niya yung likod ko)jazz,sorry sa nangyari ,may rason si god kung bakit isa lang ang binuhay niya sa kambal mo ,ang importante malusog sila sab at yung isa mo pang anak .
Harold:napaka damot naman ni lord bakit kinuha niya yung isa .
Grabe di ako makapagsalita ,di ko alam ang sasabihin ko kaya pala di ako mapakali kanina pa at kinabahan bigla kasi mawawala sa akin yung isa kung anak,huhuhu !
Doctor:sorry iho ! ginawa na talaga namin ang paraan para mabuhay yung isa mong kambal pero hindi na talaga siya ng survive, nung lumabas siya ay umiyak pa siya pero biglang nawala yung heartbeat niya at tumigil sa pag iyak .
Ako:pwede ko na bang makita yung mga mag iina ko doc ,gusto kung makita si sab pati yung mga anak ko .(sabay pahid ng luha ko)
Doctor:pwede na iho ,pero mamaya after 1 hour ay pwede muna ring makita yung anak mo ,sorry talaga iho ! sige maiwan ko na kayo .
Ako:sige doc,salamat !
Ayun umalis na si doc at nakita ko si harold na para bang nakakita ng multo .
Ako:harold ? tara na pumasok na tayo sa OR ,parang may nakita ka diyang multo .
Harold:si maica parang nakita ko siyang lumabas sa OR kung saan nanganak si ate .
Ako:si maica,yung kapatid ni clark,eh ! nandun siya diba sa ibang bansa ?
Harold:oo nga eh ! pero kuya ,di ako nagkakamali si maica talaga yun
Lesther:tara sundan natin harold ,para makasigurado tayo .
Harold:sige tara sir lesther, kuya (tumingin sa akin)mamaya na lang kami papasok ni sir lesther, hahabulin lang namin yung babaeng kamukha ni maica na lumabas sa OR kanina.
Ako:bahala kayo !
Ayun di ko na sila pinansin ,pumunta na ako sa loob,di ko na proproblemahin yung maica na yun,may malaki akong problema ngayon,lord bakit ka ba ganyan,bakit di buo yung blessings na binibigay mo sa akin,huhuhu !
Pag malaman to ni mama tiyak malulungkot rin yun ,lalo na si sab sobrang lungkot ang mararamdaman niya kapag malaman niyang isa lang ang nabuhay sa kambal ,huhuhu !
Nandito na kami ngayon sa loob nila abegail at nicole ,8:30 na ng gabi wala pa ring malay si sab .
Abegail:jazz,bibili lang kami ng pagkain ni nicole
Ako:sige ! mag ingat kayo .
Abegail:sige !
Lumabas na silang dalawa,heto tinitingnan ko yung mukha ni sab .Nakikita ko yung mukha ni sab sa sobrang pagka pagod pero may halo itong kasiyahan ,nakangiti siya habang mahimbing na natutulog .
Maya maya ay bigla siyang nagising ,hawak hawak ko ang kamay niya .
Ako:sab .(malungkot kung sabi sa kanya)
Sabrina:jazz,nasaan na yung kambal natin,teka bakit ang lungkot ng mga mata mo ,di ka ba masaya na sa wakas ay lumabas na yung anak natin.(malapad yung ibinigay niyang ngiti sa akin)
Paano ko ba sasabihin kay sab ,ayokong mabinat siya kaagad at ma stress kasi bago palang siyang nanganak .
Abegail:sab ! gising ka na .
Nicole:jazz,nasabi muna ba kay sab ?
Sabrina:yung ano,teka bakit ang lulungkot na mga mukha niyo,oyyy ! jazz (tumingin sa akin) anong nangyari ? yung kambal ba ? okey naman sila diba ? narinig ko na umiyak silang pareho ,so bakit kayo malungkot ,tears of joy ba yan,gusto ko ng makita yung mga anak ko .
Ako:sab ,please ! wag kang magpapadala ng emosyon mo ,okey ! ganito kasi yun.
Ng biglang pumasok yung nurse na dala niya yung baby namin ni sab kaagad na natuwa si sab at kinarga niya kaagad ang anak namin pero
Sabrina:nurse ,nasaan yung isa ko pang anak,bakit isa lang ang dinala mo ?
Nurse:hindi pa ba nasabi sayo ni sir ang nangyari sa isa mong kambal maam ?
Nagulat si sab nung sabihin yun ng nurse ,wala siyang idea kaya bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at tumingin sa akin
Sabrina:jazz ,tell me ? what happen ? Anong nangyari ? di na ako natutuwa parang tama yung iniisip ko ,wag naman sana .
Ako:sab ,isa lang ang nabuhay sa kambal ,hindi naka survive yung isa ,sorry sab ! (sabay tulo ng luha ko)sab ! kinuha siya kaagad ni lord .HUHUHU !
Nung sabihin ko yun kay sab ay kaagad dumaloy yung luha niya at
Sabrina:impossible jazz,napaka impossible ,nararamdaman ko na buhay yung isa kung kambal ,nararamdaman ko jazz,buhay siya hindi siya patay,huhuhu ! narinig kung umiyak siya at nakita ko pa na pinutol ni doc yung pusod niya paanong mamatay siya jazz,huhuhu ! di ako naniniwala
,nurse(tiningnan yung nurse) nasaan si doc ,gusto ko siyang makausap ,di ako naniniwala na patay yung isa kung kambal ,ina ako at nararamdaman ko na buhay siya dugo siya ng aking dugo ,laman ng aking laman ,huhuhu ! wag naman ganito pleasee ! di ko alam ang gagawin ko pag namatay yung isa kung anak,jazz buhay yung anak natin ! buhay siya ! huhuhu (bumuhos yung luha niya )
Itutuloy.