Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 56 - CHAPTER 55:BAGONG KAIBIGAN

Chapter 56 - CHAPTER 55:BAGONG KAIBIGAN

JAZZ P.O.V:

Di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag mawala si kevin ,tinuring ko na siyang tunay na kapatid ,bakit ganun lord ! bakit binigyan niyo ng malubhang sakit yung kaibigan ko di ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag mawala sa akin yung tinuring ko ng kapatid ,natapos na nga yung problema namin ni sab tapos heto na naman yung panibagong pagsubok .

Nung gabing umuwi kami ni sab dito sa rizal sa bahay namin ay tinawagan ko muna si kevin bago ako matulog kasi ewan ko parang bigla ko siyang naisip ,na parang may nangyari sa kanya .

Kaya nung kinausap ko siya ay parang may iniinda siya pero di niya yun pinapahalata ,tumatawa pa rin siya habang nag uusap kami ,ewan ko di ko naisip na may iniinda na pala siya yun nung gabing yun ,di man lang ako nakaramdam o nakahalata.

Kinabukasan ..

Di ko na ginising si sab ,mahimbing kasi ang tulog niya kaya naligo na ako at nagbihis ,biglang tumawag tong si kevin ,kaagad kung sinagot.

Kevin:pare !nandito na ako sa labas ng bahay niyo ,bilisan mo !

Ako:ano ! gago ka talaga pumunta ka pa talaga dito ,sige sige ! pababa na ako .

Kaagad kung pinatay yung tawag ,mukhang hyper na yung boses niya bago ako bumaba ay hinalikan ko muna sa pisngi si sab habang natutulog kaya ayun bumaba na ako .

Mama:ohh !! jazz kumain muna kayo ni kevin(nakangiting pagbati sa akin habang kumakain ng sandwich)

Ako:mamaya na ma ,alis na ako ! bye(sabay halik sa pisngi ni mama)

Mama:bakit ka nagmamadali ?

Ako:late na kasi ako ma ,sige alis na ako !

Ayun lumabas na ako ng bahay at nakita ko si kevin na nakangiti at nung lumapit ako sa kanya ay kaagad niya akong niyakap.

Ako:pare ,nababakla ka na ba sa akin,hahaha !

Kevin:namiss lang kita pare ,hehehe(kaagad niyang inalis yung pagyakap niya sa akin at humarap siya sa akin)pare ,baka heto na ang huli nating pagkikita.(pabiro niyang sabi sa akin ).

Ako:sana nga pare ,hehehe ! tara na ! gago ka talaga ! baka ma late pa tayo ,teka lang ! may sakit ka ba pre , bakit namumutla ka .(napansin ko bigla yung mukha niya at nagtaka)

Kevin:makapal kasi yung foundation na nilagay ko sa mukha ko ,hahaha !

Ako:walangya ka !! tara na nga at wag kang magsasalita ng ganyan pare baka magkatotoo ,hahaha !

Kevin:hahaha ! okey po !

Ayun sumakay na kami ng kotse niya yung tawa ni kevin parang may halong lungkot at sakit parang hindi katulad ng dati ,ewan ko naniniwala naman ako sa kanya na wala siyang nararamdaman na sakit habang nagmamaneho siya ay tinitingnan ko siya .

Kevin:parang ikaw yata tong nababakla sa akin pare,hahaha ! siguro gusto muna ring maglagay ng foundation(sabay tawa ng malakas)

Ako:magtapat ka nga pare ! may sakit ka ba ?

Kevin:wow !! Seryoso tayo ngayon ha !.hahaha ,okey ! what if kung may sakit ako ,malulungkot ka ba pare ?

Ako:siraulo ka talaga ! may sakit ka ba talaga ?

Kevin:wala ! Ako magkasakit ? hahaha ! power rangers kaya to, pare wag na tayong dumaan sa opisina ,pinapadaan na tayo ni general dun sa abucay park .

Ako:dapat lang ,hindi tayo basta basta magkakasakit ,lalo ka na pare hehehe ! at mabuti naman at pinayagan na tayo ni general na magpartner ulit.

Kevin:hehehe ! favor ko kasi yun sa kanya pare,buti pumayag .

Ako:himala na papayag mo siya .

Ayun maya maya ay nandito na kami sa abucay park at bumaba na kami habang naglalakad kami papunta sa park ay nagulat ako ng biglang sumuka si kevin ng tubig .

Ako:pare ! ayos ka lang ba talaga,parang di ka okey eh ! (hinimas ko yung likod niya)

Kevin:pare (tumingin sa akin at biglang sumuka ng dugo)

Halong pagkagulat at pagkabahala yung naramdaman ko nung makita kung sumuka ng maraming dugo si kevin ,kaagad kung hinawakan ang braso niya at nung natapos na siyang sumuka ay tumingin siya sa akin at nagsalita ng

Kevin:mamimiss ko kayong lahat pare .(mahina niyang sabi sa akin habang nahihirapan magsalita)

Kaagad siyang nawalan ng malay .

Ako:pare ! gumising ka ! hoyy! tang ina ka !! Bakit ka ganyan (biglang tumulo yung luha ko )

Kaagad kung binuhat si kevin at sinakay sa kotse yung mga taong nandito parang wala lang nakita ,walang pakialam kaya kaagad kung pinabilis yung pagtakbo ng kotse buti malapit lang dito yung ospital .

Habang nagmamaneho ako ay tinawagan ko si jessel yung asawa ni kevin

Ring.ring.

Jessel:hello jazz,what happen ?

Ako:si kevin,huhuhu !(di ko mapigilan yung iyak ko)

Jessel:bakit ka umiiyak,teka anong nangyari kay kevin ?

Ako:nawalan siya ng malay ,jess ! sumuka siya ng napakaraming dugo ,papunta na ako ngayon sa st.pauls ospital

Di makaimik si jessel ,di siya makapagsalita alam ko na pinipigil niya yung iyak niya ,rinig na rinig ko yung pagpigil ng iyak niya.

Ako:jess ,sabihin mo may sakit ba si kevin,bakit di niya ito sinabi sa akin.

Jessel:jazz ,mamaya na lang papunta na ako sa ospital,wag mong pababayaan si kevin pleaseee !!!

Ako:sige jessel ,magpakatatag ka malaki ang tiwala natin kay kevin di yun basta basta susuko .

Jessel:sige na jazz,ibababa ko na to papunta na ako diyan.(narinig ko yung iyak niya)

Ayun pinatayan na niya ako ng linya at heto nandito na ako sa ospital ,paglabas ko ay agad na bumungad sa akin yung mga nurse ,kinuha na nila si kevin at hiniga na nila ito ,kaagad na dinala nila ito sa ER kaya heto sumunod na ako sa kanila ewan ko nanginginig ang buo kung katawan ,sana okey lang si kevin tinawagan ko na rin sila general at cecilia ,papunta na rin sila dito.

Habang naghihintay ako dito sa labas ng ER ay nakita ko si jessel na palapit sa akin habang umiiyak pati na rin si lemuel.

Jessel:jazz ,kamusta si kevin .

Ako:ayun hinihintay ko pang lumabas yung doctor, relax lang jess magiging okey lang si kevin.

Jessel:sabi ko na sa kanya na magpahinga muna siya ang tigas talaga ng ulo niya,huhuhu(humagolgol sa pag iyak)

Ako:ano ba talaga ang sakit niya jess ?

Jessel:may leukemia siya jazz (sabay tingin sa akin) kahapon lang niya sinabi sa akin,huhuhu !

Pagkasabi nun ni jessel ay natulala ako at biglang tumulo yung luha ko ,bakit ganun si kevin bakit di niya sinabi tungkol sa sakit niya, walangya siya napakadamot niyang tao ,di ba siya nagtitiwala sa akin bigla akong napasandal sa pader.

Jessel:jazz,napakabobo ko bakit di ko nahalata na may karamdaman na pala si kevin,di niya kasi pinapakita sa akin na may karamdaman siya pero napaka manhid ko bakit di ko yun naramdaman.

Ako:bakit ganun siya jess,bakit tinago niya ito sa atin,ano ba tayo sa kanya,bwesitt !! (galit kung sabi)naiinis ako ! bakit nagkaroon pa siya ng leukemia,bakit lord !

Maya maya ay biglang lumabas yung doctor at yun na nga ,sabi ng doctor na stage 3 na ang sakit ni kevin,lalo akong nanghina nung sinabi yun ng doctor pero sabi niya ay posible pa raw na gumaling si kevin pag dinala ito sa america at dun magpagaling ,kaya di na nagdalawang isip sila lemuel at jessel na dun magpagaling si kevin ,lalo pa't nasa coma siya ngayon.

Wala na lang kaming nagawa kundi ang hintayin na gumaling si kevin,halos wala pala sa amin ang sinabihan ni kevin na may sakit siya pati si general di niya rin alam .

Heto paalis na kami ngayon ni sab ,pati si sab naapektuhan na sa nangyayari ,di kasi siya sana'y na seryoso akong tao ,pero di ko kayang makipag joke joke ngayon eh ! lalo pa't may sakit si kevin .

Bumalik ako sa duty ko at pumunta na rin si sab sa school na pinagtratrabahuan niya , haysssstt !! sana lord maging okey na si kevin parang unlimited yata tong binigay na pagsubok sa akin lord .

Maya maya mga alas 5 na ng hapon ay tumawag sa akin si lemuel ,na dadalhin na nila si kevin ngayong araw sa america buti naman at mabilis sila nakakuha ng ticket,tinulungan kasi sila ni general maraming connection kasi si general ,kaya ayun papunta na sila sa america. Lord wag mong pababayaan si kevin,kukunin ko pa siyang ninong sa anak ko at bestman sa kasal namin ni sab .

Parang nabuhayan na ako ng loob kasi alam ko na magagaling yung mga doctor dun sa america mas hightec yung mga gamit nila dun kesa dito sa pilipinas .

Heto pauwi na ako sa bahay ,namimiss na ni sab yung dating ako kaya ibabalik ko na yung dating ako,di naman papayag si kevin na magiging malungkot ako.

Ano kaya ang ginawa ni harold at bakit nandun siya ngayon sa bahay .

Habang papunta ako sa bahay ay nakita kung may nag aaway dun sa may gilid ng poste at nakita ko ang isang familiar na mukha,walang iba kundi yung teacher na kilala ni sab ,dun sa laguna ,lesther ba yun teka bakit siya nandito ,kaagad kung pinahinto yung taxi driver at huminto kaagad siya .

Ako:kuya ! salamat ,heto bayad .

Sabay abot ng bayad kay kuya at bumaba na ako, nilapitan ko sila lesther .

Ako:anong gulo to, ! pulis ako .

Sigaw na sabi ko kaagad na lumingon silang dalawa at nakita ko na biglang tumakbo yung lalaking balak na sanang saksakin si lesther sa kanyang dibdib .

Lesther:ikaw ?(gulat niyang sabi sa akin)

Ako:pasalamat ka dumating ako,teka ayos ka lang ba ?

Lesther:ayos lang ako,bakit di mo hinabol yung holdaper na yun.

Ako:bakit ko hahabulin eh ! wala namang nangyari sayo diba at di ka naman niya ninakawan ang laki ng katawan mo tapos magpapagulpi ka lang dun sa lampang holdaper na yun.

Lesther:wala ako sa kondisyon ngayon at salamat sa mga sinabi mo ,pero salamat ha !dumating ka ! nga pala wag muna akong pagselosan ,tapat sayo si sab at mahal na mahal ka niya,kaya pare ,don't worry di ko lalandiin si sab .

Ako:dapat lang kundi ako mismo ang papatay sayo,kotse mo ba yan (sabay tingin sa kotse)

Lesther:oo,tara hahatid na kita !

Ako:yun ohhh ! tara .

Ayun sumakay na ako sa kotse ni lesther at pina andar na niya ito.

Ako:pare ? bakit ka nga pala nandito diba nandun ka sa laguna ?

Lesther:pinapunta kasi ako dito ng head namin, di ko naman alam na nandito kayo pare .

Ako:ganun ba !

Lesther:pare ,diba kinulong niyo na si menard

Ako:oo bakit ?

Lesther:nakatakas kasi siya pare ,nung araw mismo nung kinulong niyo siya, kasi pagka kinabukasan ay binalita siya na nakatakas .

Ako:tang ina !! ano bang klaseng mga pulis sila dun ang tatanga or else may traydor dun sa loob kaya nakatakas si menard,bwesit ! (inis kung sambit kay lesther)sandali lang tawagan ko lang si general .

Ayun kaagad kung tinawagan si general dun sa laguna pero bakit ganun di niya sinasagot yung tawag ko ,naka ilang miscall na ako .

Lesther:parang yung general yata yung traydor .

Tinawagan ko na lang si boss ,yung general dito ,yung ninong ko.

Ring.ring

General:jazz,anyare ?

Ako:tito ,alam niyo na ba ? na nakatakas si menard dun sa laguna yung most wanted

General:oo jazz,alam ko na pero wala tayong magagawa kasi kaso nila yun at sa lugar nila wanted si menard ,sila na ang bahala kung paano nila mahuhuli menard.

Ako:pero tito , paano kung pumunta dito si menard at gambalahin na naman kami.

General:di mangyayari yun na pumunta siya dito kasi ban na siya dito at kung gumamit man siya ng pekeng i.d or pangalan ay mahuhuli pa rin siya kasi di lang yung pangalan niya yung naka record pati mukha niya .

Ako:sige tito ,sana nga kasi ayoko ng mag alala pa si sab .

General:wag muna lang sabihin kay sab ,tungkol kay menard.

Ako:sige tito,ayokong ma stress siya ,sige salamat tito .

Ayun pinatay ko na yung linya .

Lesther:ano raw sabi ?

Ako:okey na ,wala ng problema ,salamat pala sa pagsabi tungkol kay menard.

Lesther:bakit diba sinabi sayo ng tito slash general mo tungkol kay menard ?

Ako:alam ko naman kung bakit di niya ito sinabi .

Lesther:na ano ! na ayaw ka niyang ma stress.(sabay tawa)

Ako:parang matagal na tayong magkakilala pare ha ! feeling close .

Lesther:bakit di pa ba tayo magkaibigan pare hahaha !

Ako:pwede naman,basta walang traydoran at walang agawan .

Lesther:hahaha ! okey pare ! noted .

Maya maya ay nandito na kami sa bahay ,di ko muna pinapasok si lesther kasi gugulatin ko si sab .

Nung pagpasok ko nakita ko sila alien at harold na nanonood ng tv .

Ako:sab .(mahina kung sabi kay sab)

Kaagad na lumingon sila harold at sab at kaagad na lumapit si sab sa akin

Sabrina:jazz,buti naman at nandito ka na, kumain ka na may niluto ako para sayo .

Harold:magandang hapon kuya jazz .

Ako:sab ,may ipapakilala ako sayo, bago kung kaibigan .

Sabrina:ha ? sino ?(gulat niyang sabi)

Lesther:hai ?? miss sabrina hehehe !(ngiti niyang sabi kay sab)

Nakita ko ang reaction ni sab ,gulat na gulat di niya yata lubos maisip na magkasama kami ngayon ni lesther

Itutuloy.