Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 55 - CHAPTER 54:ANTI BULLYING

Chapter 55 - CHAPTER 54:ANTI BULLYING

SABRINA's POV:

Lord sana gumaling na si kevin para maging masaya na ang lahat ng nagmamahal sa kanya di naman po deserving na mawala kaagad si kevin, Lord please ! isa na dun si jazz na sobrang malulungkot kapag kinuha niyo si kevin ayokong masaktan ng ganun si jazz pero kung oras na niya rerespetuhin namin ang desisyon niyo lord .

Heto papunta muna ako sa school tutal nandun naman si harold nag aaral ,may pasok siya ngayon alam ko at pupuntahan ko na rin sila abegail at nicole.

Maya maya ay nandito na ako sa school at kaagad akong bumaba at ni lock ko na yung pinto .

Ako:Good morning kuya,hehehe(ngiti kung sabi kay kuya guard)

Guard:wow !! Maam,kayo po ba yan(masigla niyang pagbati sa akin)salamat naman at bumalik na kayo kaagad,namiss ka po namin(biglang ngumiti)

Ako:asus si kuya naman,teka pumasok ba ngayon yung kapatid kung si harold ?

Guard:oo maam at parang nakita ko sila kasama yung mga classmate niya dun sa likod ng auditorium.

Ako:ah ! sige kuya, salamat .(sabay ngumiti kay kuya guard)

Guard:welcome maam !

Ayun pumasok na ako at kaagad akong pumunta sa likod ng auditorium ,ano kaya ang ginagawa ng harold na yun dun.

Maya maya ay nandito na ako sa auditorium ,narinig ko kaagad ang boses ni harold rinig na rinig ko yung pagtawa niya at..

Harold:hahaha (malakas ang tawa)alam mo pare napaka bobo talaga yung bryle na yun,akalain mo pa naman naloko natin siya ,hahaha ! at mukhang di nag vivitamins ,napakalampa mahina nga lang yung pagsapak ko ,dumugo kaagad yung ilong,hahaha ! yosi pa nga ,meron ka pa diyan .

Parang uminit yata yung ulo ko nung marinig ko yun kay harold at lalong uminit yung ulo ko nung malaman kung nagsisigarilyo siya kaya kaagad akong nagpakita sa kanila,nakita ko na sarap na sarap si harold sa paghithit ng sigarilyo ganun din yung apat niyang barkada .

Mike:tol ,si maam sab ,yung ate mo (sabay palo kay harold habang busy sa kanyang phone)

Harold:impossible,wala dito si ate , hahaha

Ako:kailan ka pa natutong manigarilyo at mang bully ng tao ha ! (sumigaw ako at galit na galit nung sinabi ko yun kay harold)

Nakita ko yung reaction ni harold,gulat na gulat at kaagad niyang tinapon yung sigarilyo na hawak niya .

Harold:ate ! kailan ka pa nakauwi ?(natataranta niyang sabi sa akin)

Ako:mag usap tayo mamaya sa bahay,di kita ipapahiya dito ,wag kang mag alala at kung may kunti ka pang konsensya diyan harold,humingi ka ng tawad ngayon din sa binully niyo ,kundi ako ang gaganti sa kanya mula sayo tandaan mo yan harold,(nanggigil ako sa galit habang tinuturo ko yung daliri ko kay harold)at kayo rin ,diba kayo nahihiya sa mga magulang niyo ha !tigilan niyo na yang mga gawain niyo,kundi irereport ko kayo sa dean pwede kayong ma expelled dito sa school kasama yung kapatid ko(sinabihan ko rin yung mga kasama ni harold habang pinagtaasan ko sila ng boses)

Nakita ko sila na nakayuko lang at napakamot sa ulo .

Harold:ate ...sorry !!

Ako:bahala ka sa buhay mo harold, mamaya mag usap tayo di ako makapaniwala sayo ! grabe ka ! gawin niyo na yung sinabi ko ,humingi kayo ng kapatawaran sa taong binully niyo at dalhin niyo siya sa akin mamaya dun sa faculty room ko ,maliwanag !!

Fernan:yes maam,sorry po ! wala pong kasalanan dito si harold kami po ang nagpilit sa kanya

Mike:tama po maam yung sinabi ni fernan kami po talaga ang may kasalanan

Ako:wala akong pakialam ! harold mamaya siguraduhin mo lang na magsisinungaling ka kundi alam muna yun .

Ayun tinalikuran ko na sila at umalis grabe dumagdag pa tong si harold ,bakit niya ginawa to sa akin ,parang gumagaya na siya kay papa ,wag naman sana lord !

Papunta na ako sa faculty room ng biglang

Abegail:bakla ?

Narinig ko yung boses ni abegail sa likod kaya nung lumingon ako ay grabe bigla niya akong niyakap

Abegail:baaaaaaaaaaklaaaaaaaaa (sigaw niya sa akin grabe halos matanggal yung eardrum ko)

Ako:grabe parang isang dekada akong hindi nakita ,OA naman to ! (ngiti kung sabi kay abegail)

Abegail:(iniwas niya na yung pagkakayakap sa akin)grabe ikaw nga akala ko ba na matagal kayo dun ,hehehe

Ako:nahuli na kasi ni jazz yung nagbabanta sa amin

Abegail:talaga ? infairness mukhang mahal ka talaga nung jazz na yun,okey may one point siya sa akin,buti naman at nandito ka na ,i miss you bakla ! hehehe

Ako:di mo pa rin talaga tanggap si jazz,i miss you morer din bakla (sabay hug)

Abegail:uhmmmm ! bakla ,

Nararamdaman ko na di ka okey ngayon,what is wrong ?(sabay iwas sa yakap ko sa kanya)

Ako:grabe naman to,nahalata mo kaagad na di ako okey ngayon

Abegail:syempre naman,what are friends are two ,let me think ,si harold ba ? yung pasaway mong kapatid.

Ako:teka ,bakit alam mong siya ang pinoproblema ko ngayon,alam muna ba yung pinagaga gawa ni harold dito .

Abegail:oo bakla,di ko sinabi sayo kasi baka di ka maniwala sa akin at ayoko rin na lalo kang ma stress dun sa bago niyong bahay lalo na buntis ka ,alam ko naman na malalaman mo rin sa bandang huli .

Ako:bukod sa paninigarilyo niya at pang bubully niya,ano pa ang pinaggagawa niya dito nung wala ako.

Abegail:actually bakla,nagulat rin ako nung ginawa niya yun,kasi di naman siya ganun diba nung nandito ka pa ,pero nung nawala ka dito ilang araw ay ayun,palagi na siyang nirereport na nangbubully siya at nag cutting classes pa ang mas malala pa bakla ay sinaktan niya si angelica yung studyante ko na girlfriend niya

Ako:bakit ano ang ginawa niya kay angelica ?

Harold:ate ...

Di natuloy ang pagsasalita ni abegail ng biglang dumating si harold kasama yung mga kaibigan niya at may kasama silang isang lalaking kaedad lang nila studyante rin,may sugat sa mukha .

Abegail:yan ,yan ang binugbog ng kapatid mo.(bulong sa akin)

Lumapit na sa akin sila harold..

Harold:ate ! sorry ..(malungkot niyang sabi sa akin)di na namin uulitin yung ginawa namin at heto po yung binully namin,humingi na po kami ng tawad sa kanya

Abegail:sa harap namin kayo humingi ng tawad sa kanya at harold ,bakit mo to nagawa sa ate mo ha ! kung kailan matatapos ka na sa college saka ka pa nagka ganyan(galit niyang sabi kay harold)

Harold:sorry po ate abegail

Ako:(nilapitan ko yung lalaking binully nila)anong ginawa nila sayo

Bryle:wala po maam (mahinhin niyang sabi)

Ako:sige na,wag ka ng matakot kasi pag di mo sinabi sa akin ang totoo pati ikaw ieexpelled ko dito

Bryle:pinagsasapak po nila ako ,di lang sa mukha pati buo kung katawan,pinaso rin po nila ako ng sigarilyo,huhuhu (umiyak siya ng tuluyan)

Ewan ko biglang sumikip yung dibdib ko nung sabihin niya yung ginawa sa kanya nila harold,di ko mapigilan na sampalin ng malakas si harold .

Ako:(tinitigan ko siya)wala na tayong dapat pag usapan pa harold ,binigo mo ako grabe ka ! bakit mo to nagawa ha ! at anong ginawa mo kay angelica,sabihin mo .(galit kung sabi kay harold)

Harold:ate,sorry na ! wag ka namang magalit ng ganyan,gumawa na nga ako ng paraan para mapatawad mo ako .

Ako:so dapat pa akong maging masaya sa ginawa mo sabihin mo anong ginawa mo kay angelica.

Harold:di ko naman yun intensyon na saktan siya,mahal ko si angelica ate alam mo yun

Ako:ano nga ang ginawa mo sa kanya !!(sinigawan ko siya)

Harold:nasaktan ko siya,nakita niya ako na may kasex na babae,ate lasing ako nun.

Ayun binigyan ko na naman ng malakas na sampal si harold at tinalikuran ko na siya,nilapitan ko yung lalaking binully nila.

Ako:anong name mo .

Bryle:bryle po maam.

Ako:bryle,sapakin mo sila sa mukha isa isa .

Bryle:di ko po kaya maam,

Ako:sige,imbes na 20 days lang yung parusa nila na di sila makakapasok ay ipapatanggal ko sila dito sa school na to kasama yung kapatid ko .

Mike:bryle,sige na saktan muna kami ayaw namin na matanggal dito,,baka bugbugin ako ng tatay ko.

Fernan:oo nga tol ! sige na sapakin muna kami .

Abegail:mga takot pala kayo di maka graduate pero yung pangbubully niyo sa kanya hindi ! ang lakas ng loob niyo.

Nakita ko na biglang lumuhod si harold sa harapan namin,nagulat rin yung mga kaibigan niya kaya lumuhod nalang din sila ,nakita namin na marami ng studyante dito ang nanonood ,yung iba ay kumukuha ng video ..

Ako:ayan,marami ng nanonood sa inyo,pagkakataon niyo na to para malinis niyo ang pangalan niyo dito.

Nagulat ako ng biglang sinapak isa isa ni bryle sila harold at malakas ang pagkakasapak niya lalo na kay harold kasi dumugo ang ilong ni harold at ayun nakita ko yung mukha ni bryle ngumiti na siya at nagpasalamat sa akin

Bryle:salamat po maam,,..

Ako:sige na tumayo na kayo diyan at sige tutal nakita na ng mga studyante dito pati mga teachers ang ginawa niyo,di ko na kayo ipapa expelled kay dean madrigal ,pumunta na lang kayo dun sa opisina niya .

Tumayo na sila,nakita ko si harold biglang biyernes santo yung mukha di maguhit at umalis na ako sumunod sa akin si abegail ,ganun din si bryle

Student 1:yan si maam del pilar ,thank you !maam ,

Student 2:kahit kapatid niya pa yung isa sa mga gangsta ay di niya ito pinalampas,isa kang mabait na teacher maam,salamat at bumalik ka na .

Abegail:pinahanga mo ako bakla,ikaw na ang teacher of the year ! hehehe

Ako:tumahimik ka bakla .

Ayun maya maya ay nandito na kami sa faculty,kaagad silang nagpalakpak nung pumasok ako,so di sila nagulat na nandito na ako .

Sir tanyo:welcome home sab ,ikaw lang pala ang makakapagpa amo sa mga pasaway na gangsta na yun,kasama na yung kapatid mo ,

Nicole:bakla namiss kita ,hehehe(sabay yakap sa akin)

Lesther:ako din bakla ,namiss kita(ngiti niyang sabi sa akin)

Nagulat ako nung makita ko na nandito si lesther,teka anong ginagawa niya dito .

Abegail:(sinabunutan ako pero mahina lang)hoyyy !! ,kilala mo pala yang si lesther,

Lesther:oo magkakilala na kami niyan ni sab ,,

Nicole:grabe ka talaga bakla,lahat na lang ng gwapong lalaki,kilala mo bigyan muna man kami ng isa ! may jazz ka na kaya,hehehe

Sir tanyo:si lesther ang pumalit kay diane ,siya na ang magiging Physical Education INSTRUCTOR dito ,buti naman at magkakilala na kayo ni sab .

Ako:bakit po si lesther ang pumalit sa kanya sir ?

Lesther:hehehe,bakit sab ayaw mo ba na nandito ako,hehehe,dont worry di na kita gusto iba na ang gusto ko,hehehe

Abegail:sino lesther,ako na ba ! hehehe(sabay hawak sa braso ni lesther)

Sir tanyo:tama na yan,sab ! pumunta ka muna dun sa dean's office,pinapatawag ka ni dean madrigal .

Abegail:taray mo bakla,friend na kayo ni miss madrigal.

Lesther:sikat ka pala dito sab,nakaka bilib naman,hehehe

Nicole:parang may something kayo lesther ha (sabay akbay kay lesther)

Ako:sige alis na muna ako sir at guys bukas papasok na ako dito ,hehehe ! thank you ulit for the warm welcome at sayo rin lesther ,sana maging masaya ka dito.

Lesther:don't mention it sab ,cause im always happy wherever i am,hehehe

Nicole:wow !! ,sana all talaga !

Ayun umalis na ako at habang palayo na ako ay may biglang may kumalabit sa aking likod at paglingon ko kung sino walang iba kundi si lesther na malapad ang tingin kita yung dimples niya .

Ako:anong ginawa mo lesther teka sinusundan mo ba ako ?

Lesther:hehehe,grabe ka naman sab,akala ko ba friend na tayo,bakit sinusungitan mo ako,hehehe

Ako:sorry lesther,nagulat lang kasi ako biglaan naman .

Lesther:actually sab ,di ko rin inexpect na ililipat ako dito nung malaman ko na dito ako irere assign ay nagulat ako at syempre natuwa na rin kaya wag kang mag assume na sinusundan kita sab,hehehe !

Ako:okey ! yun ang sabi mo eh ! pero mamaya na ha ! baka hinihintay na ako nila dun

Lesther:oh ! sige,papasok na rin ako sa pinaka una kung subject , sige sab,ingat ..

Ako:sige..

Ayun papunta na ako sa deans office,no comment na lang ako sinabi ni lesther di naman yun big deal sa akin,

At heto nandito na ako sa deans office at pagbukas ko nakita ko sila harold naka upo ,ganun din si bryle

Dean:ms.del pilar,have a seat ! thank you for coming.

Ako:thank you maam ,

Ayun umupo na ako ,tumabi ako kay harold.

Dean:ms.del pilar ,tutal ikaw naman ang nakakita sa ginawa nila,ikaw ang tatanungin ko,ano ang dapat iparusa sa kanila lahat silang lima ay mag gragraduate this year

Tiningnan ko isa isa tong mga pasaway na to,lalo na si harold nakita ko yung isang kaibigan ni harold,tumulo yung luha .

Ako:actually maam,nakita ko lang po silang nagsisigarilyo sa likod ng auditorium,di ko nakita yung mga pangbubully nila pero base sa nakita ko sa mukha ni bryle parang nananakit nga sila ng kapwa student nila

Dean:so ano ang dapat iparusa sa kanila,kasi kanina tinanong ko si bryle sabi niya napatawad niya na raw tong limang pasaway na to,

Ako:so yun din na lang ang desisyon ko maam pero dapat palinisin mo sila dun sa mini forest natin ,in 5 days .

Dean:great idea ms.del pilar,okey ! narinig niyo naman sinabi ni ms.del pilar .(tumingin siya kina harold)

Harold:yes maam,gagawin po namin .

Mike:salamat po maam,mabuti na yun kesa ma expelled kami

Dean:okey tyrone bryle santos pwede ka na umalis,wala ng mangbubully sayo

Bryle:thank you maam.

Ayun maya maya ay umalis na kami umalis na rin yung mga pasaway na kaibigan ni harold,heto magkasabay kami ni harold,di ko siya pinapansin ,patuloy lang ang paglakad ko .

Harold:ate,kausapin muna man ako .

Ako:sumakay ka sa kotse ko dun ka muna sa bahay ni jazz,dun ka muna titira .

Harold:ate ,alam muna man na ayoko dun .

Ako:bahala ka ,kung yun ang sabi ko ,sundin mo.(galit kung sabi pero di ko siya hinaharap)

Harold:okey !

Ayun di na siya nagsalita,nandito na kami ngayon sa kotse ko at maya maya ay nandito na kami sa bahay pumasok na kami sa loob ,nakita ko si mama emerald nanonood ng tv, 12 pm na pala ng hapon

Mama:ohh,kasama mo pala si harold,kumain na ba kayo..

Harold:hello po tita (sabay mano kay mama)

Mama:napaka gwapo naman tong kapatid mo iha ! sige kumain muna kayo dun

Ako:salamat ma at ma ,okey lang po ba na dito muna titira si harold

Mama:sure no problem,hehehe

Ako:thank you ma .

Ayun umakyat na kami sa taas at tinuro ko na kay harold yung kwarto niya ,

Ako:magpahinga ka na,maglilinis ka pa bukas .

Harold:ate ,sorry na ! di ko na gagawin yun,wala naman akong bagsak eh ! at kabilang ako sa top 10 .

Ako:pagod ako harold,wala akong panahon makinig sayo,,sinira muna ang tiwala ko pati si angelica sinaktan mo ,di mo ba naisip na babae yung kapatid mo.

Harold:ate,di ko naman yun intensyon na gawin yun kay angelica.

Ako:kahit na ,may tama kang pag iisip harold,ginusto mo yun,pasalamat ka ! dalawa na lang tayo dito,pasalamat ka ! mabait ako kundi ,ewan ko na lang sige na magpahinga ka na .

Harold:ate naman eh !

Sinara ko na yung pinto nababadtrip ako kay harold,tsk ! bigla kung naisip si jazz,teka kamusta na kaya siya sana okey na siya ,matawagan nga .

Tinawagan ko si jazz

Ring.ring.

Jazz:alien ko,bakit ?

Ako:kamusta ka ? Kumain ka na ba ?

Jazz:tapos na alien ko ,ikaw nasaan ka ? Nasa bahay ka na ba ?

Ako:bakit matamlay yang boses mo ?,parang di ka pa kumakain ,oo nandito na ako sa bahay kasama ko si harold

Jazz:wala alien ko ,dadalhin na kasi si kevin sa america

Ako:ang bilis naman,pero mabuti na yun para mabilis siyang gumaling

Jazz:kaya nga ,sana gumaling na siya teka bakit mo kasama si harold .

Ako:jazz okey lang ba na dito muna siya titira,may ginawa kasing kalokohan to kanina dun sa school

Jazz:sige sige ! mukhang may pinagmanahan,(sabay ngumiti)

Ako:oyyy,ngumingiti na siya hehehe ! salamat jazz at ngumiti ka na .

Jazz:ikaw kasi eh ! oo naman sige diyan mo muna yan patirahin para dalawa na kaming lalaking babantay sa inyo ni mama,sige alien ko,mamaya na lang ,tatapusin ko lang tong report ko .

Ako:sige sab ingat ka ha ! at wag mong papagurin sarili mo ,i love you !

Jazz:sige sige i love you too alien ko ! ingat ka pati si baby.

Ako:yes po ,sige na ! bye

Ayun pinatay ko na ang tawag buti naman at ngumiti na rin si jazz sana tuloy tuloy na ! lord ikaw na po bahala kay kevin .

Itutuloy.