SABRINA's POV:
After 123456789 sa wakas nakabalik na rin kami sa aking dating lugar nandito kami ngayon sa bahay ni jazz ,mga 7 pm na kami nakapunta dito, inabot pa rin kami ng gabi ,pero okey lang atleast nakauwi na .
Pinasok na namin yung gamit namin ,humiga kaagad ako sa sofa dito sa sala
Ako:nakakapagod ng biyahe .
Mama:magpahinga muna kayong dalawa,maghahanda lang ako ng pagkain natin.
Jazz:wag na ma !.bukas na lang magpahinga ka na rin,kumain naman tayo kanina .
Mama:ikaw sab,nagugutom ka ba ?(sabay sabi sa akin ni mama)
Ako:hindi pa po ma ,pupuntahan ko muna si harold ,kakamustahin ko siya
Mama:sige ! pero magpahinga ka muna ,akyat na ako sa taas .
Ako:sige ma .
Tumabi sa akin si jazz at tumingin sa akin
Ako:ohh !bakit ganyan ka makatingin .
Jazz:tara matulog na tayo sa taas ,(ngumiti na parang nang aakit)
Ako:alam ko yang mga ngitian mo na yan,matulog kang mag isa,di mo ba ako narinig ,pupuntahan ko pa si harold
Jazz:ang sungit naman nitong alien na to,tawagan mo na lang siya at papuntahin mo siya dito.
Ako:actually jazz,napagod rin ako sa biyahe,bukas ko na lang pupuntahan yung siraulo kung kapatid .
Jazz:berry good ! hehehe,tara na punta na tayo sa taas .
Ako:buhatin mo ako(pagpapacute kung sabi sa kanya sabay nag beautiful eyes)
Jazz:Askal ka ghurrlll ,hahaha grabe anong klaseng beautiful eyes yan,parang napupuwing lang,hahaha !
Pinalo ko siya sa kanyang braso saka kinurot sa kanyang bewang
Jazz:ouch ! mapanakit ka na ngayon alien ha ! irereklamo kita sa MENS RIGHT ,hahaha !
Ako:ewan ko sayo !Nakakainis ka ! dito na lang ako matutulog sa sofa ,,MENS RIGHT !!,edi magsumbong ka tutulungan pa kita dun .(pagtataray kung sabi)
Jazz:ayssusss naman tong alien ko,tara na nga moodswing ka na naman diyan,hahaha !
Nagulat ako ng bigla akong binuhat ni jazz ,nagkalapit yung mga mukha namin ewan ko ba di ako nagsasawa sa mukha ng lalaking to,napaka amo kasi ng mukha niya pero siraulo yung ugali. Kinilig ako pero just a little bet lang ,hehehe !(ang rupok mo girl )
Jazz:yung laway mo alien ,baka madapuan ako ng bacteria ,hehehe ! di ka talaga nagsasawa sa handsome face ko,hehehe !
Ako:(pinalo ko yung dibdib niya ang tigas )oo na ,baka liparin ako dito ng malakas na hangin,sige na umakyat na tayo sa taas.
Jazz:hehehe ! sure alien ko,basta 3rd round ulit ha ! (kinindatan niya ako sabay kagat ng labi niya)
Ako:jazz ,wag muna ngayon ,okey !! ,please hehehe ! umaandar na naman yang pagka manyakis mo. As in !
Jazz:atleast sayo lang ako nagiging manyakis. Hindi sa iba !
Ako:so ano ,dapat pa akong matuwa,sige subukan mo lang mag manyak ng iba,di lang relasyon natin ang puputulin ko pati yang burat mo .
Jazz:hehehe,heto naman nagbibiro lang ,hehehe ! joke lang ! gagawin ko ba yun takot kaya ako sayo !(sabay halik sa pisngi ko)
Ako:buti naman ,kasi di ako nagsisinungaling jazz,sige na umakyat na tayo sa taas,masakit na tong ulo ko pati beautiful eyes ko .
Jazz:hahaha ! okey po .
Ayun umakyat na kami sa taas at kaagad akong hiniga ni jazz .
Jazz:di ka ba mag hahalf bath alien ?
Ako:hindi na ! baka lamigin ako matutulog na ako ,ikaw di ka pa ba matutulog
Jazz:mamaya na ako matutulog ,tatawagan ko lang si kevin .
Ako:sige sige , basta wag ka ng aalis ha !
Jazz:opo alien ko ,sige na matulog ka na (sabay kiss sa lips ko)
Ako:okey ! goodnight ! i love you .
Jazz:i love you too alien ko !
Ayun nagkumot na ako at pinikit ko na mata ko at ZzzzzzzzZzzz !!
Kinabukasan ...
Nagising na lang ako na wala na si jazz sa tabi ko grabe di man lang nagpaalam sa akin di man lang ako ginising ,hayst !
Tiningnan ko yung oras ,nagulat ako kasi 9 am na pala ng umaga, oh my god ! ang tagal ko palang matulog,early na nga ako natulog kagabi tapos napuyat pa ako ngayon.
Kaagad akong dumirestso sa banyo at naligo at pagkatapos ay nagbihis na ako hindi muna ako nag uniform di muna ako ngayon papasok bukas na at bumaba na ako .
Nakita ko si mama na nanonood ng tv kaya nilapitan ko siya
Ako:goodmorning ma (sabay halik sa pisngi niya)
Mama:ohhh ! gising ka na pala sab,mag almusal ka muna dun,di ka na nahintay ni jazz kasi nagmamadali siya .
Ako:bakit naman siya nagmamadali ma ?
Mama:si kevin ,nasa ospital
Ako:ano ! anong nangyari sa kanya ?(gulat kung sabi kay mama)
Mama:sumuka siya ng dugo ,di pa tumawag ulit sa akin si jazz kung okey na ba si kevin
Pagkasabi ni mama nun ay bigla akong nagulat at nakaramdam ng pag aalala ano kaya nangyari kay kevin.
Ako:tawagan ko na lang si jazz,ma .
Mama:sige ! sana walang may masamang mangyari kay kevin.
Ayun tinawagan ko na si jazz
Ring.ring.ring
Jazz:alien ko ,si kevin.(malungkot niyang sabi)
Ako:anong nangyari sa kanya ? teka nasaan kang ospital,pupunta ako diyan.
Jazz:di pa siya nagigising alien ,si kevin bakit di niya sinabi na may sakit pala siya ,huhuhu(bigla siyang umiyak)
Ako:tama na jazz ,walang masamang mangyayari sa kanya,okey ! kumalma ka ,kilala mo si kevin di yun susuko, pupunta ako diyan , nasaan ka ?
Jazz:nandito ako sa st.pauls ospital alien ko(matamlay niyang sabi sa akin)
Ako:sige hintayin mo ako .
Pinatay ko na yung tawag ,grabe ramdam ko yung kalungkutan at pag iyak ni jazz matalik niyang kaibigan si kevin kaya ganun na lang yung nararamdaman niya,lord ! pleasee ! wag niyo po munang kunin si kevin kawawa naman po yung mga nagmamahal sa kanya,isa na dun yung asawa niya pati anak niya .
Mama:sab ,ano ? kamusta si kevin ?
Ako:di pa siya nagigising ma .(malungkot kung sabi)
Mama:jesus christ ! sana maging okey na siya,ipagpre pray ko siya na sana magising na siya at maging okey na,so ano pupuntahan mo sila .
Ako:oo ma ,punta muna ako dun,mamaya na ako kakain.
Mama:sige sige ! ingat ka .
Ako:sige ma .
Ayun kaagad akong umalis at pina andar ko na yung kotse ko at ayun papunta na ako ngayon sa st.pauls ospital .
Sobra ako ngayon nag aalala para kay kevin, ewan ko biglang sumama yung pakiramdam ko si jazz kasi alam ko na lubos siyang mahihirapan ngayon kasi nasa malubhang kalagayan yung best buddy niya.
Maya maya ay nandito na ako sa ospital kaagad akong nag park at bumaba ,nakita ko kaagad sila cecilia at ramos .
Cecilia:sab .
Ako:nasaan si jazz,nandun pa ba siya sa room ni kevin
Cecilia:oo sab,di namin alam kung kailan magigising si kevin bakit di niya sinabi na may sakit siyang leukemia,bakit tinago niya yun.(inis niyang sambit )
Biglang tumulo yung luha ko nung sinabi yun ni cecilia .
Ako:saang room si kevin
Cecili:room 567 .
Ako:sige,salamat cel !
Ayun kaagad akong pumunta sa room 567,maya maya ay nandito na ako nakita ko sila lemuel at yung asawa ni kevin na si jessel nilapitan ko sila
Ako:jesss.
Jessel:(tumingin sa akin)sab (bigla akong niyakap),si kevin(umagos yung luha niya)
Ako:tama na jess ,magpakatatag ka kakayanin ni kevin yan,di siya basta basta susuko.(hinimas ko yung likod niya)
Jessel:stage 3 na yung sakit niya sab ,bakit di niya sinabi sa akin to. Nilihim niya ni isa wala siyang pinagsabihan maski yung bestfriend niyang si jazz,huhuhu
Ako:baka ayaw lang ni kevin mag alala kayo,kaya mas mabuti na lang na ilihim niya ito,wag kang mag alala jess gagaling pa siya,stage 3 palang naman siya
Inalis na niya yung pagkakayakap sa akin at pinahiran na niya yung luha niya
Lemuel:sana nga sab ,sana nga gumaling pa siya(malungkot niyang sabi)
Biglang lumabas si jazz nakita ko ang lungkot sa mukha niya.
Jazz:sab ,nandito ka na pala .
Nilapitan ko si jazz
Ako:ayos ka lang ba jazz,wag mong isipin na di kakayanin ni kevin yung sakit niya,kakayanin niya yun,okey !
Jazz:nakita ko yung mukha ni kevin nung sumuka siya habang nasa duty kami sab ,bago siya mawalan ng malay ay may huling siyang sinabi sa akin.
Jessel:anong sinabi niya jazz ?
Jazz:mamimiss niya raw tayo,ayokong mag isip na yun na ang huli niyang sasabihin kasi kilala ko si kevin,di yun basta basta nagpapatalo.(tumulo luha niya)
Napa upo na lang sa upuan si jessel at umiyak at niyakap ko naman si jazz
Ako:tama na jazz,tama na ayaw ni kevin na nagkakaganyan kayo sa kanya kaya nga di niya sinabi sa inyo na may sakit siya kasi ayaw niyang manghina kayo ,kaya imbis na malungkot tayo dito magpakatatag tayo,maging malakas tayo kasi ganun din si kevin magpapalakas siya para sa atin.
Lemuel:mukhang mahirap naman yang sinasabi mo sab ,sayo okey lang na sabihin mo yan,kasi di ikaw ang mawawalan.
Biglang lumapit sa amin yung doctor..
Doctor:sino yung asawa ng patient.
Biglang tumayo si jessel at lumapit kay doc
Jessel:ako po doc,kamusta na ang kalagayan ng asawa ko ?
Doctor:50/50 po ang kalagayan niya,pag magising siya posibleng makaligtas siya hihintayin na lang muna natin siyang magising pagkatapos ay kayo kung gusto niyong dalhin sa america yung asawa mo at dun magpagaling .
Jessel:dun ko talaga siya dadalhin doc ,kasi nandun yung tita ko sa america dun siya nagtratrabaho bilang nurse kailan po magigising si kevin.
Doctor:pag di pa siya magising within 3 days or 5 days ,pwede naman dalhin niyo na lang siya sa america.
Lemuel:sige doc,bukas na bukas dadalhin na namin siya dun
Jazz:mas mabuti na lang na dun siya magpagaling jess para gumaling siya kaagad .
Jessel:kaya nga jazz,doc(tumingin kay doc)pwede na po bang dalhin si kevin bukas sa america
Doctor:pwede naman kung yun ang gusto niyo
Jessel:sige po doc,salamat po ..
Doctor:don't lose hope misis ,think positive lang,iwasan ang mga negativity gagaling yung asawa niyo ,sige alis na ako .
Jessel:salamat doc .
Ayun umalis na si doc at heto nabuhayan sila, buti naman at di na sila gaanong malungkot .
Jazz:jess at lemuel kayo na muna ang bahala kay kevin ,babalik na ako sa duty ko panatag na ako ngayon kasi alam ko na gagaling siya
Jessel:sige jazz ,salamat pala !.sayo rin sab .
Ako:okey lang ! keep fighting jess,gagaling si kevin,okey !.(bigla kung niyakap si jess)
Jessel:thank you sab !(sabay ngumiti)
Ayun umalis na kami ni jazz ,,hinawakan ko kamay niya ,nakita ko na malungkot pa rin yung mukha niya .
Ako:jazz ?.may joke ako sayo .
Jazz:(tumingin sa akin) ano yun ?(seryoso niyang sabi)
Ako:20,30,40,50 .Anong next ng 50 ?
Jazz:edi 60 .
Ako:mali ! hahaha
Jazz:eh ! anu .
Ako:51,hahaha (lakas ng tawa ko grabe)
Nakita ko yung reaction ni jazz di man lang siya ngumiti ,kahit piso .
Ako:oyyy ! ngumiti ka na diyan,sige ka magagalit sayo si kevin pag malungkot ka .(sabay pisil ng bewang niya)
Jazz:ang corny mo kase at di ko naman kaya na tumawa sab lalo pa't yung kaibigan ko ay nasa kritikal na kalagayan,sorry alien ha !
Ako:magduduty ka pa rin ba ?
Jazz:oo ,nakakahiya kay general ,ikaw saan ka pupunta ?
Ako:pupuntahan ko si harold pati sila abegail bukas na ako papasok ,jazz wag munang isipin yung kay kevin ang isipin mo ay gagaling siya. Dapat think positive lang kagaya nung sinabi mo sa akin tungkol kay clark.
Jazz:(tumingin sa akin at pinisil yung pisngi ko)ewan ko sayo !oo na ,mamaya makakamove on rin ako nag kotse ka ba alien ?
Ako:sige hintayin ko yan mamaya ha ! dapat makita ulit kita na ngumiti at oo nag kotse ako ginamit mo yung motor mo ?
Jazz:oo alien ! sige mag ingat ka ha at wag kang lalandi,text nalang kita mamaya ,i love you .(sabay halik sa lips ko)
Ako:sige,ikaw rin mag ingat ka ! i love you too .
Ayun pina andar na ni jazz yung motor niya at sumakay na ako sa kotse ko grabe talaga yung sakit na nararamdaman ngayon ni jazz ,pati ako naapektuhan ganun ba talaga pag malungkot yung mahal mo ay malungkot ka na rin .
Itutuloy.