POV na ito ni SABRINA
Waaaaaaaahhhhhh !! sobrang nakakainis ang lalaking manyakis na yun,pasalamat siya di ako marunong kumatay ng tao kundi matagal ko na yung kinatay,nakaka stress yung lalaking yun as in ,akala naman niya sasagutin ko siya pag manligaw siya sa akin,HELL NOOOOOO as in NOOOOO !!! ,
Pero i don't know bakit ganun na lamang ang epektong binigay sa akin ni jazz nung hinalikan niya ako ,bakit di man lang ako nagpumiglas ,dahil ba lasing siya nun,no sabrina marie del pilar ,wag kang magpapa uto sa lalaking manyakis na yun,binibilog niya lang yung ulo mo,dun ka na lang kay clark ,dun mas kilala mo siya ng lubusan kesa sa manyakis na yun,,hay !!! Anu ba adto nasisiraan na ako ng ulo,kinakausap ko na sarili ko ,waaaaaaaaahhhhhhh !!!!
Kaagad akong sumigaw at biglang pumasok sa aking kwarto si harold,
Harold:ate ,anong nangyari ? ,bakit ka sumigaw ?(bigla siyang lumapit sa akin)
Ako:wala ,may ipis kasi ,teka wala ka bang pasok ngayon ha !! Bakit di ka naka uniform ..
Harold:ipis lang pala,akala ko ni rape ka na diyan ,hehehe
Ako:(binatukan ko)siraulo ka !! ,wag mong gagawing biro yang salitang rape na yan harold ha !! ,
Harold:(sabay kamot sa ulo),ang sakit naman nun,oo na ,sorry na ,pero ate talaga bang sasagutin mo yung hambog na pulis na yun ,kung manligaw siya sayo
Ako:hindi,kasi hindi ko siya gusto
Harold:weeeehhh !! ,wag ako ate,kilala kita,bakit di ka man lang pumalag nung hinalikan ka niya
Ako:ano ba ,harold ,nasa fast talk ba tayo ha !!,ikaw ba si tito boy abunda,daig mo pa ang reporter eh !! ,umalis ka na nga,teka teka lang (sabay hawak ng kwelyo niya)saan ba ang lakad mo ngayon bakit bihis na bihis yata tayo ngayon at wala ka bang pasok ngayon ha !!
Harold:magkikita kami ngayon ni angelica,at ate sunday ngayon,malamang walang pasok,hay naku !!
Ako:(binitawan ko na siya)okey ,sana all may ka date,diba may ROTC kayo pag sunday ..
Harold:hindi na sunday yung ROTC namin,every friday na ,
Ako:ah ,okey. Sige umalis ka na ,at matutulog pa ako .
Harold:ate ,pwede bang humingi ng favor ,hehehe
Ako:favor ?,favor mukha mo ,hehehe ,sabihin mo may hihingin ka lang sa akin,ano yun ?
Harold:nababasa mo na talaga ang nasa isip ko ,hehehe
Ako:malamang ,kilala na kita harold,
Harold:ate kasi,first time akong makikipag date kay angelica,ano ba ang dapat kung gawin,anong gagawin ko(seryoso niyang sabi sa akin)
Pagkasabi nun ni harold ay di ko mapigilang tumawa ,
Ako:hahahahahahahaha
Harold:ate naman eh!!,mukha ba akong nagbibiro. Hoyyyy !!,wag mo nga akong pagtawanan ,(sabay sipa sa akin)
Ako:aray !!,bat ka naninipa ha !!,hehehe
Harold:kasi naman,tulungan muna ako,alam ko makakatulong ka sa akin kasi babae ka ,
Ako:hahaha ,akala ko ba,magaling ka sa mga ganyan,diba chickboy ka ,hahaha,ang dami mo ngang napaiyak na mga babae sa akin pa sila nagsusumbong pati nga bading pinapatulan mo,hahahaha,grabe harold ,hahaha
Harold:hoyyyy !!,di ko yun problema,sila ang may problema,sige na ate ,ewan ko natotorpe ako dito kay angelica eh !!,nagulat nga ako ng nakipag date siya sa akin,di kasi kami nito close sa school ,palagi siyang busy sa mga subject ako palaging busy sa basketball,di ko alam kung ano ang makapagpapasaya sa kanya
Ako:(hinawakan ko ang noo ni harold)sinaniban ka ba ng mr.kupido aking gwapong kapatid,hehehe,,naks !!,nakahanap na ng katapat tong babaero kung kapatid,tutulungan lang kita kung ipapangako mo na siya na ang babaeng seseryosohin mo harold,pero alam ko naman na nagkagusto ka na talaga ng tuluyan kay angelica kasi di ka magkakaganyan kung pinaglalaruan mo lang siya siguro maganda siya ano ..
Harold:ewan ko ate,kasi pagnaglalaro kasi kami sa court ,pag nandun siya ,parang ginaganahan akong maglaro at maniwala ka ate ,palagi na akong pumapasok sa mga subject ko nung lumipat siya ng course
Ako:so kilala muna siya nung iba pa yung course niya
Harold:oo kasi palagi kasi kaming sumasali sa mga pageant dun sa school ,sige na ate tulungan muna ako,(pagmamaka awa niya sa akin)
Ako:hahaha hay naku !! Harold ,ang cute mo pala pag nagmamakaawa ,hahaha,
,simple lang naman ang kaligayahan naming mga babaeng marikit,hehehe,hindi naman lahat ng babae ay mahilig sa materyal na bagay,mga mamahaling bagay,sa nakikita ko kay angelica isa siyang tipong babae na simple lang base sa sinabi mo sa akin harold,maging totoo ka lang sa kanya at pasayahin mo siya sa mga word of wisdom mo ,mag jokes ka sa kanya na ikaka kilig niya,tungkol naman sa date niyo,dalhin mo siya sa pinaka special mong lugar ,dalhin mo siya dun kasi pag dinala mo siya sa pinaka special mong lugar ay iisipin niyang special rin siya sayo,yung kayong lang dalawa ang nandun ,hindi lahat ng babae ay kinikilig sa mga flowers kadalasan sa aming mga babae ay mas kinikilig sa oras at atensyon ng mga lalaking special sa amin,yung bang effort silang gawin ang lahat para sa aming mga babae ,yun ang gawin mo harold ,
Pagkasabi ko nun ay biglang napangiti si harold at niyakap niya ako
Harold:thank you ate ,yun lang pala,lahat ng sinabi mo ay gagawin ko,sana magustuhan niya ang gagawin ko,hehehe
Ako:(inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin)sige na umalis ka na,basta ha !!,wag mong lolokohin si angelica,baka i ghosting mo siya,uupakan talaga kita,at ipapakilala mo siya sa akin pag maging kayo na,hehehe,ayieeehhh !! Nagbibinata na yung siraulo kung kapatid
Harold:hehehe,sige ate alis na ako,..
Ayun umalis na si harold,haysss !!salamat naman at nagbabago na yung pasaway kung kapatid,,makatulog na nga ..
Bigla akong natulog ulit ..
After 123456789 HOURS ay dahan dahan kung minulat ang very beautiful eyes ko at bigla akong nagulat nung makita ko ang mukha ni papa,nakaupo siya sa tabi ko habang nakangiti ,bigla akong nahulog sa kama ko ,
Papa:anak ,okey ka lang ..(bigla niyang hinawakan braso ko)
Nakatingin lang ako kay papa,teka nananaginip ba ako ,si papa ba talaga tong nasa harapan ko ,bigla kung pinikit ang mga mata ko
Ako:hindi ka totoo,alam ko nanaginip lang ako,imposibleng nandito ang papa ko,eh ! ,natatakot nga yung magpakita sa amin,
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni papa,so totoo nga nandito nga si papa,teka di pa rin ako makapaniwala
Papa:anak,baby sab ko,pasensya ka na ha !!,kung ngayon lang nagpakita ang papa mo,sana mapatawad mo ako anak ,pangako ko na di ko na kayo iiwan pa ni harold.
Bigla kung minulat ang mata ko at dahan dahan kung inalis ang pagkakayakap ni papa sa akin at tumayo ako
Ako:bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin ,saan ka ba nanggaling ?,alam mo ba para kaming inabandona ni harold ng sarili naming ama,alam mo ba kung ano ang mas masakit na ginawa mo sa amin ,yun ay ang nandito ka na pala sa lugar natin ay di ka man lang nagpakita sa amin ni harold,hinding hindi ko makakalimutan yung mga sinabi mo sa akin nung tumawag ka kay clark,pati si clark dinadamay mo sa kasinungalingan mo pa ,(biglang tumulo ang luha ko)nakaka inis lang kasi pa ,kasi di mo man lang kami kinamusta ni harold,wala na ba talaga kaming puwang diyan sa puso mo ,okey lang naman sa amin kung may kapatid kami sa ama,ang hindi lang okey sa amin ay binabalewala muna kami ni harold,alam mo mapapasaya mo kami sa perang pinapadala mo sa amin,nagkakamali ka pa,kasi hindi naman yun ang hinihingi namin mula sa inyo ,ang hinihingi namin ay yung pagmamahal at oras mo sa amin,pero ano nasaan ka ,nandun ka sa ibang lupalop di ko nga alam kung anong pinagkaka abalahan mo eh !!,kung saan mo nakukuha yung mga perang pinapadala mo sa amin,di mo nga alam kung ano ang mga gusto namin ni harold,pero sanay na kami ni harold na wala ka ,kasi ngayon nagbago na si harold dahil sa babae,at sa akin pa siya humingi ng advice imbis na sayo ,(di pa rin tumitigil ang pagdaloy ng luha ko)ano pala ang ginagawa mo dito ,may kailangan ka ba sa amin ni harold,sabihin mo para maka alis ka kaagad kasi masaya na kami ni harold na wala ka ,alam mo sa feeling yung iniwan ka tapos biglang magpapakita sayo,hindi ka pa nga nakakarecover, ,pa ..sorry ha ! Kung nasasabi ko to sayo kasi nilalabas ko lang yung mga nararamdaman ko sayo ,ang sakit eh !!,sobrang sakit ,huhuhu
Bigla akong napa upo sa sahig sa sobrang sakit na ginawa ni papa sa amin,lalo na sa akin,nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko ,kaagad ko siyang tiningnan at pinahid ko yung luha ko
Papa:di kita masisisi anak ,kasi napakalaki ng kasalanan ko sa inyo ni harold,,humihingi ako ng tawad sa iyo,sana mapatawad mo ako at mabigyan ng isa pang pagkakataon ,pangako ko na hindi ko na kayo iiwan pa ni harold,sobra lang talaga akong nabusy sa trabaho ko kaya pati kayong dalawa ni harold ay napabayaan ko na,sorry anak. Patawarin mo ako
Naramdaman ko mula sa puso ang paghingi ng tawad sa akin ni papa,parang nagsisisi na siya ,kaya initayo ko siya at ewan ko bigla kung niyakap si papa ,di ko siya matiis eh !!,daddy's girl kasi ako kaya sobra akong nagalit sa kanya ng ganito pero di ko naman siya matiis ,
Ako:pangako ba yan na di ka na aalis sa amin pa ,
Papa:oo anak,pangako simula ngayon ay dito na ako matutulog at uuwi mula sa trabaho ko
Ako:(tiningnan ko siya)sige pa ,pinapatawad na kita ,bibigyan kita ng pagkakataon para bumawi ulit sa amin,pasalamat ka di kita matiis pa,huhuhu , sobra kitang namiss ,(sabay yakap ulit sa kanya)
Papa:salamat sab ,salamat ,at pinatawad mo ako
Ako:(inalis ko ang pagkakayakap sa kanya),kumain ka na ba pa ?
Papa:tapos na anak ,nasaan pala si harold
Ako:nandun may ka date uuwi na yun,alas 6 na pala ng gabi,tara pa ,dun tayo sa sala ,
Pumunta kami sa sala at kumuha ako ng merienda dun sa kusina ,buti meron pang mango float dito ,nagtimpla na rin ako ng orange juice ,at maya maya ay pumunta na ako sa sala at dinala ko na ang meryenda ,
Ako:pa ,kumain ka muna oh !!,parang ang laki ng pinayat mo ngayon
Papa:salamat anak ,kamusta ka na pala ngayon
Ako:heto,naghihintay pa ako sa result ng board exam ko ,sana makapasa ,at nag papart time ako ngayon bilang grab driver ,
Papa:ganun ba ,wag kang mag alala anak
napakatalino mo kaya,tiyak makakapasa ka at hindi ba delikado yang part time mong grab driver
Ako:salamat pa,sana nga makapasa ako para maging isa na akong ganap na teacher,hehehe at hindi naman delikado pa,tinuruan mo kaya akong mag martial arts,kaya kung ipagtanggol ang sarili ko,hehehe
Papa:hehehe,ako na yata ang pinaka masayang magulang pag maging teacher ka na anak,kamusta naman kayo ni clark ,niligawan ka na ba niya
Harold:Pa ?
Bigla kaming tumingin kay harold,buti naman at nandito na siya,
Ako:oo tama ang nakikita mo ,nandito nga si papa,hehehe
Papa:(biglang siyang tumayo)harold ,ang laki na ng pinagbago mo,
Lumapit si harold kay papa at niyakap niya ito
Harold:akala ko di ka na magpapakita sa amin,namiss kita pa ,saan ka nanggaling
Ako:oh !!tinatanong ka ni harold pa ,saan ka ba talaga nanggaling ?
Biglang iniwas ni harold ang pagkakayakap niya kay papa
Papa:di ko pa pwedeng sabihin sa inyo kung ano ang trabaho ko mga anak,wag kayong mag alala ,malalaman niyo rin kung ano ang pinagkaka abalahan ko ,pero ngayon hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo sana maintindihan niyo ako mga anak ko
Harold:naks !!,pa suspense pa si papa ,hehehe,sige basta wag ka ng aalis ha !!
Parang nakaramdam ako ng pagdududa kay papa,bakit niya kaya ayaw sabihin kung ano ang trabaho niya,di ko tuloy napigilan magtanong sa kanya na
Ako:illegal ba yang trabaho mo pa?
Pagkasabi ko nun ay biglang nagulat si papa,
Harold:ate naman eh !!,talaga bang sasabihin mo yan kay papa
Ako:pasensya na pa ,nakakagulat lang kasi bakit ayaw niyo pong sabihin kung ano ang trabaho mo
Papa:gusto ko kasi kayong isorpresa mga anak ko kaya di ko muna pwedeng sabihim sa inyo,hehehe
Harold:yun naman pala ate ,eh !! ,bakit pa,may sarili ka na bang companya ,ibig sabihin mayaman na tayo,hehehe
Ako:tumigil ka nga harold,siraulo ka talaga,(sabay batok sa kanya)pero pa (tumingin ako kay papa)basta ha ,wag kang gagawa ng illegal na trabaho kasi ayaw namin na mapahamak ka,di namin alam na yung perang binibigay mo sa amin ay galing pala sa masama ,tapos heto kami ay nagpapakasarap sa perang pinaghirapan ng iba,
Harold:wow ,grabe maka advice ang ate ko ha ,hehehe ,member ka ba ng guidance councilor ,hahaha
Nagulat ako ng biglang tumawag si manyakis ,teka ano na naman ba ang kailangan niya ,sasagutin ko na sana ng biglang inagaw ni harold ang cellphone ko
Harold:hoyyy !tigilan muna ang ate ko,di kayo bagay ,wag muna siyang guluhin..
Kaagad kung inagaw kay harold ang cellphone ko
Ako:ano ba harold,akin na nga yan,siraulo ka talaga,boysit ka!!!
Harold:susumbong kita kay papa,humanda ka ate,ang landi mo
Pagkasabi nun ni harold ay binatukan ko na naman siya,mamaya lang to,makatawag ng malandi sa akin,,wagas tagos sa may apdo ,nakita ko si papa na naka ngiti lang,kaya kinausap ko na si manyakis
Ako:hello anong kailangan mo manyakis ha !!
Jazz:hehehe,so nagkita na pala kayo ng papa mo,ang saya mo na pala ngayon at lalong sumaya yang pakiramdam mo nung tumawag ako sayo,hehehe
Teka bakit alam ni jazz na nagkita na kami ni papa,oo nga pala narinig niya yata yung sinabi ni harold,kaya sa inis ko ay binabaan ko siya ng linya,bahala siya pumunta dito,lagot siya kay papa,hahaha,di niya alam kung gaano ka strikto si pap pagdating sa manliligaw ko,at lalo pa ngayon na si clark ang gusto niya para sa akin,hahaha
Harold:pa,pagalitan mo nga yang anak mong ubod ng harot ,
Ako:(sabay tulak kay harold)wow ,ako pa talaga ang maharot ngayon,kanina lang nagpapatulong ka sa akin sa date mo tapos ngayon,siraulo ka talaga !!
Harold:okey lang sa akin kasi lalaki ako,pero ikaw babae ka ,dapat di ka magkakaganyan porket gwapo yung pulis na yun ay easy to get ka na
Ako:hoyyy !!tumahimik ka diyan,harold,di ko yun type maka easy to get ka,gusto mong saktan kita para manahimik ka diyan,
Narinig namin ang lakas ng tawa ni papa ,kaya kaagad kaming napatingin ni harold kay papa
Papa:grabe namiss ko kayong dalawa mga anak,hanggang ngayon ay nag aasaran pa rin kayo hehehe grabe ang bilis ng panahon ,kelan lang ay mga bata pa kayo tapos ngayon ay may mga girlfriend at boyfriend na kayo hehehe
Ako:papa ,naman eh !,di ko boyfriend yung manyakis na yun
Papa:manyakis ?bakit manyakis ,minanyak ka ba niya
Harold:(tumingin sa akin ng nakakaloko)oh !! Ate sagutin mo yung tanong ni papa,minanyak ka ba ng jazz na yun,hehehe
Bigla akong napalunok ng malalim,inhale,exhale ,di ko pwedeng sabihin kay papa ang ginawa sa akin ni jazz baka bugbugin niya si jazz
Ako:hindi niya ako minanyak ,yun lang ang tawag ko sa kanya base sa itsura niya,mukha kasing manyakis ang taong yun
Harold:weeehhhh !! Ang totoo,hehehe
Ako:(tinadyakan ko si harold)tumahimik ka diyan
Harold:nananakit,kanina ka pa ate ,
Papa:hehehe,sab ,anak ,
Gusto kung makilala yang sinasabi mong manyakis,
Patay ,heto na nga ba ang sinasabi ko,bakit pa kasi tumawag pa yung manyakis na yun,parang ako tuloy nito ang center of attraction,tiyak di titigil si papa about kay jazz,
Harold:lagot ,hahaha,sige pa ,akyat muna ako sa taas,magbibihis muna ako ,
Papa:sige anak,sab ,maliligo na rin ako,darating na yun mamaya si clark
Ako:pupunta dito si clark
Papa:oo sab ,magbihis ka na at lalabas kayo ngayon
Ako:grabe naman to si papa,hehehe,na surprise ako dun,katapos munang maligo pa,susunod na ako
Papa:sige ..
Ayun pumunta na si papa sa banyo ,at heto umupo muna ako sa sofa at binuksan ko ang tv para manood ,bakit ganun di ako na excite na pupunta rito si clark nung una natutuwa ako kapag nakikita ko siya,siguro daan lang to nung ginawa niya sa akin..
Maya maya ay may biglang kumatok sa pinto kaagad ko itong binuksan at nagulat ako sa nakita ko,imbis na si clark ang makita ko ay si manyakis ang nandito,naka red t shirt siya at bakat na bakat ang laki ng katawan niya,ewan ko bakit bigla akong napatingin sa dibdib niya ,may dala siyang chocolate at yung favorite ko pa talaga yung ferrero ,
Jazz:nagugutom ka na ba alien ko ,hehehe,may dala akong ferrero,gusto mo ,hehehe(sabay abot ng ferrero sa akin)
Ako:(sabay tingin sa kanya at kinuha ko ang ferrero)anong ginagawa mo dito
Jazz:nanliligaw sayo bakit bawal ba ,
Ako:tingnan lang natin kung makakapasa ka sa tatay ko,
Jazz:baka sabihin ng tatay mo na magpakasal na tayo,hahaha
Ako:HA..HA..HA..,
nakakatawa ka ,sorry ha ! kasi di kita sasagutin,basted ka na sa akin
Jazz:wala akong pakialam ,di ko naiintindihan yang salitang basted na yan kaya sa ayaw at gusto mo,liligawan kita,may balak ka bang papasukin ako sa bahay mo ha !!
Ako:wow !! Galit tayo ha !!,sa tingin mo welcome ka dito ,pinapunta ba kita dito ha ..
Papa:sab ,sino yan,si clark na ba yan ..
Kaagad na tumingin si papa kung sino ang kausap ko at akala ko magagalit siya nung makita niya si jazz,bagkus ay nginitian niya pa ito
Jazz:teka ,ikaw yung ..
Papa:ikaw ba ang tumawag kanina sa anak ko iho hehehe
Jazz:opo sir ,ako po yun,kayo pala ang papa ni alien,este ni sab ,
Papa:diba ang liit ng mundo,halika pumasok ka,sab ,anak papasukin mo yung gwapo mong bisita
Teka ,seryoso ba ito magkakilala sila ni papa,
Jazz:oyyy,sab ,papasukin mo raw ako sabi ni tito ,hehehe
Di na ako kumibo kaya pinapasok ko na tong manyakis na to,grabe sa lahat ng makikilala ni papa at makaka close ay tong manyakis na to pa.,umupo na kami magkatabi kami ni papa ,
Ako:paano kayo nagkakilala nitong lalaki na to ,pa ?(sabay tingin kay papa)
Papa:tinulungan ko kasi siya dun sa snatcher ninakawan siya ng cellphone kaya ayun
Jazz:kaya sobra ang pasasalamat ko sayo tito,buti na lang talaga magkakilala na tayo,hehehe
Ako:ang PLASTIC natin ngayon ha !!(inis kung sabi kay jazz)
Jazz:hehehe ,tunay to sab ,lalo na kapag maging tayo ,hehehe
Grabe di man lang nag rereact tong si papa sa pinagsasabi ng manyakis na to,akala ko ba boto siya kay clark para sa akin,
Ako:pa ,anong nangyayari sayo bakit parang ang balimbing muna ngayon
Papa:anong sinasabi mo sab,hehehe
Ako:akala ko ba si clark ang gusto mo para sa akin bakit parang gusto muna yang jazz na yan para sa akin
Jazz:bakit sab ,ayaw mo ba talaga sa akin
Ako:pwede ba,wag mo akong tatawagin na sab di tayo close,nakakasuka ,at tanong ba yan ,bakit tinatanong mo pa,
Jazz:tito. Di po ako titigil sa panliligaw kay sab hanggang di niya ako magustuhan,pangako ko na di ko po siya sasaktan
Ako:hanep ha !! ,SANA ALL PLASTIC ,
Biglang dumating si clark ,may dala siyang bulaklak at teddy bear,grabe ang haba talaga ng hair ko,hehehe,at aswang ba ako bakit gabi sila nanliligaw sa akin,
Papa:oyyy,clark buti nandito ka na,halika dito ,,
Biglang lumapit sa akin si clark at binigay niya sa akin ang flowers at teddy bear nakita ko ang mukha ni manyakis,hindi ma drawing,hahaha,
Ako:ene be nemen to,clark,hehehe,kenekeleg nemen eke ,hehehe
Harold:wow !!,ang ganda natin ngayon ate ha !!,hahaha(sigaw na sabi ni harold habang pababa sa hagdan)
Ako:andito na naman tong siraulo kung kapatid
Lumapit sa amin si harold at inakbayan niya si clark
Harold:alam mo kuya clark,ikaw ang gusto kung maging boyfriend nitong aswang kung ate,hehehe
Clark:alam ko harold,hehehe
Papa:sab ,di ka ba nahihiya sa mga manliligaw mo,maligo ka na dun at magbihis
Ako:kailangan pa talagang sabihin yan pa ,nakakahiya kay clark
Jazz:sa akin di ka ba nahihiya sab
Ako:hindi bakit ,
Jazz:hehehe,okey lang naman sa akin na di ka maligo sab kasi di ako sanay na maligo ka,hehehe
Ako:so ano ang ibig mong sabihin na di ako naliligo ha !!
Jazz:ikaw nagsabi niyan hehehe
Papa:tama na,sige na sab,maligo ka na dun at magbihis,kakausapin ko muna tong dalawang manliligaw mo ,
Ako:sige maliligo na ako,clark saglit lang ha,maliligo lang ako ,hehehe(pa cute kung sabi kay clark)
Clark:hehehe,sige sab,take your time ,
Jazz:ang hina mo namang sumagot clark,hahaha
Ako:hoyyy !!di kita kinakausap diyan tumahimik ka(inis kung sabi kay manyakis)
Jazz:bakit mo ako kinakausap ngayon,hehehe
Ako:waaahhh !!nakakainis ka talagang lalaki ka,diyan na kayo..
Ayun pumunta na ako sa kwarto ko,nakakabwesit talaga yung lalaking yun,
nakakainis talaga siya,ano kaya ang pag uusapan nila papa dun,mamaya na lang tatanungin ko na lang si clark ..
Itutuloy.