Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 30 - CHAPTER 29:DEATH TREAT

Chapter 30 - CHAPTER 29:DEATH TREAT

POV pa rin ito ni JAZZ

Habang nakikinig ako sa pag uusap nila clark at tito ferdie ay biglang bumukas ang pinto agad akong nagulat,nakita ko na nakatitig sa akin si clark habang nakatayo ako sa harapan niya

Clark:kanina ka pa diyan ?

Ako:hindi ngayon lang,kakarating ko lang ,pwede bang pumasok

Magpapanggap muna ako na walang may narinig,parang di lang si clark yung pinagdududahan ko pati na rin si tito ferdie,yung titig sa akin ni tito ferdie parang nababasa niya yung isip ko ,

Clark:ano papasok ka ba o hindi ,kasi isisirado ko na tong pintuan ,

Di ko namalayan na nakatunganga lang pala ako habang nagkakatitigan kami ni tito ferdie ,kaya pumasok na ako sa loob ,

Tito:kamusta jazz,nahuli mo ba yung bumaril sa anak ko

Yung pagkakasabi sa akin ni tito ferdie ay parang may laman yung tono ng boses niya ,para bang may halong galit pero mahinahon lang,wala pa ring malay si alien,mahimbing pa ang tulog niya

Sasabihin ko ba sa kanya na di ko nahuli si bryan ,pag sinabi ko kasi ay tiyak ako ang sisisihin ni clark kung bakit nawawala si bryan,at tiyak hahanapin sa akin ni tito ferdie si bryan ,kaya di ko na lang sasabihin sa kanila na nahuli at namatay na si bryan ,alam ko nasa gitna ako ng laro ngayon parang pinaglalaruan nila akong dalawa ,yun ang nababasa ko sa kanila,di ako papayag na di ako makipagsabayan sa laro nila ,

Ako:(tiningnan ko si tito)pasensya na po tito di ko po naabutan at nahuli yung walangyang bumaril kay sabrina

Tito:okey lang,ako na lang ang huhuli sa kanya,

Ako:kamusta na po si sab,okey na po ba siya

Clark:okey na siya ,buti di siya napuruhan ,naalis na rin ang bala sa katawan niya

Ako:buti naman,makakahinga na ako ng maluwag

Maya maya biglang nagising si alien ,kaagad na lumapit si clark kay alien ,habang ako ay nandito sa likod nila

Clark:sab ,nagugutom ka na ba ? sabihin mo kung may masakit sayo ,

Sabrina:nandito na ba si jazz ,

Pagkasabi nun ni alien ay biglang sumaya ang pakiramdam ko,grabe ang sarap sa feeling na ako kaagad ang hinanap niya,naksss

Kaagad akong lumapit kay alien,kaagad namang tumayo si clark at tumabi ,

Ako:alien,nandito ako ,wag ka munang babangon ,magpahinga ka muna ,

Tito:sab ,anak ,lalabas muna kami ni clark,mag usap na lang muna kayo ni jazz ,

Sabrina:sige po pa ,

Clark:bibili na rin kami ng pagkain ,

Ayun lumabas na silang dalawa kami na lang ni alien ang nandito ,nakatingin sa akin si alien at bigla niyang hinawakan ang mukha ko ,

Sabrina:siraulo ka talagang lalaki ka ,

Ako:(kaagad kung hinawakan ang kamay niya)siraulo na ba ngayon ang habulin ng taong may gawa niyan sayo ha ..

Sabrina:eh,kung may masamang mangyari sayo ,pasalamat ka walang may masamang nangyari sayo ,(galit niyang sabi sa akin)

Ako:heto na naman tayo,mag aaway na naman tayo,wala na ngang may nangyari akin diba,okey lang ako diba ,tsk...(inis kung sabi sa kanya)

Sabrina:bakit ka nagagalit sa akin ,

Hay naku ,mga babae talaga ,haysssttt ..

Ako:hindi ako nagagalit ,naiinis lang ako ,

Sabrina:pareho lang yun,

Ako:okey ,sorry ,pambihira. Ako pa talaga ang nag sorry ,tsk(napakamot na lang ako sa ulo)

Sabrina:buti naman, oo ,siraulo ka talaga,anong akala mo sa sarili mo,si superman,si batman ,o captain america,paano kung pati ikaw ay mapahamak ..(galit na naman niyang sabi)

Di ko na lang to sasabayan sa init ng ulo nito,ako na lang ang mag aadjust papangitiin ko na lang tong alien na to hehe

Ako:hehehe ,naksss ,alien ha !! ,kinilig naman ako dun,first time kung kiligin ,hehehe ,alam mo ba kung sino ako,ako si captain jazz slash manyakis ,na tagapagligtas ng mga alien na katulad mo (sabay pinakita sa kanya yung biceps ko)

Sabrina:hehehe ,siraulo ka talagang manyakis ka,hehehe ,kahit may karamdaman ako ay napapatawa mo pa rin ako,hehehe ,at talagang proud ka pa diyan sa muscles mo ,hehehe

Yun oh ,napangiti ko rin tong moodswing na alien na to,hehehe

Ako:syempre ,pinaghirapan ko kaya tong katawan ko ,hehehe ,so ibig bang sabihin niyan ay may pag asa ako sayo alien ,

Sabrina:anong akala mo sa akin taga PAG ASA,hehehe

Ako:hehehe,banat girl ka na ngayon ha,alien di ko talaga inaakala na magkakagusto ako sayo,ano ang ginawa mo sa akin,ginamitan mo ba ako ng black magic,hahaha(malagkit ang titig ko sa kanya)

Sabrina:ewan ko sayo,ganda lang naman yung puhunan ko eh,yun lang ,hehehe,nga pala manyakis ,nahabol mo ba yung bumaril sa akin,alam ko na ikaw talaga yung target niya hindi ako

Ako:sorry alien,di ko siya naabutan. Kasi bigla siyang nawala ,sana nga ako na lang ang tinamaan ng bala hindi ikaw alien,pagbabayaran talaga ng taong yun ,kasi sinaktan ka niya

Bahala nalang,pasensya ka na alien kung pati sayo nagsinungaling ako,

Sabrina:okey lang yan manyakis,ang importante okey na ako,

Ako:salamat kay lord at di ka niya pinabayaan alien ,

Sabrina:alam ko manyakis,di ko alam bakit ganun ,bakit may nagtatangka sa buhay mo,may nagawa ka bang kasalanan

Ako:nakalimutan muna ba alien na isa akong pulis ,syempre marami ang nagagalit sa akin,normal lang yun alien ,last na to ,di ka na madadamay sa gulo ko

Sabrina:iba tayo ngayon manyakis ha !! Seryoso tayo ngayon hehehe,kumain ka na ba ?

Ako:hindi pa ,

Biglang tumawag sa akin si cecilia

Sabrina:sino yang tumatawag sayo

Ako:si cecil ,(pinakita ko sa kanya yung cp ko)

Sabrina:sige sagutin muna baka importante yan(malungkot niya sabi)

Pinatay ko yung tawag di ko sinagot ito

Sabrina:siraulo ka talaga bakit ginawa mo yun

Ako:hehehe,nagseselos ka eh !! ,ayokong magselos ka alien,

Sabrina:assuming ka talaga,hehehehe

Ayun tumawag ulit si cecilia

Sabrina:sagutin muna kasi baka importante yan,

Ako:okey lang sayo

Sabrina:sira ,bakit naman ,di naman kita boyfriend ,hehehe

Pagkasabi nun ni alien ay bigla akong nalungkot,ang sakit pala sa pakiramdam ,tsk,bigla akong tumayo

Ako:sige sandali lang,sasagutin ko lang to(malungkot kung sabi)

Ayun sinagot ko na ang tawag

Cecilia:jazz,pambihira bakit ngayon mo lang sinagot

Yung boses ni cecil ay para siyang natataranta

Ako:bakit anong nangyari ?,okey ka lang ?bakit parang natataranta ka ?

Cecilia:pumunta ka dito ngayon sa bahay niyo,tiyak magugulat ka ,ano ba ang ginawa mo bakit may gustong pumatay sayo

Nagulat ako sa sinabi ni cecilia,ano kaya nangyari sa bahay ,may kinalaman ba dito yung kutsilyo gang,

Ako:sige sige papunta na ako diyan

Cecilia:bilisan mo ,

Ayun pinatay ko na yung linya,

Sabrina:manyakis anong nangyari

Di ko pwedeng sabihin kay alien ang sinabi ni cecilia baka mag alala pa siya,nilapitan ko siya

Ako:alien,pasensya ka na ha !! Aalis muna ako ngayon may nangyari kasi,bukas babalik ako dito

Sabrina:bakit anong nangyari ?

Ako:nagka problema kasi si cecilia eh !! ,

Sabrina:so mas importante pa pala si cecilia kesa sa akin(malungkot niyang sabi sa akin at bigla siyang tumalikod sa akin)

Ako:so nagseselos ka talaga alien,so gusto muna ako ,

Sabrina:sige na umalis ka na ,puntahan muna yung cecilia na yun,tutal okey na naman ako eh ,(galit niyang sabi)

Kaya pumunta ako sa kabila para harapin siya at heto nagkatinginan kami

Ako:nakss !! ,nagseselos talaga yung alien ko,hehehe ,heto naman baka mag alala kapag sinabi ko sayo kung ano talaga ang nangyari

Sabrina:akala ko ba gusto mo ako,bakit nagtatago ka sa akin,hindi ka ba nagtitiwala sa akin ,

Ako:okey ,sige sasabihin ko na ,nandun ngayon si cecil sa bahay namin,sabi niya may nangyari raw dun sa bahay namin alam ko nagsasabi ng totoo si cecil kasi parang natataranta kasi siya,buti na lang wala pa dun si mama emerald,kasi pag pati si mama emerald ay nadamay ewan ko na lang talaga ,

Sabrina:baka pakana lang yun ni cecil sayo,para kasing di siya kapani paniwala,sasama ako sayo dun,

Ako:wala ka bang tiwala sa akin alien,di naman ganun si cecilia ,at wag ka ng sumama di ka pa okey magpahinga ka na,tutal di ka naman papayagan ng papa mo na umalis ,

Sabrina:sige manyakis ,basta bisitahin mo ako bukas ha 😣😣 ,baka sabihin mo na feeling pagmamay ari kita,

Ako:bakit di mo ako sagutin ngayon,tutal mahal mo naman ako diba hehehe

Magsasalita na sana si alien ng biglang dumating sila clark may dala silang pagkain galing sa shakeys,haayssttt !!,

Clark:nandito na ang pagkain sab ,,dito ka na rin kumain jazz(sabay tingin sa akin)

Ako:salamat na lang clark,aalis na rin naman ako eh ,tito ferdie alis na ako

Tito:sige jazz ,mag ingat ka ,

Sabrina:byeee ..

Ayun nagpa alam na ako sa kanila,at kaagad akong nagmadali papunta sa labas ng ospital ,ayun nandito na ako sa labas pina andar ko na ang motor na hiniram ko kay lemuel,

Pinaharorot ko ito para makapunta kaagad ako sa bahay ,

After ilang minuto lang ay nandito na ako sa labas ng gate namin,nakita ko kaagad ang kotse ni cecilia,pumasok kaagad ako at pagbukas ko ng pinto ng bahay namin ay laking gulat ko nung makita ko yung nangyari sa loob ng bahay ko

Kinalat lahat ng gamit namin,nakatumba yung tv binasag pa ito ,yung mga sofa naman ay pinunit pati yung mga vase ni mama emerald ,binasag lahat ng gamit ang lubos na kinagulat ko ay yung nakasulat sa dingding namin ,yung ginamit yatang pangsulat ay parang dugo ng hayop,umaalingasaw ang amoy,

"Your Time Will Come ,Prepare yourself to death ,pag hindi mo pa tinigilan yang mga ginagawa mo ay ikaw na ang isusunod ko .."

Yan ang nakasulat ,biglang lumapit sa akin si cecilia

Cecilia:wag mong intindihin yan jazz,narito ako para tulungan ka ,ano ba kasi ang ginawa mo,sino ang tinarantado mo para gawin niya to sayo

Ako:(di ko tiningnan si cecilia bagkus nakatingin pa rin ako sa nakasulat sa dingding) ,wag na,kaya ko tong mag isa,di ko hahayaan na maunahan niya ako,at alam ko na kung sino ang may gawa nito

Cecilia:jazz naman eh,ano pa at naging mag partner tayo wala ka bang tiwala sa akin

Ako:(tiningnan ko na siya)umuwi ka na sa inyo cecil,kaya ko na to,aalis ako ,kailangan kung tapusin tong gabing to ,tama nga si lemuel di ko na kailangan ipabukas pa ang gagawin ko

Cecil:lemuel ,sino ? Yung kapatid ba ni kevin

Ako:sige na alis na ako,umuwi ka na sa inyo ..

Ayun kaagad kung iniwan si cecilia ,babalikan ko sila clark,alam ko sila ang may gawa nito,bahala na lang ,basta yun ang hinala ko ,

Cecilia:jazz,sandali lang

Di ko na pinansin si cecilia ,patuloy lang akong tumakbo palabas ng bahay at heto pina andar ko na ang motor ,ano pa ang silbi ng pagiging detective ko kung sarili kung kaso ay di ko malutas ,

Itutuloy.