POV na ito ni Sabrina
Galit na galit ako ngayon sa tatay ko ,super galit na galit ,super duper , sino ba ang hindi magagalit nalaman ko kasi na isa siya sa mga kabilang ng pinaka sikat na sindikato ang kutsilyo gang ,at hindi lang yun siya pa ang leader ,nung pinagtapat sa akin yun ni papa sa ospital ay bigla akong nanghina at nalungkot ,kasabay ng galit ko sa kanya,ewan ko nga bakit bigla akong lumakas kaagad ,kaya kaagad akong nakalabas sa ospital ,
Bigla kung naalala si manyakis ,nung sinabi niya na papatayin niya yung pumatay sa mga magulang niya ,bigla ako nung nanghina kasi bakit ganun ang liit ng mundo bakit yung tatay ko pa ang pumatay sa mga magulang ni jazz at kapag nalaman niya na si papa ang leader ng kutsilyo gang baka magalit siya sa akin o di kaya patayin niya rin ako katulad ng sinabi niya sa akin nun nung nilibre niya ako sa rafael house ,naaawa ako kay jazz nawalan siya ng magulang dahil kay papa ,
Nung nabalitaan ko na nabaril si jazz at dinala rin dito sa ospital kung saan ako na confine ay kaagad akong pumunta sa kanyang kwarto ,sasabihin ko na sana sa kanya ang lahat nun kung hindi lang ako kinaladkad palabas ni papa ,
Ako:(hawak hawak pa rin ang kamay ko)bitawan mo nga ako ,kailangan kung makausap si jazz(galit kung sabi kay papa)
Papa:(humarap siya sa akin)wag kang matigas ang ulo sabrina ,di ka matutuwa kung anong gagawin ko sayo pag mag matigas ka pa
Kevin:wag muna mang ganyanin yang anak mo sir
Papa:wag kang makialam dito ,(sabi niya kay kevin)
Ayun kinaladkad ako palabas ni papa ng ospital at kaagad niya akong sinakay sa kotse
Ako:please pa !! ,wag muna mang saktan si jazz,wag niyong ituloy kung ano man yang binabalak niyo
Papa:tumahimik ka diyan sabrina ,
Ako:(tiningnan ko si clark)clark ,talaga bang wala kang gagawin ,akala ko iba ka,pero kagaya ka rin naman pala nila ,
Papa:sige clark subukan mo lang
Clark:sab ,patawad ..(malungkot niyang sabi)
Nagulat ako ng biglang tinurukan ako ng karayom ni papa dito sa braso ko
Ako:pa ,anong ginawa mo ..
Kaagad akong nawalan ng malay ..
Paggising ko ay parang nasa ibang bahay ako ,nagising ako sa ibang kwarto ,kaagad akong bumangon at bumaba ,pag baba ko nakita ko si harold na masayang nanonood ng tv ,ang tanda tanda na nanonood pa ng ben 10 na cartoons ,kaagad ko siyang nilapitan ,
Ako:harold,nasaan tayo
Harold:oyyy,ate gising ka na pala(di niya ako tiningnan busy pa rin sa kakanood)
Ako:nasaan nga tayo
Harold:dito sa isang bahay ni papa ,diba ang yaman natin,akalain mo may ibang bahay pala si papa at mas maganda to kesa sa isang bahay natin,
Ako:anong oras na ba
Harold:tumingin ka kaya sa orasan ,wala ka bang mata ,haysssttt !! kita mong nanonood yung tao
Kaagad kung binatukan si harold
Ako:walangya ka !! ,
Ayun parang wala lang naramdaman si harold busy pa rin sa kakanood. Tiningnan ko yung oras at pagtingin ko ay 5 pm na pala ng hapon ,grabe ang haba naman ng tulog ko ,
Ako:harold ,nakita mo ba yung cellphone ko
Harold:nandun sa taas
Ako:wala dun ..
Harold:heto oh!(sabay abot sa akin ng cellphone)hawak ko pala ,hehehe
Ako:boysit ka talaga ,akin na (kaagad kung kinuha ang cellphone ko)
Harold:sinong tatawagan mo si clark o si jazz ,hehehe
Ako:wala kang pakialam ,
Ayun kaagad kung tinawagan si jazz ,
Ring.ring.ring
Jazz:hello alien ,
Ako:hello ,jazz kasama mo ba pa ba yung mga kaibigan mong pulis diyan,huhuhu ,(bigla akong umiyak)
Jazz:teka may nangyari ba,bakit ka umiiyak,nasaan ka ??
Ako:nandito ako sa bahay ,okey lang ako jazz umalis na kayo diyan
Jazz:alien ,sabihin mo sinaktan ka ba ng papa mo ,pupuntahan kita diyan
Magsasalita na sana ako ng biglang inagaw ni papa yung cellphone ko
Papa:(tumingin sa akin ng masama)sinabi ng tigilan muna yang lalaki na yan,akin na to(bigla akong sinampal)
Harold:pa ,bakit niyo sinaktan si ate,wag niyo naman siyang ganyanin(tumayo siya at lunapit sa akin)
Ako:hindi na kita kilala ,hindi na ikaw ang kilala kung mabait at mapagmahal ,ibang tao ka na (umiiyak ako habang nagsasalita)
Papa:umakyat kayo sa taas ,mamaya ko na kayo kakausapin,babalik ako sa hideout namin ,wag na wag niyong susubukan na kalabanin ako kundi idadamay ko kayong dalawa(sinigawan niya kami)
Harold:bakit di niyo na lang kami isama ni ate sa grupo niyo pa,katulad kay clark ,tutulungan namin kayo
Bigla kung tinulak si harold pero mahina lang
Ako:ano ka ba harold,talaga bang kakampi ka sa mga kampon ng satanas ha !! ,hinding hindi ako sasama sa sindikato nila ,
Papa:sabrina marie ,tumahimik ka baka di ko mapigilan ang sarili ko(sinigawan niya ako habang tinuturo niya yung daliri niya sa akin)
Ako:sige subukan mo lang saktan si jazz at yung mga kaibigan niya,hinding hindi kita mapapatawad ,
Pagkasabi ko nun ay kaagad akong umakyat sa taas ,iniwan ko si harold
Nung nandito na ako sa kwarto ay bigla akong humiga at tinakpan ko ng unan ang mukha ko habang ako ay umiiyak ,
Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko ,
Harold:ate ,gusto mo bang puntahan natin yung mga kaibigan ng minamahal mo ,
Kaagad akong bumangon at pinahiran ko ang luha ko ,hinarap ko si harold
Ako:tumahimik ka diyan,di ko mahal yung jazz na yun,paano tayo makakalabas dito ,eh ! Baka may mga bantay dun sa labas na mga tauhan ni papa,
Harold:tumahimik ka rin diyan ate,di mo sasayangin yang precious tears mo kung wala kang nararamdaman sa ungas na yun at dalawa lang naman yung nagbabantay dun sa labas mga mukhang lampa naman ang nandun,kayang kaya mo sila ate,
Tumayo ako at binatukan ko si harold
Harold:ano na naman ba ,ikaw na nga tong tinutulungan ,mapanakit ka talaga ,pero ate ,sorry ha ! Di kita naipagtanggol kanina kay papa at yung sinabi ko na sasama ako sa grupo nila ay joke lang yun,
Ako:talaga ,buti naman,tara pumunta muna tayo sa ospital ,baka nandun pa sila jazz ,wala dito cellphone ko nandun kay papa ,
Harold:yung akin rin ,kinuha rin ni papa ,tara umalis na tayo
Ayun kaagad kaming bumaba at tumingin muna ako sa bintana kung may nakabantay ,at pagtingin ko ay isa lang ang nakabantay ,kaagad kung binuksan ang pinto at..
Troy:saan kayo pupunta,di kayo pinapaalis ni boss
Harold:bibili lang kami ng pagkain
Troy:wag kayong mag alala nandun na si alex ,bumibili na siya ng pagkain,pumasok na kayo sa loob
Ayun tumalikod kami at bigla akong humarap sa lalaking to at kaagad ko siyang sinipa sa mukha ,kaagad siyang natumba at pagkatapos ay pinalo ni harold ng upuan dito sa labas at ayun nawalan ito ng malay,
Ako:hala !! ,baka napatay mo siya harold
Harold:mabuti kung napatay ko siya ,hehehe ,tara na ate,marunong ka bang gumamit ng motor
Ako:hindi ,ikaw na ang mag drive buti may motor dito
Harold:yun oh !!,sa wakas ..teka wala tayong helmet ate ,
Ako:okey lang yan,anong oras naman eh ,,mag aalas sais na ng gabi ,tara na baka dumating yung isang butiki na kasama ng unggoy na ito
Harold:tara
Ayun kaagad kaming pumunta sa motor at pina andar na ito ni harold ,sumakay na rin ako
Harold:teka ate,saan bang lugar to ,baka maligaw tayo
Ako:edi magtanong tayo kapag may makita tayong tao ,
Harold:okeyy..
Ayun pina andar na niya ang motor,
Harold:patay ate,saan tayo dadaan sa kanan o sa kaliwa,dalawa kasi ang daanan eh ..
Ako:teka lang ,di mo ba natandaan kanina ,nung hinatid tayo dito,natutulog kasi ako kanina,remember !!
Harold:busy ako sa cellphone kanina. Di ko napansin,di ko naman alam na magkakaganito to ..
Ng biglang may palapit sa amin na isang lalaking may dalang pagkain,siguro siya na yung kasama ng unggoy na yun
Alex:oyyy,saan kayo pupunta,akin na yang motor ko (sigaw niya sa amin)
Ako:alam muna kung saan tayo dadaan,harold,
Harold:basic ..hehehe
Ayun kaagad na pinabilis ni harold yung pagpatakbo ng motor at muntikan ng masagasaan yung butiki na yun ,hahaha ,wala na siyang magawa kundi ang sumigaw
Alex:di kayo makakatakas ...
Ayun sa wakas nakalabas na rin kami sa lugar na yun ,nandito na kami sa rizal avenue highway,
Harold:ate ,saan bang ospital na confine yung jowa mo
Ako:sa st.mary ..di ko yun jowa ,siraulo ka ..
Harold:hahaha ..
Ayun salamat at papunta na kami sa ospital ,grabe 6:45 na ng gabi,ang layo pala ng hideout ni papa,
Maya maya ay nandito na kami sa ospital ,7:40 na ..kaagad akong bumaba at pumasok sa loob ng ospital,syempre tumakbo ako ,alangan naman mag slow mo pa ako,ano ako nasa teleserye,at nung nandito na ako sa room ni jazz ay nagulat ako kasi nakita ko si cecilia na umiiyak sa sahig ,nakaupo siya,kaya nilapitan ko siya
Ako:nasaan si jazz ,anong nangyari dito bakit ang kalat..
Tumingin sa akin ng masama si cecilia at nagulat ako ng bigla niya akong sampalin
Ako:ano bang problema mo ha !!(sinampal ko rin siya)
Cecilia:pwede ba ,wag ka ng mag ma ang ma angan diyan ,saan dinala ng kriminal mong ama sila jazz at kevin pati si lemuel ha !!(sinigawan niya ako)
Ako:hoyyy !!(tinuro ko sa kanya yung daliri ko)wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo ,pumunta ako dito baka maabutan ko pa sila jazz pero nahuli na ako ,pwede ba ,di ako kaaway dito ,nandito ako para tulungan sila jazz ,so nahuli na pala ako ,
Bigla akong napasandal sa dingding at patuloy pa rin ang pag iyak ni cecilia
Harold:walang mararating yang pag iyak niyo kung di niyo pupuntahan yung mga mahal niyo
Ako:(hinarap ko siya)alam mo kung saan dinala ni papa sila jazz
Harold:hindi ...
Cecilia:pwede ba wag kang magbiro dito ,baka kung ano ang gawin ko sayo(galit niyang sabi kay harold)
Harold:ohhh !! Relax lang miss pretty ,hehehe ,andun sa bahay yung mga tauhan ni papa ,bumalik tayo dun at pilitin natin sila na paaminin kung nasaan ang tunay na hideout nila papa
Cecilia:so tama ako na yung kriminal niyong ama ang nag salvage sa mga kaibigan ko
Ako:oo na ,masaya ka na !! Kriminal na ang aming ama,pasensya ka na ha!! ,di kasi perpekto yung ama namin. Di katulad ng ama mo (galit kung sabi kay cecilia)
Cecilia:ibang klase siya pa ang galit,pwede ko nga kayong kasuhan dito eh !kasi kasabwat kayo
Ewan ko di ko na napigilan ang sarili ko sa babaeng to ,bigla ko siyang sinampal ,at sasampalin na sana niya ako ng bigla itong pinigilan ni harold,
Harold:tama na nga kayong dalawa ,umalis na tayo dito at puntahan na natin sila jazz,baka mahuli na naman tayo,
Cecilia:hindi pa tayo tapos girl(naninindak niyang sabi sa akin)
Ayun bigla siyang umalis ,
Harold:apakatapang ng ate ko ,hahaha
Ako:tumigil ka diyan,tara na ..
Ayun umalis na kami ,at habang nandito kami sa labas ng ospital ay biglang nagsalita si cecilia
Cecilia:hintayin na lang natin yung kasamahan kung pulis,parating na sila
Ako:malapit na sila
Ng bigla dumating yung mga pulis,dalawa lang patrol car ang nandito ,
Biglang bumaba sa sasakyan yung pulis na lalaki
Ramos:maam ,naabutan mo pa ba sila sir jazz at sir kevin
Cecilia:hindi na ,pero pupunta tayo sa kota ng kutsilyo gang
Ramos:pati si general ay sinalvage nila ,
Cecilia:aaannnooo !!(sigaw niya)hindi to pwede bakit pati si general
Ramos:di namin alam,tara na puntahan na natin sila
Cecilia:(tumingin sa amin)tara na sabrina umalis na tayo baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo
Ako:hoyyy,wag kang manakot diyan ,baka di ka matuwa kapag mag evolve ako
Harold:haysssss ...
Ramos:tama na yan,tara na ..
Ayun pina andar na ni harold yung motor ,masama pa rin ang titig sa akin ni cecilia
Ako:ice cream ba ako para titigan mo ako ng ganyan
Ayun pumasok na sa loob ng kotse niya si cecilia.
Harold:alam mo ate,swerte talaga ni jazz sayo ,hahaha
Ako:isa ka pa,tumahimik ka na diyan,(binatukan ko siya)
Pina andar na ni harold ang motor ,at heto sumusunod sila cecilia sa amin patungo kami ngayon sa isang pang bahay ni papa kung saan kami tinago ,sana nandun pa yung butiki at unggoy na tauhan ni papa ,
After ilang minuto ay nandito na kami sa bahay ,bakit wala ng tao ,sabi ko na nakatakas na yun sila
Biglang bumaba sa kanilang kotse yung mga pulis dala dala ang mga baril nila ,ganun din si cecilia kaya ayun lumapit na kami sa bahay ,at dahan dahang binuksan ni ramos yung pinto at nagulat kami ng biglang saksakin ng ice pick si ramos at balikat nito ng butiki na may ari ng motor na ginamit namin ni harold agad naman na binaril ni cecilia si butiki sa kaliwang braso nito at ayun kaagad siyang hinawakan ng mga pulis ,
Cecilia:ayos ka lang ba ramos
Ramos:yes maam,di naman to malalim ,
Cecilia:buti naman ,at ikaw(kaagad na tinutukan ni cecilia si butiki ng baril sa ulo)sabihin mo kung nasaan yung boss mo ,kundi papatayin kita
Alex:edi patayin mo ako di ko itratraydor yung boss namin ,diba maam sabrina(sabay tingin sa akin)
Cecilia:akala ko ba wala kang kinalaman dito(masama ang titig sa akin)
Ako:hoyyy,butiki ,wala akong pakialam sa tatay ko ,
Alex:weeeehhhh !!
Cecilia:(sinampal niya ng malakas si butiki)pwede ba wag mong sagarin ang pasensya ko ,sabihin muna kung nasaan ang hideout niyo
Alex:pag sinabi ko ba ,ay makikipag sex ka sa akin
Cecilia:bastos ka !!(sinampal na naman niya),papatayin na kita,hayop ka !!
Ramos:maam ,alam ko na kung nasaan ang hideout nila
Ako:paano mo nalaman
Ramos:nagtext yung boss nila ,at sakto bukas ang gps ng cellphone ng ungas na yan
Harold:sana all bobo. Hahaha
Alex:akin na yang cellphone ko,
Pilit na kumakawala si butiki sa pagkakahawak sa kanya ng mga pulis pero di siya makawala
Cecilia:tara pumunta na tayo dun ,at kayong dalawa marasigan at manansala ,dalhin niyo yan sa presinto pati yung kasama niiyang walang malay ,
Binitawan na ni cecilia si butiki at bigla siyang pumasok sa kotse niya ganun din si ramos pumasok siya sa kotse ni cecilia,bigla silang umalis
Pambihira di man lang kami sinabihan kung nasaan ang kota nila papa
Harold:tara na ate ,sundan natin sila,sila naman ang susundan natin
Ako:ano pa nga ba ,talagang napaka ipokrita ng cecilia na yun kaya di siya nagugustuhan ni jazz,
Harold:hahaha,so sino ang gusto ni jazz ,ikaw ,hahaha
Ako:oo,
Harold:ang harot mo ate,tara na nakakalayo na sila,
Ayun sumakay na ako sa motor,ewan ko bakit bigla akong napangiti ,imbis na mag alala ako at matakot baka kung ano na ang nangyari kina jazz ..
Ayun pinabilis ni harold ang pagpa andar buti naabutan pa namin sila cecilia,ang tindi nila ha ,apat lang silang pulis ang lulusob sa kota ng kutsilyo gang ,ano sila avengers,hayssss ..sana maabutan pa namin sila jazz ,
Grabe ang layo naman ng kota nila papa,mag iisang oras na kaming papunta sa kota nila ,di pa rin kami nakakapunta dun ,
Harold:ate ,10 pm na ng gabi ,alam ba talaga nila kung nasaan ang kota nila papa
Ako:tumahimik ka diyan ,mag drive ka nalang diyan,
Harold:haysssss...
At after dalawang oras ng pagmamaneho ni harold ay sa wakas nandito na rin kami sa kota nila papa,mag aalas dose na ng madaling araw kami makarating dito ,at nandito na rin yung mga pulis ,kaagad na lumabas ng kotse si cecilia at lumapit sa kanya yung kasamahan niyang pulis ,parang may sinabi ito sa kanya na kaagad na umiyak si cecilia ,umiyak siya ng umiyak ,kaya lumapit ako sa kanila
Ako:anong nangyari ,nahuli niyo na ba lahat ng member ng kutsilyo gang
Pulis:oo,at merong sugatan sa kasamahan namin ,namatay na rin yung leader nila ,
Bigla akong nanghina nung marinig ko yun ,kaagad tumulo yung luha ko,di pwedeng mamatay si papa,
Kaya kaagad akong tumakbo sa loob ng kota nila at nung nandito na ako sa loob ay nakita ko na duguan sila papa at clark,wala silang mga malay pareho ,nakita ko si kevin na marami ang pasa ganun din si jazz na may sugat sa tagiliran ,sa may bahagi ng tiyan kaya lumapit ako sa kanila
Tinulak ko si jazz at kevin
Jazz:alien ..
Ako:(bigla kung niyakap si papa ng mahigpit at ayun biglang bumuhos ang luha ko)sino ang pumatay sa kanya,huhuhu , sino ,pwde naman di niyo siya pinatay,okey lang naman sa akin na makulong siya ,wag lang yung patayin siya,huhuhu
Jazz:(hinawakan niya ang likod ko)alien,sorry ako ang nakapatay sa kanya
Bigla kung tinitigan ng masama si jazz at binigyan ko siya ng malakas ng sampal ..
Itutuloy..