POV na ito ni JAZZ
Parang kahapon lang yung nangyari ang lahat,nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi ako ang pumatay kay ferdie ,yung taong pumatay sa mga magulang ko,pero okey lang nakapag higanti na ako,masama man pero nabigyan ko na ng hustisya ang mga magulang ko..
Matatahimik na rin ang kanilang kaluluwa ,after ilang years ,may halong lungkot ang nangyari sa pagkawala ni ferdie kasi nasaktan ko ang babaeng minahal ko na si sabrina ,di ko na alam kung ano ang gagawin ko ,wala na akong mukhang ihaharap sa kanya,mas mabuti ng layuan ko na lang siya
Nung time na pumunta si sab sa ospital kung saan ako na confine ay gusto ko sana siyang yakapin at humingi ng sorry pero kabaliktaran ang ginawa ko,pinagtabuyan ko siya na parang hayop,alam ko na nasaktan ko siya ng sobra pero yun lang ang tanging paraan para makalimutan namin ang isa't isa,..
Isang taon na ang nakakalipas ay marami na rin ang nagbago ,tinigil ko na ang pagpatay ng tao,wala na ngayon si alyas blackshades,wala na kasi akong kalaban,i mean wala na ang kutsilyo gang,wala na rin ang leader nila ,nakapaghiganti na ako kaya new normal na ako ngayon,
Ganun si lemuel ,nagbagong buhay na rin siya ,nag aaral na siya ngayon bilang architect ,magkasundo na rin sila ni kevin ,magkakaroon na rin sa wakas ng baby sila kevin at jessie ,kukunin niya raw na ninang si alien ,di nga niya alam kung nasaan na sila alien,hanggang ngayon ay di ko pa rin siya makita ..gusto kung humingi sa kanya ng kapatawaran sa mga nagawa ko sa kanya,liligawan ko ulit siya sana wala pa siyang nobyo ,
Papunta ako ngayon sa trabaho ko pero pupuntahan ko muna si mama emerald dun sa landbank,napaka aga kasing umalis tong si mama emerald ,
Habang nagmamaneho ako ng kotse ko ay biglang tumawag si cecilia ,sinagot ko ito
Ako:ano yun part ..nagdra drive ako ,
Cecilia:wag ka ng pumasok part ,di muna tayo pinapa duty ngayon ni general
Ako:bakit ?
Cecilia:kasi birthday ngayon ng apo niya,gusto niya tayong tatlo nila kevin ang mag ayos dun sa bahay nila
Ako:mukha ba akong taga ayos ng birthday party ,ni birthday ko nga di ko inaayos ,kayo na lang ni kevin ,
Cecilia:sige ka ,gusto mo bang ma demerit ni general
Ako:anong koneksyon dun sa trabaho ko,anong oras ba yan
Cecilia:mamaya pa namang 10 am
Ako:sige,tutal nandun ka naman wala bang perang pambayad si general para sa birthday celebration ng kanyang apo ,
Cecilia:kilala mo naman si general ,di yun kagaya ng iba ,
Ako:napakabait talaga ni general kahit di niya sariling apo yun ay tinuturing niyang kadugo ,sige part ,ibaba ko na to ,malapit na kasi ako
Cecilia:sige,kitakits na lang tayo mamaya ,babushhh ..
Ayun pinatay ko na ang tawag ,habang papunta ako sa direksyon ni mama nakita ko na may lumapit sa kanyang babae ,at nung nandito na ako sa malapit nila ay kaagad akong nagulat ,teka totoo ba ang nakikita ko si alien ba talaga yun,kaagad kung sinampal ang pisngi ko baka kasi nananaginip lang ako. Pero totoo nga ,si alien nga yun ,teka yung uniform niya isa na siyang teacher,galing ,lalo siyang gumanda at lalo siyang naging ka akit akit ,kaagad akong bumaba ,,
Nilapitan ko si mama ,
Ako:ma ,halika na ,male late na ako sa trabaho..
Hayssss.. ,ang torpe mo brad ,bakit yun ang sinabi mo,ewan ko nahihiya ako kay alien,di ko pa siya kayang makausap di ko man lang siya kinamusta
Nagulat ako ng bigla siyang nakatingin sa akin kaya tinignan ko rin siya,in short nagkatitigan kaming dalawa,tang ina !! ,biglang tumigas tong alaga ko sa baba,nabibighani ako sa kagandahan ni alien,grabe !!,tinititigan ko pa rin siya na para bang huhubarin ko siya,bwesit ,napaka manyakis ko ,..
Biglang inalis ni alien yung pagtitig niya sa akin at nagpaalam na siya kay mama
Sabrina:tita,sige alis na ako,ingat po kayo,salamat ,hehehe
Mama:sige iha,lalo ka talagang gumanda ngayon,teka diba kayo mag uusap ni jazz
Yun ohhh,buti pa si mama ,nasabi niya yun sana makipag usap siya sa akin,
Sabrina:small things po tita na maganda ako,hehehe,pero thank you again,sige alis na ako ..
Bwesit ..ayaw niya talaga akong kausapin,kaya di ko na mapigilan ang sarili ko,tinawag ko siya
Ako:alieeennnnnnn..
Tang ina ..inisnob niya lang ako,pero di ko siya masisisi ,may kasalanan ako sa kanya eh,pumasok na siya sa kanyang kotse ..
Mama:bakit di mo siya sundan,kung saan siya nagtuturo,ano magiging statwa ka na lang diyan ..
Ako:ma ,galit talaga siya sa akin
Mama:syempre
,pinagtabuyan mo siya,alangan naman matuwa siya ..sige na pumasok na tayo sa kotse,baka di mo siya masundan
Ako:(tiningnan ko si mama)talaga ma ,sasama ka
Mama:oo ,nararamdaman ko na gusto mong sundan si sabrina ,gusto mo siyang makausap hindi ba ,
Ako:hehehe ,no comment ..
Ayun sumakay na kami sa kotse at sinundan ko si alien kung saan siyang school nagtuturo,
Mama:jazz ,sino kaya kasama ni sabrina,boyfriend niya kaya yun
Ako:impossible ma ,na boyfriend niya yung kasama niya dun sa kotse
Mama:bakit naman,impossible ,napaka ganda kaya niya ,hehehe
Ako:kasi nandito ang boyfriend niya kausap mo ma,hehehe
Mama:ganun ba. Malas naman niya
Ako:ewan ko ba kung matutuwa ako sayo ma o maiinis,hehehe ,siya ang dahilan para magkaroon ka ng napakagandang mga apo ,hahaha
Mama:hehehe .di ka pa nga nakaka first base yan kaagad ang iniisip mo,advance ka talaga anak ,hehehe
Ako:syempre,fast learner kaya to ma ,mana sayo,hehehe
Grabe na eexcite na akong makita ulit si sabrina,gusto ko siyang yakapin,yayain mag date at pakasalan,hehehe ,
Maya maya ay nandito na kami sa st.luke college ,dito pala siya nagtuturo ,hinintay ko muna siyang bumaba ,grabe ang tagal naman niyang bumaba,ano kaya ang ginagawa nila sa loob ,gusto ko sanang bumaba at lumapit sa kanila kaso
Mama:jazz,mamaya muna siya sorpresahin
Ako:sorpresahin ?
Mama:akala ko ba expert ka na sa mga ganyan,paano maiinlove ulit sayo si sab kung di mo siya isusurprise ,or pakikiligin
Ako:alam muna man na si sab palang ang una kung minahal ng ganito,ma ,anong gagawin ko
Mama:sakto lang marunong kang mag gitara at kumanda,haranahin mo siya
Ako:ano ,sa harap ng maraming tao
Mama:oo ,mas lalong ma aappreciate ng babae yun,lalo na't pinapakita mo sa harap ng maraming tao na mahal mo siya ,bigyan mo rin siya ng flowers ..
Ako:ma ,pang bahay lang tong boses ko,hindi pang contest
Mama:(kinurot yung bewang ko)akala ko ba gusto mong mabalik ulit sayo si sab ,bakit ang dami mong arti,tandaan mo galit sayo yung tao,suyuin mo siya ,para lumambot ulit siya sayo
Ako:okey ,gagawin ko na ,first time ko tong gagawin sana magustuhan niya
Mama:good ,tara bumili na tayo ng flowers pati gitara
Ako:sige ma ,hayssttt...
Ayun bumili na nga kami ng flowers pati gitara,grabe si mama ,epekto na to sa kapapanood ng mga pelikula ,pero sana maging effective ang panghaharana ko sa kanya,buti na lang alam ko yung kantang AKING PRINSESA yun ang kakantahin ko hehehe
Natapos na kaming bumili ng gitara at mga roses ,papunta na ako sa school,hindi na sumama si mama kasi pupunta siya sa simbahan ,nakalimutan ko na isang madre pala si mama hehehe kaya mag isa akong pumunta sa school,bwesit kinakabahan ako,
Nung makapunta na ako dito sa st.luke college ay kinausap ko yung guard kung pwede akong makapasok ,buti pumayag naman ,minention ko kasi ang pangalan ni sab,close pala sila,sana all ..
At pagkatapos ay pinuntahan ko yung presidente ng school na ito para humingi ng pirmiso na mangharana,sa isa sa mga empleyado niya,hehehe tang ina,nakakahiya pero para sa love walang hiya hiya. ,kilala rin niya si sab ,kaya ayun pumayag,thanks naman ,at napakabait ng presidente nila dito. At ayun nakipag usap ako sa mga studyante dito kung pwede nila akong tulungan ,mga sampung studyante ang kinausap ko ,at binigyan ko sila isa isa ng rose ,kinilig pa talaga sila,hehehe. ..heto na ,malapit ng matapos ang first subject ni alien ..
Maya maya habang naghihintay kami dito kasama ang mga studyante ay biglang dumating yung studyanteng inutusan ko kung tapos na ba si alien sa kanyang pagtuturo ,
Gerald:boss ,(hingal na hingal)tapos na po si maam del pilar sa kanyang klase,nandun po siya sa cafeteria,
Kaagad akong tumayo
Ako:tara pumunta na tayo,ready na ba kayo
Kanina pa ...(sabay silang nagsalita)
Ayun papunta na kami sa cafeteria ,grabe kinakabahan ako,dala dala ni gerald yung speaker ,kaya mo to jazz ,..
At nandito na kami sa cafeteria ,nakita ko si alien na masayang kumakain kasama ang mga co teachers niya,at ayun nagsimula na akong kumanta,nagsimula na ring lumapit isa isa yung mga studyanteng may dalang rosas. Para ibigay kay alien,grabe nakatingin talaga sila sa akin,sana okey lang yung boses ko ,at maya maya ay naghiyawan na ang mga studyanteng nandito nung nagpakita na ako ,nakita ko si alien na nakatingin siya sa akin,gulat na gulat,grabe ang ganda niya talaga,habang palapit ako sa kanya ay lalong lumakas ang hiyawan ng mga studyante na nandito,na para bang mabibingi ka na ,
Pagkatapos kung kumanta ay inabot ko sa kanya ang flowers na naka bouquet..
Nagulat ako ng hinawakan niya kamay ko at teka saan niya ako dadalhin ,hanggang dinala niya ako dito sa likod ng isang building ,
Grabe galit talaga siya sa akin ,kahit sinabi ko na kanya lahat lahat,humingi na ako ng tawad sa kanya pero galit pa rin siya sumabay pa tong abegail na to na mainit ang dugo sa akin,..binalik niya sa akin yung flowers na binigay ko sa kanya ,oo nalungkot ako at naiinis sa sarili ko ,pero di ako susuko ..
Pagkatapos ay tinawagan ko ang ninong ko na head pala ni alien ,
Ninong:jazz,napatawag ka
Ako:ninong,pwede bang humingi ng favor
Ninong:ano yun
Ako:diba under mo si sabrina del pilar
Ninong:kilala mo si sabrina,teka siya ba ang sinasabi mong babaeng gusto mo
Ako:oo ,
Ninong:iba ka talaga pumili jazz,hehehe,so ano ang favor mo
Ako:pwede bang palabasin muna siya ngayon ng maaga gusto ko kasi siyang makausap,maghihintay ako sa labas ng school ,hihintayin ko siyang lumabas ngayon,please ninong
Ninong:yun lang ba,sige ,mamaya pagpunta niya dito ,siguraduhin mo lang na mapapa oo mo siya ,at magiging asawa mo siya ,kasi pag hindi sayang lang yung effort ko,hehehe
Ako:hehehe,salamat ninong ,sige hintayin ko siya,salamat ..
Ayun binaba ko na ang tawag at bumalik na ako dito sa labas ng school kung saan naka park yung kotse ko ,ng biglang tumawag si general
Sinagot ko kaagad ..
General:nasaan ka na ,nandito na sila cecilia at kevin
Ako:sir ,male late ako diyan ,
General:bakit nasaan ka ba ?
Ako:nandito kasi ako sa st luke college
General:anong ginagawa mo diyan,teka may nangyari ba diyang engkwentro
Ako:wala ,si sabrina nandito kasi siya,nahanap ko na siya ,
General:talaga ,,seryoso ka
Ako:oo naman sir ,
General:buti naman nahanap muna siya,pwede mo ba siyang dalhin dito jazz ,gusto ko siyang makausap at makita ,matapos ang nangyari
Ako:opo sir ,ngayon mismo dadalhin ko diyan sa inyo si sab,wag kayong mag alala
Nagulat ako na nasa likuran ko na pala si alien,teka narinig niya yung usapan namin ni general ,binaba ko na ang tawag at kinausap ko si alien
Ako:alien,kanina ka pa diyan
Ayun sabi ko na nga ba magagalit siya,kasi narinig niya na dadalhin ko siya kay general,
Ako:alien,makinig ka,mali ang iniisip mo,pakinggan mo muna ang sasabihin ko sayo
Sabrina:sabihin muna ..
Ako:si general ,si general yung kausap ko,gusto ka niyang makausap at makita
Sabrina:general yung boss mo
Ako:oo
Sabrina:diba patay na yun,anong nangyari bakit siya nabuhay
Oo nga pala ,nagpanggap lang palang patay si general ,nagulat rin kami nun ,buti naman at buhay pa siya ,ayun sinabi ko sa kanya na buhay pa si general at nagpanggap lang na patay pati si lemuel ay okey na rin siya
Sabrina:Kaya mo ba ako hinanap dahil sa boss mo
Ako:hindi alien,hindi dahil sa kanya,hinanap kita kasi gusto ko,gusto kung maayos muli tayo,gusto kung ligawan kita ulit
Ewan ko biglang nagalit lalo si alien,hindi niya talaga na akong mapapatawad ,nung hinawakan ko siya bigla niya akong sinampal ,lalo siyang nagalit ,parang bumalik ulit yung alien na nakilala ko yung matapang at palaging beastmode
Ako:(nagmamakaawa ako sa kanya)sab ,please bigyan muna man ako ng pagkakataon
Sabrina:para ano,para saktan mo ulit ako ganun ba yun,jazz sinakta muna ako nung una,tanga lang kung magpapa uto ulit ako sayo
Grabe ang sakit naman ng sinabi niya ,hindi ba ako pwedeng magbago ,at ipakita sa kanya na sobra akong nagsisisi ,pinapamukha niya talaga sa akin na sinaktan ko siya ng sobra,alam ko naman yun,nasasaktan na nga ako sa ginagawa niya sa akin,pinagtatabuyan niya rin ako kagaya ng ginawa ko sa kanya dati ,biglang tumulo ang luha ni sab ,balak ko sanang pahiran ang luha niya pero baka masampal na naman niya ako ,
Nagulat ako ng biglang sinapak ako ni clark,napatingin ako sa kanya,
Clark:gago ka talaga ano,matapos mong saktan si sab,magpapakita ka.(galit niyang sabi)
Ako:clark,wag kang magmalinis
Tang inang,clark na to,pinapa konsensya pa ako nito ,nagparaya raw siya para sa akin,bwesit ..
Ayun pina alis na nga ako ni alien at binigay ko na sa kanya ang gamit niya
Aalis na sana ako ng biglang magsalita si alien
Sabrina:jazz,sandali lang may isa pa akong itatanong sayo
Tiningnan ko siya
Ako:bakit ?
Sabrina:ikaw ba yung batang lalaking nagligtas sa akin nung muntikan na akong malunod sa dagat
Nagulat ako nung sabihin yun ni alien,teka alam niya na pala na ako ang nagligtas sa kanya nun,bakit niya bigla itong sinabi sa akin,
Ako:bakit kung ako yun,mapapatawad muna ba ako
Sabrina:bakit mo ako niligtas nun
Ako:kasi kailangan mo ng tulong nun,at pinaka ayaw ko sa lahat ay ayokong may mapapahamak lalo na kung isang batang katulad ko,kahit na tinarayan mo ako nun,hanggang ngayon rin naman eh ..
Sabrina:jazz,salamat ,kung hindi dahil sayo ay baka wala na ako ngayon
Clark:sab ,anong ginagawa mo
Sabrina:clark,akala ko ba na ikaw ang nagligtas sa akin nun,bakit nagsinungaling ka ..
Clark:sab ,sorry yun kasi ang sinabi sa akin ni tito ferdie eh ..
Ako:alien,pleasee give me another chance ,pleasee...
Sabrina:okey,pagbibigyan kita ngayong araw ,
Clark:sab,paano naman ako
Sabrina:clark,sandali lang naman to,kakausapin ko lang si jazz,babalik ako mamayang 5 ,
Clark:sige kung yan ang gusto mo ,tama nga si abegail na nandito si jazz
Sabrina:si abegail pala ang nagpapunta sayo dito ,clark ..
Clark:oo ,tapos sasama ka sa jazz na yan,sinaktan ka niya diba
Ako:hoyy,clark ,pwede ba wag kang mag malinis diyan na parang wala kang ginawang kasalanan kay sab ,mas malala pa nga ang ginawa mo sa kanya ,at dinagdagan mo pa ngayon,nagpanggap ka na ikaw ang nagligtas sa kanya nung mga bata pa tayo,
Sabrina:tama na ,sige na clark ,madali lang to ,kakausapin ko lang si jazz pati yung general nila,gusto niya akong makausap
Clark:sasama ako ..
Ako:teka lang ,clark ..girlfriend muna ba tong si sab..
Clark:hindi pa ,pero sasagutin niya na ako
Ako:walangya !!hindi pa pala,tapos maka kilos ka pagmamay ari muna siya ..
Sabrina:pwede ba,tumahimik na kayo,pag ako mainis ,iiwan ko kayong dalawa dito ,
Itutuloy.