POV pa rin ito ni SABRINA
Masakit pa rin dito sa puso at isip ko yung nangyari sa akin,dalawang lalaking mahalaga sa akin ay nawala sa piling ko ,bakit kailangan mo tong gawin sa akin lord ,ano po ang nagawa kung pagkakamali sayo ,huhuhu , naging mabuti naman po akong anak sa inyo bakit niyo po ako sinaktan ng ganito ,,pero lord maraming salamat kasi binuhay mo si jazz para sa akin,akala ko talaga ma tri triple kill na ako ,huhuhu !
Nailibing na si clark ,galit na galit sa akin sila maica at tita vivian ,di nila ako kinakausap ,ni bumisita sa lamay ni clark di ako pinapunta ,buti nakadalo ako sa libing niya ,,balak nila tita vivian at maica na pumunta sa canada ,,para raw makalimutan nila ang mga nangyari ,,si papa naman ay crinimate yung katawan niya ..di namin siya napaglamayan kasi makasalanan daw si papa,
Napakasakit talaga hanggang ngayon yung sinapit ko ,huhuhu !! wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak,namamaga na nga tong mata ko dahil sa kakaiyak
Heto ako ngayon sa bahay namin ,di muna ako pumasok ngayong araw kasi wala ako sa kondisyon ngayon,
Harold:ate (pumasok sa kwarto ko)
Nakahiga pa rin ako hanggang ngayon ,mag aalas 12 na ,bigla kung tinakpan ng kumot yung buo kung katawan ,
Harold:ate,bumangon ka na nga diyan,wala namang mapapala yang pag emote mo eh.di na maibabalik yung buhay nila clark at papa,nandun si jazz sa baba,pag di ka bumaba ,papa akyatin ko siya dito..
Ako:umalis na kayo ,,gusto kung mapag isa harold,,pwede hayaan niyo muna ako ,,(sinigawan ko siya habang nakatalukbong ako ng aking kumot)
Harold:nandito pa naman kami ate,di ka naman namin iiwan ..tatlong linggo na nung nilibing si clark at crinamate si papa pero hanggang ngayon nag eemote ka pa rin,move on na ate ..di muna nga kinakain yung pagkain mo,
Jazz:sab (hinawakan yung braso ko)
Nakatakip pa rin ako ng kumot ..
Ako:umalis ka na dito jazz,pwede ba ,wag na kayong makulit ..
Jazz:natatandaan mo yung sinabi sayo ni clark sa panaginip mo ,diba sabi niya na wag muna siyang isipin kasi masaya na siya sa langit..
Kaagad kung tinanggal yung kumot at bumangon ako ..tiningnan ko si jazz
Ako:di ko magawa jazz,pilit ko man mag move on pero di ko magawa,,huhuhu (kaagad na dumaloy yung luha ko)
Bigla akong niyakap ni jazz
Jazz:tutulungan kitang makalimot ang lahat ng nangyari sab basta tutulungan mo rin yung sarili mo ..
Ako:paano ?
Jazz:pumayag kang makipag date sa akin,,alam mo ba nag absent ako ngayon sa work ko kasi gusto kitang mapasaya ngayong araw ,,pero paano ko magagawa yun kung palagi kang nakahiga dito ,daig mo pa yung menopause na pagong ..
Pagkasabi nun ni jazz ay bigla akong napangiti,,may nagmemenopause bang pagong,siraulo talaga
Kaagad kung iniwas yung pagkakayakap ko sa kanya at pinahiran ko na luha ko
Ako:baliw ka talaga ..sige na bumaba ka na ,magbibihis lang ako,titingnan ko yung sarili ko kung makakapag move on kaagad ako ..
Harold:salamat naman at naisip mo yan ate,sige pasok na ako,tutal nandito na si jazz ..
Ako:siguraduhin mo lang harold na wala kang bagsak ..
Harold:malabong mangyari yun ate,baka yung teacher pa namin ang bumagsak hindi ako,hahaha
Jazz:nice ka tol ,hahaha
Kaagad kung binatukan si jazz
Jazz:aray,why are you harassing me ,(pagpapa cute niyang sabi sa akin)
Ako:nagpapareho lang kayong dalawa,bumaba ka na jazz ,magbibihis na ako ..
Harold:ate alis na ako ..bye ..jazz ingatan mo yung ate kung siraulo ..
Ako:hoyyy ...!! Gago ka talaga harold ..(sigaw ko kay harold)
Ayun umalis na si harold ,at nakita ko si jazz na nakakaloko yung tingin niya sa akin ..
Ako:hoy !!! Tigilan mo nga yang pagtitig mo sa akin,kakainin mo ba ako ha ..(pagtataray kung sabi)
Jazz:masungit ka ngayon sab ,hehehe,naglilihi ka ba?,hehehe
Ako:anong pinagsasabi mong naglilihi ako ,siraulo to(sabay hampas sa kanya sa braso)umalis ka na,magbibihis na ako
Jazz:sowwwwsss,nakita ko naman lahat yan eh...hehehe,nahihiya pa siya sa akin,ako na ang magbibihis sayo sab ,hehehe(kinindatan ko siya)
Ako:napakamanyakis mo talaga ,,hay naku ..tabi diyan..
Ayun tumayo ako at ewan ko bigla akong naduduwal ,,
Jazz:sab ,okey ka lang ..
Kaagad akong pumunta sa banyo at ayun bigla akong sumuka pero tubig lang ..teka anong ibig sabihin nito ..
Jazz:heto tubig ..uminom ka ..(hinimas niya likod ko)
kinuha ko ang tubig at ininom ko ito
Jazz:kailan ka huling dinatnan sab
.
Ako:dalawang linggo na akong hindi dinadatnan ,,
Jazz:yessssss ...woaaaahhhhh !!! Maging tatay na ako,hehehe ..
Tiningnan ko ng masama si jazz ..
Ako:hoy ..lalaki tumahimik ka nga,,anong pinagsasabi mo diyan,hindi ako buntis ,
Jazz:pumunta tayo sa ospital papatingin natin kung buntis ka o hindi,hehehe,excited na ako,sana buntis ka sab ,kasi may naisip na akong ipapangalan sa baby natin,hehehe
Ako:(kaagad kung sinuntok sa tiyan si jazz)tumahimik ka diyan,ang advance mong mag isip ..
Jazz:arayyy,ang sakit nun alien ha ..hehehe,,tara na pumunta na tayo sa ospital,sakto nandun si doc ida ,,
Excited talaga tong lalaking to pero baka nga buntis ako kasi di na ako dinadatnan atsaka palagi na akong masungit ,pero masaya ako kapag nabuntis ako kasi may kapalit yung pagkawala nila clark,sana nga buntis ako ..
Ako:bumaba ka na kasi dun ,para magbihis na ako at maligo ..
Jazz:okey po mahal kung prinsesa,hehehe,amg sungit naman tong alien ko,hehehe(pinisil niya yung pisngi ko)
Ako:sige na jazz,,baka masapak pa kita ..
Jazz:sige,nandun lang ako sa baba ..
Ako:okey ..
Ayun umalis na rin yung manyakis na yun,pumunta na ako sa banyo at naligo malamang ..after ilang minuto ay nagbihis na ako ,,at nagpabango ..pababa na ako..at nung pagbaba ko ay nakita ko si jazz na kumakain ng pizza ..kaagad ko siyang nilapitan ..
Ako:bakit ikaw lang ang kumakain niyan ha ..
Jazz:oyyy,alien ko ,nandito ka na pala ,hehehe ,gusto mong kumain ,heto meron pa ditong limang slice ,hehehe
Ako:akin na,nagugutom na ako
Kaagad kung kinuha ang pizza ni jazz na hawak niya may kagat na ito pero kunti pa lang
Jazz:pambihira ,hehehe ..(napakamot sa ulo)
sige kumain ka lang alien ko ,hehehe ..
Ang sarap naman ng pizza sa shakeys ,,hehehe ,grabe ,
Ayun maya maya ay natapos na akong kumain at uminom na ako ng softdrinks ..
Jazz:so ano ,tara na ..sab ..
Ako:tara..
Kinuha ni jazz yung bag ko pati yung payong ..
Ako:kotse ba yung ginamit mo ngayon jazz
Jazz:hindi alien ,,motor yung ginamit ko ,,bakit ayaw mo bang umangkas sa motor ko
Ako:no choice ,,sige na ..baka sabihin mong maarte ako ..
Jazz:hehehe,bakit hindi ba ,hehehe
Ako:shut up ...
Jazz:hahaha,ang sungit talaga ng alien ko,,tiyak kambal yung magiging anak natin,hehehe
Ako:ewan ko sayo jazz,mas excited ka pa sa akin,
Jazz:hahahaha,syempre
,gusto ko ng magkaroon ng lahi ,sayang tong itsura ko kapag walang may magmana,hehehe
Ako:hay naku ..mababaliw ako sayo ,,pinaglihi ka siguro sa electric fan ,,kasi napaka hangin mo ,
Jazz:hehehe,hindi alien,sa ceiling fan lang ako pinaglihi,mahina lang naman yung hangin na nilalabas ko,hahaha
Ako:tse.tara na nga,,umalis na tayo ,,baka magbago pa isip ko ..
Ayun sinuot ko na yung helmet at sinuot na rin ni jazz yung helmet niya ,,sumakay na ako sa motor niya
Ako:dahan dahan ka lang sa pag drive jazz ..
Jazz:no problem may alien
.hehehe
Ayun pina andar na ni jazz yung motor niya at napaka siraulo talaga tong lalaking to ,dinahan dahan nga niya yung pagpapatakbo ng motor niya ,mas mabilis pa ngang maglakad yung tao ,naabutan pa kami ng nagbibisikleta at nagpepedicab ,kaagad ko siyang kinurot sa kanyang bewang
Jazz:aray ,hehehehe,what is the problem my alien
Ako:ewan ko ba kung matutuwa ako sayo o maiinis,,talaga bang dahan dahan talaga,nasobrahan ka yata sa pagdahan dahan,siraulo to ,yung sakto lang ,,
Jazz:yun ang sabi mo eh ..hehehe,okey ..
Ako:waaaahhh,di ka talaga magbabago kahit kailan ,
Jazz:ganito mo kaya ako nakilala alien,kaya di ko babaguhin sarili ko ,hehehe,dito ka nainlove sa tunay kung ugali ,hehehe,aminin mo ghurl ..hehehe
Ako:sige na mag drive ka na ,,dami pang sinasabi ..
Jazz:hahaha ..
Ayun nagdrive na ulit si jazz at buti naman sakto na yung pagmamaneho niya ...
Maya maya ay nandito na kami sa ospital ..at nagpark muna si jazz ..at ayun bumaba na kami ,pinayongan ako ni jazz papunta sa loob ng ospital ..
Ako:jazz ,,natatakot ako ..(hinawakan ko kamay niya)
Jazz:bakit ka naman matatakot,hindi naman mga aswang yung nasa loob ng ospital,dapat nga sila ang matakot sayo kasi alien ka,hahaha
Ako:(kinurot ko yung bewang niya)nakakainis ka talaga ,,tara na nga ..
Tiningnan ko si jazz,malapad yung ngiti,,heto ba yung sinasabi niyang papasayahin niya ako,siraulo talaga to ,lalo tuloy akong naiinis dito,haysss ..
Ayun nandito na kami sa loob at nandito na kami kay doc ida ..
Jazz:hello po doc,naalala niyo pa ba ako,hehehe
Doc:oo naman,iho ..maari ba kitang makalimutan ,ikaw lang naman yung makulit na anak ng kaibigan kung si emerald,teka asawa mo ba siya,ang ganda niya,hehehe
Ako:doc,di po kami mag asawa ..
Doctor:so girlfriend pala kayo ..
Magsasalita na sana ako na hindi ko boyfriend si jazz,nung nagsalita si jazz
Jazz:opo doc,girlfriend ko pala siya,nandito kami kasi gusto naming ipatingin sayo si sab ,,
Ano raw girlfriend niya ako,,hay naku talaga tong lalaking to ,,pero sige na lang ..tutal yun din naman ang punta naming dalawa ..
Doctor:ilang araw ka na bang hindi dinadatnan iha..
Ako:dalawang lingo na po ..
Doctor:SANA ALL ..hehehe ,hindi biro lang iha,hailka dun tayo loob,titingnan natin kung buntis ka nga ba
Jazz:sana po doc ..
Ayun pumasok na ako sa loob ng ob gyne room at humiga na ako ..
Doctor:alam mo iha,napaka swerte mo kay jazz
Ako:bakit naman po doc
Doctor:kasi walang pinapakilala sa akin yan na girlfriend niya at nagulat ako at natuwa nung malaman ko na boyfriend mo siya,sana nga buntis ka iha para maging inaanak ko yung anak niyo ni jazz,heheheh
Ako:talaga po ,,sana nga doc ..
Ewan ko di na lang ako komuntra sa sinabi ni doc,at ayun inumpisahan na niyang tingnan yung tiyan sa loob ko ,at nagulat ako nung sabihin ni doc na
Doc:congratulation iha ,buntis ka nga ..
Itutuloy..