Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 48 - CHAPTER 47:SPY ?

Chapter 48 - CHAPTER 47:SPY ?

POV na ito ni JAZZ

Di ko mapigilan ang lubos na kasiyahan na nararamdaman ko ngayon ,,thank you lord ! binigyan mo kami ni sab ng napakalaking regalo thank you ,kahit napakalaki ng kasalanan ko sa inyo ,binigyan mo ako ng napakalaking blessings ! pangako sa inyo lord na di ko na sasaktan si sab last na yung ginalaw ko siya ,,

Nung pumunta kami ni sab sa ospital ay balisang balisa talaga ako nun kasi kinakabahan ako kung anong resulta ng pagpapa check up niya ,baka nagkakamali lang ako na buntis siya pero nung sabihin nila tita ida na buntis si sab ay biglang lumundag yung puso ko ,sa sobrang saya ,di ko napigilan na buhatin ko si sab ,grabe yun ang pinaka masayang araw na nangyari sa akin na di ko makakalimutan ,,kaya nung sinabi sa akin ni tita ida na pakasalan ko na raw si sab ay kaagad ko ng ginawa ang plano ko ,magpropropose naman talaga ako kay sab ,buti na lang nabuntis siya ,napa aga ang pag propose ko sa kanya,hehehe ,kaya heto nung lumabas na kami sa ospital ay naisipan kung tawagan si kevin ,gagawin ko na ang plano ko ,hehehe ..

Mukhang galit yata tong magiging asawa ko kung bakit kailangan ko pang lumayo sa harapan niya ,hahaha ..

Heto tinawagan ko na si kevin ,,

Ring.ring

Kevin:pare ,bakit ?

Ako:anong ginagawa mo,nasa opisina ka ba ngayon

Kevin:oo ,bakit may problema ba?

Ako:yung plano ko sa pag propose ko kay sab,gagawin ko na ngayon

Kevin:weh !!.talaga ,bakit nabuntis muna ba siya,hahaha

Ako:oo pare ,grabe sobrang saya ko,magkakaroon na rin ako ng anak .hehehe

Kevin:talaga pare ,,oyyy ...ninong ako diyan ha !! ,so ano ang gagawin ko

Ako:oo naman ,,ikaw pa ang bestman ko pare ,hehehe ,dun sa mac arthur park ,magpasama ka kay ramos at daryl ,si general sabihan mo rin ,tiyak magiging masaya yun,hehehe ,tapos pare i contact mo yung nanalo sa dance contest nung fiesta dito sa lugar natin,at ikaw na rin ang bahala sa mga flowers pati chocolate yung ferrero kasi yun ang favorite niya ,wag mong kakalimutan yung inihanda kung tarpaulin na may nakasulat na will you marry me alien ko ,hehehe ,

Kevin:wow !!! ,ibang klase mag utos ,parang ako ang magpropropose ha !!! ,baka magselos nito si trisha ,hahaha ,sige sige pare ,,basta ililibre mo ako nito ,,sige tawagan na lang kita mamaya ,,bibilisan namin ,para ngayon ka na makapag propose ..

Ako:salamat pare ,talagang mahal na mahal kita eh,hahaha,kasi solid kang kaibigan ,sige ,kakain muna kami sa labas ni sab ,sige pre ,ibababa ko na to kanina pa naghihintay si sab baka maging dragon na yun sa akin,hahaha,mainit pa naman yung ulo .

Kevin:lambingin mo pre ,ano pa't naging pulis ka kung di ka expert sa ganyan,hehehe,sige pre ..

Ayun binaba ko na ang tawag at kaagad kung nilapitan si sab,ayun nakasimangot yung mukha ,hehehe ,kawawa naman tong magiging misis ko ,nagugutom na ,kaya ayun inalok ko siyang kumain kami pero bigla siyang nagsalita na ikakagulat ko na ,may nagmamasid raw sa amin ,kaya kaagad akong pumunta sa likod ng ospital at pati sa mga puno ,wala naman akong napansin na may nagmamasid sa amin na tao ,o may nakatambay ,,sino kaya yung nakita ni sab ,,di ko kasi napansin yun ,sa sobrang excited ko sa magiging anak ko. Pero kung may nagmamasid talaga sa amin,subukan niya lang saktan yung mag ina ko ,pati utak niya papatayin ko ..

Ayun umalis na kami ni sab at papunta na kami sa andys restaurant,di naman to sikat na resto pero nung kumain ako dito one time ay nasarapan ako sa bulalo nila at nilagang baboy,hahahaha ..

Maya maya ay nandito na kami sa resto ..at kaagad na pumasok sa loob ...at pagkatapos ay nag order na kami,grabe ang ganda talaga ng magiging misis ko ,napaka swerte ko naman at naging akin siya ..thank you talaga lord,doble yung binigay mo sa akin na regalo ,si sab pati yung magiging anak namin,hehehe

Nagulat ako ng biglang tumawag si kevin,sakto tapos na kaming kumain ,hahaha ,sinagot ko na ito sa harapan ni sab ,at pina loud speak pa,,galit na kasi baka ma punching bag na ako nito ..ayun sinagot ko na .

Ako:pare,ano ready ka na ba ?

Kevin:oo pre,pumunta na kayo dito

Ako:sige sige salamat pare ha ..

Kevin:syempre,ninong kaya ako diyan sa baby niyo ni kumareng sab ..hehehe

Ako:oo naman,sige pre pupunta na kami diyan

Ayun binaba ko na ang tawag,grabe ang bilis naman mag set up sila kevin,halos 2 hours lang ,hehehe,iba talaga si kevin,paano niya kaya nagawa yun hahaha,

Nakita ko si sab na naka simangot yung mukha,hahaha,na shock yata siya kung ano yun ..

Ako:tara na sab,hehehe ,ipapakita ko na sayo yung big surprise ko

Sabrina:big surprise pinagsasabi mo ,may ganun talaga ,tara na ,at kanina pa ako nagtataka kung ano yung surprise na yun ,

Ako:hehehe,basta wag kang iiyak ha ,

Sabrina:ewan ko sayo,kinakabahan tuloy ako ..

Ayun tumayo na kami ,at hinawakan ko na yung kamay ni sab,bago kami umalis ay nagbayad muna ako ng kinainan namin,hahaha

Sabrina:jazz,sandali lang(napahawak siya sa braso ko)

Ako:ano yun sab (tiningnan ko siya)

Sabrina:tingnan mo yung taong naka sombrero dun ,sa labas ,yung nakatayo parang kanina pa nakatingin sa atin,kanina ko pa siyang napapansin nakatingin sa direksyon natin

Pagkasabi nun ni sab ay tiningnan ko yung taong naka sombrero na nakatakip yung mukha ,,sa amin nga nakatingin ,

Ako:diyan ka lang sab ,lalapitan ko lang siya

Sabrina:mag ingat ka jazz ..

Ayun lumabas na ako ng resto at biglang tumakbo palayo yung taong naka sombrero,balak ko na sana siyang habulin pero di ko tinuloy ..di ko alam kung bakit di ko siya hinabol ,

Sabrina:jazz ,bakit hinayaan mo lang siya umalis ..

Ako:alam ko pupunta siya dun sa pupuntahan natin ,,siya ang sinasabi mong nagmamasid sa atin sab kanina,ano kaya ang pakay niya at sino siya ..

Sabrina:baka si papa yun,baka buhay pa siya

Ako:impossible sab ,di yun ang papa mo ,

Sabrina:si de paz baka siya ..

Ako:hindi rin ,hindi yun ang tindig ng pangangatawan niya,pero posible din na nagpa utos siya ..tara na sab ,umalis na tayo ,,tiyak pupunta siya dun sa pupuntahan natin

Sabrina:jazz,kinakabahan ako ,

Ako:(hinawakan ko pisngi niya)nandito ako sab,wag mong isipin yan,nandito ako sa tabi mo walang mangyayari sayong masama,pangako yan ,

Sabrina:okey ,i'll trust you jazz,tara na umalis na tayo at excited na ako sa surprise mo ,hehehe

Ako:tara na ..hehehe

Ayun sumakay na si sab sa motor ko at pina andar ko na ito .at nagmaneho na ako ..

Grabe habang nagmamaneho ako ay iniisip ko yung taong yun ,sino kaya ang walangyang yun,nagkamali siya ng kakalabanin,pag ako mahuli ko siya mamaya,papatayin ko yun ,ginagalit niya ako,imbis na good mood ako ngayon,bwesit !!,haysss,di ko muna yun iisipin,yung pag propose ko muna kay sab ang iisipin ko ..

Maya maya ay nandito na kami sa mac arthur park ,nakita ko na napakaraming tao at wow !!,halos lahat couple shirt ,kaagad na bumaba si sab at hinubad yung helmet niya ,biglang may lumapit sa kanya na batang babae at binigyan siya ng flowers at ferrero .

Tiningnan ako ni sab at

Sabrina:jazz ,ano to ,hehehe,ano ba ..

Ako:tara dun tayo kay lolo mac arthur ,hehehe ,nandun ang surprise ko sayo ,

Hinawakan ko kamay ni sab ,at habang kami ay papunta sa rebulto ni mac arthur ay bilang nagpatugtog ng MARRY YOU at nakita namin ni sab na sinasayaw ito ng grupong R U TOXIC ,,

Lyrics:

It's a beautiful night, we're looking for something dumb to do

Hey baby, I think I wanna marry you

Is it the look in your eyes, or is it this dancing juice

Who cares baby, I think I wanna marry you

Well I know this little chapel on the boulevard

We can go

No one will know

Oh, c'mon girl

Who cares if we're trashed

Got a pocket full of cash we can blow

Shots of Patron

And it's on girl

Don't say no, no, no, no no

Just say yeah, yeah, yeah yeah, yeah

And we'll go, go, go go, go

If you're ready, like I'm ready

'Cause it's a beautiful night, we're looking for something dumb to do

Hey baby, I think I wanna marry you

Is it the look in your eyes or is it this dancing juice

Who cares baby, I think I wanna marry you

Habang papalapit kami kay lolo mac arthur ay nakita ko si sab na tumulo yung luha niya ,,kaagad siyang binibigyan ng flowers at chocolate ,ng mga dancers at kaagad na nagpakita sila kevin,cecilia ,general ,harold at ramos na hawak hawak ang tarpaulin na may nakasulat na ..

"WILL YOU MARRY ME ALIEN KO ""

kaagad na tumingin sa akin si sab,habang tumutulo yung luha niya ,kaagad akong lumuhod sa harapan niya at pinakita ko yung singsing na dala ko ,oo may singsing ako dito sa bulsa ko ,hahaha,,diba ready ako ,napasabi ako kay sab na,

Ako:sabrina marie del pilar ,o mas kilala na alien ,ikaw ang magiging ina na anak ko ,at ikaw ang babaeng minahal ko ng sobra sobra ,ikaw yung una hanggang wakas ,ngayon ang pinakahihintay kung araw ,SABRINA MARIE DEL PILAR ,WILL YOU MARRY ME !!

Pagkasabi ko nun ay biglang naghiyawan yung mga tao dito ,nakita ko si sab na lubos na dumadaloy yung luha niya at bigla niya akong tinayo at niyakap at sumigaw na ..

Sabrina:YESSSS !!oo Jazz Andrei Reyes ,i will marry you ,mahal na mahal kita ,huhuhu ! palagi mo nalang akong pinapaiyak siraulo ka talaga ..

Kaagad kung iniwas ang pagkakayakap niya at sinuot ko sa kanya ang singsing sa daliri niya at binuhat ko siya ,at sumigaw ako na

Ako:yesss,thank you sab ,thank you ..woaaaaahhhh !!Ang saya saya ko ..

Ayun naghiyawan yung mga tao dito,tiyak ma fefeature kami nito sa KMJS ,hehehe,ang daming nag vivideo sa amin ,abangan niyo na lang sa linggo ,nasa KMJS na kami ,hahaha

Kaagad kung binaba si sab at pinalo niya ako sa balikat ko

Sabrina:nakakainis ka,palagi mo nalang akong sinosorpesa ,hehehe ,mahal na mahal kita jazz

Ako:hehehe ,i love you morer sab ,(hinalikan ko siya sa labi)

General:sana all ,,jazz ingatan mo yang si sab ha ,,wag mong sasaktan yan ,

Cecilia:masaya ako para sa inyo ,hehehe,ninang here ..

Sabrina:salamat cecil ,at maraming salamat sa inyo,kevin,general,ramos at harold ,

Harold:kaya pala masungit kasi buntis ,hehehe

,magkakaroon na rin ako ng pamangkin na papaiyakin ko ,hahaha,at jazz ingatan mo yang ate ko..

Ako:oo tol ,iingatan ko tong ate mo ,mahal ko kaya to,at maraming salamat sa inyo ha ,,general,cecil at ramos lalo sayo pare(sabay akbay kay kevin)

Kevin:wala yun pre,so kailan ang kasal

Ako:next month ,hehehe

Sabrina:excited ka talagang maging misis mo ako ano,hehehe

Ako:syempre ,hehehe ..(sabay halik sa pisngi kay sab)

Kevin:pare,kilala mo ba yung nakasombrerong yun na may takip sa mukha,parang napapansin ko na kanina pa nakatingin yan dito ..

Kaagad kung tiningnan yung taong naka sombrero dun sa may kabilang puno ,

Ako:pare,diba mabilis kang tumakbo,magpa fun run tayo ngayon ,1,2,3..

Ayun kaagad kaming tumakbo ni kevin papunta sa taong yun pero tumakbo rin siya,boysit para kami nitong naglalaro na habulan ,at buti mabilis tumakbo tong si kevin,sumigaw siya ng

Kevin:babarilin kita pag hindi ka huminto,mga pulis kami

At buti naman huminto siya ,kaagad na hinawakan namin ni kevin yung mga kamay,tang ina hiningal ako dun,kaagad kung inalis yung sombrero niya at pati yung takip niya sa mukha at nagulat kami kung sino tong taong to ..

Itutuloy.