Jazz POV's
Di namin inaakala na yung taong hinahabol namin ni kevin ay isang 14 years old lamang na lalaki ,yung taong nagmamasid sa amin kanina ni sab ,isang hamak lamang na katorse anyos na bata ,kaagad kung hinawakan ang leeg ng batang ito na matalas ang tingin sa akin,hindi naman mahigpit yung pagkakahawak ko sa leeg niya mild lang .
Kevin:kid ...matalas ang tingin natin ha ..
Ako:sabihin mo sino nag utos sayo na manmanan kami ni sab ,kabata bata mo pa (sabi ko sa batang to)
Kevin:anong pangalan mo kid ..
Jade:wala akong pangalan at walang nag utos sa akin ..
Ako:wag mong ubusin yung pasensya ko ,kahit bata ka ,matatamaan ka sa akin(galit kung sabi sa kanya)
Jade:ano ba ang kasalanan niyo sa kanya bakit galit na galit siya sa inyo,pati ako dinamay niyo sa gulo niyo(sabi sa akin)
Ako:sino nga nag utos sayo? sabihin mo di kita idadamay dito pag sinabi mo yung totoo
Jade:kahit sabihin ko pa ang totoo ay papatayin niya rin naman ako ,kaya sana makatulog kayong dalawa sa paghuli sa akin,kasi ngayon na ang huling araw ng buhay ko ..
Kevin:(kaagad na binatukan niya yung bata)ang dami mo pang sinasabi,sasabihin mo ba ang totoo o magdradrama ka diyan ..
Nagulat kami ni kevin ng biglang mawalan ng malay tong batang to ,kaagad siyang natumba buti nasalo ko siya at may nakita akong isang maliit ng karayom sa leeg likod niya ..
Kukunin ko na sana kaso
Kevin:pare,wag mong hahawakan yan,may lason yang karayom na yan
Kaagad akong nagtingin tingin sa paligid kung sino ang gumawa nun,pero malinis ang pagkakagawa niya ,di namin siya naramdaman na nandito siya ,
Kaagad na lumapit sila ramos,cecilia at general ,
Cecilia:anong nangyari diyan,
Lumapit si general sa amin at hinawakan niya yung pulso ng bata
General:patay na tong batang to,teka sino may gawa nito sa kanya,at kilala ko tong karayom na to ,iisa lang ang may gawa nito(tiningnan niya si kevin)
Kevin:sir naman,impossibleng si lemuel yung kapatid ko ang may gawa niyan,nagbago na siya,alam niyo yan sir at bakit naman siya magagalit kay jazz ,eh !halos magkapatid ang turing nila sa isa't isa
Ako:sir ,si lemuel po ba yung pinaghihinalaan niyo
General:oo ,siya lang ang tanging makakagawa nito at cecilia (kaagad tumingin kay cecil)tumawag ka ng ambulance ngayon para madala na tong batang to kawawa naman to nadamay sa gulo
Cecilia:yes sir ,copy po ..
Ayun tinawagan na ni cecilia yung kaibigan niyang driver ng ambulance .
Kevin:impossible talaga na si lemuel yun sir ,kasi nandun siya ngayon sa birthday ng nobya niya
General:tawagan mo siya ngayon ,,
Ramos:bakit di na lang tayo maghanap dito sa paligid kung sino yung taong yun ,baka makita natin siya dito
Ako:wag na tayong mag aksaya ng pagod wala na siya dito
Tinawagan na ni kevin si lemuel ,pina loud speak niya ito
Ring.ring.ring
Lemuel:kevs ,bakit ?
Kevin:nasaan ka ?
Lemuel:nandito kina andrea ,
Kevin:kanina ka pa ba diyan,pwede ko bang makausap si andrea
Lemuel:teka,may nangyari ba brader ,sabihin mo nga ,anong nangyari ?
Di ko na mapigilan na magsalita ,
Ako:pare ,may nagmamasid sa akin kanina tapos nahuli namin ,pagkatapos nun pina amin namin siya kung sino nag utos sa kanya ,kaso may biglang may pumatay sa kanya,yung klaseng pagpatay sa kanya ay yung ginagawa mong pagpatay dati pare ,,diba ikaw lang yung nag iisang taong may kakayahan gumawa nun
Lemuel:hahaha ..(malakas ang tawa) so in short pinaghihinalaan niyo ako na ako ang may gawa nun,hahaha ,grabe di ko mapigilan ang tawa ko ,
General:lemuel ,di kami dito nakikipag biruan ,sabihin mo ikaw ba ang may gawa nun(galit na sabi niya kay lemuel)
Lemuel:oh,nandiyan rin pala si general ,hehehe,akala ko ba mga magagaling kayong mga pulis bakit iisa lang ang pinaghihinalaan niyo at mas malala pa ay ako yung pinaghihinalaan niyo na matagal ko na yang iniwan na gawain,alam niyo naman na nagbago na ako dati pa ,,at jazz dapat alam mo yan kasi pareho tayo ng gawain dati ,,higit sa lahat bakit naman kita papamanmanan jazz ,hahaha ..sa anong kadahilanan, hahaha !grabe napasaya niyo ako ,hahaha
Nung sabihin yun ni lemuel ay parang napahiya ako dun ha ,pero kung hindi si lemuel yun ,sino ? wala namang ibang may gawa nun kundi siya lang
Ako:ibig sabihin pare ,mayroon pang ibang gumagamit dun sa style mo sa pagpatay
Lemuel:sa tingin mo pare ,,tiyak magaling yung taong yun ,,meron pa palang mas magaling sa akin ,hahaha ,di ko alam kung sino siya ,ang pagkaka alam ko ay di lang ako ang may kakayahang gumawa nun ,Yes i am evil but i am not stupid ,,yan ang tatandaan mo jazz
Ako:pasensya ka na pare .
Andrea:love ,sino yang kausap mo ,si kevin ba yan
Biglang nagsalita yung gf ni lemuel ,,totoo nga magkasama nga sila ni lemuel ,pero sino yung taong pumatay sa batang lalaki ,na nagmamanman sa amin,sino ang taong may galit sa akin,
Kevin:sige lemuel ,pasensya ka na ,,sige ipagpatuloy niyo na yung kasiyahan niyo ,pasensya ka na
Lemuel:sige ,,wag kayong mag alala ,mahuhuli niyo yung kumag na yun,sige
Ayun pinatay na niya yung tawag at tiningnan kami ni kevin ng masama
General:pasensya ka na kevin ,
Biglang lumapit sila sab at harold
Sabrina:sino ang may gawa niyan sa kanya,kawawa naman yung batang yan
Ramos:nandito na ang ambulance ..
Buti naman at nandito na ang ambulance ,ayun kaagad na kinuha nila yung lalaki at umalis na ,nilapitan ko si sab
Ako:sab ,tara na ,dun na lang tayo mag celebrate sa ibang lugar ,umalis na tayo dito
Sabrina:nahuli niyo ba kung sino ang gumawa sa batang yun,kawawa naman siya
General:yun ang aalamin namin sab ,pero mag celebrate muna kayo ni jazz ,kami na ang bahala dito ,mag ayos.
Cecilia:jazz ,lumipat na lang kaya kayo ng matitirahan niyo,tiyak babalikan at babalikan kayo nung taong yun
Ako:bakit naman kami lilipat cecil ,di ako natatakot sa kanya
Cecilia:oo ,jazz di ka natatakot pero isipin mo nalang yung kalagayan ng mag ina mo ,gusto mo ba silang malagay sa piligro pati yung mama mo
Parang natahimik ako dun ha ,,ayokong may masamang mangyari sa mag ina ko ,pero saan kami lilipat ,saan ko dadalhin si sab ,
General:jazz ,dun na lang muna kayo sa isang bahay ko ,dun sa calamba laguna,
Ako:salamat po sir ,pero paano po ang trabaho ko pati trabaho ni sab ,mapapalayo kami sa mga trabaho namin
General:madali lang yan jazz ,i aassign kita dun sa laguna pati rin si sab
Sabrina:paano niyo po ako matutulungan sir na ma assign ako sa laguna ,kilala niyo po ba yung head namin
General:hindi,pero yung may ari ng school na tinuturuan mo sab ay kaibigan ko ,,
Sabrina:talaga ,,
Ako:wag mong maliitin yung general namin sab ,maraming kilala yan at mga bigatin pa ,
Harold:so pwede ko ng ibahay yung girlfriend ko ate,hehehe
Sabrina:(binatukan niya si harold)anong ibahay pinagsasabi mo harold,wag ka munang mag aasawa ,
Harold:hehehe,wag kang mag alala ate,hindi ko muna bubuntisin si angelica ,hehehe ,sige na ate payagan muna ako dalhin si angelica sa bahay natin tutal ako lang mag isa dun
Ako:payagan muna sab ,kahit di ka naman pumayag ,ay dadalhin pa rin niya yung syota niya ,hehehe
Sabrina:bahala ka harold,basta pag nabuntis mo yung syota mo wag kang magkakamaling lapitan ako,
Harold:hehehehe,opo ate ko,yesss !! ..
Kevin:sige na pare ,umalis na kayo ,kami na ang bahala dito ,
Ako:sige pare ,at sir(tiningnan ko si sir)ngayon na ba kami aalis sa bahay ..
General:bukas na jazz,magpaalam ka muna sa mama mo ,sige mag ingat kayong dalawa ,
Ako:salamat sir ,at mag ingat rin kayo ..
Ayun umalis na kami ,sumama na sa amin si harold ,,hinawakan ko ang kamay ni sab ..
Sabrina:jazz,bakit ba to nangyayari sa atin,may kapalit ba talaga ang kaligayahan na tinatamasa natin,akala ko tuloy tuloy na ang blessing na matatanggap natin pero heto na naman tayo,meron na namang kontrabida sa buhay natin ,ayoko ng may mawala pa sa akin na mahal sa buhay,
Ako:wag kang magsalita ng ganyan sab,nandito ako di ko kayo pababayaan ng anak natin ,pangako ,,humanda yang taong yan ,pag malaman ko kung sino siya,di ako magdadalawang isip na patayin siya
Sabrina:(hinampas ako sa braso)tumahimik ka jazz ,wag ka ng papatay ng tao ,hayaan mong batas ang maghatol sa kanya ,ipangako mo yan sa akin na di ka na papatay ..
Haysss !! ,heto na naman tayo,gusto kung magalit kay sab pero di ko kaya kasi mahal ko siya pati ang anak namin ,ang hirap naman ng pinapagawa niya,hayssss ...
Sabrina:hoyyy !! ano !
magsalita ka !!(galit niyang sabi sa akin)
Ako:oo na ,,di ko na yun gagawin ..
Sabrina:galit ka ba jazz ? ,ipangako mo sa akin na di muna dudumihan yang mga kamay mo ..
Ako:hayssss !!! (napakamot ako sa ulo)
Humarap sa akin si sab ,huminto kami sa paglalakad at hinawakan niya yung mukha ko sa dalawa niyang kamay
Sabrina:jazz ,please !! ,wag ka ng papatay,oo !kahit ako ,nagagalit ako sa taong yun ,may halong takot at pangamba ang nararamdaman ko baka mamaya o sa susunod na araw ay umatake siya ,di naman ako natatakot ng sobra kasi nandiyan ka ,natatakot ako baka mapatay mo siya at magkaroon ka ulit ng kasalanan , jazz magkaka anak na tayo ,ayokong malaman ng anak natin na pumapatay ka ng tao ,,mga professional pa naman tayo ,isa akong teacher at ikaw naman ay pulis tapos magiging killer ka na naman ,jazz ipangako mo sa akin na di muna ibabalik yung dating ikaw ,,pleaseee !!(pagmamaka awa niyang sabi sa akin)
Ewan ko bigla akong nakonsensya sa sinabi ni sab ,nanlambot yung pakiramdam ko ,at higit sa lahat ay nasaktan ako sa sarili ko kasi sa lahat ng magsasabi sa akin ng ganito ay si sab pa ,parang napaka wala kung kwentang tao ..haysss ..
Kaya niyakap ko na lang si sab ..
Ako:sab ,im sorry (malungkot kung sabi)oo pangako di ko na yun gagawin,di ko na ibabalik yung pagpatay ko ng tao ,pangako yan ..mahal ko kayo ng anak ko ..
Sabrina:thank you jazz,thank you ,,sana panindigan mo yang pinangako mo ,,
Ako:oo sab ,i will ..
Harold:pasensya na sisirain ko yung moment niyo ,pero mauuna na akong umalis kasi alam ko na naka motor lang kayo kaya mag cocommute na lang ako,hehehe
Ayun iniwas ko ang pagkakayap kay sab ,,
Sabrina:sige na harold,at umuwi ka sa bahay ,wag dun sa mga barkada mo ..
Harold:opo mahal kung inay ,,
Sabrina:walangya ka talaga,sige na ..
Ayun umalis na si harold at hinawakan ko na naman yung kamay ni sab at nagpatuloy na kaming maglakad
Ako:sab ,gusto ko sanang tulungan sila general na maghanap dun sa taong nag utos sa batang lalaking yun ,kaso ayaw kitang iwanan ,lalo pa't buntis ka
Sabrina:buti naman at alam mo ,jazz mamimiss ko sila abegail at nicole pati yung mga studyante ko
Ako:sab ,makikita mo pa naman sila pag matapos na tong gulong to ,nandito naman ako di kita iiwan ,
Sabrina:hehehe ,tara na nga jazz,kanina pa tayo nagdradrama dito ,nakakainis yung taong yun ,sinira niya yung kaligayahan natin bwesit !!
Ako:hehehe ,punta muna tayo sa bahay namin sab ,
Sabrina:sige ..
Ayun sumakay na si sab sa motor ko at sinuot na niya yung helmet ,ganun din ako at pina andar ko na ito ..
After ilang minuto ay nandito na kami sa bahay,,kaagad na lumabas si mama
Mama:ayos lang ba kayo jazz at sab ,,wala bang nangyari sa inyo
Ako:(hinalikan ko siya sa pisngi)ayos lang kami ma ,,teka kanina ka pa nakauwi
Mama:oo ,tara pumasok na kayo sa loob ..
Ayun pumasok na kami sa loob at nakita ko na may inihanda na si mama na pagkain,,
Mama:kumain muna kayo ,lalo na ikaw sab ,kailangan mong kumain lalo pa't magkakaroon na ako ng apo ,
Sabrina:hehehe,salamat po tita ..
Mama:mama nalang ang itawag mo sa akin tutal magpapakasal na kayong dalawa,hehehe.,
pinagdarasal ko na kambal yung anak niyo. Hehehe,para dumami kaagad yung lahi niyo,
Kaagad na napa ubo si sab sa sinabi ni mama ,napangiti na lang ako ,
Sabrina:hehehe..salamat po tita,i mean mama ,hehehe
Ako:hehehe,ma ,may sasabihin po kami ni sab ..
Mama:ano yun,bukod sa ikakasal na kayo at lilipat na kayo dun sa isang bahay ni general,meron pa ba kayong sasabihin na di ko alam,hehehe
Pagkasabi nun ni mama ay nagkatinginan na lang kami ni sab,grabe napaka updated naman ni mama ,hehehe
Ako:naunahan na pala kami ni general hehehe,wala na po ma ,alam mo naman pala,so okey lang sa inyo,mag isa ka lang dito
Mama:bakit sinong may sabi na di ako sasama sa inyo,sasama ako sa inyo,,
Ako:ano ?(gulat kung sabi kay mama)
Mama:bakit ayaw mo jazz,sino ang mag aasikaso sa inyo dun ,,may mga trabaho kayo,at wag muna kayong mag hired ng katulong ng basta basta
.
Ako:sigurado po kayo ma ,,
Mama:kailan pa ba ako hindi nanigurado ,,sige na ngayon na tayo umalis ,kainin muna natin tong inihanda ko tapos aalis na tayo
Sabrina:ma ,babalik po muna ako sa bahay namin ,magpapa alam muna ako sa kapatid ko at pupunta muna ako sa school na tinuturuan ko ,magpapa alam rin ako sa kanila
Mama:no problem ,tara kumain muna tayo maaga pa naman 3:30 palang ng hapon ..
Grabe di ko inaakala na mangyayari to ngayon tsk! bwesit talaga yung taong yun,wala akong idea kung sino siya ,impossible talaga na si lemuel yun kasi wala naman akong nakikitang may kasalanan ako sa kanya kay sab naman ,nagkabati na sila at napatawad na niya si sab ,dalawa lang ang pwede kung paghinalaan, si de paz at si tita vivian pero napaka impossible rin eh ..haysss ...
Itutuloy.