POV pa rin ito ni SABRINA
Grabe di ko mapigilan ang sarili ko ,sobrang saya ko nung sabihin ni doc na buntis ako , thank you lord ! ,nawala man sila papa at clark ay may ipinalit naman sa kanila ,yun ay ang magiging baby ko ,
Doc:congratulation iha,your 2 weeks pregnant ,sobrang magiging masaya to si jazz pag malaman niyang magiging daddy na siya,hehehe
Ako:salamat po doc ,sobrang saya ko po ,di po ako makapaniwala ,hehehe
Naibsan ng kasiyahan yung lungkot na nadarama ko ,,bigla kung hinawakan ang baby tummy ko at kinausap ko ito,hehehe
Baby ,maging mabait ka kay mommy ha! wag mo akong pahihirapan,sabik na sabik na akong makita ka,kahit 2 weeks pa lang kitang dinadala diyan sa tiyan ko ,parang gusto ko ng lumabas ka diyan ,hehehe
Doctor:ano tara na iha,lumabas na tayo ,at isurprise mo si jazz ,tiyak tatalon yun sa sobrang saya pag malaman niyang buntis ka,hehehe
Ako:sige po doc ,hehehe
Ayun tumayo na ako at dahan dahan kaming lumabas sa room ..at nakita ko si jazz na parang natataranta na ewan ,pinagpapawisan siya habang naka upo at nung makita niya kaming lumabas ay kaagad siyang tumayo at lumapit sa amin
Jazz:doc ,kamusta ? ,buntis po ba si sab ?(seryoso niyang sabi kay doc)
Nakita ko ang reaction ni doc,bigla akong napangiti kasi kaagad na nalungkot ang mukha ni doc ..kaya ayun sinabayan ko ang trip ni doc,hehehe .naglungkot lungkutan rin ako
Jazz:tita ,bakit po ? Bakit po ganyan ang reaction niyo,,hindi ba buntis si sab ,teka may sakit ba siya,sab (tumingin siya sa akin at hinawakan kamay ko)sab ,anong nangyari ? ,sabihin mo ,may sakit ka ba,anong findings sayo ni doc .(pag aalala niyang sabi)
Ewan ko ,pinipigilan ko na lang yung pagtawa ko ,grabe kasi tong maka react si jazz ,,grabe as in grabe ,yung mukha niya ,hahaha ..lalo ko tuloy naramdaman na mahal niya ako ..dahil sobra siyang nag alala ..
Doctor:jazz,im sorry to hear you that ..
Jazz:(tiningnan niya si doc)tita ,ano po..kinakabahan naman ako ,,sabihin niyo na ,sana hindi yan bad news ,kanina pa ako hindi mapakali ..
Ako:bakit ka naman hindi mapakali jazz,
Jazz:ewan ko sab ,,na eexcite kasi ako ,kasi alam ko na buntis ka ..
Ako:paano pag malaman mong buntis ako ..
Jazz:(hinawakan niya ulit kamay ko)talaga sab ,buntis ka ?wala kang sakit ?
Doctor:hehehe ,yes jazz,your girlfriend is pregnant ,and congrats ,
Magiging daddy ka na ..hehehe
Pagkasabi nun ni doc ay biglang sumigaw si jazz at kaagad niyang akong binuhat .
Jazz:whoaaaaahhhhh !! Yessssss !! magiging daddy na ako,thank you lord ! ,thank you sab,,binigyan mo ako ng anak ,hehehe ,ang saya saya ko ,sobra ..(sabay halik sa pisngi ko)
Nakita ko sa mga mukha ni jazz ang sobrang kasiyahan na nararamdaman niya ,ngayon ko lang siyang nakita na ganito kasaya ..
Ako:hehehe,ibaba muna ako,nakakahiya ,,maraming nakatingin ..
Ayun binaba na ako ni jazz ,at niyakap niya ako ng mahigpit
Jazz:sab ,,thank you ..pangako hindi kita iiwan ..
Doctor:so ano ,kasalan na ang hantungan nito ,hehehe,hoy !! Jazz pakasalan mo yang girlfriend mo ,,
Iniwas ni jazz yung pagkakayakap niya sa akin ..
Jazz:tita naman eh ,pinapangunahan na naman ako,hehehe,,sige tita alis na kami ni sab ..
Kaagad na hinawakan ni jazz yung kamay ko ..
Ako:salamat po doc ,,kukunin po kitang ninang ..hehehe
Doctor:okey,mag ingat kayo jazz alagaan mo ng mabuti yang asawa mo ha ..lalo na sa baby niyo
Jazz:tita naman ,,no need to mention na po yan ,,mahal na mahal ko kaya silang dalawa ,,hehehe,sige tita bye ..
Ayun umalis na kami at nandito na kami sa labas ng ospital ..
Jazz:sab ,sandali lang ,may tatawagan lang ako ..
Ako:sino tatawagan mo at bakit kailangan mo pang umalis dito sa harapan ko
Jazz:basta ,malalaman mo na lang mamaya,hehehe,saglit lang ..
Ako:okey,bilisan mo ,
Ayun umalis na si jazz sa harapan ko at pumunta siya dun sa may puno at may tinawagan na siya ,,sino kaya tinawagan niya at bakit kailangan niya pang lumayo ,nakakainis !!
,siguro si cecilia yun ,haysssss !! ,nakakainis ,,,
After ilang minuto na paghihintay ko sa kanya dito sa motor niya ay lumapit na siya sa akin ,,at malapad ang ngiti niya,pero ako ay nakasimangot ..
Jazz:ohhh !! What happen to your prettyful face aking alien na buntis ,pakiss nga ,hehehe
Ako:sino ba yung kausap mo ha !!
Jazz:ayieehhhh !! ,selos naman to (kaagad akong niyakap at hinalikan sa noo) si kevin lang tinawagan ko ,,
Ako:so bakit ka pa lumayo,may hindi ba ako dapat marinig sa pag uusap niyo,siguro may ibang babae kang pinopormahan ano ..(galit kung sabi)
Jazz:hehehe ,asusss naman nitong future wife ko ,,malalaman mo mamaya kung anong pinag usapan namin ng kumpare mong si kevin ,hehehe ,wag ka ng magalit ,sige ka tatanda ka kaagad niyan,hehehe(sabay pisil sa pisngi ko)ang cute cute ng alien ko ,pakagat nga ,hehehe
Tiningnan ko si jazz ,nagka eye to eye kami ,talagang nang aasar talaga tong lalaking to ,nakangiti pa sa akin habang pinapakita niya yung dimples niya ,kaya pinalo ko siya sa kanyang tiyan ,ang tigas ,hehehe ..
Jazz:kumain muna tayo sa favorite kainan natin sab ,hehehe
Ako:saan ?
Jazz:sa rafael house ,remember ,hehehe
,dun tayo unang nag date ,gabing gabi pa yun,at naalala ko yung ferrero ba yun ,hehehe
Ako:ewan ko sayo,ayoko na dun
Jazz:saan mo gusto ..
Ako:ikaw bahala ,tara na jazz,nagugutom na ako ..
Jazz:sige may naisip na ako,tara ..hehehe,sumakay ka na .
Ako:jazz ,may sasabihin lang ako sayo .
Jazz:ano yun sab ? Mukhang seryoso yan ha ,hehehe
Ako:parang may nagmamasid sa atin dito,di ko alam parang may napapansin akong taong tingin ng tingin sa atin
Jazz:talaga ,sandali lang sab ..
Kaagad nag tingin tingin si jazz sa paligid at pumunta siya dun sa may likod ng ospital ,pati sa mga puno ,maya maya ay binalikan na niya ako ..
Jazz:wala naman eh ..sigurado ka sab ,,di ko kasi napansin yun ,,alam muna excited ako sa baby natin ,
Ako:baka kathang isip ko lang yun ,tara na jazz
Jazz:dont worry alien ko ,,andito ako ,pulis kaya tong future husband mo ,hehehe ,
Ako:oo na ,umaandar na naman yang hangin mo ,liliparin ka na niyan ,,hehehe
Jazz:wow ! Sa wakas ngumiti ka rin ,hehehe ,oh !! Diba ang ganda mo kapag nakangiti ka ,hehehe
Ako:tara na nga,napaka abnormal mo talaga ,hehehe
Ayun sumakay na ako sa motor ni jazz,syempre sinuot ko muna yung helmet ,,ewan ko para talagang may nakamasid sa amin kanina ,di ko alam ..hayss ,baka side effect na to ng pagbubuntis ko ..
After ilang minuto ay nandito na kami sa may andy's restaurant ..
Bumaba na ako at binigay ko na kay jazz yung helmet ..
Ako:dito tayo kakain jazz
Jazz:oo ,bakit ayaw mo dito
Ako:wala ,masarap naman dito yung pagkain nila ,tara na ,pumasok na tayo sa loob
Jazz:hehehe
Hinawakan na ni jazz yung kamay ko ,,magka holding hands kami habang papasok sa loob ..
Habang papasok kami sa loob ay may nakabanga sa akin isang lalaki
Jake:miss ,sorry di ko sinasadya ..
Jazz:tumingin ka kasi pare sa dinadaanan mo .
Jake:nag sorry na nga diba ,,(galit niyang sabi kay jazz)
Jazz:ang tapang mo pre ..
Ako:ano ba jazz ,tama na nga yan ..
Nakita ko yung lalaking nakabunggo sa akin parang may iniiwasan siya at biglang may lumabas na babae na ka edad ko rin ..hinawakan niya yung braso ng lalaking nakabunggo sa akin
Cally:hoyy !! ,jake ano ba ,napaka OA mo talaga ,sige na pumayag ka na ..
Jake:hoy ka rin ,,may tamang pag iisip pa ako ,,at one year na magpapanggap ako bilang boyfriend mo ,no way !!
Biglang bumulong sa akin si jazz
Jazz:parang tayo lang dati alien,hehehe ,sigurado magkakatuluyan niyang dalawang yan
Ako:baka marinig ka ,tara na pumasok na tayo sa loob
Ayun pumasok na kami sa loob ,grabe yung girl na yun siya pa talaga ang nag offer sa boy na magpanggap bilang boyfriend niya in one year ,hehehe. Pero i don't judge her ,di ko alam kung anong story nila ..
Umupo na kami ni jazz at kaagad na lumapit sa amin yung waiter ..binigay ang menu ..
Jazz:pumili ka na sab ,,gusto mo ba yung nilagang baboy o ako na lang kaya ang kainin mo ,hehehe
Ako:tumigil ka nga ,,siraulo to ,hehehe,heto na lang adobong shrimp at pancit bihon ang orderen mo jazz tyaka black sambo pati bacon burger ..
Jazz:okey alien ko ,hehehe ,
Kaagad niyang tinawag yung waiter at nag order na si jazz,mga 20 minutes ang paghihintay namin,nagugutom pa naman ako,hayssss ..
Jazz:sab ,sana kambal yung anak natin,hehehe
Ako:jazz naman,ayoko ,,mabuti sana kung hindi ikaw ang mahihirapan pero kung yun ang ibigay ni lord sa atin,magiging masaya ako kasi double blessings yun,
Jazz:may napili na akong ipapangalan sa kanila sab,hehehe
Ako:ano ?
Jazz:draven timothy at danver thompster ,hehehe ,diba ang unique,hahaha
Ako:paano kung babae
Jazz:uhmmmm ..saliyah nicole at aliyah veronica ,hehehe
Ako:okey naman ,sige okey na yun sa akin,hehehe
Jazz:grabe excited na akong makita yung anak ko ,hehehe ,
Ako:ako rin jazz ..
After ilang minuto ay na serve na rin yung pagkain at ayun kaagad kaming kumain ni jazz,grabe gutom na talaga ako ..
Nakita ko si jazz na nakangiti habang tinitingnan akong kumain
Ako:anong ngiting yan ha ..
Jazz:di pa rin talaga nagbabago yang style mo sa pagkain,hahaha ..
Ako:wala kang pakialam ,hehehe,gutom ako eh..
Jazz:kahit di ka naman gutom ,yan pa rin ang style mo ,hehehe
Ako:tse ...hehe
After ilang minuto ay natapos na rin kami sa pagkain ,,
Jazz:haysss ..ang sarap mabuhay pag busog ka ..
Ako:ano pala yung surprise mo jazz ..
Jazz:malalaman mo mamaya ,,opppssss .
.speaking of ,tumatawag na si kevin ,sagutin ko lang sab ..
Ako:wag kang aalis ,diyan ka lang sa pwesto mo,sagutin mo yan diyan at ipa loud speak mo ,
Jazz:hehehe ,okey po mahal ko ..
Ayun sinagot na niya ..
Jazz:pare ,ano ready na ba ?
Kevin:oo pre ,pumunta na kayo dito ,,
Jazz:sige sige ,salamat pare ha ..
Kevin:syempre ,ninong kaya ako diyan sa baby niyo ni sab ,hehehe
Jazz:oo naman ,,sige pre ,pupunta na kami diyan ..
Kevin:sige pre ..
Ayun pinatay na niya yung tawag ,,
Jazz:tara na sab ,hehehe ,ipapakita ko na sayo yung big surprise ko ,hehehe
Itutuloy.