Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 37 - CHAPTER 36:TRUE JUSTICE

Chapter 37 - CHAPTER 36:TRUE JUSTICE

POV pa rin ito ni Sabrina

Pagkatapos kung bigyan ng malakas na sampal si jazz ay biglang dumating si cecilia ,

Cecilia:jazz ,kailangan mong idala sa ospital ,halika ,kevin buhatin natin si jazz

Binuhat nila cecilia at kevin si jazz ,mukhang nanghihina na si jazz sa tama sa kanyang tiyan ,di ko siya tinitingnan ,pero siya nakatingin sa akin habang paalis sila

Jazz:alien,sorry , sana mapatawad mo ako

Cecilia:anu ba jazz,wag kang mag sorry sa babaeng yan ,

Kevin:cel ,tara na umalis na tayo dito,,

Di ako nakapagpigil sinigawan ko sila

Ako:umalis na kayooo ..

Ayun umalis na sila at lumapit na sa akin yung mga pulis ,nandito na rin yung mga nurse ,para buhatin sila clark at papa at ipasok sa ambulance ,

Dahan dahan nilang binuhat si papa at si clark ,patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko,

Nurse:(lumapit sa akin) sasakay ka ba sa ambulance o mauuna ka na lang pumunta sa ospital

Ako:bakit pupunta pa ako sa ospital ,eh !.wala naman silang mga buhay ,diba dapat sa saint peter funeral ako pumunta,

Nurse:buhay pa tong isang lalaki,tumitibok pa yung heartbeat niya pero mahina lang

Pagkasabi nun ng nurse ay parang nabawasan yung lungkot at hinagpis ko ,thanks lord at lumalaban pa si clark ,buhay pa siya ,

Nurse:ano miss,susunod ka ba sa amin,kapatid mo ba tong lalaki

Ako:pupunta na lang ako sa ospital ,saang ospital niyo siya dadalhin

Nurse:saint mary,sige ..

Ayun sumama ako sa kanila palabas. Nakita ko si harold na naka posas kaya kaagad ko silang nilapitan

Ako:bakit niyo pinusasan yang kapatid ko(galit kung sabi sa pulis)

Harold:ate ,dapat daw tayo makulong ,kasi kasabwat tayo ni papa,ate ayokong makulong

Nilapitan ko si ramos

Ako:ano ba ,pinagpipilitan niyo talaga na kasabwat kami ng sarili naming ama,sa tingin niyo mahahanap niyo ba ang hideout nila kung hindi namin kayo tinulungan,sa tingin niyo maliligtas niyo pa kaya yung kasamahan niyong pulis kung hindi dahil sa amin,oo kriminal ang aming ama pero hindi kami katulad niya,kaya nga nakipagtulungan ako sa inyo kasi gusto ko na matapos na ang mga ginagawa niyang masama(galit kung sabi sa kanila)

Lumalabas na yung pagka demonya ko ,bwesit !!

Pagkatapos kung sabihin nun sa kanila ay ayun di sila maka imik ,ng biglang lumapit yung isang pulis sa akin at

De paz:miss,pasensya ka na,tama lahat ng sinabi mo ,kaya di na namin kayo ikukulong

Ramos:pasensya na ulit sayo ,alis na ba kayo

Ako:alangan naman dito kami matulog ,oo aalis na kami,pakawalan niyo na kapatid ko

Ramos:okey ,

Ayun tinanggal na niya yung posas sa kapatid ko

Harold:salamat ate ,nagmana ka talaga kay papa teka nasaan si papa

Ako:pumunta tayo sa ospital ,dun sa saints mary ,tara na

Harold:si papa nasaan siya

Ako:mamaya na,sasabihin ko sayo,tara na

Ayun pina andar na ni harold yung motor ,nakatingin sa amin yung mga pulis pero di ko sila pinansin,matunaw sila sa kagandahan ko,ayun umalis na kami ni harold papunta na kami sa saint mary ospital ..

After ilang oras ,ay nandito na kami,grabe alas 3 na ng madaling araw,

Harold:ate,napapagod na ako ,diba tayo uuwi ,

Ako:harold,wala na si papa ,napatay siya

Harold:alam ko ate ,sinabi sa akin nila jazz ,na wala na si papa,kaya nung malaman ko yun ay kaagad kung sinapak si jazz ,kasi walangya siya ,pinatay niya si papa,

Biglang tumulo ang luha ni harold,ramdam ko ang lungkot sa puso niya,niyakap ko siya

Ako:di natin masisisi si jazz kasi malaki ang nagawang kasalanan sa kanya ni papa,pinatay ni papa yung mga magulang ni jazz

Harold:kahit na ate,

Iniwas ko ang pagkakayakap ko sa kanya at tinititigan ko siya

Ako:harold makinig ka ,wag na wag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ko,wag mong gagayahin si papa,wag mong dumihan yang mga kamay mo,kung ayaw mong matulad ka sa nangyari kay papa

Harold:si clark ,kamusta siya

Ako:hanep,hindi sinagot yung sinabi ko ,tara na pumasok na tayo sa loob

Ayun pumasok na kami sa loob ,at nagtanong kami sa information desk kung saang room si clark

At nandun siya sa room 306 ,sa 2nd floor ,kaya papunta na kami ni harold dun

Harold:ate,alam na ba to nila tita vivian sa nangyari kay clark

Ako:hindi pa ,hihintayin muna natin magising si clark ,

Harold:buti naman at okey na siya,

Ako:kaya nga ,salamat kay lord at nabuhay si clark

Habang papunta kami ni harold sa room ni clark ay bigla kung naalala si jazz,sana maging okey na siya,mas mabuti na ganito kami ngayon ni jazz ,hindi na kami ngayon magpapansinan. Iiwasan ko na siya ,baka may mapahamak na naman ,

Di ko namalayan na nandito na pala kami sa labas ng kwarto ni clark ,papasok na sana kami ng biglang may lumapit na nurse sa amin

Nurse:miss kayo po ba ang anak ni ferdie del pilar

Harold:oo anak niya kami,bakit ? ,

Nurse:ganito kasi ,nais ng mga pulis na i cremate na lang yung ama niyo kesa paglamayan kasi isa siyang mastermind sa sikat na sindikato.

Ako:so ano bawal na paglamayan yung tatay namin,dahil lang dun,sige kung yan ang gusto niyo ipacremate basta kayo ang magbayad ng cremation niya

Harold:ano ba ate,talaga bang pumapayag ka

Ako:harold(tiningnan ko siya)mas mabuti na yun,kesa dumating yung mga reporter at interbyuhin tayo alam muna man na sikat sa pilipinas yang kutsilyo gang na yan,

Harold:bahala ka ,papasok na ako

Kaagad na pumasok si harold sa loob ng room ni clark ,at heto kinausap ko pa rin yung nurse

Ako:yun na ang desisyon namin ,sige i cremate niyo na lang tatay ko basta kayo ang magbayad

Nurse:sige miss ,alis na ako

Ako:byeee..(pagsusungit kung sambit)

May attitude ka girl,grabe lumalabas na talaga yung pagka demonya kung ugali,bakit ba sunod sunod tong kamalasan na to,sino pa ba ang kukunin niyo sa akin lord,una si amethyst ngayon naman si papa,

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si harold na maayos na ang pwesto habang nakahiga ,buti pa siya nakatulog kaya nilapitan ko si clark,mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog ,hinawakan ko ang kamay niya

Clark,sana marinig mo tong sasabihin ko sayo ,alam ko mahimbing pa rin ang tulog mo pero nais ko lang sabihin na naiinis at nagagalit ako sayo ,bakit ganun clark,bakit pumayag ka kay papa na sumali sa sindikato nila,akala ko iba ka sa mga lalaking nakilala ko pero isa rin naman pala sa kanila mga manloloko ,magaling magtago ng sekreto,alam mo clark ikaw yung pinaka unang lalaking minahal ko,nung una ikaw ang gusto kung maging asawa ,kasi na sayo na ang lahat ,pero nung makilala ko si jazz ewan ko may nahanap ako sa kanya na wala ka ,oo pareho kayo ni jazz ,parehong marumi na ang mga kamay dahil sa pagpatay ng tao ,bakit ganun kayong mga lalaki ,bakit sinasaktan niyo ang mga damdamin ng mga babae,ang titigas ng ulo niyo,gusto niyo gawin ang gusto niyong gawin,paano naman yung iba ,masyado kayong madamot,di niyo na inisip ang mararamdaman ng iba,clark pag nagising ka at gumaling tiyak makukulong ka dahil kasali ka sa kutsilyo gang sinira mo yung buhay mo,huhuhu ,(tumulo luha ko) piste umiiyak na naman ako ,paano na ang pangarap mong maging pulis ,huhuhu napakadaya mo ,ang daya daya mo,

Di ko namalayan na nakatulog pala ako ,paggising ko ay nakita kung nakatingin sa akin si clark ,hinahawakan niya ang buhok ko ,bigla kung inayos ang buhok ko at tumabi ako sa kanya

Ako:(pinalo ko siya sa braso niya)siraulo ka !!

Clark:sab ,sorry (biglang tumulo luha niya)

Ako:ano ba ,naka move on na ako clark,magpagaling ka na,alam mo galit na galit ako sayo,buti di namatay ,katulad kay papa ,

Biglang di maka imik si clark ,di siya makatingin sa akin,kaya bigla kung hinawakan ang mukha niya ,kaya heto nagkatitigan kami

Ako:clark ,alam mo may sasabihin ka sa akin na ikakagalit ko,ano yun ,kilala na kita clark ,sige na sabihin muna ,

Clark:sab ,di ko sinasadya ,(tumulo na naman ang luha niya) ,di ko talaga sinasadya gawin yun kay tito ferdie ,huhuhu

Pagkasabi palang nun ni clark ay nakutoban na ako ,biglang huminto ang sarili ko ,hindi maari to ,

Ako:ikaw ba ang pumatay kay papa(galit kung sabi)

Clark:sab ,im sorry ,huhuhu ,im sorryy

Lumayo ako sa kanya at tumayo ako ,bigla ko siyang sinigawan

Ako:sabihin mo ikaw ba ang pumatay kay papa ,huhuhu

Di ko na rin mapigilan ang sarili ko ,umagos na naman ang luha ko ,

Harold:ate,pwede ba wag kang maingay ,kita mong natutulog pa ako

Nilapitan ko si clark

Ako:clark ,sinabi kagabi sa akin ni jazz na siya ang pumatay kay papa ,pero bakit niya ginawa yun,bakit niya sinabi sa akin na siya ang pumatay,clark sabihin mo sa akin,alam ko hindi mo kayang patayin si papa kasi tinuring ka na niyang anak,clark naman eh

Clark:sab,totoo ang sinabi ni jazz ,pinatay niya si tito ,(bigla siyang tumingin sa baba)

Ako:clark ,tingnan mo ako ,sabihin mo sino talaga ang pumatay kay papa,ikaw ba o si jazz,alam mo na ayaw ko ng sinungaling,kaya hanggang maaga pa ay sabihin muna ang totoo ,

Tumingin sa akin si clark at nakipag eye to eye siya sa akin ,

Clark:sab ,marami na ang kasalanan ko sayo ayoko ng madagdagan pa ito,mahal kita sab,kaya sorry kung nabigo kita ,sinaktan ko ang damdamin mo pati yung mahal mo sa buhay ay pinatay ko ,huhuhu , oo ako ang pumatay kay tito ferdie,sab im sorry , sana mapatawad mo ako ..

Pagkasabi nun ni clark ay biglang nanghina ang katawan ko ,muntik pa akong matumba ,buti nakahawak ako sa pader ,as usual di pa rin humihinto ang pagbuhos ng luha ko ,

Di ko magawang sampalin si clark dahil na rin sa kalagayan niya ,

Ako:sabihin mo bakit ginawa mo yun anong kasalanan ni papa sayo ,huhuhu ,

Clark:naalala mo nung mga bata pa tayo sab,alam mo ba na ginahasa ni tito ferdie ang mama ko,muntikan niya pang patayin si mama nung oras na yun pero kaagad ako na dumating nun ,nagmakaawa ako kay tito ferdie na wag niyang patayin si mama ,buti di niya nagawang patayin si mama pero nung oras na yun ay galit na galit ako kay tito ferdie nun hanggang ngayon kasi unti unti ng nagbabago si mama,wala na siya sa kanyang sarili nabaldado siya dahil kay tito ferdie,kaya pinangako ko na ako ang maghihiganti kay mama,pumayag ako na sumali sa kutsilyo gang para ma proteksyonan ko ang sarili ko ,at malaman ko kung ano ang kahinaan ni tito ferdie,ang tagal kung hinintay ang pagkakataon na mapatay ko siya kaya nagpapasalamat ako kay jazz kasi siya ang dahilan para mapatay ko ang papa mo,sab ,sorry ,sorry talaga ,nagawa ko lang naman to kasi gusto ko ng makamit ang hustisya ni mama,

Di na ako nakapagsalita ,umiyak na lang ako ng umiyak ,napa upo na lang ako sa sofa dito ,grabe napaka samang tao ni papa,huhuhu , pati si tita vivian di niya pinalagpas ,huhuhu

Itutuloy.