POV pa rin ito ni Sabrina
Matapos kung malaman ang lahat ay bigla akong umalis sa room ni clark ,iniwan ko siya ,di niya ako tinawag kasi alam niya na galit ako sa kanya,di niya dapat patayin si papa,oo nagkaroon ng malaking kasalanan si papa pero napagbayaran niya naman yun ,pinag aral niya si clark tinuring niya itong anak ,nakakainis bakit ganun ,bakit nagagalit ako sa sarili ko ,
Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko habang umaalis ako sa ospital ,pupuntahan ko ngayon si jazz ,di ko alam kung saang ospital siya na confine ,sana okey na ang kalagayan niya ,wala pa rin sa akin ang cellphone ko di ko alam kung nasaan ito,
Nandito na ako sa labas ng ospital pinahiran ko ang luha ko kasi bigla kung nakita sila cecilia at kevin na papunta sa akin,may dalang pagkain si cecilia ,akala ko papansinin nila akong dalawa pero patuloy pa rin sila sa paglakad papunta sa loob ng ospital ,para bang isa akong multo na di nila nakita kaya hinabol ko sila at tinawag ko si kevin
Ako:kevin,sandali lang
Biglang silang huminto ,kaya heto lumapit ako sa kanila at humarap ako sa kanila ,
Ako:kamusta si jazz,gusto ko siyang makausap
Cecilia:ayaw ka na niyang makita at makausap kaya tigilan muna siya
Ako:pwede ba ,wag kang makialam dito ,(galit kung sabi kay cecilia)
Kevin:sab ,gusto mong malaman na totoo ang sinasabi ni cecilia,halika sumama ka sa amin,puntahan natin si jazz
Ayun nagpatuloy na silang lumakad papunta na yata sila sa room ni jazz,bakit ganun silang dalawa sa akin,kay cecilia okey lang ,talagang mainit ang dugo nun sa akin pero kay kevin ,bakit nila ako iniiwasan ,sana hindi totoo ang sinasabi ni cecilia na ayaw na akong makita ni jazz ,heto sinundan ko sila,nandito ako sa likod nila,,buti na lang dito na confine si jazz ,di na ako mahihirapan na hanapin siya ,
Nandito na kami sa 4th floor,nasa room 703 siya,binuksan na ni clark yung pinto at heto pumasok na silang dalawa ,ganun din ako pumasok na rin nakita ko si jazz na may kausap siya sa kanyang cellphone ,kaagad niya itong binaba nung makita niya na nandito ako,nilapitan ko si jazz,magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita
Jazz:anong ginagawa mo dito ,diba galit ka sa akin kasi pinatay ko ang papa mo,umalis ka na,at ayaw na kitang makita
Cecilia:ano diba sinabi ko na sayo na ayaw ka ng makita ni jazz(pagtataray na sabi sa akin)
Kevin:sab ,umalis ka na dito ,pasensya ka na ha ,wala ka naman talagang kasalanan dito ,tanging ang ama mo lang ang may malaking kasalanan dito ,pero sa tuwing nakikita ka namin ay naalala namin siya eh ,sana walang may masamang mangyari sa kapatid ko na si lemuel,buti nabuhay pa siya matapos siyang barilin ng ama mo ,
Bigla akong nalungkot at bigla na namang dumaloy yung luha ko pero pinahiran ko kaagad ito ,bakit ganun ,
Ako:parang dinidiscrimanate niyo naman ako ,oo masamang tao ang papa ko pero isa rin ako na naging biktima niya ,alam niyo naman yan diba ,ako ang dahilan kung bakit natunton ng mga pulis ang kota nila papa,ikaw cecilia(tiningnan ko ng masama si cecilia)ano ba ang problema mo sa akin,bakit ba ang init ng dugo mo sa akin,pwede ba wag na tayong magplastikan pa dito sabihin mo,bakit galit na galit ka sa akin,dahil kay jazz ,dahil may gusto siya sa akin,sige iyong iyo na siya,kainin mo siya hanggang sa magsawa ka ,namatayan rin ako ng mahal sa buhay ,yung bestfriend kung si amethyst pinatay siya ng member ng kutsilyo gang ,kaya galit na galit rin ako sa kanila lalo na sa papa ko ,at ikaw naman kevin (tiningnan ko rin si kevin ng masama)sorry kung napahamak ang kapatid mong si lemuel dahil sa papa ko pero please naman wag mo naman akong idamay ,kasi wala naman akong kasalanan sa nangyari sa kapatid mo,wala ako dun at higit sa lahat wala na ang papa ko ,nakapag higanti na kayo ,dahil pinatay siya ni clark,(tiningnan ko si jazz at nilapitan ko siya)oo jazz alam ko na ang lahat,si clark ang pumatay sa papa ko at hindi ikaw yun,at alam ko na rin kung bakit mo yun ginawa na sabihin sa akin na ikaw ang pumatay sa kanya ,dahil gusto mong iwasan kita at magalit sayo,jazz sorry kung dahil sa papa ko nawalan ka ng mga magulang,sorry sa lahat lahat,(biglang dumaloy ang luha ko) ,wag kang mag alala ,di ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw mo na akong makita o makausap ,gusto ko na rin tumahimik ang buhay ko,iisipin ko na lang na di kita nakilala,eto na ang huli natin pagkikita at pakikipag usap ko sayo,mag iiba na rin ako ng number para wala na tayong kuminikasyon ,pasensya na sa inyo ,,alis na ako ..
Pinahiran ko muna ang luha ko bago ako umalis ,ni hindi sila maka react sa mga sinabi ko,speechless silang tatlo ,bahala sila atleast nasabi ko sa kanila ang nararamdaman ko pero masakit sa akin na ayaw na akong makita ni jazz,sobrang sakit akala ko mahal niya ako pero bakit ganun,bakit ,umupo muna ako dito sa labas ng room ni jazz ,di ko makaya ang naramdaman ko ngayon,puro pighati at kasawian ang nangyari sa akin ,lord ,alam ko na may plano kayo sa akin kung bakit niyo ito binigay sa akin na problema kasi alam niyo na malalagpasan ko ito pero lord sana madali ko lang tong malagpasan,kasi sobrang sakit ,dalawang lalaki na mahalaga sa akin ang nawala sa akin,hindi ko na sila makikita pa,huhuhu
-----------------------------
After 1 Year ,,naka move na rin ako sa nangyari sa akin lahat ,kaya papa ,kay clark at lalo na kay jazz ,lumipat na kami ng bahay ni harold ,nandito na kami ngayon sa villa dolina subdivision nakatira ,nung nakaraang apat na buwan ay may malaking blessing na dumating sa akin kasi nakapasa na rin ako sa wakas ng board exam sa pagka teacher ,yes !! i am now ang professional teacher ,college teacher ako at ang hinahawakan kung subject ay philosophy at environmental science ,diba ang galing ko,maliit na bagay ,hehehe si harold ay isang taon na lang ay makaka graduate na siya ,thank you lord kasi di mo kami pinababayaan ,alam ko talaga na may plano ka sa amin ,si clark naman ay nakalaya na siya ,hindi pinatagal ang pagkakakulong sa kanya kasi siya ang pumatay sa leader ng kutsilyo gang yun ang papa ko ,pinatawad ko na rin si clark ,pero di ko muna siya pinayagan na ligawan ako kasi ayoko ng magtiwala muna sa mga lalaki,magfofocus muna ako sa career ko ngayon ,pero di pa rin sumusuko sa panliligaw sa akin si clark bahala siya ,hehehe. Si jazz naman ,wala na akong balita sa kanya,hindi na talaga siya nagparamdam sa akin ,yun na talaga ang huli naming pagkikita at pag uusap dun sa ospital,ewan ko masakit pa rin sa akin nung ginawa sa akin ni jazz,
Heto nag aayos na ako para pumasok sa trabaho ko,humarap ako sa salamin ,grabe ang ganda naman this girl,how to be you po ,hehehe,sabay pisil ng soft kung mga cheeks ,hehehe
Harold:hoyyy ,ate (sigaw niya sa akin)
Pambihira naman tong kapatid ko ,bigla akong nagulat dun ha ..
Ako:ano ba harold ,aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo,bingi ba ako ha !!,bingi ba ako (galit kung sabi sa kanya)ano ka ba ..
Harold:(biglang napakamot sa ulo)sorry ate ,hehehe,nandito na kasi si kuya clark ,sinusundo ka na,hehehe ,
Ako:pahintayin mo siya at wala ka bang pasok bakit di ka pa naliligo,nag jogging ka ba
Harold:mamaya pang 5 yung pasok ko,oo ate kailangan ko kasing i maintain tong hot kung katawan(sabay pakita ng biceps niya sa akin)
Ako:umalis ka na ,siraulo ka ..
Harold:hahaha ,bye ate ..
Di pa rin talaga nagbabago yung siraulo kung kapatid,bwesit ..
Heto after ilang minuto ay natapos na akong mag ayos ,pababa na ako ..
Nandito na ako sa sala na makita ko si clark na may dalang teddy bear ,bilib din ako kay clark di talaga siya tumigil sa panliligaw sa akin ,nilapitan ko siya
Clark:goodmorning sa pinakamagandang nilalang sa harap ko,hehehe,teddy bear for you
Ang cute naman tong lalaking tong ngumiti,hehehe kinuha ko ang teddy bear na bigay niya
Ako:thank you ,hehehe tara umalis na tayo ,
Clark:lets go ..
Ayun hinawakan na ni clark yung gamit ko ,
Ako:harold ,i lock mo ng maayos tong pinto bago ka umalis(sigaw ko)
Harold:no need to mention ..
Ako:bwesit ka ,alis na kami ..
Harold:goodluck ..
Hay naku talaga kapatid ko,sino ba ang gustong bumili sa kapatid ko ,binebenta ko na po siya,wag kayong mag alala di kayo magsisisi kapag binili niyo siya kasi ,gwapo naman si harold,malaki ang katawan,may dimple kung ihahambing ko siya sa artista para siyang si tom rodriguez yung boyfriend ni carla abellana hehehe
Heto sumakay na ako sa kotse ni clark ,papunta na kami sa school na tinuturuan ko ,
Clark:sab ,mahal mo pa ba si jazz
Ako:clark ,diba sinabi ko na sayo na wag mo ng babanggitin pangalan niya
Clark:bakit nasasaktan ka pa ba sa nangyari sa inyo
Ako:clark ,pwede ba ,magmaneho ka na lang,di ko na siya gusto at wala na akong pakialam sa kanya,
Clark:parang di naman yun ang sinasabi ng puso mo
Ako:clark ,(tiningnan ko siya)wag muna mang sirain yung mood ko ngayon,pleasee ..
Clark:sorry sab,sorry di ko na uulitin ,sunduin kita mamaya
Ako:wag na clark ,kakain kasi kami mamaya nila abegail at nicole,
Clark:eh ,sasama ako sa inyo ..
Ako:girls night out kasi yun clark
Clark:basta ,pupuntahan kita mamaya
Ako:bahala ka nga ..ang kulit nito ..(inis kung sabi sa kanya)
Habang nagmamaneho si clark ay bigla kung nakita si tita emerald yung nag ampon kay jazz,naghihintay yata siya ng masasakyan ..
Ako:clark,ihinto mo muna dun sa babaeng nag aabang na sasakyan
Clark:kilala mo siya
Ako:oo ,sige na ..
Clark:okey ..
Ayun kaagad na hininto ni clark yung sasakyan kung saan naka pwesto si tita emerald,bumaba ako sa kotse ,at nilapitan ko si tita emerald nagulat siya nung makita niya ako
Ako:tita natatandaan niyo pa ba ako ,
Tita emerald:diba ikaw yung babaeng sinukaan ng anak kung si jazz
Ako:hehehe,ang talas naman ng memory niyo,ang tagal na nun ha,hehehe,pero tita gusto mong sumakay ,saan ka ba pupunta
Tita emerald:sino naman ang hindi makakalimot sayo iha ,ikaw kaya yung babaeng nagustuhan kaagad ng anak ko,hehehe,at salamat na lang ,iha ,papunta na kasi dito si jazz,teka isa ka na palang teacher ngayon,salamat at napakabait ni lord at binigyan ka niya ng napakagandang blessing,di talaga tayo pinababayaan ng diyos natin,
Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita
Jazz:ma,halika na ,male late na ako sa trabaho
Biglang dumating si jazz at bigla ko siyang tiningnan ,nagkatitigan lang kami ,at kaagad na akong nagpaalam kay tita emerald
Ako:tita,sige alis na ako,ingat po kayo,salamat ,hehehe
Tita:sige iha,lalo ka talagang gumanda ngayon,teka diba kayo mag uusap ni jazz,
Ako:small things po tita na maganda ako hehehe pero thank you again,hehehe,sige alis na ako
Jazz:aliennnnnnnn..
Di ko pinansin ang pagtawag sa akin ni jazz,kaagad akong pumasok sa kotse ,at sinara ko na ito,
Clark:di mo ba kakausapin si jazz
Ako:tara na clark,umalis na tayo,late na ako
Clark:sige ..
Ayun pina andar na niya yung kotse ..
Ewan ko may halong saya at galit nung makita ko ulit si jazz,nagbago yung looks niya lalo siyang naging hot ngayon
Itutuloy.