POV pa rin ito ni Sabrina
Heto nandito na ako sa school na tinuturo ko ,kung saan nag aaral si harold ,
Clark:sab ,susunduin kita mamaya pag out mo
Ako:clark,kakain nga kami sa labas mamaya nila abegail
Clark:eh ! pwede naman akong sumama diba ,kilala naman nila ako,
Ako:ang kulit naman ng lalaking to ,hehehe,okey bahala ka,basta wag kang ma OP dun ,sige na male late na ako
Clark:yess,sige sab. Ingat ka ,kumain ka ng maayos mamaya ,bye(sabay halik sa pisngi ko)
Ako:sige,ikaw din,bye ..(ngiti kung sabi sa kanya)
Ayun bumaba na ako at pumasok na ako sa gate,nakita ko si kuya guard na naka ngiti sa akin,
Ako:ang ganda ng mood natin ngayon kuya ha,hehehe
Guard:syempre maam ,lalo na't napakagandang dilag ang sasalubong sa akin ngayon,hehehe
Ako:asus ,alam ko naman yan kuya eh,sige pasok na ako ,hehehe
Guard:ang swerte naman ni sir clark ,hehehe,sige maam ,have a nice day ..(ngiti niyang sabi sa akin habang sumasaludo )
Ako:hehehe,sana all ,sumasaludo ,hehehe,
Papunta na ako sa faculty ko nang biglang
Abegail:hoyyyy !! Bakla (sigaw niya sa akin)
Kaagad akong nagulat ,as in gulat na gulat,
Ako:PASHNEYA KA !!!! ,talaga abegail ,mamamatay ako ng maaga dahil sa pinag gagawa mo,(galit kung sabi sa kanya)
Abegail:hahaha,ang OA mo naman bakla ,hahaha,so ano na ang status niyo ni fafa clark,hehehe
Ako:ganun pa rin ,napaka chismosa mo talaga,tara na ,at malapit na ang first subject natin
Abegail:grabe naman to,bakit di mo pa sinasagot yung tao,cute naman siya,gwapo ,chinito at higit sa lahat mabait ,
Ako:edi ikaw ang sumagot sa kanya,bahala ka diyan,(inis kung sabi tapos iniwan ko na siya)
Abegail:hahaha,hoyyy,
hintayin mo ako ,...
Ayun hinabol ako ni abegail ..papunta na kami sa faculty namin,
Abegail:bakit di mo pa sinasagot si clark,wag mong sabihin na isa kang TIBO ,hahaha(sabay tingin sa akin)
Ako:Gaga ka talaga(binatukan ko siya) ,kung ano na iniisip mo ,di ako tibo ,im a FURE GHURRRLLLL
Abegail:sabihin mo nga ,may iba ka bang nagugustuhan na lalaki ,sino siya ,hehehe,siguro mas hot pa siya kay clark ano ,hehehe
Ako:ang ingay mo bakla ,PRAMIZZZ !! ,
Abegail:sige mamaya na lang ,marami kang ichichika sa amin ni nicole ,
Ako:okey ...
Maya maya ay nandito na kami sa faculty ,
Kaagad na kinuha ni abegail yung gamit niya
Abegail:una na ako bakla ,late na ako sa klase ko baka mag si uwian na yung studyante ko,
Ako:kakahiya naman sayo,daldal pa more ,sige ..
Abegail:hahaha ,gehhh ..bye ..
Ayun umalis na si bakla ,at papunta na rin ako sa klase ko ..,dalawa na lang kasi kami ang nandito sa faculty room ,late na kasi kami,hahaha,
After 3 hours ay tapos na yung first class ko ,dalawang class pa ,nag meryenda muna ako dito sa cafeteria ,sabay kami nila nicole at abegail na mag meryenda dito sa cafeteria ,
Habang kumakain kaming tatlo ay bigla may isang lalaking studyante ang lumapit sa akin at binigyan ako ng pink rose ,yung tunay na rose hindi plastic,as usual nagulat ako lalo na sila nicole at abegail
Ako:ano to (sabi ko sa studyante)
Student:pinabibigay po maam ,sige alis na ako,
Sabay umalis yung studyante
Nicole:naku bakla ,ayun oh !meron pang lumalapit sayo,haba ng hair natin ha ..hahaha
Meron na namang isa pang studyante ang lumapit sa akin at binigyan ako ng pink rose,at meron pang limang studyante na nagbigay ,kaya tanggap lang ako ng tanggap,si clark ba ang may gawa nito,di tuloy ako makakain ng maayos pero infairness kinikilig aketch ,hahaha
Abegail:habaa ng hair natin ha!!(sabay hila ng buhok ko pero mahina lang)
Ako:aray !! innggit ka lang,hahaha
Nicole:china oil ,hehehe
Abegail:ang sweet naman ni clark ,pag ikaw di mo pa sinagot si clark,kakatayin kita,hehehe
Nicole:nariring niyo ba yung kumakanta ,hehehe
Bigla akong nakarinig na kumakanta ,biglang nahiyawan yung mga studyante dito sa cafeteria,teka hindi to ang boses ni clark ,parang boses to ni jazz,oh !! My ghaddd ,paano niya nalaman na nandito ako ..
Jazz:
(kumakanta)
Wala akong pera
Walang magarang sasakyan
At kung sasabihin ako ay simpleng tao lang
Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo
Pero aking maipapangakong
Araw gabi kaya kitang pagsilbihan
Hatid at sundo ako ay lagi lang nandyan
Pangako sayo ay di na kita iiwanan
Mahal kitang labis
Susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya
O aking prinsesa.
Grabe natameme ako nung makita ko ulit si jazz dala dala ang gitara niya,nakaka inlove naman yung boses niya,marunong pala siyang kumanta,habang palapit ng palapit si jazz sa akin ay bumibilis yung tibok ng puso ko ,hindi ako makagalaw sa sobrang saya ko,aaminin ko kilig na kilig ako ,nakalimutan ko na galit ako kay jazz,
Jazz:(kumakanta)Mahal kitang labis
Susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya
O aking prinsesa.(sabay bigay ng flowers sa akin)
All:Sagutin muna maam si sir police ,ayieeehhhh !! Parang nanonood lang kami ng k drama sa korean ,
Sabay sabay talaga silang naghiyawan ,pero tong dalawa kung kaibigan na sila nicole at abegail ay natulaley ,nagulat sila,akala nila na si clark yung manghaharana sa akin,bakit sila lang ba ang nagulat,pati rin naman ako,
Bigla akong tumayo at hinawakan ko ang kamay ni jazz,tapos na kasi siyang kumanta at kinaladkad ko siya palabas ng cafeteria ,hanggang sa umabot kami dito sa likod ng school ,
Jazz:namiss mo talaga ako alien,ayaw mong bitawan kamay ko,hehehe
Kaagad kung binitawan ang kamay niya at hinarap ko siya
Jazz:grabe,nakakatakot naman yang titig mo sa akin,kamag anak ba kayo ni SADAKO ,hehehe
Ako:anong trip mo jazz,bakit nandito ka,at higit sa lahat bakit ka nagpakita sa akin(galit kung sabi sa kanya)
Jazz:asssuuss,kunwari pa tong nagagalit sa akin,eh ! Alam ko naman na kilig na kilig ka diyan eh,hehehe
Ako:pwede ba di ako nakikipag biro sayo at itong pa flowers mo ,ayan ,di ko kailangan yan(hinampas ko sa kanya yung mga rosas na bigay niya sa akin)
Nagulat ako ng biglang lumuhod sa akin si jazz
Jazz:alien sorry kung nasaktan kita,sorry kung pinagtabuyan kita,sorry kung sinisisi kita sa ginawa ng papa mo,pinag sisihan ko na lahat ng yun alien,pagkatapos nung sinabi mo dun sa ospital ay natauhan ako nun alien,gusto kitang habulin nun kaya lang malalim ang sugat ko nun,kaya kinabukasan ay nakalabas na ako ng ospital kahit di ko pa kaya,kasi gusto kitang makita at makausap nun,,pero pagpunta ko sa bahay niyo ay wala na kayo dun,kinukulit ko si clark na sabihin niya kung nasaan kayo pero di niya ito sinabi sa akin,alam mo ba hinanap kita sa facebook baka sakaling ma contact kita dun pero wala di kita makita dun,naghintay ako ng maraming araw baka sakaling magkita ulit tayo ,ang swerte ko talaga at dahil kay mama emerald ay nagkita ulit tayo alien,alam mo ba nung nakita kita kanina gusto kitang yakapin at halikan pero pinigilan ko sarili ko kasi malaki ang kasalanan ko sayo,lalo pa't kasama mo si clark,kaya sinundan ko na lang kayo kung saan ka nagtratrabaho alien,kaya nandito ako ngayon para manligaw ulit sayo at humingi ng tawad,sana mapatawad mo pa ako alien,give me another chance ,pleaseee !!(pagmamakaawa niyang sabi sa akin)
Biglang tumulo luha ko nung sabihin ng lahat ng yun ni manyakis,naka police uniform pa talaga siya,
Ako:tumayo ka na diyan ..
Bigla siyang tumayo ..
Ng biglang sumigaw si abegail
Abegail:ano papatawarin muna kaagad,ganun ganun lang ,
Nagulat ako sa sinabi ni abegail ,bigla kaming napatingin ni jazz sa kanya
Abegail:(lumapit kay jazz)so ikaw pala ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin si sabrina ..(pagtataray niya kay jazz)
Nicole:infairness,mas hot ka pa kesa kay clark,hehe
Abegail:ano ba nicole(tinulak niya si nicole pero mahina lang)kanino ka ba boto kay clark tayo,
Jazz:pasensya na kung sinaktan ko ang bestfriend niyo,pwede pa namang humingi ng another chance diba,si basya nga binigyan niya ng second chance si popoy,
Abegail:pasensya ka na sir policeman ,pero hindi si basya yang bestfriend namin
Nicole:sabi nga nila ,ang mga pulis raw ay mga babaero.
Jazz: ,okey di ko kayo masisisi ,alam ko naman ng concern kayo kay sab,,pero sana bigyan niyo ako ng pagkakataon para maipakita sa kanya na nagsisisi na ako
Bigla akong umubo pero mahina lang
Ako:tama na nga yan,at ikaw jazz(tiningnan ko si jazz)umalis ka na ,may klase pa kami ,
Jazz:alien,hihintayin kita mamaya,pag out mo
Abegail:alien talaga ang tawag ,mukha bang taga ibang planeta yang kaibigan namin
Nicole:hahaha,ang sweet ,may callsign sila na kakaiba,hehehe
Ako:wala ka bang duty ngayon jazz,matagal pa ang 5 pm,anong oras palang,11 am palang
Jazz:nandun na si kevin ,at alien kahit mamaya ka pang gabi makalabas ,im willing to wait
Nicole:wow !! Sana all willing to wait..
Abegail:neknek mo ,tara na sabrina girl,bumalik na tayo sa klase natin,bahala siya
Itutuloy.