Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 32 - CHAPTER 31:SACRIFICE

Chapter 32 - CHAPTER 31:SACRIFICE

POV pa rin ito ni JAZZ

Heto paalis na kami papunta na kami sa ospital ,11:30 na pala ng gabi ,sana nandun pa sila clark at tito ferdie ,binigay ko na kay lemuel yung damit ni blackshades ,,bago paandarin ni kevin ang kanyang kotse ay nag usap muna kami ni lemuel ,

Ako:pare ?

Lemuel:ano yun boss ,

Ako:di ka sasakay dito sa kotse ni kevin,mauuna kang pumunta sa ospital

Lemuel:oh ? Tapos ?

Ako:siguro alam muna ang gagawin mo diba

Lemuel:uhmmmmm !! ,ano ba ang gagawin ko ,yung alam ko lang naman ay gagayahin kita bilang si blackshades ,tapos ?

Ako:pupunta ka sa ospital tapos hahanapin mo sila clark at tito ferdie ,

Lemuel:babarilin ko silang dalawa

Ako:hindi ,gago ,pupunta ka sa room ni sabrina dun sa room 13 ,oo nga pala babarilin mo si tito ferdie ,tapos kukunin mo si clark

Lemuel:paano kung pumalag yung clark na yun

Ako:edi !! Saktan mo ,akala ko ba magaling ka sa martial arts

.

Kevin:matagal pa ba tayo ?

Lemuel:oo na ,alam ko na na gets ko na ,sige na umalis na tayo nagmamadali na kasi yang kamahalan niyo

Kevin:tumigil ka diyan ,

Cecilia:tara na

Ako:sige ,pero salamat sa inyong tatlo ha ,akala ko kevin at cecil ay magagalit kayo sa akin at huhulihin

Cecilia:actually jazz,ayaw talaga namin ni kevin yang ginagawa mo at sa pagpatay mo ng mga tao ,jazz last na to ha ,itigil muna to kasi sobrang mali to

Kevin:pag nahuli muna yung taong pumatay sa magulang mo ay ititigil muna to pare,ipangako mo yan

Ako:oo wag kayong mag alala ,yun lang naman ang gusto kung mangyari ang mabigyan ko ng katarungan yung demonyong yun

Lemuel:naksss ,ang sweeetttt ,hehehe,tara na ..

Ayun sumakay na ako sa kotse ni kevin at umalis na si lemuel ,sinuot na niya yung costume ni blackshades ,heto papunta na rin kami sa ospital ,si kevin ang nag drive ,sana maging success yung plano namin,excited na ako

Cecilia:jazz,pwedeng magtanong

Ako:ano yun ,

Cecilia:talaga bang nililigawan mo yung sabrina na yun

Kevin:oo cecil ,tinamaan na yung kaibigan natin sa babaeng yun,ang problema yung tatay pala ng sabrina na yun ang pumatay sa mga magulang mo pre(tiningnan ako)

Ako:di magandang biro yan kevin,wag muna mang sabihin yan

Cecilia:paano kung totoo ang sinasabi ni kevin,ano ang mararamdaman mo jazz,

Ako:di ko alam,pero gagawin ko pa rin ang paghihiganti ko ,papatayin ko pa rin yung demonyong yun,sana hindi si tito ferdie yun,

Kevin:papatayin mo talaga pare

Cecilia:kung ipakulong na lang natin siya jazz ,wag munang patayin

Ako:buhay ang kinuha niya kaya buhay niya rin ang kabayaran,di ko malilimutan yung sinabi niya sa akin bago siya umalis

Kevin:bakit ano ba ang sinabi niya

Ako:ako raw ang papatay sa kanya balang araw ,kaya di niya ako pinatay noon

Cecilia:so kilala mo yung boses niya,

Ako:oo kilalang kilala ko kaya nga nung narinig ko yung boses ni tito ferdie nung magkita kami ay parang naalala ko yung demonyong yun ,di ko alam magkatulad sila ng boses

Kevin:ayun ,sapul !! ,baka tama nga ang theory ko pare ,

Cecilia:sana nga tama ang theory mo kevin ,

Ako:ewan ko ba kung magpapasalamat ako sa inyo o maiinis ,sabihin niyo lang kung ayaw niyo kay sab para sa akin,

Kevin:hehehe ,kasi naman pare,nandiyan na si cecilia ,bakit humanap ka pa ng iba

Cecilia:kevin naman ,wag ka namang ganyan sa kaibigan mo,

Kevin:sus ,wag kang plastic cecil,hahaha ,

Ako:tama na ,basta mamaya sana di tayo mabisto

Kevin:iniba ang usapan ,hahahaha,sige pare ,malapit na tayo

Ewan ko ba parang gusto ko ng mapatay yung demonyong yun,natatakot ako baka tama ang sinasabi ni kevin ,baka si tito ferdie yung matagal ko ng hinahanap ,pero aalamin ko muna kung may tattoo siya sa kaliwang braso ,

Nandito na kami sa ospital ,nakita namin nila kevin na may kausap si clark na lalaki ,teka parang namumukaan ko yung lalaking kausap ni clark ,yung nabangga ko kanina dito sa ospital yung may tattoo rin ,sabi ko na nga ba na member ng kutsilyo gang tong clark ,

Kevin:ano bababa na ba tayo

Ako:wag ,hintayin natin na lumabas si lemuel ,

Cecilia:paano yan ,

Nasaan na ba yung taong yun ,bakit di pa niya kinukuha si clark ,

Maya maya biglang natumba yung kausap ni clark na lalaki ,nandito na rin sa wakas yung gagong yun,agad nagpanic si clark kasi nangyari na rin to kay marcos ,papasok na sana siya sa loob ng ospital ng bigla siyang napatigil kasi ayun nagpakita na rin si blackshades sa kanya,este si lemuel,hehehe ,heto na ang oras para magpakita ako sa kanila

Ako:pre(tiningnan ko si kevin) pag binaril ako ni lemuel ,lumabas na kayo ni cecil

Cecilia:ano magpapabaril ka kay lemuel,baka kung ano ang mangyari sayo

Kevin:relax cel ,alam nila ang gagawin nila,di siya pupuruhan ni lemuel,sige pre ,hihintay lang kami dito

Ayun lumabas na ako,halos wala ng tao ang nandito sa labas kasi anong oras na,

Ako:(sumigaw ako)hoyyy,blackshades ,

subukan mong saktan yang kaibigan ko ,matagal na kitang hinahanap ,sumuko ka na,

Clark:jazz ,

Nakita ko ang mukha ni clark ,gulat na gulat siya di siya makapaniwala na makikita niya ako ,

At ayun kaagad na binaril ni lemuel si clark sa balikat niya at kaagad akong lumapit kay clark

Ako:ako ang bahala sa kanya,(sabi ko kay clark)

Sininyasan ko si lemuel na barilin ako dito sa may kanang dibdib ko ,akala ko mag aalinlangan tong gagong lemuel na to na barilin ako pero bwesit walang siyang pag aalinlangan na barilin ako ,kaagad akong natumba kaagad naman na lumapit si clark sa akin kahit sugatan siya ,nagulat ako ng biglang may inihagis si lemuel na papel na may bato saka umalis,pinulot ito ni clark at binuksan saka binasa

Ako:clark,anong nakasulat

Clark:(tumingin sa akin)mamaya na ,dadalhin kita sa loob,malalim yang sugat mo kesa sa akin,

Binuhat niya ako kahit sugatan siya sana maniwala siya sa palabas ko ,

At ayun kaagad na lumapit sa amin sila kevin at cecilia

Cecilia:anong nangyari sa kanya,halika dalhin natin siya sa loob

Ayun dinala na nila ako sa loob,lumabas na kasi yung mga mga nurse pati yung mga tao sa loob ng ospital,naki usyoso ,ewan ko parang nawawalan ako ng malay,parang napuruhan yata ako sa pagbaril sa akin ni lemuel,,at ayun nawalan na ako ng malay ..

Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko ,kaagad kung nakita ang mukha ni alien teka okey na ba tong babaeng to,bakit nakalabas na to sa kwarto niya,narito rin sila clark,tito ferdie ,kevin at cecilia

Sabrina:siraulo ka talagang lalaki ka,bakit ginawa mo yun ha ,ano ka immortal na di matatablan ng bala ,alam mo ba kung sino yung nakaharap niyo kagabi ni clark,si blackshades lang naman

Tito ferdie:bakit mo yun ginawa jazz,

Clark:sab ,pwedeng makausap muna namin si jazz ,pati rin sa inyo kevin at cecilia,pwede bang lumabas muna kayo

Kevin:sige,tara cecilia,lumabas muna tayo

Sabrina:bilisan niyo ,

Ayun lumabas na silang tatlo,teka ano kaya ang sasabihin nila,kaagad na tumabi sa akin si tito ferdie

Tito ferdie:sabihin mo jazz ,pinagplanohan mo ba ang lahat ng to,

Pagkasabi nun ni tito ferdie ay nagulat ako teka nahalata nila,tang ina !! ,nagbago na nga yung plano ko ,nahalata pa nila,

Clark:tito ,sabi ko sayo na walang kinalaman dito si jazz ,baka nagkataon lang na nagkasabay sila ni blackshades

Tito ferdie:paano si jonas,napatay dahil sa nagpapanggap na alyas blackshades na yun ,alam ko na hindi yun ang totoong blackshades

Patay ,tama nga ako nahalata nga nila,ano ang sasabihin ko,tang ina !!

Clark:tanungin muna natin si jazz ,

Heto na magsasalita na ako,alam ko na ang sasabihin ko

Ako:tito ferdie,bakit mo naman sinasabi na pinagplanuhan ko to ,para saan po yung dapat kung pagplanohan,may dapat po ba akong ikagalit sa inyong dalawa para sabihin niyo na kasabwat ko yung blackshades na yun,eh ! Halos mag agaw buhay na nga ako dito ,

Pagkasabi ko nun sa kanila ay parang di muna nakapagsalita si tito ferdie ,

Clark:wala jazz ,nagulat lang kasi si tito na kaagad kang dumating at niligtas mo ako laban kay blackshades

Ako:yun naman pala eh,at sige sasabihin ko kung bakit ako bumalik dito kagabi kasi gusto kung makita ulit si sab at gusto kung ibalik sa kanya yung jacket niya,timing na nakita ko si clark na sasaktan siya ni blackshades

Tito:sige jazz,pasensya ka na,

Ako:nga pala clark,ano pala ang nilalaman ng sulat

Clark:wala gusto niya lang akong patayin,

Ako:bakit ka niya gustong patayin,kriminal ka rin ba clark o may nagawa ka bang krimen,diba yung tinatarget lang ni blackshades ay yung mga kriminal

Clark:maari mo ba kaming tulungan jazz,na mahuli yung blackshades na yun

Ako:oo naman,pero sabihin mo muna kung bakit ka niya gustong patayin at yung jonas na sinasabi niyo na pinatay ni blackshades kagabi ,namukaan ko siya may tattoo rin siya ng kutsilyo na may nakatusok na puso,

Clark:di namin alam na member siya ng kutsilyo gang jazz,kagabi lang namin nalaman

Grabe ang napaka bobong magpasinungaling tong clark na to,pasalamat siya di ko siya pinaparuhan kay lemuel,

Ako:talaga ,sige pero di mo pa sinasagot ang tanong ko clark

Tito:dahil kay bryan ,kaya siya gustong patayin

Ako:ganun ba ,bakit niya naman idadamay si clark

Tito:sige na jazz,wag ka munang madaming sinasabi,magpagaling ka na,aalis muna kami ni clark

Ako:sige

Ayun umalis na silang sa dalawa,nakita ko ang kanilang mga reaction,alam ko na naguguluhan na sila sa kakaisip ,kung mautak sila,mas mautak ako,mamayang gabi ko na gagawin ang pagpatay ko sayo clark,

Biglang pumasok sila kevin at cecilia pero di nila kasama si alien

Ako:nasaan si sab ,

Kevin:ayun,sinama ng tatay niya,ayaw ngang sumama ni sab sa tatay niya na umuwi kaso pinilit siya na sumama,

Cecilia:kamusta ka jazz ,ayos ka na ba

Kawawa naman si sab ,nadadamay siya sa gulo ,pero bakit naman ginawa yun ni tito ferdie ,bakit pinilit niyang sumama si sab ,naghihinala na talaga sila sa akin,siguro gagawa sila ng action sa nangyari kagabi ,

Kevin:hoyy,pare ,ano ayos ka na ba ?bakit tulala ka diyan,

Ako:wala ,nasaan na ba si lemuel,bwesit siya muntik na niya akong mapatay ,

Cecilia:magpagaling ka muna jazz ,aalis muna ako kasi hinahanap ako ni general,mamaya pupunta dito si general ,

Ako:sige ikaw pre

Kevin:mamaya na ako aalis ,ano ang pinag usapan niyo nila clark

Ako:naghihinala sila na may kinalaman ako kagabi,na kasabwat ako ng nagpapanggap na blackshades

Cecilia:so alam nila na hindi yun ang totoong blackshades

Ako:parang ganun na nga

Kevin:alam ko na kung bakit pare

Ako:kasi alam nila kung sino talaga ang tunay na blackshades yun ba kevin

Kevin:oo,at tama ka pre ,silang dalawa nga ang may gawa dun sa bahay mo,kasi alam na nila na ikaw talaga si blackshades at alam nila na kumagat ka sa pa in nila,ang problema lang nun ay naisahan mo sila ,kaya ngayon pre,mag ingat ka baka kung ano ang gawin nila sayo,

Cecilia:kevin ,ano ba yang sinasabi mo ,

Ako:alam mo pre(tiningnan ko si kevin)parang nag lelevel up ka na ngayon ha,gumagaling ka na,hehehe,pero tama ka ,baka nga alam na nila ang pagkatao ko ,kaya bago nila ako maunahan ay may naisip na akong paraan

Kevin:grabe ka,di pa nga magaling yang sugat mo may plano ka na naman,ano itataya mo ulit yang buhay mo,hahaha

Cecilia:natatakot na ako sa ginagawa mo jazz

Ako:tawagan mo si lemuel ngayon

Kevin:wala akong number sa gagong kung kapatid na yun

Ako:tong cellphone ko ang gamitin mo pre ,papuntahin mo siya dito

Kevin:ako pa talaga ang kakausap sa gagong yun

Ako:ako na ,tang ina !! ,nasaan na cellphone ko ,

Kevin:aba malay namin,baka nasa bulsa ng pantalon mo

Ako:nasaan ba yung mga damit ko ,eh ! Naka pang ospital na ako ,

Cecilia:sandali lang kakausapin ko yung nurse na nagdala sayo dito

Ako:sige sige

Ayun lumabas na si cecilia ,

Kevin:pare ,alam mo ba nababahala na ako sayo,baka kung anong mangyari sayo,bakit di mo na lang hinayaan na barilin ni lemuel si clark kagabi ,bakit nagpakita ka pa ,

Ako:pag di ako nagpakita mas lalo silang maghihinala sa akin

Kevin:siraulo ka ba ,eh !alam na nga nila kung sino ka talaga,bakit maghihinala pa sila ,

Ako:wow !!,nagagalit ka sa akin pre ,sorry ha !! ,di ako nag iisip,bwesit !!

Kevin:walangya ka !(pinisil niya yung sugat ko)

Ako:tang ina !! ,kita munang may sugat ako pinisil mo pa

Kevin:sinisigurado ko lang na totoo yang sugat mo,hahaha

Ako:humanda ka sa akin pag ako gumaling,uupakan kita gago ka ,

Kevin:hahaha,teka ano pala ang plano mo ngayon pre,matapos ma fail yung una mong plano

Ako:alam ko na mamayang gabi ay kikidnapin nila ako. Kaya di ako papayag

Kevin:so ano nga ang gagawin mo,si lemuel na naman ang papalit diyan sa pwesto mo at ikaw ay magtatago

Ako:edi ikaw na ang psychic pare nababasa muna yung isip ko,

Maya maya biglang dumating si cecil

Cecilia:jazz,kinuha na raw kanina pa yung gamit mo pati yung cellphone

Ako:ano ?(gulat kung sabi kay cecilia) eh sino naman ang kukuha nun

Kevin:baka sila clark ang kumuha ,

Ako:tang ina !! Baka nga ,baka binubuksan nila ngayon ang file ng cellphone ko ,

Dahan dahan akong bumangon

Ako:aray ang sakit ng sugat ko ,

Cecilia:ano ba jazz wag ka munang bumangon(lumapit sa akin)

Ako:tang ina !!! kailangan kung gumawa kaagad ng action ,alam ko na makikita nila lahat ng file ng cellphone ko

Lemuel:eto ba ang hinahanap mo blackshades ..hehehe

Nakita ko na nandito si lemuel nakatayo sa pintuan hawak hawak niya yung cellphone ko,

Kevin:paano napunta yan sayo

Lumapit sa amin si lemuel binigay sa akin yung cellphone ko

Lemuel:nagkasalubong kami nila clark kanina ,kasama nga nila yung chikababes mo na umiiyak ,habang paalis sila ako naman ay papunta dito sa kwarto mo ,nakita ko yung cellphone mo na nakalagay sa bulsa niya ,kaya sinadya kung banggain si clark at ayun nakuha ko cellphone mo diba ang galing ko. Hahaha

Ako:salamat pre ,pero paano mo nalaman na nasa kanila yung cellphone ko

Lemuel:eh !,nakita ko kaagad ,kilala ko kaya cellphone mo pre ,buti di nila ako kilala ,ang bobo rin nila,hahaha,so ano kamusta ka na ngayon,is it exciting ,hahaha,o masarap bang tamaan ng sarili mong bala hahaha

Ako:siraulo ka talaga pero salamat pre ha ,

Cecilia:hay naku,sige alis muna ako ,balikan na lang kita mamaya jazz,pagaling ka ..

Ayun umalis na si cecilia ,

Kevin:ano pre,anong next na gagawin mo,

Lemuel:pasensya ka na jazz,iniba ko yung plano natin kagabi,kasi yung jonas na yun ay malaki ang kasalanan nun sa akin kaya pinatay ko na ,bakit kasi di mo nalang hinayaan na barilin ko yung clark na yun

Ako:marami pa ang sasabihin ko sa kanya at ngayong araw matatapos ang buhay niya

Lemuel:weh !! Totoo na ba yan,

Ako:oo pare ,pre pwede bang lumapit ka muna dito

Lemuel:bakit pre(kaagad siyang lumapit sa akin)

Ako:tang ina ka ,ang sakit ng ginawa mo ,gago ka(kaagad ko siyang binatukan)

Lemuel:hahaha,siraulo ka pala yun ang gusto mo eh ..

Kevin:so ano na nga ang gagawin mo pare,

Ako:kevin ,pre ,di na kita idadamay dito sa gulo ko,kami na lang ni lemuel ang gagawa nito

Kevin:pare naman eh ,parang itinakwil muna ako nito,di ka ba nagtitiwala sa akin

Ako:ayaw ko lang na madamay ka dito malaking sindikato sila clark,kutsilyo gang ang grupo nila baka mamaya i salvage nila ako,kaya gagawa ako ng action

Itutuloy.