POV pa rin ito ni JAZZ
Nandito na ako sa hideout ko ,kaagad kung ginapos sila clark at tong mokong na kasama niya gamit ang kadena ,kadena ang ginamit kung pag gapos sa kanila para di sila makatakas ,
Kaagad akong nagbihis ng damit ,naka uniform kaya ako ng nurse ,buti may extra shirt pa ako dito pati short ,at pumunta ako sa kusina para magpa init ng tubig ,yun ang gagamitin ko sa kanila sa paggising ,bubuhusan ko sila ng mainit na tubig,hahaha ,diba ang bait ko ,
Pagkatapos kung magpa init ay heto tinawagan ko si lemuel kung nakuha na niya si harold
Ring.ring.ring.ring
Lemuel:hello ,pare ..
Ako:anu hawak muna ba si harold
Lemuel:walang tao dito sa bahay nila ,pati yung chikababes mo ,sirado ,naka lock yung pinto ,pati mga ilaw nakapatay
Ako:matalino talaga yung ferdie na yun ,pina alis niya talaga yung mga anak niya sa bahay nila,sige tatatawagan ko na lang si alien ,bumalik ka na lang dito
Lemuel:sige ,
Ayun binaba ko na ang linya ,heto tatawagan ko na si alien
Ring.ring.
Tito ferdie:hello ,
Nung marinig ko yung boses ni tito ferdie ay bumalik na naman sa akin yung boses ng demonyong pumatay sa mga magulang ko,bigla kung naalala,magka boses talaga sila
Tito ferdie:alam ko tatawagan mo yung anak ko ,nasaan ka ,
Ako:nasaan si sab ,kilala ko na kayo ,isa ka sa mga member ng kutsilyo gang pati si clark
Tito ferdie:buti naman at nalaman mo kaagad ng maaga ,sayang marami pa naman akong plano para sayo kaso
Ako:kaso anu ?
Tito ferdie:wala ,ibalik mo na sa akin dito sila clark kundi papatayin ko tong kaibigan mo(galit niyang sabi)
Ako:patayin mo wala akong pakialam sa kanya ,marami pa akong itatanong sa alalay mong bakla ,
Tito ferdie:sige ,gagawin ko ang sinasabi mo,papatayin ko na tong kaibigan mo,goodluck na lang kung magsalita sayo si clark ,hehehe
Ayun kaagad niyang pinatay ang tawag at heto nag aalala ako baka totohanin niya talaga na patayin niya si kevin ,subukan niya lang patayin si kevin ,pati rin kay alien ,nasaan kaya siya saan siya dinala ng papa niya ,sana okey lang siya ,
Heto sakto mainit na yung tubig kaagad kung pinatay yung apoy ,ibang klase di pa nagigising yung dalawang kumag ,kaagad akong pumunta sa sala ,at maya maya ay nandito na ako sa harapan ng dalawang kumag na to ,wow ang sarap ng tulog nila ,ayaw niyong magising ha ,humanda kayo sa init ng tagumpay. Hahaha .
Ayun kaagad ko silang binuhusan ng mainit init na tubig ,woaaaahhhhh !! ,ang sarap sa pakiramdam mabuhusan ng mainit ng tubig ,ayun di ko ineexpect na matutuwa sila ,nagising sila na umaaray ,
Clark:waaaaaaahhhh (namimilipit siya sa sakit)
Tommy:tang inaaaaaaaaa !!
Ako:kamusta ,hahaha
Clark:(masama ang titig sa akin)tang ina ka ,,pakawalan mo kami ,bakit di mo na lang kami patayin ,halos malapnos tong mga balat namin ,putang ina ka !!(galit na galit niyang sabi)
Ako:masakit ba ,kulang pa yan ,wag kang mag alala clark ,mamaya di ka na magigising habang buhay,pasalamat ka nga ginising ko pa kayong dalawa
Tommy:patayin muna kami blackshades,baka magsisisi ka kapag nakawala kami dito ,
Ako:asa kayong makakawala kayo diyan ,hoy !!(hinawakan ko ng mahigpit ang buhok ni clark) sabihin mo kung sino ang leader niyo (galit kung sabi)
Clark:(matalas ang tingin sa akin)bakit mo pinatay yung tito ko (bigla akong dinuraan)
Ako:(sinapak ko sa mukha)tang ina ka !! ,ikaw ang isusunod ko sa tito mo ,hayop ka !! Mga salot kayo sa mundo ,sabihin mo sino ang leader niyo ,(sinigawan ko siya)
Tommy:ano naman ang mapapala namin pag sinabi namin kung sino ang leader namin,eh !! Papatayin mo rin naman kami ,
Tiningnan ko ng masama tong unggoy na kasama ni clark
Ako:tumahimik ka kung wala kang matinong sasabihin,
Tommy:pasalamat ka ,nakagapos ako dito ,kung hindi kanina pa lasog lasog yang katawan mo
Ayun sa sobrang galit ko sinapak ko ng malakas tong unggoy na to,ayun nagdugo yung labi niya
Tommy:isa pa nga ,
Clark:ano ba talaga ang problema mo blackshades bakit gusto mong malaman ang leader namin
Ako:(nilapitan ko ulit si clark),kasi siya lang naman ang pumatay sa mga magulang ko ,kaya sabihin muna kung sino siya ,
Tommy:ang bait naman ni boss at binuhay ka pa niya,
Clark:bakit ka niya binuhay .
Ako:kasi ako ang papatay sa kanya,gago kayong lahat !!
Clark:sa tingin mo basta basta na lang magpapakita sayo si boss,swerte mo kung makilala mo siya at wag kang mag ambition na mapatay mo siya kasi ilang dekada na hindi pa rin siya nahuhuli ng mga pulis na kagaya mo ni hindi pa nga siya nadadaplisan ng bala ,
Ako:swerte ko naman ,ako pa lang ang makaka virgin sa kanya sa lasa ng putok ng baril ,
Tommy:maghintay ka ,may darating na resbak para sa amin ngayon na kilala ka na namin ,humanda ka blackshades
Nagulat ako ng biglang may bumaril sa unggoy na kasama ni clark ,tinamaan siya sa ulo ,kaagad na natigok tong unggoy na to ,pagtingin ko kung sino ang bumaril ,walang iba kundi si lemuel,malapad ang ngiti niya habang palapit sa amin
Lemuel:di ka ba nasiyahan sa pagpunta ko dito pare(sabay akbay sa akin)
Clark:patayin niyo na lang kaya ako,para matapos na tong putang inang ginagawa niyo ..(sumigaw siya ng malakas)
Kaagad na lumapit si lemuel kay clark at tinutukan niya ito ng baril sa kanyang ulo
Lemuel:ano pare ,papatayin na ba natin tong baklang clark na to hahaha(sabi sa akin)
Ako:clark ,sige na sabihin muna kung sino yung demonyong leader niyo,pangako di ka namin papatayin
Clark:di ako bata jazz para maniwala sa pinagsasabi mo,pareho lang tayong mga kriminal ,patayin niyo na ako mga walangya kayo !!(sumigaw na naman sa amin)
Lemuel:(pinalo niya si clark sa mukha gamit ang baril na hawak niya) wag mong ubusin ang pasensya namin ,yung ulo mo ang unang babasagin namin,tang ina ka !!
Clark:(nanlilisik ang tingin niya kay lemuel)sigurado ka ,tingnan natin ,lumabas ka na diyan boss ,.(sigaw niyang sabi)
Ng biglang may nagpaputok ng baril at nakita ko ng tinamaan sa may kaliwang dibdib si lemuel at kaagad kung tiningnan kung sino ang taong bumaril kay lemuel ,nakita ko ng naka maskara ito at laking gulat ko nung makita ko yung tattoo niya sa kaliwang braso niya ,siya na ang matagal ko ng hinahanap,siya yung demonyong pumatay sa magulang ko,kaagad ko siyang tinutukan ng baril babarilin ko na sana siya ng bigla akong natumba ,na para bang na paralyze yung buo kung katawan ,nakita ko si lemuel na nawalan na siya ng malay ,,papalapit na sa akin tong demonyong boss nila clark ,at tinutukan na niya ako ng baril
Ako:tanggalin mo yang maskara mo gusto kitang makita ,bago mo ako patayin(galit kung sabi)
Di ko alam bakit di ko magalaw yung buo kung katawan
Clark:(sumigaw siya)patayin muna yan,at pakawalan muna ako dito ..
Ng biglang ...
Bogsssssshhhhhh ....
Isa pang putok ng baril..
Bogggsssshhhhh ..
At isa pa ..
Bogssssssssshhhhhh ..
Kaagad na binaril ng pangatlong beses sa ulo tong demonyong to ,at ayun kaagad na natumba at namatay ,nagulat ako sa nakita ko kung sino ang bumaril sa kanya walang iba kundi si tito ferdie ,as in di ako makapaniwala na si tito ferdie ang pumatay sa kanyang boss,pinatay niya ito ,ganun din si clark,gulat na gulat sa nasaksihan niya,
Nakatingin ako kay tito ferdie habang palapit siya sa akin,at may kinuha siya sa kanya bulsa isang maliit na capsula
Tito ferdie:inumin mo ito ,para mawala yang pagka manhid ng katawan mo ,
Ayun pina inum niya ito sa akin kaagad ko itong nilunok ,at maya maya ay unti unti ko ng nagagalaw ang paa ko pati kamay ko
Tito ferdie:tumayo ka na diyan ,tapos na ang laban mo ,
Kaagad na hinawakan ni tito ferdie ang braso ko at itinayo niya ako,di pa rin ako makapaniwala na ililigtas niya ako ,nakatingin pa rin ako sa kanya
Tito ferdie:mali ang inaakala mo jazz,hindi ako kasama sa kutsilyo gang..
Clark:tito ,
Tito ferdie:(tumingin siya kay clark)im so disappointed to you clark,
Kaagad kung binitawan ang pagkakahawak sa akin ni tito ferdie bumalik na yung lakas ko ,nilapitan ko yung demonyong boss nila clark at inapakan ko yung mukha niya at kaagad kung tinanggal ang maskara niya ,nung makita ko yung mukha niya ay kaagad tumayo ang balahibo ko at bigla akong napaluhod sa sobrang pagka gulat ,ewan ko bigla na lang tumulo yung luha ko ,totoo bang si GENERAL ang demonyong pumatay sa mga magulang ko ,hindi to maaari ,impossible na siya ang matagal ko ng hinahanap ..
Itutuloy..