Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 35 - CHAPTER 34:Clark the Saviour

Chapter 35 - CHAPTER 34:Clark the Saviour

POV pa rin ito ni JAZZ

Di pa rin ako makapaniwala na si general ang pumatay sa mga magulang ko ,nandito pa rin ako nakatingin kay general na duguan ,di ko mapigilan na tumulo ang luha ko para ko na kasing ama tong si general ,

Tito ferdie:tumayo ka na diyan jazz,hindi mo dapat iyakan yang kriminal na yan,naturingan pa namang alagad ng batas yan ,

Ako:di ako makapaniwala na magagawa to ni general ,impossible

Tito ferdie:nagawa na niya ,ganun talaga jazz ,di mo alam kung sino ang yung tunay na kalaban

Clark:pakawalan muna ako dito tito ferdie

Biglang lumapit si tito ferdie kay clark at bigla niya itong sinapak ,kaagad na nagulat si clark sa ginawa ni tito ferdie sa kanya

Tito ferdie:jazz,ano ang gagawin mo dito kay clark ,

Kaagad ako na tumayo at lumapit ako sa kanila

Ako:papatayin ko yan ,

Tito ferdie:papatayin mo talaga siya jazz(tumingin sa akin)kung ikulong mo na lang kaya siya tutal namatay na ang tunay mong target

Ako:lahat ng member ng kutsilyo gang ay dapat mamatay para di na sila gumawa pa ng anumang krimen ,at kung buhayin ko yan ,baka isuplong pa tayo ng clark na yan ,

Clark:ang dami pang sinasabi,barilin muna ako sa ulo para matapos na yang drama mo(galit na sabi sa akin)

Ako:masyado ka namang excited clark,at tito ferdie may tanong ako sayo (tiningnan ko si tito ferdie) ,bakit nagpanggap ka na member ka ng kutsilyo gang at di pa rin ako makapaniwala na gagawin mo to para sa akin,kasi 100% sure talaga ako ng member ka ng kutsilyo gang

Tito:,so effective pala ang pagpapanggap ko ginawa ko yun para mahuli ko yung leader nila clark ,kasi malaki rin ang ginawang kasalanan ng leader nila sa akin,

Ako:inunahan mo kasi ako tito ,ako dapat ang papatay sa kanya ,pero okey lang atleast naipag higanti ko na rin sila mama at papa,buti na lang hindi nagkagusto si mama emerald kay general,siya pala ang tunay na leader ng kutsilyo gang

Inakbayan ako ni tito ferdie at tiningnan ko siya

Tito ferdie:jazz,pag pinatay mo yang si clark ,baka magalit sayo si sab yung anak ko,alam mo naman na magkaibigan silang dalawa

Ako:di naman niya malalaman na ako ang pumatay sa kanya diba ,

Tito ferdie:oo pero tandaan mo walang lihim ang hindi mabubunyag,kagaya ng kinikilala mong amain yang general na yan,siya pala ang tunay mong kalaban,

Ako:wala akong pakialam kung malaman yung ni sab ,basta lahat ng member ng kutsilyo gang ay dapat mamatay

Nakita ko na biglang gumalaw si lemuel kaagad ko siyang nilapitan

Ako:pare,salamat at buhay ka pa,wag kang gumalaw dadalhin kita sa ospital

Lemuel:tumingin ka sa likod mo

Titingin na sana ako ng bigla akong paluin ng upuan ni tito ferdie kaagad akong nawalan ng malay ..

Kevin:pare ,hoy gising ka na ba ,hoyyyy !!

Bigla akong nagkamalay sa pagtawag sa akin ni kevin ,

Grabe ang sakit ng ulo ko ,tang ina !! ,nakita ko si kevin na nakagapos rin siya kagaya ko ,tinanggal ang damit niya ,bali nakatayo kami habang nakagapos yung kamay namin ,nakataas yung kamay namin habang nakatali ng pisi

Kevin:nasaan si lemuel pati si general ,bakit ikaw lang yung dinala nila dito

Ako:nasaan ba tayo pare,anong lugar to ,ang sakit ng ulo ko,bakit tayo nakagapos

Kevin:nandito tayo sa lugar ng kutsilyo gang ,bakit ka nagpahuli akala ko magaling ka ,anong nangyari ,

Ako:ano ..(mahina kung sabi)oo nga pala nakalimutan ko na dinakip ka pala nila tito ferdie pero nasaan siya ,siya yung tumulong sa akin para patayin yung leader ng kutsilyo gang,bakit tayo nandito ,

Kevin:ANOOOOOOO !!(sinigawan niya ako)putaaaaaannnnngggg inaaaaaa !!! ka naman pare,anong klase kang detective akala ko ba matalino ka bakit naisahan ka ng ferdie na yun ,alam mo ba siya yung leader ng kutsilyo gang at siya ang pumatay sa mga magulang mo ,nakita ko siya may tattoo siya sa kanyang kaliwang braso

Pagkasabi nun ni kevin ay kaagad uminit yung dugo ko at syempre gulat na gulat ,lintik naisahan ako ,ano bang nangyayari sa akin

Ako:kailangan natin makawala dito(pinipilit kung makawala sa pagkakatali ng kamay ko)

Kevin:hindi ka makakawala ng basta basta diyan pare,ginawa ko na ang lakas ko ,di rin ako makawala,sabihin mo ano bang nangyari bakit ka nahuli nila

Ako:pagbabayaran nila to ,lalo na yung ferdie na yun,si general pare,wala na siya ,(malungkot kung sabi) akala ko siya ang leader ng kutsilyo gang pero nagkamali ako,nagpaloko ako ,

Kevin:hindi maaari ,anong wala na si general sinong pumatay sa kanya ..

Tito ferdie:AKOOOOOO !!(sigaw niyang sabi habang papalapit sa amin)

Ako:hayop ka !!! Niloko mo ako,nagtiwala ako sayo bakit nagawa mo to ,demonyo ka !!!(sinigawan ko siya)

Tito ferdie:long time no seee ,jazzz (hinimas niya yung mukha ko)natatandaan na kita ,ikaw yung batang binuhay ko 15 years na ang nakakalipas ,

Bigla kung dinuraan si ferdie sa mukha

Ako:papatayin kita ,demonyo ka(galit na galit kung sabi)

Tito ferdie:(pinahiran niya yung dura ko sa mukha niya)bakit kaya muna ba akong patayin ,eh !! ,madali kang mauto eh !!(malakas yung tawa niya) ,hahaha,teka lang jazz ,wag munang galitin yang mukha mo ,paano magkakagusto yang si sabrina sayo ,hahaha

Ako:hayop kaaaaaaa !!(biglang tumulo luha ko sa kakasigaw)bakit mo yun ginawa sa mga magulang ko pati si general dinamay mo,putang ina !! ,pakawalan mo ako dito,wag kang duwag lumaban ka ng patas ,

Ferdie:may rason ba para sabihin ko sayo kung bakit ko pinatay ang mga magulang mo,simple lang kasi isa akong killer,dapat alam mo yun diba kasi isa ka ring murderer na kagaya ko,makasabi ka ng hayop ako,bakit malinis ba yang mga kamay mo ,pasalamat ka nga di pa kita tinuluyan kasi gusto ko pang makilala mo ako kung sino ako ,hahaha

Kevin:lumaban ka ng patas ,pakawalan mo kami dito,wag kang duwag ,

Ferdie:(tumingin kay kevin)tumahimik ka diyan baka isunod kita sa kapatid mo,

Kevin:anong ginawa mo kay lemuel,pinatay mo siya ,

Ferdie:secret ,hahahaha

,hayssss !! ang hihina naman ng mga pulis ngayon,hahaha,pero jazz bilib ako sayo kasi akalain mo kalahati ng member ng kutsilyo gang ay napatay mo,at yung magagaling pa ,kaya ako na mismo ang humanap sayo ,para malaman ko kung saan ang galing mo ,

Ako:pakawalan mo ako dito para malaman mo na kaya kitang patayin,demonyo ka !! ,matagal na kitang gustong makita at patayin,hayop ka !!!(galit na galit kung sabi kay ferdie habang lumalabas ang ugat ko sa leeg)

Ferdie:wow !! best actor !!(kaagad na pumalakpak ng kanyang kamay)alam mo kung bakit ko pinatay ang mga magulang mo jazz ,

Ako:sabihin mo

Ferdie:sa lahat ng mga pinatay ko halos nga yung iba di ko na maalala sa sobrang dami nila pero tanging yung mga magulang mo lang ang hindi ko makakalimutan ,

Ako:walangyaaaaaa kaaaaaaa !! sabihin muna ,bakit mo sila pinatay anong ginawa nila sayo ,

Ferdie:pakialamero kasi siyang pulis kagaya mo ,magtataka pa ba ako,like father like son ,di mo ba ako natatandaan jazz dun sa dagat nung may sinagip kang nalulunod na batang babae,halos kaedad mo lang ,muntik ng mamatay yung batang babaeng yun buti na lang sinagip mo siya

Bigla kung naalala yung batang babae na sinagip ko nung 14 years old yata ako nun ,teka ..

Ako:ikaw yung ama niya ,oo naaalala ko na ,ikaw nga yun ,kaya pala familiar yang mukha mo ,at teka wag mong sabihin na si sabrina yung batang babae na sinagip ko ,

Ferdie:sino pa ba ang anak kung babae kundi si sabrina lang,salamat dun sa pagsagip ng buhay ng anak ko ha !!,hahaha,kahit pinatay ko ang mga magulang mo ..

Grabe nagkatagpo na pala ang landas namin dati pa ni alien ,kaya pala pareho sila ng ugali ,mataray rin ,pero bakit di ko naalala si ferdie ..

Ferdie:oyyy,nag iisip siya ng malalim,hahaha ,tinatago ko talaga tong tattoo sa braso ko kasi marami na ang nakakita rito ,kagaya nung ginawa ni clark,tinago niya yung tattoo niya ,

Si alien na ba talaga ang makakatuluyan ko ,kasi sinagip ko siya sa kamatayan ,walangyaaaa !! ,yung sarili kung mga magulang di ko nasagip pero yung anak ng pumatay sa mga magulang ko ay sinagip ko sa kamatayan,lord !! Anong pakulo mo sa akin,bakit ang unfair ,!!!

Ferdie:okey ,sasabihin ko na kung bakit ko pinatay ang mga magulang mong sila crisanto at mary ann,

Ako:sabihin muna tang ina ka !! ,

Ferdie:napatay lang naman ng hayop mong ama yung asawa ko ,yung ina nila sabrina ,yung ina ng minamahal mong babae ngayon,

Ako:di yan totoo ,di yan magagawa ng ama ko ,

Ferdie:anong di magagawa ,eh !!.ikaw nga nagagawa mong pumatay,eh !! Nagmana ka sa walangyang ama mo ..

Ako:walangyaaaaaa kaaaaaaa (sinigawan ko siya)papatayin kita hayop ka !!! ,

Nagpupumiglas akong makawala sa pagkakatali sa akin pero ayaw talaga

Kevin:baka may nagawang kasalanan yang asawa mo kaya napatay niya

Biglang hinawakan ng mahigpit ni ferdie ang leeg ko ,sinasakal niya ako,pero matalim pa rin ang pagtitig ko sa kanya

Ferdie:una akong nawalan ng mahal sa buhay bago ikaw jazz kaya wag kang magsabi sa akin na isa akong demonyo kasi mas demonyo kayong mag ama ..dapat lang kayong mawala dito sa mundo ..

Nagulat ako ng bigla akong saksakin sa bewang ko ,gamit ang ice pick ,

Kevin:pareeeeee...

Lumayo ng kunti si ferdie habang ako ay nanghihina dahil patuloy na pagdaloy ng dugo ko ,

Ako:patayin muna ako ,hayop ka !!! ,wag munang patagalin ..

Nagulat ako ng bigla akong makarinig ng putok ng baril ,dalawang beses,nakita ko na tinamaan sa may dibdib si ferdie,

Pagtingin ko kung sino ang bumaril kay ferdie at nagulat ako kasi si clark lang naman ang bumaril sa kanya at biglang lumapit si clark kay ferdie habang unti unting natutumba si ferdie

Ferdie:bakit nagawa mo to sa akin ..(naghihingalo niyang sabi kay clark)

Clark:lintik lang ang walang ganti ..kaya dapat ka ng magpahinga ..

Hinawakan ni ferdie si clark sa kanyang balikat ng biglang saksakin si clark sa kanyang tiyan gamit ang ice pick ,kaya binaril ulit ni clark si ferdie sa ulo nito kaagad na natumba si ferdie ,

Kevin:clarkkk ...

Clark:ligtas na kayong dalawa ...

Ng biglang mawalan ng malay si clark ..

Itutuloy.