POV pa rin ito ni JAZZ
Pina andar ko na ang motor ,ng biglang may paparating na kotse ,teka kotse ni kevin yun ha ,,biglang huminto at bumaba sila kevin at lemuel,wow !! ,close na sila ngayon ,magkasama ang dalawang magkapatid ,hahaha,lumapit sa akin si kevin at bigla niya akong sinapak ,
Ako:para saan yun pare..
Kevin:siraulo ka!! Bakit mo ako pinatulog ,tang ina !!
Ako:eh !! Pinatulog mo rin ako ,nakipag sanib pwersa ka pa sa bryan na yun,
Lemuel:whahahaha
Ako:tang ina !! ,ikaw pala yung kasama kanina ni bryan ,(binatukan ko si lemuel)
Kevin:actually pare,kaming dalawa ni lemuel ang sumama kay bryan,sineset up lang namin yun si bryan para makulong na talaga siya ,kaso bakit niyo pinatay yung tao ,
Ako:pare,pasensya ka na !! ,yung mga ganun kasing tao ay dapat pinapatay na hindi pa binubuhay
Lemuel:tama !!
Kevin:pag ako nadamay sa ginawa niyong dalawa,di ko kayo mapapatawad ,nga pala pre(tumingin sa akin)saan ka pupunta ?
Lemuel:akin na yang motor ko,baka may gasgas to(tinulak ako ng malakas)
Ako:gago to !! (tinulak ko rin tong siraulong lemuel na to),kasi
Cecilia:pumasok kayong dalawa sa loob para malaman niyo kung saan pupunta yang kaibigan niyo.
Nagulat kami kasi biglang nagsalita tong babaeng to ,
Lemuel:magkasama kayo sa iisang bahay ?
Kevin:bakit may nangyari ba ?
Cecilia:pumasok kayo para malaman niyo,
Lemuel:ang hot naman ,hehehe
Ayun pumasok na yung dalawang mag utol ,paano na to tiyak di ako titigilan nila cecilia at kevin kung anong nangyari at bakit may gustong pumatay sa akin
Maya maya ay nandito na kami sa loob ,nagulat sila lemuel at kevin sa kanilang nakita ,biglang tumingin sa akin si kevin
Kevin:pare ,ano to ? ,may ginawa ka bang hindi magnada ,o di kaya may kinalaman ba to sa pagkawala ni bryan
Lemuel:alam na nila ang sekreto mo pre ,so ano gagawa na ba tayo ng action
Cecilia:teka,anong secreto ang sinasabi ni lemuel (lumapit sa akin)
Lemuel:sabihin muna kaya sa kanila
Bwesit talaga tong kumag na lemuel na to,
Kevin:pre ,akala ko ba mag bestfriend tayo bakit may nililihim ka sa akin,pambihira naman to ,mas kaibigan mo pala yang utol ko kesa sa akin
Lemuel:grabe kevin,ang babaw naman ng kalungkutan mo,hahaha,
Kevin:tumahimik ka diyan ,di ikaw ang kinakausap ko(galit niyang sabi kay lemuel)
Ako:ayaw ko kasing magbago ang pagtingin niyo sa akin kevin at cecil,si lemuel siya lang ang may alam ng secreto ko kasi pareho kami ng pinaglalaban ,
Cecilia:bakit jazz ,ano ba ang pinaglalaban mo
Kevin:tungkol ba ito sa pumatay sa mga magulang mo pre
Ako:oo ,at hanggang ngayon ay di ko pa nakikita yung demonyong taong yun,
Lemuel:malapit na natin siyang makita pare,
Ako:malapit na nga ,kasi nagbigay na sila ng clue kung saan ko sila hahanapin
Kevin:sabihin mo pre,ano ba yang secreto mo,pwede mo ba kaming pagkatiwalaan ,
Paano ba sasabihin ko ba sa kanila na ako si alyas blackshades,tsk..
Ako:si Blackshades at Ako ay iisa ..
Pagkasabi ko nun ay nagulat silang dalawa,di nakapagsalita si kevin ,nakatingin lang siya sa akin
Lemuel:bakit kayo nagulat ? ,akala ko ba kaibigan niyo si jazz ,di kayo makapaniwala na isang murderer yung kaibigan niyong pulis ..
Napaupo na lang si cecilia ,habang si kevin naman ay aakmang aalis kaya hinawakan ko ang braso niya
Ako:pare ??
Nagulat ako ng bigla akong sapakin ni kevin ,biglang tumayo si cecilia at lumapit siya kay kevin
Cecilia:naiintindihan ko ang nararamdaman mo kevs ,pero pakinggan mo muna ang paliwanag ni jazz kung bakit niya nagawa yun(sabi niya kay kevin)
Lemuel:bakit kevin,di ka pa rin ba nakakamove on sa pagkamatay ni tito jerry
Kevin:hindi pa(sigaw niya kay lemuel),kasi wala ka naman dun sa pagkawala niya ,
Oo nga pala nakalimutan ko na pinatay ko pala yung tito ni kevin na si jerry ,nilapitan ko si kevin
Ako:pre ,sorry kung nagawa ko yun,alam mo naman kung bakit diba,may tattoo kasi siya ng kutsilyo gang,nung oras na pinatay ko siya ay di ko alam na tito mo pala siya,,sorry !!
Kevin:bakit pre ,bakit ginagawa mo yun,wala namang kasalanan yung tito ko diba,hindi naman siya ang pumatay sa mga magulang mo,grabe araw araw tayong magkasama tapos yung kinaiinisan ko palang tao na si blackshades ay ikaw rin pala,tang ina !! ,ang saya diba ,gusto kitang saktan ulit pre pero di ko magawa kasi para na kitang kapatid eh ...
Ewan ko bigla kung niyakap si kevin ,
Ako:patawarin mo ako pre,okey lang sa akin na isuplong mo ako kay general,di ako papalag pero bago mo ako isuplong ay kailangan ko munang patayin ang may gawa nito sa bahay ko pati sa mga magulang ko
Tinulak ako ni kevin
Kevin:bwesit ka !! Nakakasuka ka ,may payakap yakap ka pa ,
Cecilia:sinong may sabi na isusuplong ka namin jazz ,oo tapat kami kay general pero kaibigan mo kami ,
Kevin:tama si cecilia ,pre ,kahit nakagawa ka sa akin ng kasalanan ,tutulungan ka rin namin tang ina ka !!
Ako:ang sweet niyo naman,pero pre(nilapitan ko si kevin)hindi ka na galit !!
Kevin:galit ,pero ano ang magagawa ko ,eh ! Di ko na maibabalik ang buhay ng tito ko at kahit na trinaydor mo ako pre ,ay kaibigan pa rin kita,ganyan ako kabait na kaibigan ,hinayupak ka !!
Ako:touch naman ako dun,pero pre salamat ha !!,
Lemuel:so ano ,ano na ang plano natin ,apat na tayo ..
Cecilia:sandali lang,sino ba yung kaaway natin dito,i mean kaaway mo jazz,
Kevin:oo nga pre,
Ako:si clark at yung papa ni sabrina
Kevin:ano ?,seryoso ka ba diyan pre,talaga bang pinaghihinalaan mo yung tatay ng nililigawan mo
Cecilia:nililigawan ? ,sino
Lemuel:heto na naman tayo,cecil mamaya na yang tanong mo ,malalaman natin mamaya kung totoo ang paghihinala ni jazz
Ako:gusto ko sana ngayong gabi mangyari ang matagal ko ng gustong mangyari,alam ko na alam nila yung pumatay sa mga magulang ko
Kevin:pre ,wag mo muna gawin ngayon ang binabalak mo,
Cecilia:tama si kevin,jazz ,seniset up ka nila ngayon,pag kumagat ka sa pa in nila ikaw ang kawawa,itong ginawa nila sa bahay mo ,pinagplanuhan na nila ito,alam nila na kakagat ka sa ginawa nilang patibong,
Lemuel:nakss ,mga pulis talaga kayo,edi kayo na ,pero jazz ano ang plano mo ,itutuloy mo pa ba ,
Tama lahat ng sinabi nila kevin at cecil,alam ko naman na patibong nila ito sa akin pero ang kinagugulat ko ay paano nila nalaman na ako si blackshades,
Kevin:pare ,ayos ka lang ?
Ako:oo ayos lang ako,ang kinagugulat ko lang ay paano nila nalaman na ako si blackshades
Lemuel:actually jazz ,kagaya mo ,di pa sila sigurado na ikaw si blackshades,kaya nga sabi nila cecil na kapag kumagat ka sa patikim nila sayo ay sigurado na sila na ikaw talaga si blackshades diba ang gulo,hehehe
Kevin:may napansin ka ba kay clark na ikakagulat mo pre
Ako:oo,yung pakikipag kaibigan niya sa akin,alam ko naman na plano niya yun para malaman niya ang totoo sa akin,
Cecilia:ganito na lang,may naisip na ako,jazz ,di ka aalis ngayon,bukas puntahan mo si sabrina
Kevin:gawin mong pa in si sabrina at kunwari kinidnap mo siya
Ako:ano !! ayoko ,pinangako ko kay alien este kay sab na di ko na siya idadamay sa gulo ko
Lemuel:paano kung yung tatay ni sabrina ay siyang pumatay sa mga magulang mo,
Ako:bawiin mo yang sinabi mo lemuel ,hindi si tito ferdie ang pumatay sa mga magulang ko,matatanggap ko pa kung member siya ng kutsilyo gang pero yung siya yung nag murder sa magulang ko ,wag naman sana,,bwesit !! ,ano bang nangyayari sa akin,bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon,
Napa upo na lang ako sa sahig ,di ko na alam ang gagawin ko. ,bakit sa lahat ng babaeng magugustuhan ko ay si alien pa,nahihirapan tuloy ako na gumawa ng masama sa papa niya,tang inang buhay naman to ,!!
Kevin:pre ,mag isip ka muna kung ano ang gagawin mo,tutulungan ka muna namin dito na ayusin ang ginawang kalat dito sa bahay mo,
Cecilia:dapat may cctv ka dito jazz para malaman mo kung sino ang may gawa nitong paninira sa bahay mo
Lemuel:akala ko pa naman papatay tayo ngayon,haysss..
Kaagad akong tumayo ,pupuntahan ko ulit si alien ,
Cecilia:saan ka pupunta
Umakyat ako sa taas para kunin ang jacket na naiwan ni alien ,yun ang idadahilan ko sa pagpunta sa kanya ngayon yung jacket niya pero ang totoo ay makikipag usap ako kay clark ,siya ang una kung papatayin ..
Kaagad akong lumapit kina kevin
Kevin:kilala ko yang jacket na yan ,kay sabrina yan diba
Ako:oo,pupunta ako ngayon sa ospital makikipag usap ako kay clark
Cecilia:ang tigas talaga ng ulo mo jazz,
Lemuel:ano ang binabalak mo jazz
Ako:pare(tiningnan ko si kevin)hinahanap ka na ba ng misis mo
Kevin:hindi ,nagpaalam ako sa kanya na uumagahin ako pag uwi ,bakit pre ?
Ako:ikaw ,cecil ,hinahanap ka ba ng papa mo
Cecilia:hindi ,
Ako:good ,kasi may plano ako ngayong gabi ,alam ko na nasa ospital pa sila clark at tito ferdie
Lemuel:oh ! Tapos
Ako:ganito ,kevs at cecil sasamahan niyo ako sa ospital,kunwari mag iimbestiga kayo sa nangyari kay sabrina,
Kevin:yun lang ba ,
Ako:oo ako na ang gagawa ng ibang hakbang
Lemuel:what about me ..
Ako:syempre pare. Malaki ang gagawin mo dito ,
Lemuel:ano yun,,excited na ako,hehehe
Ako:magpapanggap ka bilang si blackshades ,
Lemuel:whaaaaaaaaatttt !! Are you sure about that.
Ako:tang ina ,tigilan mo nga yang kaka english mo,nakakasuka ka ,oo bakit ayaw mo ..
Lemuel:gusto ,matagal na kitang gustong gayahin ,hahaha,yess ,sa wakas ako na si blackshades ang sikat na killer ,hahaha
Kevin:abnormal talaga ..
Cecil:tara na,baka abutan tayo dito ng umaga ,
Ako:sige ..
Itutuloy.