POV pa rin ito ni Sabrina
Natapos na rin akong maligo at magbihis ,syempre nagpaganda muna ako para kay jazz i mean kay clark,ano ba adto bakit nababanggit ko yung pangalan ng manyakis na yun,bwesit talaga yun ,hindi naman ako nag make up kasi pulbos lang ang nilagay ko sa mukha ko,johnson baby powder lang sapat na,kasi maganda na ako ,no need ko ng magpaganda,hahaha
,opppsss !!!walang kokontra diyan kasi totoo naman eh ,naka t shirt lang ako kulay sky blue at naka jeans lang ako,di kasi ako mapormang babae,yun bang mahilig sa mga dress,kaya siguro di pa ako nagkaka boyfriend since birth ,kasi alam ko naman na si clark ang para sa akin ,
Heto papunta na ako sa sala ,at nakita ko si jazz na parang malungkot yung mukha,teka ano kaya ang ginawa sa kanya ni papa ,pero bakit ba ako concern sa manyakis na yun,buti nga sa kanya ,
Clark:ang ganda mo naman sab ,(pagpapacute na sabi niya habang malagkit ang tingin sa akin)
Nakita ko si manyakis na tumingin sa akin tapos kaagad niya itong iniwas ,
Harold:ate ,diba may mga dress ka dun bakit di mo yun sinuot ,para kang tibo sa suot mo ngayon
Ako:kailangan ko ba ng opinyon mo ha !!(pagtataray kung sabi kay harold)
Papa:sige na ,umalis na kayo,jazz iho (tumingin kay jazz)ikaw muna ang mag drive sa kanilang dalawa ha !! ,pagsubok ko yan sayo..
Jazz:opo sir ,
Teka si manyakis magiging personal driver namin ngayon,hahaha !! ,oh my god di ko to ineexpect ,kaya pala biyernes santo yung mukha ,hahaha
Clark:tara na sab ,
Ako:saan tayo pupunta clark ,hehe
Jazz:tsk...
Ako:may problema ba jazz .
Jazz:wala ,sige dun na lang ako sa labas maghihintay ,
Ayun umalis na si jazz,grabe bakit parang naaawa ako sa manyakis na yun ,
Clark:sab ,ayos ka lang ba ?
Ako:oo naman ayos lang ako,hehehe,
Harold:sus !! Ayos lang ba talaga ,hahaha
Bigla kung nilapitan si papa ,
Ako:pa ,anong sinabi mo dun kay jazz,bakit parang biyernes santo yung mukha nun..
Harold:oyyyyy !!concern siya ..hahaha
Papa:sa amin nalang yun sab ,kailangan niyang bigyan ng pagsubok sayo,buti nga pinayagan ko pa siyang manligaw sayo kahit pinagkasundo ko na kayo ni clark para sa kasal niyo
Ako:so pinapaasa niyo lang si jazz ,
Papa:hindi ako ang makapagsasabi ng ganyan sab,kundi ikaw kasi di ko hawak ang puso mo,ikaw kung gusto mo ng magpakasal na kayo ni clark
Pagkasabi nun ni papa ay parang natulala ako,
Ako:hindi pa ako ready mag asawa pa, ,ayoko munang magpakasal,hindi dahil kay jazz kundi gusto ko munang i enjoy ang pagiging dalaga ..
Clark:okey lang sab,hindi naman ako nagmamadali,
Papa:yun ang sinasabi ko sayo sab ,sige na umalis na kayo,alas 8 na ng gabi,
Ako:sige pa alis na kami ,byeee(sabay halik sa pisngi )
Harold:ate,magdala ka ng pizza pag uwi mo ha ,,
Ako:pizza mo mukha mo ,,
Ayun umalis na kami ,at nandito na kami sa kotse ni clark nakita ko si jazz na may kausap sa cellphone ,bigla niyang binaba nung makita niyang palapit na kami sa kanya
Jazz:ano aalis na ba tayo
Clark:oo brad,dun tayo sa may mac arthur park,sakto may mga glitters light na dun,
Ako:diba delikado na dun
Clark:may mga bantay na dun sab,wag kang mag alala,nandito naman ako sa tabi mo.
Jazz:ang sweet naman ,sige na sumakay na kayo,haysss !!.ginawa pa akong chaperon,tskkk..
Ako:nagrereklamo ka ba ?
Jazz:sa tingin mo ?
Ako:pwes ! Umuwi ka na,si clark na lang ang mag dradrive ..
Jazz:ano ako hilo ,ayoko nga ,,di ako susuko ,
Ako:yun naman pala eh !!,dami mo pang sinasabi
Jazz:hay naku !!! Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sayo,tang ina !!
Ako:problema muna yun,..
Clark:tara na sab,pumasok na tayo ..
Ayun pumasok na kami ni clark sa loob ng kotse,ganun din si jazz,grabe makatitig sa akin ni jazz sa salamin ,parang papatay
Ako:anong titig yan ha !!
Jazz:wala ..(bigla siyang umirap)
Pina andar na niya ang kotse,
Biglang hinubad ni clark ang kanyang jacket at sinuot niya ito sa akin
Clark:ayokong malamigan ka sab,
Ako:hehehe,tenk you
Napangiti ako hindi dahil sa kinilig ako sa ginawa ni clark,kundi sa reaction ni jazz grabe ang cute niyang magselos hahaha,tinitingnan ko kasi siya sa salamin,hahaha ,yung kamay niya parang gusto niyang manapak ng tao hahaha,kaya ang ginawa ko ay pinalala ko pa ang pagselos niya,bigla kung niyakap si clark
Ako:clark,payakap ako ha !! ,ang bango naman ng lalaking to ,(sabay amoy sa leeg ni clark)
Nagulat ako ng biglang pinahinto ni jazz ang kotse,muntik na kaming masubsob sa upuan ni clark
Ako:ano ba manyakis,sabihin mo lang kung gusto mong magpakamatay,wag mo kaming idamay
Clark:jazz,may problema ba tayo
Jazz:pasensya na ,may dumaan kasing sampung biik na tumatawid
Ako:sampung biik ,eh ! Wala naman akong nakikitang mga biik na tumatawid,sabihin mo lang na nagseselos ka ..
Jazz:bahala ka kung ayaw mong maniwala,nagseselos ,ako magselos,no way !!,kahit maglampungan pa kayong dalawa diyan..
Clark:tama na yan ..sige na jazz ,paandarin muna yan
Jazz:bwesit !! ,para akong personal driver niyo ,tang ina !! Naman to !!
Ako:alam mo ba manyakis,bumaba ka na nga,ako na ang magdradrive
Jazz:tumahimik ka diyan,
Ayun pina andar na niya ulit ang kotse,grabe di ko muna papaselosin tong manyakis na to,baka paliparin niya yung kotse,kaya nag behave na lang muna ako,
Habang busy ako sa kaka scroll dito sa cellphone ko ay nakita kung nakatingin sa akin si manyakis dun sa salamin,kaagad niya itong iniwas
Ako:sa daan ka tumingin hindi kung saan saan,baka di lang sampung biik ang mabangga mo baka sampung kabayo na ,
Jazz:akala naman niya ang ganda ganda niya,..
Ako:bakit ka nagkagusto sa akin kung di ako maganda (pagtataray kung sabi)
Jazz:no comment !!
Clark:tama na yan,nandito na tayo ,,
Di ko namalayan na nandito na pala kami sa mac arthur park,haysss !! ,kahit kailan talaga ,parati na lang kaming nagbabangayan ng manyakis na yun,pinagbuksan ako ng pinto ni manyakis ,
Ako:anong akala mo sa akin di marunong magbukas ng pinto,ginawa mo pa akong PWD,(sabi ko sa kanya)
Jazz:hindi mo ba na appreciate yung pagiging gentleman ko,hayssss !!,bahala ka na nga diyan,ang hirap mong intindihin (inis niyang sabi habang kinakamot ang ulo niya)
Hahaha ,mhaaaayyyy ghaaaddd ,ang hot niyang magalit,ano ba tong ginagawa ko,
Clark:sab,tara dun tayo kay lolo mac arthur tumambay,at jazz ikaw na lang bumili ng pagkain natin
Jazz:no choice ..
Ako:yam burger lang yung sa akin pati mineral water
Jazz:ikaw clark
Clark:ganun din kung ano ang kay sab,yun din yung sa akin
Jazz:okey !!
Nakakagulat naman tong dalawang to,parang di yata mag away tong dalawang to,
Ayun papunta na kami sa park,grabe ang ganda na dito ,parang nasa disneyland ako,sa sobrang liwanag ,,
Clark:maganda ba sab ..
Ako:sobra ,grabe ,
Clark:tara dun tayo umupo ,
Ako:sige ..
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni clark yung kamay ko ..napatingin na lang ako sa kanya,at ayun nandito na kami sa may malapit kay mac arthur kung saan siya nakatayo,naglapag ng kumot si clark kasi puro damo ang nandito hehehe
Ako:matutulog na ba tayo,clark,hehehe
Clark:hindi,bawal dito matulog eh !!
Grabe napaka seryoso naman tong si clark,di man lang bumanat sa akin,haysss !! Buti pa yung manyakis na yun,teka bakit siya na naman yung naisip ko,..
Jazz:nandito na yung pagkain niyo mga kamahalan.
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni manyakis,ayun tumabi siya sa akin ,bali napapagitna nila ako ..
Jazz:heto clark yung sayo ,,
Inabot niya yung pagkain kay clark
Ako:yung sa akin,nasaan na..
Jazz:kunin mo,sabi mo hindi ka PWD,
Ako:ewan ko sayo,nakakainis ka ,
Tinalikuran ko siya ..
Biglang nag ring yung cellphone ni clark
Clark:sandali lang sagutin ko lang tong tawag
Ako:sino ba yan clark
Clark:kaibigan lang,diyan muna kayo
Ako:bakit kailangan mo pang lumayo dito mo na lang yan sagutin
Clark:mahina kasi dito yung signal,baka ma choppy lang
Ako:okey ..
Ayun tumayo na si clark at umalis muna siya,heto kaming dalawa na lang ni manyakis ang nandito
Jazz:oyyyy !!
Ako:tsssseeeeeeee !!!
Jazz:wow !! Emotera ka na ngayon ha !! ,akala naman nito lalambingin ko ,
Ako:dont talk to me ..
Jazz:wow !! kanina emotera ngayon mataray na siya,hahaha, 2 in 1 ka ghurrll,
Bigla kung hinarap si jazz at bwesit ,nakaka awkward muntikan na kaming maghalikan,walanghiya talaga tong taong to,napaka manyakis,nakadikit pala to sa likod ko,sobrang lapit na namin sa isa't isa,halos 1 inch na lang ang pagitan namin,amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya ,
Jazz:ikaw pala tong manyakis eh !!,so ano balak mo akong halikan,akala ko ba si clark ang gusto mong halikan,so ano round two ulit tayo,hehehe
Bigla kung tinulak palayo si jazz ,
Jazz:bakit namumula ka diyan,hahaha ,grabe para kang nilagyan ng food color diyan sa pisngi mo,hahaha
Nakaka bwesit talaga tong lalaking to kahit kailan,waaaaahhhh ,tuwang tuwa pa siya ,,huhuhu , nakakahiya,ang daming tao pa naman dito ,bigla akong napatayo ,at bigla niyang hinawakan ang kamay ko,
Jazz:okey,sorry na ! Heto naman di na mabiro ,saan ka pupunta
Ako:bitawan mo kamay ko,nakakainis ka ..
Jazz:(bigla siyang humarap sa akin)ako nga dapat ang mainis ngayon eh !! Kasi ginawa niyo akong driver,sa gwapo kung to ,at akala mo di ko nahahalata na sinasadya mo na magselos ako kanina,
Ako:so nagseselos ka nga ..
Jazz:(bigla siyang sumigaw)oo nagseselos ako,tang ina !! ,masaya ka na ,,
Pinigilan ko ang tawa ko ,ewan ko imbis na magalit ako sa taong to,bakit napapangiti niya ako ,
Ako:pwede ba wag mo akong sigawan di ako bingi ,bitawan muna nga yan kamay ko
Jazz:wag kang aalis,dito ka lang
Ako:as if naman di mo ako mahahabol,oo na ,bitawan muna yan ,nasaan na ba si clark bakit ang tagal niya
Jazz:(binitawan na niya) tara umupo na tayo
Pag upo ni jazz ay nakarinig ako ng putok ng baril at di ko namalayan na natamaan na pala ako dito sa dibdib ko ,biglang tumayo si jazz at hinawakan niya ako,di ko alam bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko,mamamatay na ba ako,
Jazz:alien,wag mong ipipikit yang mga mata mo,tang ina !! pagbabayaran niya ang ginawa niya papatayin ko siya,
Ako:jazz,...
Di ko na natuloy ang sasabihin ko kay jazz ng biglang nawalan ako ng malay ..
Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko at pagdilat ko ay nakita ko kaagad ang napaka liwanag ,nasa langit na ba ako,lord !! ,kinuha niyo na ba ako ,grabe ang aga ko namang namatay ,never been touch never been kiss ,may naka first kiss na pala sa akin,in short im still a virgin,huhuhu ,
Papa:anak,nandito na kami,ayos ka na ba ?
Narinig ko ang boses ni papa,thanks lord,di mo pa ako kinuha ,im still alive,kaagad akong tumingin kay papa,
Ako:pa,nasa ospital ba ako,
Harold:wala nasa loob ka ng kaldero ,hahaha
Papa:harold,tumahimik ka ,kita munang nasa malubhang kalagayan yung ate mo,
Grabe ngayon ko lang naramdaman na naka dextrose pala ako,
Ako:nasaan si jazz bakit wala siya dito
Clark:umalis na siya sab,kamusta ka,okey ka na ba ?,masakit pa ba yung tama ng baril sayo
Ako:hindi na ,si jazz kamusta siya,yung bumaril sa akin,nahuli ba
Clark:bakit si jazz ang iniisip mo sab,
Ako:kasi alam ko na siya yung tinatarget ng bumaril sa akin,kung hindi siya umupo nun ay tiyak siya ang mababaril hindi ako...
Itutuloy.