POV na ito ni JAZZ
Bago ako pumunta sa bahay ni alien ay pinuntahan ko muna si lemuel yung walanghiyang pumatay kay marcos,akala ko pa naman mapagkakatiwalaan siya ,humanda siya akin ..
Kaagad akong pumunta kung saan nagtatago ngayon si lemuel alam ko ang hideout niya kasi pareho kaming mga killer ,iisa lang din ang aming hangarin ang patayin yung leader ng kutsilyo gang ,ewan ko lang kung tunay ko siyang kakampi ..
Ayun papunta na ako sa kanya,kaagad kung pinabilis ang pagpatakbo ko ng aking motor ,after ilang minuto lang ay nandito na ako sa labas ng bahay ,teka bakit ang dilim,baka wala siya dito ,kaagad kung tinawagan si lemuel ,
Ring.ring..
Lemuel:hello ,bakit ka napatawag blackshades
Ako:gago ,wag mo akong tatawagin na ganyan,nasaan ka ,magkita tayo
Lemuel:anong kailangan mo sa akin,pumunta ka pa talaga dito sa munting bahay ko,may binabalak ka ba ,kasi uunahan na kita,ganado na ang pwesto ko dito ,tiyak sa ulo kaagad ang pagtama ko sayo ng muntik karayom ko,katulad ng ginawa ko kay marcos
Ako:paano mo nalaman na pupuntahan kita dito sa inyo,talagang gumagaling ka na ngayon brad ,
Lemuel:syempre ,idol kita eh ,,ano sabihin mo lang kung papatayin mo ako ngayon para makapag ready naman ako
Ako:hahaha,siraulo ka talaga ,pareho kayo ng kapatid mong si kevin,lumabas ka na di kita papatayin,may itatanong lang ako sayo
Lemuel:wag mo akong ikumpara sa kaibigan mong si kevin dahil magkaiba kami nun,sabihin muna dito ngayon,wala ako sa mood makipagkita sayo,
Ako:hahaha ,ULOL !! ang drama mo brad sige mamaya kita tayo ,may pupuntahan lang ako ..byee..
Kaagad kung binaba ang tawag,di ko naman talaga papatayin si lemuel ,actually makikipag tulungan ako sa kanya para mahanap kaagad namin yung leader ng kutsilyo gang,at mapatay ko na ,dumarami na kasi ang mga salot dito sa mundo lalo na sa lugar namin,parang hindi magkapatid sila lemuel at kevin,hindi magkasundo ang dalawang yun,hindi ko pinaalam kay kevin na isang killer yung kapatid niya ,mahirap na baka hulihin niya yung sarili niyang kapatid,at ako rin hahaha,
Papunta na ako kay alien,gusto ko ng makilala yung tatay niya,ewan ko di ko alam kung bakit gusto ko siyang makilala ,
Bumili muna ako ng kanyang favorite chocolate yung ferrero,bwesit ganito pala kapag nanliligaw,hindi naman ako kagaya ng iba na ang baduy ,may pa flowers flowers pa,hehehe,bumili rin ako ng bagong damit ,kulay red ang binili kung damit para swerte,hehehe ,
Maya maya ay nandito na ako sa bahay nila alien,kaagad akong kumatok at totoo nga swerte nga ang red kasi si alien ang nagbukas ng pinto grabe ang ganda niya,bakit ngayon ko lang napansin yung kagandahan niya,hehehe ,nagulat siya nung makita niya ang kagwapohan ko,di ko siya masisisi,inborn na tong sakit kung pagiging gwapo eh ..
Ako:nagugutom ka na ba alien ko,hehehe,may dala akong ferrero ,gusto mo(sabay abot ng ferrero sa kanya)
Sabrina:(ang talas ng tingin sa akin at kaagad na kinuha ang ferrero)anong ginagawa mo dito
Ako:nanliligaw sayo bakit bawal ba ?
Grabe naman tong si alien,haysss ..
Akala naman niya susukuan ko siya,at talagang nanakot pa ,hindi ako magpapasindak sa papa niya,di kaya to basta basta susuko,at talagang nakaka inis tong alien na to,binasted pa naman ako,bwesit !! ,nasaktan ako sa sinabi niya ,pero okey lang ,di ako susuko,ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae tapos babaliwalain niya lang yung feelings ko,aba nasaan yung hustisya ,di ako papayag ,pasalamat nga siya nagustuhan ko siya,hayssss ..
Ferdie:sab ? Sino yan ,si clark na ba yan..
Nagulat ako sa narinig ko at lalo akong nagulat nung makita ko ang mukha ng tatay ni alien,grabe napakaliit naman ng mundo,siya pala yung tatay ni alien,yung nagligtas sa akin sa snatcher ,grabe ..bigla niya akong nginitian,
Ako:teka ikaw yung..
Di na ako nakapagsalita kasi pinapasok na niya ako sa loob ,nayssss one ,one point kaagad ako kay sab ,magkasundo na kaagad kami ni tito ferdie hahaha,syempre tito kaagad ang tawag ko sa kanya,kaya pala gusto kung makilala kaagad yung papa ni alien kasi magkakilala na pala kami ,
Pero parang nakikita ko na ayaw talaga sa akin ni alien,parang gusto niya akong paalisin,pero alam ko naman na nagpapakipot lang to ,di nga siya pumalag nung hinalikan ko siya ,kaya nagbitaw ako ng pangako kay tito ferdie na
Ako:tito ,di po ako titigil sa panliligaw kay sab,hanggang di niya ako magugustuhan,pangako ko na di ko po siya sasaktan
Pagkasabi ko nun ay nakita ko si tito ferdie na ngumiti,salamat naman at naniwala siya sa sinabi ko at talagang basag trip talaga tong si alien,diba siya kinilig sa sinabi ko,bwesit !! ,sana all raw plastic,ibang klase talaga tong babaeng to,
Maya maya ay biglang dumating tong si clark,wow may pa flowers pa ang gago pati teddy bear ,baduy niya ,pero naiinis ako kasi tuwang tuwa tong si alien nung dumating tong si clark at kilig na kilig pa,gusto ko sanang suntukin ang pader sa sobrang inis ko ,ewan ko ba kung sinasadya lang to ni alien para mainis ako sa kanya,pero di ko hahayaan na ganitohin niya ako,..
Pina akyat na si alien sa taas ng papa niya para maligo at magbihis,di pa pala naliligo yung alien na yun hehehe,di ko napansin yun ha,iba talaga pag mahal muna yung isang tao ,kahit di maligo okey lang,hahaha ,
Tatlo na lang kami ang nandito sa sala nila
Clark:buti naman jazz pumunta ka dito(sabi sa akin habang nakangiti)
Di ko siya sinagot,tumingin lang ako sa kanya,di ako makikipag close sayo clark,lalo pa't karibal kita kay alien,lalo tuloy uminit ang dugo ko sayo,
Ferdie:jazz,iho ..alam mo naman diba na matagal ng nililigawan ni clark tong anak ko,
Ako:actually tito,ngayon ko lang nalaman na nililigawan niya pala si sab,kasi kung matagal na niyang nililigawan si sab,bakit hanggang ngayon wala pang boyfriend tong si sab,yun din ang dahilan kung bakit ko nililigawan si sab kasi alam ko na single pa siya,hindi naman ako manliligaw kung may syota na siya
Ferdie:hehehe ,matalino ka iho,kaya pumayag akong manligaw ka sa anak ko ,pero di ibig sabihin nun ay boto na ako sayo ,
Clark:tito ,..
Ferdie:clark ,ikaw ang mag escort kay sab ngayong gabi ,
Ako:ako po tito ..
Ferdie:diba di ka susuko kay sab jazz ,
Ako:opo .
Ferdie:ikaw ang magiging driver nila ,at lahat ng sasabihin ni clark ay susundin mo
Ewan ko parang minaliit yata ako ni tito ferdie ,ginawa pa naman akong driver nila hayssss,akala ko swerte tong damit ko,malas pala ,tsk..balak ko sanang tumanggi kaso baka magalit si tito ferdie baka di na niya ako payagan sa panliligaw ko kay sab ,kaya kahit labag sa kalooban ko ay pumayag ako,tsk..
Ako:sige po tito kung yan ang gusto niyo ,ngayon lang gabi naman diba
Ferdie:hehehe,buti naman,sige malalaman natin kung saan aabot ang pagmamahal mo sa anak ko,
Maya maya ay bumaba na si alien,grabe kahit simple lang yung suot niya ang ganda niya,paano pa kaya kung naka make up na siya at nakabihis ng isang parang prinsesa,habang palapit siya sa amin ay nakatitig lang ako sa kanya ,pero biglang nalungkot yung mukha ko kasi hindi ako ang ka date ni alien,kundi tong clark na to,
Ewan ko bigla akong naging bad mood ngayon,kainis ..pag nandito si kevin tiyak kanina pa ako pinagtatawanan ,ang hirap pala kapag inlove ka sa isang babae,.
Sa sobrang badtrip ko ay lumabas ako nagpahangin ako dito ,baka magbago ang ihip ng ulo ko ,ng biglang tumawag si lemuel sa akin,kaya sinagot ko kaagad ito
Ako:hello ,(galit kung sabi sa kanya)
Lemuel:teka pare,bakit biglang bad mood ka ngayon,kanina lang pinagtatawanan mo ako,
Ako:wala ,mamaya pa ako makikipagkita sayo ..bat ka napatawag
Lemuel:hinuhuli mo diba si bryan marasigan
Ako:oo ,bakit uunahan mo ako,papatayin mo siya,subukan mo pre,magagalit na talaga ako sayo,wag mong gagalawin yung rapist na yun kasi ako ang papatay dun ,siraulo ka ..
Lemuel:gago !! ,wag kang mag alala di ko yun gagalawin,nais ko lang ipaalam sayo na nandun ngayon si bryan sa may mac arthur park,
Ako:paano mo nalaman na nandun siya,teka may tracking device ka ba na ginagamit ,
Lemuel:wala ,sinabi lang sa akin ng girlfriend ko ,
Ako:so kilala niya si bryan,ibang klase
Lemuel:nakalimutan muna ba na model yung girlfriend ko,at alam ng gf ko na hina hunting ko si bryan
Ako:alam ba rin ng gf mo na isa kang killer
Lemuel:hindi ,ayokong malaman niya yun sige na ibababa ko na to,may gagawin lang ako,goodluck nalang sa pagpatay kay bryan
Nakita ko na palapit na sila alien sa akin kaya binaba ko kaagad ang linya ..kaagad kung nilapitan si alien
Ako:ano ,aalis na ba tayo
Clark:oo brad,dun tayo sa may mac arthur park,sakto may mga glitters light na dun
Teka alam ba ni clark na nandun si bryan sa mac arthur park ,may binabalak ba siya ng di maganda,
Sabrina:diba delikado na dun
Clark:may mga bantay na dun sab,wag kang mag alala. Nandito naman ako sa tabi mo
Ang sarap upakan tong clark na to,pag nadamay dito si sab ,siya ang isusunod ko kay bryan,alam ko alam niya na nandun si bryan sa mac arthur park,gusto ko sanang di sundin si clark kaso naalala ko yung sinabi ni tito ferdie na sundin ko ang sasabihin ng gagong clark na to,hayssss ..kaya kahit nakakaramdam ako ng di maganda ay di na ako pumalag,tang inang pag ibig naman to ,di ko hahayaan na masaktan si alien ,nandun naman ako,wag lang magkakamaling magpakita dun sa akin si bryan ,
Ayun papunta na kami sa mac arthur park,inaamin ko na nagseselos ako sa kanila,bwesit ,talagang sinasadya talaga ni alien to ,kaya di ko napigilan ang sarili ko ,bigla kung inihinto ang kotse muntik pa silang masalubsob ,hahaha ,ayun galit na galit si alien sa akin,ang cute niyang magalit namiss ko to hahaha,pina andar ko ulit ang kotse at buti naman at di na sila naghaharutan sa harapan ko kasi pag ginawa ulit nila yun ay papaliparin ko tong kotse na to,hehehe
Maya maya ay nandito na kami,grabe ginawa talaga ako ngayon na alipin,para sa pag ibig ,tiis tiis lang jazz,pinabili ako ni clark ng snack,haysss !! ,siguro masayang masaya ngayon tong clark na to,kasi ginagawa niya akong utusan niya,may araw ka rin sa akin gago ka
Bumili na ako ng snack,nakipareho pa talaga si alien kay clark,bwesit !! ,
Heto nakabili na ako ng snack at papunta na ako kung nasaan sila clark nakita ko si alien na nakahawak ang kamay niya sa braso ni clark tsk.tsk..di ko namalayan na natapon ko na pala ang isang mineral water sa selos ko,kaya ayun nilapitan ko sila ,
Ako:nandito na yung pagkain niyo mga kamahalan
Kaagad na lumingon si alien sa akin gulat na gulat ang baliw na nandito na ako,naistorbo ko ba sila,tang ina talaga !!
Nasaan kaya yung bryan na yun,di ko pa nakikita ang anino ng rapist na yun,kaagad kung inabot kay clark yung pagkain niya
Sabrina:yung sa akin nasaan na ,
Ako:kunin mo,sabi mo hindi ka PWD(inis kung sabi)
Sabrina:ewan ko sayo nakakainis ka ..
Sabay siyang tumalikod,galit ang alien,siya nga iniinis niya ako,biglang may tumawag kay clark ,teka baka si bryan ang tumawag sa kanya,talagang lumayo pa talaga siya sa amin,siguro si bryan ang kausap niya,ayun umalis muna siya ..kami na lang ni alien ang nandito
Ako:oyyyy ...
Alien:tsssseeeeee !!(pagtataray niyang sabi)
Ako:wow !emotera ka na ngayon ha !!akala naman nito lalambingin ko
Alien:dont talk to me
Ako:wow !kanina emotera ngayon mataray na siya,hahaha ,2 in 1 ka na pala ngayon
Pagkasabi ko nun ay biglang humarap sa akin si alien,sayang di kami nagkahalikan hahaha ,nagtitigan kami ,at maya maya ay tinulak niya ako bigla siyang tumayo kaya kaagad kung hinawakan ang kamay niya,inamin ko sa kanya na nagseselos ako kay clark ,at nakita ko siya na napangiti siya,ibig sabihin na gusto niya talaga na magselos ako,hayssss ..
Ayun umupo na ako at uupo na sana si alien ng bigla akong makarinig ng putok ng baril at nakita ko si alien na siya ang natamaan nito ,kaagad akong tumayo at kaagad kung hinawakan si alien,
Ako:alien,wag mong ipipikit yang mga mata mo,tang ina !!
Pag alala kung sabi,takot na takot ako kasi baka kung ano ang mangyari kay alien,di ko mapapatawad ang sarili ko,
Clark:Jazz anong nangyari sa kanya,halika dalhin natin siya sa ospital,
Kaagad kung tiningnan ng masama si clark at kwenelyohan ko siya
Ako:pag may masamang mangyari kay alien,papatayin kita clark,alam ko ikaw ang may kagagawan nito,dalhin mo kaagad si alien sa ospital hahanapin ko yung walanghiyang bumaril kay alien,lagot ka sa akin pag may kinalaman ka dito..
Sabay kung tinulak si clark at kinarga ko si alien papunta sa kotse,yung mga tao dito ay nagkakagulo na,may napansin akong isang naka jacket na tao na may hood nakasuot ng panyo sa mukha nakatingin siya sa amin,siguro siya yung bumaril kay alien,kaagad kung pinasok si alien sa loob ng kotse
Ako:hoyyy,clark bilisan mo ang pag drive mo ,baka maubusan ng dugo si alien sige na umalis na kayo,kailangan pagbayaran ng taong yun ang ginawa niya kay alien
Clark:sige jazz,.
Ayun pina andar na niya ang kotse at umalis na sila,lord sana walang may masamang mangyari kay alien,pleasse ..ako na lang sana ang nabaril ..kaagad kung tiningnan yung misteryosong lalaking kanina pa nakatingin sa akin,nung balak ko siyang lapitan ay kaagad siyang tumakbo ,kaya hinabol ko siya ,ayun naghabulan kami ,akala niya di ko siya mahahabol bigla kung nahawakan ang kanyang jacket ,
Ako:sino ka !!
Hindi niya ako sinagot bagkus bigla niya akong binalabag ,napahiga ako sa damuhan,
Bryan:sayang hindi ikaw ang natamaan pero ayos lang natamaan ko naman yung pinakamamahal mong babae,hahaha
Nung marinig ko ang boses niya ay alam ko na si bryan tong nasa harapan ko,bigla akong tumayo at hinarap ko siya
Ako:sabi ko na nga ba at ikaw yan,magdasal ka na ngayon kasi di kita bubuhayin hanggang bukas,nagkamali ka ng kinalaban mo ,talagang dinamay mo pa si sab ,hayop ka !!(kaagad ko siyang sinapak)
Bryan:hehehe,sigurado ka ba sa sinasabi mo ,baka ikaw ang hindi na mabubuhay hanggang bukas
Inalis niya yung panyo niya sa mukha niya at bigla niyang pinaputok yung baril niya sa akin,buti naka ilag ako kaya kaagad ko siyang tinadyakan at kaagad kung inagaw ang baril niya,ang lampa pala tong kumag na to,kaya ayun tinutok ko sa kanya yung baril
Bryan:sige barilin mo ako para ikaw tong makulong habang buhay,di lang yung mawawalan ka pa ng lisensya ,hahaha
Sinapak ko siya gamit tong baril niya,ayun nagdugo yung pisngi niya
Ako:hindi ako bobo ,di katulad mo ,halika di kita papatayin dito (hinawakan ko damit niya)
Bryan:tumingin ka muna sa likod mo ..
Ako:anong sinasabi mo
Kaagad akong lumingon sa likod ko at nagulat ako ng bigla akong mawalan ng malay ...
Kevin:anong gagawin mo sa kanya ..
Bigla kung narinig ang boses ng bestfriend kung si kevin,dahan dahan kung minulat yung mga mata ko at nagulat ako nung makita na nandito nga si kevin at kausap niya si bryan,teka anong ibig sabihin nito ..
Itutuloy.