Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 29 - CHAPTER 28:Hallucination

Chapter 29 - CHAPTER 28:Hallucination

POV pa rin ito ni Jazz

Kevin:anong gagawin mo sa kanya ..

Totoo ba ang nakikita ko si kevin ba ang kasama ngayon ni bryan ,di ko magalaw ang sarili ko kasi nakagapos ako dito sa kina uupuan ko ,

Bryan:kamusta ang tulog mo,hehehe (pang iinis niyang sabi sa akin)

Malagkit ang titig ko kay kevin ,di siya makatingin sa akin ,

Bryan:masakit ba traydorin ng sariling kaibigan ,hahaha

Ako:pare,humarap ka sa akin ,(galit kung sabi kay kevin)

Kevin:pre ,patawad ,(pagmamakaawa sa akin)

Ako:anong ibig sabihin nito pare,bakit magkasama kayo ng rapist na bryan na yan

Bryan:kawawa ka naman ,trinaydor ka ng sarili mong kaibigan,masakit ba ,hahaha

Matalas pa rin ang pagtitig ko kay kevin ng bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya akong kinindatan ,agad ko itong kinagulat,teka ,parang alam ko na ang ibig sabihin nun ng pag kindat niya,grabe kinabahan ako dun akala ko talaga trinaydor ako ng sarili kung kaibigan,kaya sinabayan ko ang trip ni kevin,bigla ko siyang sinigawan

Ako:tang ina ka !! Kevin ...anong klase kang kaibigan ,hayop ka ,pag ako makawala dito ,ikaw ang una kung papatayin,walangya ka !!!

Bryan:whahahahaha 😂😂😂 kawawang jazz ,napakasakit naman ng ginawa sayo ng matalik mong kaibigan,its really hurts ,hahaha

Lumapit si kevin kay bryan

Kevin:ano ba talaga ang atraso sayo ni jazz ,bakit gusto mo siyang patayin(sabi niya kay bryan)

Bryan:di mo ba alam yang kaibigan mo ay isang killer

Biglang nagulat si kevin ng marinig niya mula kay bryan na isa akong killer,bigla siyang tumingin sa akin

Kevin:bryan,pwede mo bang kunin ang gamit ko dun sa kotse ko(inutusan niya si bryan habang nakatingin sa akin)

Bryan:papatayin muna ba yang ex bestfriend mo ,hahaha

Kevin:sandali lang bryan ,bakit mo nasabi na isang killer tong si jazz

Bryan:paano ko nasabi ,simple lang ,gusto niya kasi akong patayin ,

Kevin:(bigla niyang nilapitan si bryan)yun lang ang basehan mo ,

Ako:pag ako makawala dito magtago na kayong dalawa

Bryan:tingnan mo yang mga pinagsasabi ng jazz na yan,alam ko seryoso siya ,at alam ko na marami na siyang pinatay na tao ,kaya di ko hahayaan na patayin niya ako

Kevin:sige na bray ,kunin muna ang gamit ko sa kotse ko

Bryan:sige ,diyan ka lang

Kevin:sige

Ayun umalis na si bryan at biglang tumawa si kevin

Kevin:hahahaha

Ako:hoyyy ,siraulo ka ,kalagan muna ako dito,bwesit ka talaga pare

Kaagad na lumapit sa akin si kevin at kinalagan na niya ako ,bigla pa naman akong binatukan

Kevin:ayaw mo talagang magpa awat ano pare ,talagang dinamay mo pa yung tibong sabrina na yun,

Ako:siraulo ka ,di ko siya dinamay ,wala akong magagawa kasi nandun si clark,teka lang pare ,bakit pala kayo magkasama ng rapist na yun at ikaw ba ang nagpatulog sa akin kanina

Kevin:mamaya ko na lang ikwekwento sayo pare,kailangan muna natin bilugin ang ulo ng bryan na yun

Ako:meron ka pa ba diyang spray na pampatulog pare

Kevin:oo ,bakit papatulugin mo si bryan

Ako:pwedeng pahiram ..

Kaagad niyang binigay sa akin yung spray at kinuha ko naman ito

Kevin:anong gagawin mo diyan pare

Ako:pasensya ka na pare,

Kaagad kung inispray ang mukha ni kevin at kaagad siyang nawalan ng malay,

Pasensya ka na pre,di mo dapat malaman ng isa akong killer,narinig ko na paparating na si bryan dito ,kaagad akong nagtago sa likod ng pader

Bryan:bullshit !! Kevin ,hoyyy,gumising ka ,tang ina !!(ginigising niya si kevin) paano nangyari na nakataas yung jazz na yun,hoyyy ,gumising ka !!

Kaagad kung sinipa sa likod si bryan at kinuha ko kaagad ang baril dun sa likod niya

Bryan:anong gagawin mo,wag mong itutuloy yan kundi makukulong ka (kinakabahan habang nagsasalita)

Hinihimas himas ko yung baril sa harapan niya

Ako:ayos lang akong makulong,ang importante ay mabawasan ko ang mga masasamang tao dito sa mundo ..

Bryan:tang ina ka ,anong akala mo sa sarili mo santo ,

Ako:hindi ako santo ,isa akong pilosopher ,hehehe ,sabihin mo nga bryan ,plinano niyo ba to ni clark

Bryan:alam mo yung tungkol kay clark

Ako:grabe ,napaka bobo mo talaga,sayang yang itsura mo ,walang laman yang utak mo,wala kang kwentang kaibigan,pinapahamak mo ang sarili mong kaibigan,

Bryan:anong ibig mong sabihin

Ako:totoo nga ang hinala ko sa clark na yun,sabihin mo member ba kayo ng kutsilyo gang ni clark

Bryan:pag sinabi ko ba ang totoo ,di muna ako papatayin

Ako:oo ,di na kita papatayin,sabihin mo ,totoo ba

Magsasalita na sana si bryan na biglang may nagpaputok ng baril at nakita ko na tinamaan si bryan sa kanyang ulo ,di na siya nakapagsalita ,bigla na lang siyang natumba,at ako syempre nagulat ako ,agad akong tumingin sa likod ko at nakita ko si lemuel hawak hawak niya yung baril ko ,teka paano niya nakuha ang baril ko ,nilapitan ko siya

Ako:bakit mo yung ginawa sa kanya ,nasisiraan ka na talaga ng ulo (galit kung sabi kay lemuel)

Lemuel:ang dami mo pa kasing kudak ,naiinip na ako kanina pa dito,

Ako:kanina ka pa nandito,teka nagkita kayo ng kapatid mong si kevin

Lemuel:ano pa nga ba,pasalamat ka ,pinatay ko na siya para sayo ,

Kaagad kung sinapak si lemuel

Lemuel:tang ina ,bakit mo ko sinapak,

Ako:diba sinabi ko sayo na wag mong pakikialaman yung mga target kung patayin anong akala mo sa akin di ko kayang patayin yang rapist na bryan na yan,at baril ko pa talaga yung ginamit mong pagpatay sa kanya,

Lemuel:pasensya ka na pare ,gusto ko na kasing matapos tong mga nangyayari eh,gusto ko ng ubusin lahat ng kriminal lalo na yung leader nila pati yung sinasabi niyang clark,kilala mo yung clark na yun

Ako:paano natin malalaman kung sino ang leader nila eh,pinatay muna yang bryan na yan,di ko malalaman kung sino ang leader nila,siraulo ka !!

Lemuel:nandiyan pa naman si clark diba,ano ngayon ba mismo natin siya papatayin,maaga pa naman ,alas 10 pala ng gabi ,

Ako:oo nga pala,si alien ,sana mabuti na ang lagay niya,kailangan ko siyang puntahan ngayon,

Lemuel:teka lang pare ,paano yang bangkay ni bryan ,

Ako:sunugin mo ,hindi siya pwedeng makita ng mga pulis lalo na yung ama niya kasi malalaman nila na may kinalaman ako sa pagpatay kay bryan,

Lemuel:paano nila malalaman yun,

Ako:walangya ka talaga,isa ka ring bobo,(sinigawan ko siya) baril ko yung ginamit mo para patayin siya at yung bala na nakabaon sa ulo niya ay sa akin yun,naka record yun sa akin,sabagay karayom lang naman pala yung ginagamit mong pagpatay ,sige na iwanan na kita dito,at pag nagising yang kapatid mong si kevin ,mag usap kayo ,matagal na kayong di nag uusap ,

Lemuel:seryoso ka ba diyan ,diba may pag uusapan pa tayo kaya nga ako pumunta dito eh ,diba tayo gagawa ngayon ng action,

Ako:pare ,mamaya na lang tayo mag usap,kailangan ko munang puntahan si alien ,kailangan kung makasiguro kung okey siya ,at hindi pa tayo ngayon gagawa ng action,siraulo ka,wag kang magpadalos dalos,dalawa lang tayo marami ang kutsilyo gang,baka tayo ang mapahamak,kailangan ko munang malaman kung sino ang putang inang leader ng kutsilyo gang na yan kasi siya ang una kung papatayin ,

Lemuel:iba may lovelife na ang kumag ,sige ako na ang bahala kay bryan,susunugin ko nalang tong katawan niya ,

Ako:sige ,pag hinanap ako ni kevin ,sabihin mo na nasa ospital ako

Lemuel:sige ,saang ospital ba yan

Ako:saint mary

Lemuel:sige ,pambihira ..

Ayun umalis na ako,iniwan ko na si lemuel at nung nandito na ako sa labas,nakalimutan ko na wala pala akong dalang motor,kaagad akong bumalik sa loob ,nakita ko si lemuel na binubuhat niya na si bryan ,

Lemuel:bakit ka bumalik

Ako:pahiram ng susi ng motor mo

Lemuel:gago ka ba ,anong gagamitin ko pag uwi ko,

Ako:may kotse yang utol mong si kevin,sumakay ka na lang sa kanya

Lemuel:ayoko !! ,kung yung kotse na lang ni kevin ang gamitin,

Kaagad akong lumapit kay lemuel at kinuha ko ang susi niya sa may short niya ,

Ako:ang dami mo pang sinasabi ,alis na ako

Lemuel:bwesit ka talaga !!

Ayun kaagad akong umalis at maya maya ay nandito na ako sa labas ,kaagad kung pina andar ang motor ni lemuel ,di na ako ng helmet ,ayun pinatakbo ko na ito ng mabilis ,..sana okey lang si alien ,

After ilang minuto ay nandito na ako sa ospital kaagad akong pumasok sa loob,nilapitan ko kaagad yung nurse sa information station

Ako:miss ,saan na confine si sabrina del pilar

Nurse:wait lang po sir ,,

Habang tinitingnan ng nurse yung records ni alien ay may lumapit sa akin na lalaki ,masama ang tingin niya sa akin,

Ako:may problema ba tayo brad !!!

Lalaki:pulis ka ba ?

Ako:bakit mo naitanong ?

Lalaki:pumapatay ka ba ng mga kriminal ,

Ako:teka sino ka ba ?

Lalaki:totoo nga pulis ka nga,mag ingat ka ,nasa piligro yang buhay mo,marami na ang nakakaalam kung sino ka ,baka matulad ka sa akin tanging ang diyos lang ang magbibigay ng parusa sa kanila,at hindi ikaw yun

Ako:siraulo ka ba ,anong natira mo ha ,wag mo akong pagtripan kundi masasaktan ka ..

Nurse:sir ,sino po ba yung kausap mo ..

Kaagad akong tumingin sa nurse

Ako:di mo ba siya nakikita ha ..

Nurse:hindi,kayo lang naman mag isa diyan na nakatayo

Kaagad kung tiningnan yung lalaki pero laking gulat ko na bigla itong nawala,teka anong nangyari,bakit bigla siyang nawala

Nurse:sir ,may third eye po ba kayo

Binaling ko ulit yung tingin ko sa nurse,ewan ko bigla akong kinabahan ,multo ba yung kausap ko kanina ,hindi ,hindi totoo ang multo ,

Nurse:sir,okey ka lang ba ?

Ako:nasaan na ,

Nurse:yung ano po sir,

Ako:kung saan na confine si sabrina del pilar nasaan na ..

Nurse:ah ,dito po siya na confine sa ospital na to

Ako:pwede ba ,wala akong oras makipag lokohan sayo,

Nurse:hehehe,ang HB mo naman sir,gwapo ka pa naman,sa room 13 siya na confine ,girlfriend mo ba siya

Ako:salamat !!

Kaagad akong umalis sa harapan ng nurse na yun,wala akong time makipag usap sa babaeng yun,,tumakbo ako para makapunta kaagad ako kay alien,ng bigla akong may nakabangga

Ako:pasensya na boss ,

Matulis ang tingin niya sa akin,teka baka multo rin tong kaharap ko,kaagad ko siyang hinawakan sa balikat niya

Jonas:bitawan mo yan,(kaagad niyang iniwas ang kamay ko)sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo baka di mo alam kung sino ako(galit niyang sabi)

Ako:teka lang,humingi na nga ako ng pasensya sayo diba,ano ba ang problema mo pare,wala akong pakialam kung sino ka ,kasi di mo rin alam kung sino ako,wag mo akong titigan ng ganyan baka tanggaling ko yang malalaki mong mata(galit ko ring sabi sa kanya)

Nagulat ako ng bigla niyang pinakita yung braso niya sa akin na may tattoo ng kutsilyo na nakatusok sa puso ,member rin siya ng kutsilyo gang

Jonas:gulat ka ,pasalamat ka ,good mood ako ngayon kundi ,lagot ka sa akin

Kaagad siyang umalis ,balak ko sana siyang sundan kaso naisip ko si alien,nagkakalat na yung mga member ng kutsilyo gang ,ilan pa kaya sila ,dalawa pala ang alam kung namatay sa kutsilyo gang,si bryan at si garry,magkikita pa tayo ..pasalamat ka ,mas importante si alien ,

Ayun pumunta na ako kay alien ,at maya maya ay nandito na ako sa labas ng room niya ,bubuksan ko na sana ang pinto na marinig kung nag uusap sila clark at tito ferdie

Clark:tito ,seryoso ka ba talaga ..

Tito ferdie:oo clark lalo pa't ngayon nadamay na tong anak ko ,

Clark:so ano ang gagawin mo kay bryan

Tito ferdie:kailangan niyang maparusahan

Clark:paano kung nahuli siya ni jazz ,

Tito ferdie:edi mas maganda,alam ko ang ugali ng jazz na yun,di yun titigil hanggang di niya maipaghiganti si sabrina ,lalo pa't mahal niya yung anak ko

Clark:kawawa naman si bryan,

Tito ferdie:mas kawawa siya kung ako ang magparusa sa kanya,hindi talaga nag iisip yung bryan na yun,at ikaw rin clark,bakit di mo ito pina alam sa akin

Pagkasabi nun ni tito ferdie ay nagulat ako at nakaramdam ng kunting kaba,teka anong ibig sabihin ni tito ferdie,

Itutuloy.