Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 25 - CHAPTER 24:LEMUEL ?

Chapter 25 - CHAPTER 24:LEMUEL ?

POV na ito ni JAZZ

Talagang nagpapakita ng motibo tong si clark para paghinalaan ko siya,ano kaya ang pinaplano niya ,sige unahan na lang kami kung sino ang unang matutumba sa amin,hahaha

Nung pumunta kami nila kevin sa guitars hub para hulihin yung rapist na bryan na yun ay akala namin ay nakatakas na yung rapist na bryan na yun ,buti na lang may nagsabi sa amin na isang babae na nandun lang sila sa labas nag uusap ng kanyang kaibigan kaya kaagad kaming lumabas baka umalis na sila ,at nagulat kami nung palapit sa amin si clark kasama niya yung rapist na bryan,kaagad akong nagduda na si clark at bryan ay magkakilala ,akala niya di ko mahahalata ang kanilang pagpapanggap,kahit anong gawin mo clark ,hinding hindi mo ako mapapaniwala sa mga walang kwentang bagay na pinapakita mo sa akin,

Dun ako nabigla ng biglang dumating si marcos,akalain mo yun,biglang pumunta dito si marcos,sino ba ang hindi magugulat na yung assignment area ni marcos ay dun pa sa kabilang bayan ,imposible naman na makialam siya sa kaso ni bryan ,,kaya hahayaan ko na lang sila ,malalaman ko rin ang pinaplano nila ,kaya ayun umalis na kami nila kevin papunta sa prisinto ,pero bago ko paandarin ang motor ko ay may napansin akong lalaking naka face mask at nakasuot ng sombrero ,parang nakatingin siya kina clark,gusto ko sana siyang lapitan kaso wag na lang baka baliw lang to na nakasinghot ng rugby , kaya ayun pina andar ko na ang motor ko ,sumunod na ako kina kevin ,di pa ako nakakalayo ng bigla kung iliko ang motor ko,ewan ko bigla kung naisip na balikan sila clark at si marcos ,parang nakaramdam ako ng kakaiba ,kaya ayun babalikan ko sila clark ..

After ilang minuto ay nandito na ako sa labas ng guitars hub,nagulat ako na maraming tao ang nakapalibot dun sa may malapit sa puno ng mangga,kaagad akong nagtanong sa lalaking papalapit dito sa akin

Ako:boss,anong nangyari ? Bakit maraming tao dun(sabay turo ko)

Lalaki:may pinatay dun na pulis ,

Pagkasabi nun ng lalaki ay nagulat ako ,bigla kung naisip si marcos,baka siya ang tinutukoy ng lalaki,kaya kaagad akong pumunta dun,

Ako:excuse me ,pulis ako ,paraanin niyo ako ,

Kaagad na tumabi tong mga chismosa at chismoso na mga ito ,at nagulat ako nung makita kung si marcos nga ang pinatay na pulis,kaagad akong lumapit kay clark ,

Ako:clark anong nangyari kay marcos

Pagkasabi ko nun kay clark ay nagulat siya nung makita niya ako,talagang nagulat siya na nandito ako,galit pa siya ,ang sarap sapakin ng pagmumukha ng taong to ,ng biglang dumating ang ambulance,kinuha kaagad ang katawan ni marcos,hindi sumama si clark ,bagkus ay susunod na lang siya ,kaya matapos umalis ang ambulance ay tiningnan ko ng masama si clark ,malaki talaga ang hinala ko sa taong to ,

Clark:oh ! Bakit ganyan ka makatingin ?may problema ba tayo ?

Tang ina ,galit pa ang gago ,

Ako:sino ang may gawa nun sa kanya ? Bakit siya pinatay ?

Pagkasabi ko nun ay bwesit galit na galit ang putang inang clark na to,daig pa si alien kung magalit ,pasalamat siya nasa kondisyon ako ngayon at hindi siya ang target ko kundi ang pumatay kay marcos pati sa bryan na yun,mukhang dalawa ang mapapatay ko ngayon,si bryan at yung killer ni marcos

Kaya tinalikuran ko siya at mukhang naghahanap talaga ng gulo tong clark na to,sinigawan pa ako ,pareho lang kami ,pinaghihinalaan namin ang isa't isa,tang ina !! ,pag malaman niya talaga na ako ang pumatay sa uncle niya ay tiyak maghihiganti yun sa akin,hahaha

Balak na sana akong sapakin ni clark ng biglang dumating yung lalaking tumulong sa akin kanina na makuha ang cellphone ko ,nung marinig ko talaga ang boses ng matandang lalaki na to ay parang familiar ,di ko lang matandaan kung kailan at saan ko ito narinig ,siguro mahilig to sa bakbakan kasi malaki ang katawan kahit may edad na ,di ko na tinanong ang pangalan niya ,umalis na lang ako kasi kailangan kung imbistagahan ang katawan ni marcos,di ako titigil kung sino ang pumatay sa kanya,kaya pina andar ko na ang motor ko at ayun umalis na ako,papunta na ako sa ospital ,

After ilang minuto ay nandito na ako sa ospital kaagad akong pumunta sa morgue ,,at nandito na ako sa loob nakita ko yung katawan ni marcos kaagad akong lumapit sa kanya

Embalsamador:sir,kayo po ba ang kamag anak ng namatay

Ako:hindi,isa akong detective ,sandali lang gusto ko lang tingnan kung paano pinatay ang biktima

Embalsamador:sige po ,

Kaagad kung hinawakan ang leeg ni marcos at may napansin akong isang maliit ng stick para siyang karayom na maliit ,nakatusok sa leeg ni marcos ,siguro ito yung ginamit sa pagpatay kay marcos at alam ko na kung sino ang pumatay sa kanya,so bakit niya kaya pinatay si marcos ,ano kaya ang atraso niya ,sinabihan ko na siya na wag na wag niyang gagalawin ang mga pulis kahit may ginawa itong atraso sa kanya,pwede naman ako ang gumawa nun para sa kanya ,hindi siya sumusunod sa usapan ako nga di ko ginagalaw yung ibang mga kriminal kasi sabi niya siya na raw ang papatay dun,tapos ngayon pumatay siya ng kapwa ko pulis,humanda siya sa akin,siya ang papatayin ko ,akala niya di ko malalaman ang ginawa niya kaya pala familiar kanina yung tindig niya,nakatakip face mask pa talaga siya at naka sombrero pero di ko siya nakilala ,hanep !!

Heto paalis na ako sa morgue ,ng biglang tumawag sa akin si cecilia,sinagot ko kaagad ito ,

Ako:hello !! ,

Cecilia:nasaan ka ? ,hinahanap ka ni general

Ako:papunta na ako diyan ,may inasikaso lang ako ,

Cecilia:sige ,nandito na ang tatay ni bryan ,galit na galit ,

Ako:galit na galit talaga,porket abogado yang tatay niya,hindi siya uubra sa akin

Cecilia:anong ibig mong sabihin na hindi uubra sayo,

Ako:wala ,sige papunta na ako diyan,wag kayong papayag na makalabas yan sa kulungan yang rapist na yan

Cecilia:di ko lang alam dito kay general,jazz

Ako:bakit ?

Cecilia:parang papalayain yata niya ngayon si bryan kasi wala raw warrant of arrest na binigay sa kanya,tayo pa raw ang kakasuhan ng papa niya

Ako:ibang klase,sige pupunta na ako diyan,ibababa ko na to ..

Cecilia:sige bilisan mo jazz,

Ayun pinatay ko na ang tawag,tang ina !! ,di ko hahayaan na mawalan ng hustisya yung mga babaeng nirape niya ,kung nakaligtas siya kay general ,sa akin hindi ,mamayang gabi ,humanda ka sa akin bryan ,papatayin kita ,sinasagad mo talaga ang pasensya ko sayo ,isa pa dun yung lemuel na yun yung pumatay kay marcos,

Habang ako ay palabas ng ospital ay nakita ko si clark na papalapit sa akin,

Ako:anong ginagawa mo dito. Mag iimbestiga ka rin

Clark:hindi ,gusto ko lang humingi ng pasensya sa ginawa ko

Pagkasabi nun ni clark ay parang nahiwagan ko kaagad siya,teka ano na naman ba ang binabalak niya,wala sa ugali ng taong to ang humingi ng pasensya kaagad sa akin,eh ! Halos pareho kami ng ugali ng clark na to,

Pagkasabi ko sa kanya na alam ko na kung sino ang pumatay kay marcos ay nagulat siya,sabi ko na nga ba magkakilala sila ni lemuel,maghintay ka clark kasi ikaw ang isusunod ko sa mga kaibigan mong sila lemuel at bryan,kaibigan ko rin naman si lemuel pareho kasi kaming killer ,pero sa ginawa niya ito ewan ko di ko siya mapapatawad ..kahit magkapatid pa sila ni kevin

Gusto niya pa talaga makipagkaibigan sa akin,hahaha,ULOL NIYA !!! ,marami na akong kaibigan,baka kaaway gusto niya,hahaha,kaya iniwan ko siya at talagang ayaw ako tigilan ng taong to ,

Clark:may lakad ka ba ngayon,jazz

Bigla ko siyang nilingon,teka nababakla na ba to sa akin,hahaha,sorry siya hindi ako bakla ,kagaya niya,nagulat ako ng sabihin niyang gusto akong makita ng papa ni alien ,oo gusto kung makilala yung papa niya pero bakit ako gustong makita ng papa ni sab,,kaya sinabihan ko siya na mamaya ko pupuntahan si alien ,kailangan ko munang bumalik sa opisina,

Heto iniwan ko si clark sa loob ,pina andar ko na ang motor ko ,papunta na ako sa opisina ,

After ilang minuto ay nandito na ako sa opisina ,narinig ko kaagad ang boses ni kevin

Kevin:sir,bakit niyo namang hinayaan na palayain yung bryan na yun

Bigla akong sumabat sa kanila

Ako:ano ? ,pinalaya niyo yung rapist na bryan na yun sir,

General:buti naman at nandito ka na jazz,saan ka ba nanggaling

Lumapit ako sa kanila

Ako:si marcos patay na,pinatay siya

Cecilia:ano ,eh ! Kausap pala natin siya kanina,kasama diba niya si clark

General:alam mo ba kung sino ang pumatay sa kanya jazz,si alyas blackshades ba ang pumatay sa kanya

Grabe ako talaga ang naisip ni general na pumatay kay marcos,hayssss !!

Kevin:pre (lumapit sa akin),sino ang pumatay kay marcos

Hindi ko pwedeng sabihin kung sino ang pumatay kay marcos kasi masisira ang plano ko sa pagpatay kay lemuel ,

Ako:di ko pa nalalaman pero aalamin ko yun,pero sir ,maiba tayo. Bakit mo pinalaya yung bryan na yun

General:kasi nga wala tayong warrant of arrest bukas huhulihin ulit natin siya,alam mo naman yung tatay nung bryan na yun,abogado ..

Ako:alam mo ba kung nasaan ang bahay ng bryan na yun ,sir

General:bakit jazz ,ikaw ha !! ,gagawa ka na naman ng aksyon na walang pahintulot ko

Kevin:pare naman ,para ka namang walang tiwala sa amin ni cecilia,hehehe

Ako:hehehe ,grabe naman kayong dalawa,masama bang magtanong kung nasaan yung bahay nila,diba pupuntahan natin sila bukas,para hulihin ulit yung bryan na yun

Cecilia:yun naman pala eh ,,

General:nakalusot ka dun jazz ha ,sige dun siya nakatira sa san jose ,brgy balilet ,

Ako:anong cluster sila ,anong block

General:aba malay ko ,yun lang ang alam ko eh ,sige alis muna ako ,may pupuntahan ako

Ako:hehehehe saan kayo pupunta sir

General:basta ,

Ayun umalis na si sir ,at heto nakangiti sa akin tong siraulong kevin na to

Kevin:pare,anong plano mo susugurin mo yung bryan na yun ngayon,hehehe

Cecilia:jazz ,kung ano man yang pinaplano mo ay wag mo ng ituloy

Ako:tumahimik nga kayong dalawa,kailan pa kayo nagkanyan,hahaha,sige na umuwi na tayo ,alas 5 na ,

Kevin:umaga pa naman pre,mag inuman muna tayo nila cecilia

Cecilia:pass muna ako diyan,kailangan kung umuwi kaagad sa amin ,

Ako:bakit ?anong meron sa inyo(tanong ko kay cecilia)

Cecilia:umuwi na kasi yung kapatid ko galing sa probinsiya ,

Ako:kapatid ? Sino ?

Kevin:wow !! ,bakit ka nagtatanong ng ganyan parekoy ,hehehe

Ako:wala ,nagulat lang ako kasi may kapatid pala si cecilia galing sa probinsiya ,

Cecilia:pasensya na kayo ha! Di ko sinabi sa inyo tungkol sa kapatid kung si ivan

Ako:ivan ? ,

Cecilia:oo ,bakit jazz ?

Kevin:bakit pre ?kilala muna ba yung kapatid ni cecilia,

Ako:hindi ,nagulat lang ako,hehehe ,di ko pa nga nakita yung mukha ng ivan na yun,sige tutal hindi naman kami mag iinuman ni kevin

Kevin:pare naman,pagbigyan muna ako,ngayon nga lang wala dito yung misis ko,ngayon lang ako makakapagpatakas sa pag inum

Ako:wrong timing ka pre ,hahaha,may pupuntahan ako ngayon

Kevin:sasama ako sayo

Ako:hahaha,bahala ka ,so ano umalis na tayo dito

Cecilia:tara ..

Ayun umalis na kaming tatlo

Heto umalis na si cecilia ,

Kevin:pre,dito ka na lang sumakay sa kotse ko

Ako:siraulo. Di ko iiwan dito yung motor ko,teka sasama ka ba talaga sa akin pre,tang ina ! ,

Kevin:hahaha ,wag na lang ,pupuntahan ko na lang yung pinaayos kung sapatos at pantalon

Ako:buti naman ,sige bukas nalang

Kevin:sige ,alis na ako pre ..

Ayun umalis na si kevin,heto tatawagan ko muna si alien kung nandun siya sa bahay nila ,baka pagpunta ko dun ay si clark na naman ang makita ko dun,

Ring.ring.ring.ring

Harold:hoyyy !! Tigilan muna ang ate ko,di kayo bagay ,wag muna siyang guluhin,,,

Sabrina:ano ba harold,akin na nga yan,siraulo ka talaga,boysit ka !!

Harold:susumbong kita kay papa,humanda ka ate ..ang landi mo ..

Sabrina:hello ,anong kailangan mo manyakis ha !!

Ako:hehehe,so nagkita na pala kayo ng papa mo,ang saya mo na pala ngayon at lalong sumaya yang pakiramdam mo nung tumawag ako sayo hehehe

Sabrina:hoyy !!,wag mo akong dadaanin sa mga matatamis mong pick up line,siraulo ka ,pwede ba ,tigilan muna ako manyakis ,

Ako:bakit naman kita susundin,nanay ba kita ,pupunta ako diyan,at wag kang aalis diyan kundi ...

Sabrina:kundi ano(galit niyang sabi)

Ako:kundi hahanapin pa rin kita hehehe heto naman laging highblood sa akin,hindi naman ako baboy para ma highblood ka sa akin,hehehe

Sabrina:shut up !! ,bye ..

Ayun binaba na niya ang tawag,grabe bakit kaya galit na galit yun sa akin,dapat nga good mood siya ngayon kasi nagkita na sila ng papa niya ,

Itutuloy.