POV pa rin ito ni Clark
Ewan ko ba bakit bigla akong nakakaramdam ng kaba,baka ako ang isunod kay marcos ,di ako mapakali ,kaya tinawagan ko ang number na nagtext sa akin ..
Ring.ring.ring.ring.ring.ring.
Biglang pinatay ang tawag ko sa kanya,kaya sinubukan ko ulit kaya lang out of coverage na ito,teka ayaw niya ba akong kausapin natatakot ba siya na malaman ko kung sino siya ,,
Biglang nagsilapitan ang mga tao dito sa amin ,
Chismosa 1:kawawa naman siya,sino kaya ang pumatay sa kanya,
Chismosa 2:sana madakip kaagad yung may gawa niyang sa kanya,kawawa yung mga anak niya at asawa niya ..
Chismosa 3:nasaan na yung ambulance bakit di pa siya kinukuha ,
Di ko na lang pinansin yung mga chismosa na narito ,
Jazz:clark anong nangyari kay marcos ..
Nagulat ako ng makita ko ang pagmumukha ng jazz na to,teka bakit siya nandito ,
Ako:anong ginagawa mo dito ,(pagtatakang sabi ko sa kanya)
Jazz:bakit bawal ba akong bumalik dito,tabi diyan nandito na ang ambulance
Nakita ko na nandito na ang ambulance,kaagad na tumabi yung mga tao,pati na rin ako ,
Maya maya ay kinuha na nila si marcos ,
Nurse:di ka ba sasama sir?(sabi sa akin)
Ako:susunod na lang ako,may sasakyan kasi ako,saan bang ospital niyo siya dadalhin
Nurse:sa saint mary ospital,iimbestigahan muna siya bago siya dalhin sa morgue
Ako:sige ..
Ayun pinasok na nila si marcos at pina andar na nila ito ,biglang tumingin sa akin si jazz
Ako:oh !! Bakit ganyan ka makatingin ? May problema ba tayo ?
Jazz:sino ang may gawa nun sa kanya,bakit siya pinatay ?
Ako:mukha ba akong taga SOCO ,di ko alam pati rin ako nagulat ,bakit paghihinalaan mo na naman ako,bakit di mo nalang ako ikulong para matapos na tong paghihinala mo sa akin(galit kung sabi sa kanya)
Jazz:tumahimik ka nga diyan clark,para kang si alien,may regla ka ba ngayon ha ,daig mo pa ang babaeng magalit,akala mo naman lalambingin kita,,tinatanong ko lang naman kung sino may gawa nun sa kanya,masyado kang defensive diyan ka na ,mag emo ka diyan ,,kailangan kung puntahan si marcos ,
Talagang ginagago ako ng taong to ,ewan ko lang pag di ako makapagtimpi ..
Biglang umalis tong gagong to kaya sinigawan ko siya
Ako:hoy !!! talaga bang hinahamon mo ako ha !!(sigaw ko sa kanya)
Jazz:(bigla siyang lumingon)wag mo akong umpisahan ,
Ako:sabihin mo nga bakit kaagad kang pumunta dito ,diba umalis na kayo kanina,may kinalaman ka ba sa pagpatay kay marcos ,o di kaya may kinalaman ka tungkol sa most wanted na blackshades na yun
Jazz:(lumapit siya sa akin)sa lahat na magsasalita tungkol sa akin ng ganyan,ikaw pa talaga,hanep ka rin clark ,hahaha ,pasalamat ka wala pa akong ebidensiya tungkol sayo,pag malaman ko talaga na member ka ng kutsilyo gang wag na wag kang magpapakita sa akin at bakit si blackshades ang pinaghihinalaan mo na pumatay kay marcos bakit hindi yung leader ng kutsilyo gang ang paghinalaan mo ,teka teka baka member rin ng kutsilyo gang yang si marcos kaya si blackshades ang pinaghihinalaan mo clark,alam mo nahahalata ko na talaga na member ka ng kutsilyo gang kasi si blackshades ang pinaghihinalaan mo,
Matapos niyang sabihin yun ay balak ko na sana siyang sapakin kaso
Tito ferdie:clark,tigilan mo yan (sigaw niya sa akin)
Bigla kaming napatingin ni jazz kay tito ferdie,teka bakit nandito si tito,lumapit siya sa amin
Jazz:teka ,ikaw yung dumakip kanina sa snatcher ng cellphone ko ,tama ba ?
Tito ferdie:ang talas naman ng memorya mo iho ,oo ako nga yun,nice to see you again ,(ngiti niyang sabi kay jazz)
So gumawa na pala ng action si tito laban kay jazz,
Jazz:kilala mo pala yang taong yan(sabay turo sa akin)
Tito ferdie:oo,inaanak ko para ko ng tunay na anak to,ano ba ang pinag aawayan niyo,
Jazz:wala ,sige alis na ako ,at salamat nga pala kanina ,
Tito:saan ka pupunta iho ,
Jazz:may pinatay kasing pulis dito at dinala na siya sa ospital,pupuntahan ko ang katawan niya para mag imbestiga kung ano ang ginamit sa pagpatay sa kanya
Tito:ganun ba ,sige mag ingat ka dun at sana malaman mo kaagad kung sino ang pumatay sa kanya,
Jazz:sige alis na ako,
Ayun pina andar na ni jazz ang motor niya at umalis na ,bigla akong sinapak sa mukha ni tito ferdie ,at kaagad akong nagulat
Ako:bakit niyo ginawa yun
Tito:akala ko ba makikipag kaibigan ka dun sa taong yun bakit nakikipag awayan ka dun
Ako:tito,mahirap po kasi ang pinapagawa niyo,
Tito:alam mo clark,habang tumatagal nagiging bobo ka !!,pinapatay ko na nga si marcos para magka mabutihan kayo ng jazz na yun,pero nakikipag talo ka pa sa kanya paano natin malalaman kung siya talaga si blackshades
Pagkasabi nun ni tito ay nagulat ako at bigla akong nanghina
Tito:tang ina ,anong nangyayari sayo clark,(galit niyang sabi sa akin)
Ako:tito,bakit niyo ginawa yun kay marcos,bakit pinapatay niyo ang kabilang sa kutsilyo gang
Tito:,wala naman yung pinagbago clark,ginawa ko yun para sayo para maging kaibigan mo yung jazz na yun pero anong ginawa mo,kaya pumunta ka dun sa ospital makipag tulungan ka kay jazz
Ako:kailangan niyo talagang pumatay ng kasangga natin para lang sa jazz na yun at tito tinakot muna man ako kanina,ikaw lang pala yung nagtext sa akin kaya pala familiar yung format ng text.
Tito:hoy !! Clark ,kilala mo naman ako diba,isa akong serial killer ,,at isa pa para to sa atin,malaki ang hinala ko na si jazz at si blackshades ay iisa,pag nadispatsa na natin si jazz ay wala na tayong problema,at oo ako yun ,diba effective ,
Ako:bakit hindi mo na lang siya patayin kaagad para matapos na to at hindi na sila magkalapit pa ni sab
Tito:ayan na naman tayo clark eh !! ,paulit ulit na lang tayo,ayoko ng magpaliwanag sayo,baka masapak pa ulit kita,,sundin mo na lang pinagagawa ko sayo clark,wag munang painitin pa ang ulo ko
Ako:pasensya na po tito,sige aalis na ako,saan naman po kayo pupunta
Tito:sa mga anak ko,magpapakita na ako sa kanila,kailangan ko ng gumawa ng action,lahat ng inutusan ko na patayin yang blackshades na yan ay sila ang namamatay ,pinapatay sila ni blackshades,masyadong magaling yang blackshades na yan kaya gusto kung malaman kung sino talaga yan,at alam ko na si jazz ay si blackshades,kasi galit na galit rin siya sa may tattoo
Ako:kaya si sab naman ngayon ang gagamitin mo tito para lang madakip mo si jazz
Tito:hindi naman sa ginagamit ko ang anak ko sa kanya,
Ako:paano kung magkagusto ng tuluyan si sab kay jazz ,paano na ako tito
Tito:wag kang mag alala clark,kasi papatayin ko naman yung jazz na yun,sige na umalis ka na ,
Ako:last na lang tito,baka sa huli nito ikaw ang mapahamak,kayo ni sab ,baka kayo ang maging biktima dito,
Tito:sa tagal kung naging killer clark,ngayon ka pa natatakot ,hahaha,nasaan na yun clark na nakilala ko na puro lang positive ang iniisip ,sige na umalis ka na at mamaya pagkatapos niyo dun sa morgue ay pumunta kayo sa bahay ,isama mo si jazz,
Eto na yata ang pinakamahirap na pinagagawa sa akin ni tito ,tsk...pero wala akong magagawa kundi sundin siya,wala kasing sinasanto tong si tito ferdie ,baka pati ako ay idispatsa niya
Ako:sige ,alis na ako tito ,
Tinalikuran ko na siya at bigla siyang sumigaw na.
Tito:salamat clark ...
Di ko na siya nilingon,ewan ko ang bigat sa pakiramdam ,paano kung ako na lang ang pumatay sa jazz na yun para matapos na to ,pero baka ako naman ang patayin ni tito pag pinatay ko si jazz,haysss ,ang hirap naman nito.
Sumakay na ako sa kotse ko at papunta na ako sa morgue ..
Maya maya ay nandito na ako sa ospital at bumaba na ako ng kotse kaagad akong pumunta sa morgue at nakita ko si jazz na palabas na ng morgue ,bigla ko siyang nilapitan habang may kausap siya sa kanyang cellphone
Jazz:(binaba niya yung cellphone niya)anong ginagawa mo dito mag iimbestiga ka rin
Ako:hindi,gusto ko lang humingi ng pasensya sa ginawa ko ,
Grabe tumayo ang balahibo ko nung sabihin ko yun sa gago na to
Jazz:wow ,ang plastic natin ha !! ,ano na naman yang pakulo mo clark,wag kang mag alala di kita paghihinalaan na ikaw ang pumatay kay marcos kasi alam ko na kung sino ang pumatay sa kanya at sabihin mo sa kanya na magtago siya ng mabuti kasi di ako titigil na di ko siya mahuli at mabigyan ng parusa
Pagkasabi nun ni jazz ay nagulat ako. Teka paano niya nalaman ,kung sino ang pumatay kay marcos
Jazz:bakit gulat na gulat ka clark,
Ako:paano mo nalaman kung sino ang pumatay sa kanya
Jazz:tinatanong pa ba yan clark,isa akong pulis plus detective,kaya mag ingat ka sa lahat ng kinikilos mo kasi baka di mo magustuhan ang gagawin ko sayo
Ako:hehehehe,pwede ba brad ,kalimutan na natin yan pwede naman tayong maging magkaibigan hehehe
Jazz:brad ? ,hoyy !! Wag mo akong tawagin ng brad di tayo magkapatid,at marami na akong kaibigan. Di ko na kailangan pa ng isa at sa kagaya mo,clark wag ako. Kasi di mo ako mauuto ,tigilan muna yang plano mo kung anuman yan kasi nakakabigla na makikipag kaibigan ka sa akin ,sa iba ka na lang makipagplastikan wag sa akin,better luck next time
Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla siyang umalis ,sabi ko na nga ba na di basta basta mauuto tong jazz na to,hinabol ko siya
Ako:jazz ,may lakad ka ba ngayon
Jazz:bakit ? Makikipag date ka sa akin,nababakla ka na na sa akin clark,
Ako:gusto mong makilala yung papa ni sab ,diba nililigawan mo si sab
Pagkasabi ko nun ay bigla siyang tumingin sa akin
Jazz:nagpakita na sa kanya ang papa niya
Ako:ngayong araw,
Jazz:teka bakit mo sinasabi yan sa akin bakit gusto mong makilala ko yung papa niya at pumunta ako sa bahay ng alien na yun,ano ba talaga ang intensyon mo clark,sabihin mo nga ..
Ako:lahat na lang ba paghihinalaan mo brad,diba pwedeng gusto ko lang magbago sa pakikitungo sayo,napag isip isip ko kasi na bawas bawasan ko na ang pagiging mainitin ang ulo
Jazz:bakla ka ba clark ? ,para kang bakla,tang ina !!,daig mo pa ang dalagang pilipina,ang jologs mo ,mamaya ko na pupuntahan si alien babalikan ko muna yung rapist na bryan na yun dun sa prisinto,,
Ayun umalis na yung gagong jazz na yun,kanina pa ako nagtitimpi sa galit ko sa kanya,
Itutuloy.