Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 23 - CHAPTER 22:MYSTERY TEXT

Chapter 23 - CHAPTER 22:MYSTERY TEXT

POV pa rin ito ni Clark

Heto papunta na ako sa guitars hub ,sa lahat ng pinagawa sa akin ni tito ferdie ay parang heto na yata ang pinaka mahirap,mahirap kasi makipag kaibigan ako dun sa gagong jazz na yun,hindi ako sanay makipag plastikan ,bwesit !! ,ayoko namang magalit sa akin si tito ,kaya wala akong magagawa kundi makipag kaibigan sa taong yun ..

Sumakay na ako sa kotse ko at pina andar ko na ito ..

Habang nagmamaneho ako ay biglang nagtext sa akin si tito. Kaagad ko itong binasa ..

"Clark ,bilisan mo kasi nandun na sila,yung main target nila ay isang freelance model na si bryan marasigan ,isang rapist .."

Yun ang text niya sa akin ,teka si bryan marasigan ang target nila ,pambihira ,hahaha !! ,

Kawawa naman ang manyakis kung kaibigan ,so magkikita pala kami nito mamaya ng manyakis na yun,hahaha ..

Okey po tito ,copy !!(yan lang naman ang reply ko sa kanya)

After ilang minuto ay nandito na ako sa guitars hub ,kaagad akong bumaba kasi nakita ko kaagad sila jazz kasama ang dalawang kasamahan niyang pulis,talagang di sila magpapahalata na mga pulis sila,di sila naka uniform ,hehehe ,kaso kilala ko sila na pulis sila,tutulungan ko muna yung manyakis kung kaibigan bago ako makipagkita sa jazz na yun ,kaya imbis na dumaan ako sa harapan nila ay dito ako dumaan sa likod nila di nila ako napansin ..

Maya maya ay pumasok na ako dito sa loob ng guitars hub ,nakita ko kaagad si bryan na nakikipag lingkisan sa kapwa niya model ,kaagad ko siyang binatukan ,habang nakahawak siya sa bewang ng magandang babae,

Bryan:tang ina !! sino yun ..

Kaagad siyang tumingin sa akin habang galit ang mukha ,

Ako:ano ,palag ka !!(sabi ko kay bryan)

Bryan:bwesit ka ikaw lang palang hinayupak ka!!(sabay batok sa akin)

Ako:hahaha ,bakit may kaaway ka ba tol ..

Bryan:madami ,mas madami pa sa fans ko,hehehe,teka anong ginagawa mo dito ,mag momodel ka na rin tol,

Ako:di ako baduy ,kagaya mo ,pwede ba tayong mag usap ..

Bryan:nag uusap na tayo siraulo ..

Faith:sige bryan ,mag usap muna kayo ng kaibigan mo,samahan ko lang dun si rhea

Bryan:sige ..

Ayun umalis na yung syota niya yata yun,

Ako:tara wag tayo dito mag usap dun tayo sa kotse ko

Bryan:mukhang importante yata yan clark,sige sige,tara na

Nag aakmang lumabas si bryan dun sa may entrance kung saan dun papasok sila jazz kaagad ko siyang pinigilan

Ako:wag tayo dun lumabas dun tayo sa likod lumabas

Bryan:bakit naman,teka clark may naghahanap ba sa akin ,

Ako:oo,tara na mamaya ko na sayo sasabihin ,tara na ..sikat ka ngayong gago ka ..

Ayun kaagad kaming lumabas dun sa likod buti na lang di pa pumasok sila jazz,maya maya ay nandito na kami sa kotse ko ,buti di kami naabutan nila jazz ,wala na sila dito sa labas,

Bryan:(tumingin sa akin)sabihin mo clark,ano ba ang problema

Ako:siraulo ka ba !! Most wanted ka na ngayon ng mga pulis,may naghahanap sayo ngayon na mga pulis na hindi nagpaka uniform,

Bryan:hahaha ,grabe napaka special ko talaga,pati pulis naghahabol sa akin,hahaha

Nagulat ako sa taong to,teka diba siya natatakot,sabagay lawyer nga pala ang tatay niya kaya di natatakot

Ako:walangya ka talaga ,,di ka talaga natatakot ano ..

Bryan:bakit naman ako matatakot sa kanila,sa tatay ko lang ako matatakot,pero sa mga pulis na naghahanap sa akin,hahaha 😂😂 ,salamat clark ha ,di ko alam na concern ka pala sa akin,hahaha

Ako:gago ka talaga,so hindi ka natatakot ,sige pwede ba akong humingi sayo ng favor

Bryan:sure,ano yun

Ako:kunwari tumakas ka at nahuli kita,isusuko kita sa mga pulis na naghahanap sayo

Bryan:so ano naman ang kapalit nun,dapat may kapalit yun

Ako:walanghiya !! ,favor ang hinihingi ko ,bakit may kapalit

Bryan:hahaha ,syempre ,ang hirap kaya ng favor na hinihingi mo ,papagalitan pa ako ng tatay ko nito pag malaman niyang nahuli ako ng mga pulis

Nakita ko sila jazz na lumabas na ,may kausap si jazz sa cellphone

Bryan:teka sila ba yun naghahanap sa akin,hahaha ,mukhang kaedad lang natin sila clark ha !! ,akala ko pa naman mga senior na na mga pulis ang naghahanap sa akin,hahaha

Ako:oh !! Sige na ,payag na ako kung ano man yang kapalit na hinihingi mo ,tara na bumaba na tayo at magpakita na tayo sa kanila

Bryan:sige,pero di ko muna ngayon hihingin ang kapalit na yun,tara na ,mukhang type ko yung chikababes na pulis na yun,hahaha

Ayun bumaba na kami,buti tumalikod sila at bigla kung hinawakan ang kwelyo ni bryan,ayun papalapit na kami sa kanila

Ako:siya ba ang hinahanap niyo(sabi ko sa kanila)

Bigla silang tumalikod nakita ko ang reaction ni jazz,nagulat siya

Jazz:bakit alam mo na siya ang hinahanap namin

Bryan:nagdududa ka yata sa kaibigan mo ,pare !! ,buti nga at nahuli niya ako,kahit hindi siya ang may hawak sa kaso ko

Jazz:wag kang sumabat diyan,at hindi ko kaibigan yang siraulong yan..

Parang uminit yung ulo ko dun ha!! ,pasalamat ka jazz at may isang salita ako kay tito,ang sarap mong sapakin

Kevin:ikaw ba si clark ?

Ako:oo

Kevin:kaya pala ,so sagutin mo ang tanong ni jazz ,bakit alam mong hinahanap namin yang rapist na yan..

Kaagad na lumapit si cecilia kay bryan at nilagyan niya ito ng pusas,

Cecilia:baka makatakas ka pa ..(tingin niya kay bryan)

Bryan:free ka ba mamaya sweetheart (pagpapacute niya kay cecilia)

Cecilia:gusto mong putulin ko yang titi mo ng wala ka ng mapinsalang mga babae,gago ka !(sabay sampal kay bryan)

Bryan:ohhh !! Palaban ka naman sweetheart ..

Jazz:tama na yan ,cecilia at pre(sabay tingin kay kevin) dalhin niyo na yan sa presinto ,habang nandun pa si general

Kevin:bakit di ka ba sasama sa amin pre ..

Jazz:susunod na lang ako,kakausapin ko lang to si clark

Bryan:wow ,ang sweet gusto niyang masolo si papa clark,hahaha

Jazz:di ka ba tatahimik ka tang ina ka !!!

Bryan:tang ina mo rin ,gago ka !! ,

Cecilia:sige jazz,basta sumunod ka ,baka kung ano pa ang gawin mo dito kay clark

Ako:grabe,wala man lang may nagpasalamat sa akin,unbelievable !!

Kevin:alam mo ba kung bakit clark,kasi nakapagtataka kasi ,bakit alam mong huhuliin namin yang rapist na yan

Ako:simple lang kasi wanted siya at nakita ko kayo na nandito ,baka siya ang hinahanap niyo,di naman kayo pumunta dito para mag apply bilang model diba ?

Cecilia:may point ka naman clark pero ang pinupunto lang namin ay bakit nagka interest ka na huliin siya,di ka pa naman pulis,at nasaan ang senior pulis mo,nag iisa ka lang dito

Grabe talaga tong mga to ,mukhang mababaliktad yata ,mukhang pati rin ako mabibisto ,bwesit !!

SPO3 Marcos:ako ang nag utos sa kanya ..bakit niyo pinagdududahan ang apprentice ko ,

Nagulat ako ng biglang may dumating na pulis ..

Kevin:SPO3 marcos ,ikaw pala ngayon ang bagong trainor ng clark na yan

Jazz:bakit ang isang trainee ang inutusan mo,isa tong napakalaking kaso at diba pag hindi mo hawak ang isang kaso na hindi naman sayo ay maaaring kang bigyan ng type C offense ,isa ka pa namang SPO3 ,dapat alam mo ito

Nanggigil na talaga ako sa jazz na to,gusto ko na tong sapakin,tang ina !!

SPO3 marcos:oo alam ko yun ,SPO2 REYES magkakaroon lang ako ng type c offense pag hindi ako nagpa alam kay general,masama bang tulungan kayo na mahuli yang rapist na yan

Kevin:jazz,parang may punto naman si marcos,tara na dalhin na natin yan sa presinto,tigilan na natin yang mga pagdududa na yan

Nakita ko ang tingin sa akin ng jazz na to napaka tulis,talagang pinagdududahan niya talaga ako,

Bryan:ganun ba talaga kayong mga pulis,walang tiwala sa isa't isa,kaya pala marami pa rin ang mga gumagawa ng krimen dahil sa mga pagkukulang niyo

Biglang sinapak ni jazz si bryan

Jazz:sinabi ko ng tumahimik ka wala kang alam dito tang ina ka !!(galit niyang sabi kay bryan)

Bryan:sige saktan mo ako para pati ikaw mawalan ng trabaho,physical injury yang ginagawa mo sa akin

Jazz:kung patayin kita,para double physical injury slash murder ang kaso ko,ng manahimik ka ng hinayupak ka !!!

Bryan:sige subukan mo ,tingnan lang natin kung sino ang unang mamamatay sa atin,tapang mo brad ha !!

Cecilia:jazz,ano ba tama na yan !! Tara na umalis na tayo dito ..

SPO3 marcos:sige na dalhin niyo na yan sa presinto at babalik na kami ni clark sa opisina ko ..

Kevin:sige ,marcos ..

Salamat sayo ha !!

Ayun umalis na sila,nakita ko pa rin si jazz na masama ang tingin niya sa amin ,naka motor lang pala siya,at dun sinakay si bryan sa kotse yata yun ni kevin,pina andar na nila ang kanilang sasakyan. Pati si jazz yung motor niya ayun umalis na sila ..

Tumingin ako kay marcos

Ako:si tito ferdie ba ang nagpapunta sayo dito ?

Marcos:oo,sino pa nga ba,buti naabutan ko pa kayo ,muntik ka na nilang mabisto dun

Ako:kaya kung iligtas ang sarili ko,pero salamat na rin at pumunta ka dito atleast naniwala yung dalawang pulis na yun pwera lang sa jazz na yun

Marcos:marami talaga ang galit sa jazz na yan,isa na ako dun ,kasi napaka pakialamero kahit hindi siya ang may hawak ng kaso ay kaagad siyang nag rerequest kay general para ibigay sa kanya yung kaso porket malakas siya kay general,ang lakas niyang sabihin sa akin na bawal makialam ng may kaso ng may kaso,

Ako:kaya pala sumanib ka kay tito ferdie

Marcos:oo ,isa na dun,teka kilala mo pala yung bryan marasigan na yun ,buti nagpahuli siya sayo

Ako:kaibigan ko yung bryan na yun ,so ano ang balak mo ngayon kay jazz ,may balak ka bang patayin siya

Marcos:hindi ako papatay sa kanya kundi si boss ferdie,papahirapan muna natin siya,ang pagkakaalam ko ay makikipag kaibigan ka sa jazz na yun

Ako:oo ,matutulungan mo ba ako para di ako pagdudahan ng jazz na yun,

Marcos:oo naman,sige tara umalis na tayo dito baka may makarinig pa sa atin..

Ako:sige..

Ayun kaagad kaming pumunta sa kotse namin ,bubuksan na sana ni marcos ang pinto ng kotse niya ng bigla siyang mawalan ng malay ,bigla siyang natumba,kaagad ko siyang nilapitan at nakita ko sa kanyang leeg na may nakatusok itong maliit na kawayan na may karayom,kaagad ko itong kinuha sa leeg niya ,teka sino ang may gawa nito sa kanya,parang may lason tong kawayan na to ..

Biglang may nagtext sa akin ng number lang at nagulat ako nung mabasa ko ito

"Gusto mo bang ikaw na ang sumunod sa kanya,wag mo akong kakalabanin kung ayaw mong pati ikaw ay idamay ko sa mga kriminal na pinapatay ko "

Parang nakaramdam ako ng kaba nung mabasa ko ito,kaagad akong tumingin tingin sa paligid baka nandito siya at makita ko,parang si blackshades ang may gawa nito kay marcos ,

Itutuloy.