Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 22 - CHAPTER 21:Guitars Hub

Chapter 22 - CHAPTER 21:Guitars Hub

POV na ito ni CLARK

Akala ko hindi ako dito magiging bida sa storya ito ,hehehe ,buti naman at ginawan ako ng point of view ni master author

Ako nga pala si Clark Johnsonnn Camariness ,bawal na bawal kayong magkamali sa pagsulat ng pangalan ko,tatlong N ang dapat ang huli ng JOHNSONNN ,25 na ako at kunti na lang ay makakatapos na ako sa course kung criminology ,

Childhood love ko si sab ,bata palang kami ay siya na ang gusto kung mapangasawa kaya sobrang napaka gago ko nung di ko siya kaagad binalikan ,ewan ko ba,nag focus kasi ako sa sideline ko ,oo member ako ng kutsilyo gang,may tattoo rin ako kagaya ng kay tito ferdie yung tatay ni sab at siya rin ang leader ng kutsilyo gang,hindi naman ako pumapatay ng tao ,isa lang akong spy minsan ay nagnanakaw rin ako ,itong course ko na ito ay ikatlong course ko na ito,si tito ferdie ang nagpapa aral sa akin siya ang pumili ng course ko kasi pag naging pulis raw ako ay matutulungan ko sila lalo,lalo pa ngayon ay matanda na si tito baka ako ang gawin niyang leader ,natatakot ako pag malaman ni sab ang totoo tungkol sa amin ng papa niya,alam na ito ni harold sinabi ko na ito sa kanya gusto ngang sumali ni harold kaso di siya pinapayagan ng papa niya ,

Malaki na ang hinala ko sa pulis na jazz na yun ,napaka pakialamero niya ,sa tingin ko siya ang pumapatay sa mga kriminal na nahuhuli ,isa na dun ang pagpatay niya kay gary yung member namin,kaya kaagad akong pinapunta dito ni tito ferdie para manmanan ko yung jazz na yun,di ko naman alam na close pala sila ni sab ,

Nung malaman ko na galit na galit siya sa may mga tattoo lalo na yung tattoo ko ay dun ko napagtanto na siya talaga si alyas blackshades,kung pinaghihinalaan niya ako ,pwes ako rin,mag unahan nalang kami kung sino ang unang matutumba sa amin,nagkamali siya ng kinalaban,lalo niya talaga akong ginagalit nung malaman ko na gusto niya si sab ,

Alas singko pala ng umaga ng tumawag sa akin si harold

Ring.ring

Ako:hello ,harold bakit ?

Sinagot ko kaagad siya habang umiinom ako ng kape

Harold:tol ,pumunta ka dito sa bahay ngayon na kasi nandito yung karibal mo kay ate,yung hambog na pulis na yun

Pagkasabi nun ni harold ay kaagad kung nasaboy yung kape dito sa bibig ko

Ako:ano !!! ,bakit siya nandiyan ,

Harold:kagabi pa siya nandito ,di ko alam lasing na lasing kasi siya nung pumunta siya dito

Ako:tang ina !! So diyan siya natulog kagabi bakit di mo sinabi kagabi yan sa akin sana di na lang ako umalis diyan kagabi

Harold:wala akong load tol kagabi,ngayon lang ako nagkaroon ng load ikaw kasi ang hina mo ,baka maunahan ka pa ng hambog na yun ,hahaha,sige na pumunta ka na dito at parang nahuhulog na yung ate ko sa pulis na yun,hahaha,

Kaagad na pinatay ni harold ang linya grabe biglang nang init yung ulo ko nung malaman ko yun tarantado talaga yung jazz na yun,talagang hinahamon niya ako

Kaagad akong tumayo at kinuha ko ang jacket ko mamaya na ako maliligo ,pupuntahan ko muna yung gagong pulis na yun sa bahay ng mahal ko,

Pina andar ko na ang kotse ko at papunta na ako ngayon kay sab ..

After ilang minutes ay nandito na ako sa kanila,kaagad akong nag doorbell at kaagad namang lumabas si sab ,

Sabrina:(pinagbuksan ako ng gate)clark ,ang aga naman ng pagbisita mo,

Ako:totoo bang diyan natulog yung jazz na yun

Sabrina:sino nagsabi sayo niyan,teka ...haroooooldddd(sigaw niya kay harold)

Kaagad namang lumabas si harold

Harold:yess ,ate ,what can i do for you ,hehehe

Sabrina:(binatukan niya si harold)siraulo ka talagang bata ka ,

Ako:maaari ba akong pumasok sa loob sab

Harold:hehehe,ang saya kaya ate,ikaw na si miss rapunzel ,ang haba ng hair mo hahaha

Ayun kaagad na pumasok sa loob si harold

Sabrina:pasensya ka na clark tara pumasok ka,yun ba ang dahilan kung bakit ka nandito

Ako:oo sab(pumasok na ako sa loob) ,bakit di mo sinabi sa akin na nandito yang taong yan,dito mo pa yang pinatulog

Nakita ko si jazz na mahimbing pa ang tulog naka sando lang siya ,

Umupo ako sa harap ng gagong to,hihintayin kung magising to at maya maya ay nagising na rin ang gago,nagulat siya nung makita niya ako ,biglang siyang bumangon

Sabrina:buti naman at gising ka na,akala ko di ka na magigising,tumayo ka na diyan

Ako:anong ibig sabihin nito sab,bakit dito natulog yang lalaking yan(inis kung sabi)

Harold:alam mo kuya clark,kagabi nakita ko silang dalawa na ..

Kaagad akong napatingin kay harold at nakita ko na tinakpan kaagad ni sab ang bibig ni harold,

Sabrina:nakita niya kaming dalawa na nagbabangayan kagabi yun ang sasabihin ni harold ,clark

Parang di naman yun ang sasabihin ni harold,ano kaya ang ginawa ng dalawang to kagabi ,ayun umalis na si harold ,at bigla namang nagsalita tong gago na to

Jazz:sige alis na ako , alien salamat pala kagabi ha ,pinaligaya mo ako hehehe(kinindatan niya si sab)

Bigla kung kwenelyohan tong gago na to talagang ginagalit niya ako,kaagad naman na hinawakan ni sab ang kamay ko ,kaya binitawan ko kaagad tong jazz na to ,tinulak ko siya

Ako:umalis ka na(galit kung sabi sa kanya)

Jazz:(tumingin siya sa akin)gago ka wag mo akong sisigawan at uutusan na umalis kasi kusa akong aalis

Kaagad naman na pumagitna si sab sa amin,sasapakin ko na sana tong taong to pasalamat siya nandito si sab

Sabrina:umalis ka na jazz,ayokong mag away kayo dito sa loob,at wag munang uulitin yun kagabi na pumunta dito na lasing na lasing kasi di na kita papatuluyin dito

Jazz:talaga lang ha,hehehe sige alis na ako ,bye alien ..(kinindatan na naman niya si sab)

Ako:umalis ka na ,tang ina ka !!!

Jazz:tang ina mo rin ,gago !!(sigaw niya sa akin)

Kinuha na niya ang uniform niya at talagang nang aasar pa ,ngumiti pa siya sa akin ,sige lang jazz ,galitin mo lang ako kasi malalaman mo kung sino ang tinatalo mo

Naka alis na si jazz at biglang umupo si sab ,

Sabrina:clark,ano ba ang nangyayari sayo ha !!(inis niyang sabi sa akin)

Ako:sorry sab ha,nagseselos lang kasi ako ,kaya ako nagkakaganito ,sab (tinabihan ko siya at hinawakan ko kamay niya)gusto kita at gusto kitang ligawan

Sabrina:(tumingin sa akin na parang nagulat)seryoso ka clark,nagpaalam ka na kay papa ,

Ako:hindi pa pero diba yun naman ang gusto ni tito ferdie ,bakit sab,ayaw muna ba sa akin

Sabrina:loko to(sabay palo sa braso ko) hindi naman sa ganun,hehehe ,bakit ngayon mo lang ako liligawan ,dahil ba kay jazz ,natatakot ka na maagaw niya ako sayo

Ako:oo sab,natatakot ako ,baka kasi bigla kang magkagusto sa taong yun,

Sabrina:mahal mo ba talaga ako clark ?

Ako:oo naman sab,simula mga bata pa tayo..

Sabrina:kung mahal mo talaga ako bakit ngayon mo lang ako liligawan,bakit nung pagtuntong ko ng 18 ay di mo kaagad ako niligawan wala ka nga dun sa 18th bday ko,ngayon ka lang nagpakita sa akin,yan ba ang sinasabi mo na mahal mo ako,okey clark sige sasabihin ko sayo kung ano ang sinabi sa akin ni jazz sa akin kagabi ,alam mo ba na gusto niya rin ako,gusto niya akong ligawan,alam mo bumilib ako kay jazz kasi ilang araw pa lang kaming magkakilala ay pinagtapat niya kaagad ang feelings niya sa akin di siya naging duwag na sabihin to at liligawan niya ako,pero ikaw clark bakit ngayon mo lang to sinabi sa akin,alam mo matagal kung hinintay ang pagkakataon na ito sa sasabihin mo to sa akin,ewan ko kung maniniwala ako sayo na gusto mo rin ako kasi grabe ang tagal bago mo ito sinabi sa akin,almost 7 years,grabe wala nga akong contact sayo nun nagulat na lang ako na bigla kang napakita sa akin,

Pagkatapos sabihin yun ni sab ay parang na guilty ako,sobrang napaka duwag ko,bakit ko ba yun ginawa kay sab ,napaka hina ko

Ako:sab,sorry ,sorry na oo inaamin ko na napaka duwag ko,pero maniwala ka mahal na mahal kita,

Sabrina:alam mo clark,alam mo ba ang ibig sabihin ng ACTION SPEAK LOUDER THAN WORDS ,kung alam mo yun ,yun ang gawin mo,kasi di na kayo nagkakalayo ng papa ko,mahal niya raw kami ni harold pero hanggang ngayon ay di pa siya nagpapakita,grabe parang na ghosting kami ng papa namin , sige clark ,dun na ako maniniwala na mahal mo ako kapag pinakita mo ito sa akin,hindi muna kita ngayon sasagutin kahit gusto rin kita,syempre hindi ako marupok hindi rin ako easy to get ,hehehe,umuwi ka na sa inyo maligo ka na,may pasok ka pa,

Kaagad na tumayo si sab ,

Ako:sab ,mamaya labas tayo ha,kain tayo sa labas

Sabrina:sige ..anong oras

Ako:6 pm ,susunduin kita dito mamaya,

Sabrina:hehehe,naksss ..

Date ba to,hehehe

Ako:hehehe,oo yata

Sabrina:ewan ko sayo ,hehehe,sige na umuwi ka na baka malate ka pa,

Ako:salamat sab ,for giving me another chance hehehe,sige alis na ako basta ha ! wag kang makikipag date sa jazz na yun kasi ako lang dapat

Sabrina:galingan mo para ikaw ang manalo dito sa puso ko hindi yung manyakis na jazz na yun,hahaha

Ako:syempre ,di ako papayag na mapunta ka sa kanya ,sige alis na ako sab ,

Kaagad kung niyakap si sab

Sabrina:wow aalis lang may payakap pa,iba !! oh ! Siya umalis ka na clark,hehehe

Ayun tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay sab at umalis na ako ,

Ang sarap sa pakiramdam na gusto rin ako ni sab,akala ko huli na ang lahat buti na lang binigyan niya pa ako ng chance to prove na mahal ko siya ..

Habang sasakay na ako sa kotse ko biglang tumawag si tito ferdie

Ring.ring.ring

Ako:hello ,ninong bakit po ?

Tito:nasaan ka ? May pasok ka ba ngayon

Ako:opo ninong,

Tito:wag ka ng pumasok ,ako na ang gagawa ng paraan para makapasa ka sa ojt mo ,diba kilala mo yung batang pulis na ka edad mo lang na si SPO2 JAZZ Andrei Reyes

Ako:opo tito bakit ano po ang ipapagawa niyo ninong

Tito:makipag kaibigan ka sa kanya ,para malaman mo kung ano ang secreto niya

Ako:ninong lahat na lang ipagawa mo wag lang yung pakikipag kaibigan sa kanya,di ko yata magagawa yun lalo pa't karibal ko siya kay sab

Tito:talaga ,gusto niya ang anak ko,edi maganda ,kailangan ko na talagang magpakita kay sab pati kay harold,matutulungan ako ng anak ko tungkol kay jazz

Ako:ninong naman eh,parang tinatakwil muna ako kay sab ,wag ka naman ganyan,

Tito:hahaha ,tumahimik ka nga diyan ,wag kang mag alala kayo pa rin ang magkakatuluyan ng anak ko,,kapag madispatsa na natin yung jazz na yun ay magiging okey na ang lahat lalo pa't ngayon ay siya ang humahawak sa mga kaso ng mga most wanted na kriminal pati si de paz ay kinakalaban na niya,

Ako:paano kung tuluyan ng mainlove si sab kay jazz,ayokong mangyari yun ninong

Tito:hindi mangyayari yun clark kasi nandiyan ka na,wag kang papayag na mahulog ng tuluyan si sab sa jazz na yun,ako na ang bahala clark mamaya makikipag kita ako kay jazz

Ako:paano kung makita niya ang tattoo mo ninong,sige kahit labag sa loob ko ,makikipag close ako sa gagong yun,

Tito:parang wala ka namang tiwala sa akin clark hahaha,sige na mamaya tatawagan kita kung saan ka pupunta mamaya ,sige na ...

Ayun pinatay na niya ang tawag at ako naman ay sumakay na ako sa kotse ko at pina andar ko na ito,grabe bakit makikipag kaibigan pa ako sa jazz na yun kung pwede namang patayin kaagad yun ni tito,sobrang special naman ng taong yun ,bwesit !!! Natatakot ako na baka mahulog na tuluyan si sab sa jazz na yun tsk ...

Maya maya ay nandito na ako sa bahay,pumasok na ako sa loob nakita ko si maica na nanonood ng tv.

Ako:nasaan si mama,kumain na ba kayo

Maica:tapos na kuya,nga pala kuya ,anong pangalan ng gwapong pulis na kausap mo dun sa ospital

Ako:(kaagad kung hinagis ang unan kay maica)ang landi mong bata ka ,,bakit type mo yung gagong yun

Maica:kuya naman eh !! ,malandi kaagad ,grabe ka sa little sistah mo ,oo type ko siya. Sino ba ang hindi ma aatract sa kanya eh. Sobrang hot niya,hehehe

Ako:magtigil ka diyan kung ayaw mong kalbohin kita,bakit di na lang si harold

Maica:yakssss ,ayoko sa lalaking yun,masyadong isip bata ,sige na kuya ,anong pangalan ng pulis na yun,

Ako:magtigil ka ,maliligo na ako

Maica:kuya naman eh,ang damot naman neto. I hate you ..(inis niyang sabi sa akin)

Ayun kaagad na akong umakyat sa taas para maligo ,hinubad ko na jacket ko pati sando ko ,

Maya maya ay natapos na akong maligo at kaagad akong nagbihis ,teka nasaan yung susi ng kotse ko ,kaagad akong bumaba at nakita ko si maica na hawak hawak niya ang susi ng kotse ko kaagad ko siyang nilapitan

Ako:akin na yan ..

Maica:ibibigay ko lang to kung sasabihin mo sa akin kung ano ang pangalan ng gwapong pulis na yun

Ako:isa ,pag di mo yan ibigay malilintikan ka sa akin

Maica:hahaha ,takot naman ako sayo kuya,sige susumbong kita kay mama pag sinaktan mo ako hahaha,sasabihin mo lang naman ang pangalan niya ,grabe naman to ..

Ako:oh ,sige ,jazz andrei reyes ang pangalan niya,ibigay muna sa akin yan masaya ka na

Maica:weh !! Di ako naniniwala ..

Ako:pambihira ,akin na yan maica ,pag ako magalit sayo ..

Maica:wait lang search ko muna siya sa fb baka nagsisinungaling ka lang

Ako:hala !! ,gorabels,,

pasaway kang bata ka..

Nang biglang tumawag si tito ..sinagot ko kaagad ito

Ako:ninong ,

Tito:pumunta ka dun sa guitars hub pupunta dun sila jazz pati yung kasamahan niyang pulis

Ako:sige ninong pero paano niyo po nalaman na nandun sila

Tito:ano pa at naging leader ako ng kutsilyo gang kung wala akong messenger ,hahaha sige na mauna ka na dun at pupunta rin ako dun ,

Ako:sige ninong,

Ayun pinatay na niya ang tawag at nakita ko si maica na kilig na kilig,ang lapad ng ngiti ng batang to habang nakatingin sa cellphone niya,kaagad kung kinuha ang susi sa kanya

Ako:di ka papansinin ng pulis na yun kasi ang panget mo ,diyan ka na,bantayan mo si mama

Maica:hahaha,siya na ang future oppa ko ,meeeeeeehhghaaaaddd

Ayun di ko na siya pinansin at umalis na ako ,grabe pati kapatid ko gusto si jazz ,talagang malaki ang binigay sa akin ng problema ng gagong yun,

Itutuloy.