POV pa rin ito ni JAZZ
Pagkasabi ko nun ay nakatulala tong alien na to,nagulat sa mga nasabi ko ,hahaha ,kaya bumalik ako sa sofa at sinuot ko ang t shirt ko ,baka pagnasaan na naman ako ng alien na to ,nawala tuloy ang kalasingan ko,
Ako:(tiningnan ko siya)hoyyy !! ano pa ang tinutunganga mo diyan,bumalik ka na sa kwarto mo ,akala mo matitikman mo ako ngayon,hahaha,,sorry alien pero di ako easy to get,hahaha,sige na matulog ka na,baka lumabas pa yung kapatid mo ,bugbugin ako ..goodnight(sabay pakita ng dimple ko sa kanya)
Sabrina:bahala ka diyan ,siraulo ka !!!
Ayun nakasimangot habang papunta sa kanyang kwarto,hahaha,nahiga na naman ako ,haysssss ..alas 11 palang ng gabi,kamusta na kaya si mama emerald ngayon sa bakasyon niya,buti na lang wala siya sa bahay kundi lagot na naman ako dun,
Maya maya ay nakakaramdam na ako ng antok ,at pinikit ko na ang mga mata ko ..
ZzzzzzzzZzzzz !!
Kinabukasan ..
Pagdilat ko ng mga mata ko ay kaagad akong tumayo kasi bumungad kaagad sa akin tong tatlong nasa harapan ko ,walang iba kundi sila alien,clark at harold ,
Sabrina:buti naman at gising ka na !! Akala ko di ka na magigising ,tumayo ka na diyan,
Clark:anong ibig sabihin nito ,sab bakit dito natulog yang lalaking yan ..
Harold:alam mo kuya clark,kagabi nakita ko silang dalawa na...
Kaagad na tinakpan ni alien ang bibig ni harold kaya di ito natapos sa pagsasalita
Sabrina:nakita niya kaming dalawa na nagbabangayan kagabi yun ang sasabihin ni harold ,clark ..(sabay kurot sa bewang ni harold)
Harold:ano ba ate ,may utang ka sa akin na 1,000 magbayad ka mamaya,ligo na ako ,diyan na muna kayong magkakaribal,hahaha
Kaagad na tumayo si harold
Sabrina:tumahimik ka ,wala akong utang sayo,siraulo tong batang to ..(sigaw niyang sabi kay harold)
Ako:sige alis na ako,at alien salamat pala kagabi ha ,,pinaligaya mo ako ,hehehe(sabay kindat sa kanya)
Nagulat ako ng bigla akong kwenelyohan ni clark at biglang nansindak ang mga mata niya sa akin
Clark:anong ginawa mo kay sab ,tang ina ka !! Wala akong tiwala sayo,di ako natatakot kahit pulis ka pa ..
Sabrina:(hinawakan niya ang kamay ni clark)clark ,tama na yan ,walang nangyari sa amin,pinatulog ko siya dito kasi lasing na lasing siya ,nakokonsensya ako kaya pinatuloy ko siya
Ako:ohh !! Clarky boy ,bitawan muna raw yan,baka di ako makapagtimpi sayo,hehehe
(pang iinis kung sabi sa kanya)
Ayun kaagad akong tinulak ng taong to ,pero mahina lang,pasalamat siya nandito si alien,magiging mabait muna ako ngayon kasi nandito si alien,mamaya lang tong clark na to, anong akala niya hahayaan ko lang siya na ganitohin ako ,laking bahay ampunan kaya to ..
Clark:umalis ka na ,!!(galit niyang sabi sa akin)
Ako:wag mo akong utusan na umalis kasi kusa akong aalis ,tang ina ..
Sabrina:sige na jazz umalis ka na ..at wag munang uulitin yun kagabi na pumunta ka dito na lasing na lasing kasi di na kita papatuluyin dito
Ako:hehehe ,talaga lang ha !! ,hehehe ,sige aalis na ako,bye alien (sabay kindat sa kanya)
Nakita ko si alien biglang napa iling ,
Clark:umalis ka na !!
Ayun kinuha ko na ang uniform ko at umalis na ako ,mamaya pupunta ulit ako dito kay alien,matapos duty ko,ewan ko parang gusto ko siyang makilala pa ng lubusan ,bakit kaya ako nagkaganito sa kanya,tang ina naman to ..
Nandito na ako sa labas ng gate nila,buti na lang alas 9 pa ang pasok ko ,6:30 pala ng umaga ..sakto may paparating na taxi agad kung pinara ito .
At maya maya ay sumakay na ako sa taxi ..
Ako:sa may santa ana lang ako ,block 2 cluster 8
Driver:sir ,girlfriend mo ba yung nakatira diyan
Ako:bakit kilala mo ang nakatira diyan,paandarin muna yang taxi mo ,
Ayun pina andar na niya ang taxi,
Driver:oo sir,buti di ka natatakot sa kanila,
Pagkasabi ni manong driver ay parang nagtaka ako,parang kilala niya ang pamilya ni alien,
Ako:(sabay tingin kay manong)kilala mo ba ang nakatira dun,bakit naman ako matatakot sa kanila,may lahi ba silang aswang
Driver:naku sir,malupit pa sa aswang,kaya kung ako sayo,layuan muna si sabrina ,kasi mapapahamak ka lang
Dun ako lalong nagulat nung sinabi niya ang pangalan ni alien ,
Driver:pero parang di ka naman mapapahamak kasi nakikita ko sa hawak mong uniporme isa kang pulis
Ako:teka lang manong,di ko maintindihan,pwede mo bang deritsohin ang sasabihin mo,bakit mo nasasabi ang lahat ng yan,matagal mo na ba silang kilala,yung tatay ni sabrina
Driver:kilalang kilala ko yung tatay ni sabrina kasi kaibigan ko yun,
Ako:ohh,kaibigan muna man pala ang tatay niya tapos sasabihin mo na dapat silang layuan ano ang ginawa sayo ng tatay ni sabrina
Driver:sa akin ,pero sa anak ko meron,nagtangkang ligawan ng anak ko si sabrina pero binalaan ako ni ferdie(tatay ni sab) na wag na raw ituloy ang panliligaw ng anak ko kay sabrina kasi naka arrange marriage na ito may pakakasalan na raw si sab,pero tong anak ko ay sobrang mahal niya si sab,di niya tinigilan ang panliligaw kay sab,hanggang sa mabalitaan ko na na aksidente ang anak ko at hanggang ngayon hindi pa nagigising ,di ko lubos maisip na mangyayari yun sa kanya,
Ako:na aksidente anak niyo,bakit niyo naman sinisisi sila sabrina
Driver:kasi lahat ng manliligaw ni sabrina ay naaaksidente minsan ay nawawala parang bula ,yung iba nababalitaan na namatay ,kaya ano pa ang iisipin ko,kaya pag nalaman ko ang totoo na may kinalaman dito si ferdie sa nangyari sa anak ko ,humanda siya ,
Bigla kung naisip na baka nga isa sa mga miyembro ng kutsilyo gang ang tatay ni alien ,ganun din si clark pero wala pa akong katibayan at kung mangyari yun,paano si alien ,lalo pa't nagugustuhan ko na siya,sana mali ang hinala ko
Ako:manong,ano po ba ang pangalan ng anak mo
Driver:miguel de ocampo,
Ako:sige ,ako na po ang bahala sa kaso ng anak mo ,manong ,saan siyang ospital na confine
Driver:naku iho ,wag na,pati ang mga pulis na kagaya mo ay sumuko na sa imbestigasyon ng anak ko
Ako:bakit ano pala nangyari sa anak mo
Driver:binangga siya ng isang truck ,parang hit and run,naka motorsiklo lang kasi siya nun,nung pauwi siya galing sa kanyang trabaho
Ako:nakita ba yun sa cctv ,nung nangyari yun
Driver:hindi ,wala kasi yung cctv sa oras na yun ,
Ako:sana magising na po ang anak mo para malaman natin ang totoo
Driver:kahit magising siya hindi naman madadakip kung sino ang may gawa nun
Ako:manong,isa po akong pulis slash detective kaya ko pong malaman kung ano talaga ang nangyari sa anak mo,wag kang mag alala bubuksan ko ulit ang kaso ng anak mo
Driver:salamat iho pero baka mapahamak ka,kung ako sayo layuan mo na lang yung pamilya ni sabrina ,
Ako:wag kayong mag alala ,sila ang dapat matakot sa akin
Di ko namalayan na nandito na pala ako sa bahay namin
Driver:mukhang napasarap yata ang pag uusap natin iho,nandito na kayo sa bahay niyo,
Ako:oo nga po manong,pwede bang humingi ng number niyo or kung saan na confine ang anak mo
Driver:sige ,dun siya na confine sa saint divina ospital,heto ang number ko
Kaagad siyang kumuha ng kapirasong papel at ballpen at sinulat niya number niya at pagkatapos ay binigay na sa akin,agad ko itong kinuha
Ako:sige manong baka tawagan kita mamaya,heto bayad ko ,salamat
Ayun bumaba na ako
Driver:salamat iho ..
Parang unti unti na akong sinasagot ng kapalaran,kung ano ang totoo ,sana magising na si miguel para itanong ko sa kanya tungkol kay sabrina,at mamaya tatanungin ko si alien kung kilala niya si miguel ,
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin,kaagad akong umakyat sa taas at hinubad ko damit ko para maligo kaagad,ayun kaagad akong pumunta sa banyo at naligo. After 5 minutes ay tapos na ako ,kaagad akong nagbihis buti naman at naka plantsa na ang uniform ko ,at bago ako umalis ay kumain muna ako,nagugutom ako eh,di kasi ako pinakain man lang ni alien sa kanila ,walanghiya !! Porket nandun yung gonggong clark na yun nakalimutan na ako,haysssttt !! Malalaman ko rin ang totoo kung sino talaga ang clark na yun ..
Ayun umalis na ako,tong motor ko na lang ang gagamitin ko ,buti di pumunta dito si cecilia ,maya maya ay pina andar ko na ang motor ko at ayun pinaharorot ko kaagad ito ..
After ilang minutes ay nandito na ako sa opisina ,8:30 pala ,buti di ako late,pumasok na ako sa loob,at pagpasok ko nakita ko si general at si kevin pati si cecilia ,teka ano kaya ang meeting nila kaagad akong lumapit sa kanila
Ako:maganda umaga sa inyo,anong meron,hehehe
Kaagad na tumingin sila sa akin,
Cecilia:jazz ,buti nandito ka na ,sumama ka sa amin ni kevin
Ako:ohhh,bakit anong ganap ngayon
General:kayong tatlo ang ipapahawak ko sa kaso ni bryan marasigan
Ako:bakit anong nangyari sa kanya at sino siya
Kevin:isa siyang freelance model ,na nanggagahasa sa mga menor de edad ,pre ..
General:nawala na nga ang patayan dito nauuso naman ang pang gagahasa ,nga pala jazz kamusta si de paz nagkita ba kayo kahapon
Ako:sus ,rapist lang pala ,kayang kaya namin yan may papatayin na naman ako hehehe
Cecilia:ano sabi jazz
Patay nadulas yata ako hehehe
Ako:papatayin ,ibig sabihin papatayin ko na ang pang aabuso niya sa mga bata ,at general pasensya ka na di ko naabutan si de paz kahapon kasi yung clark na yun umepal
Kevin:umepal kanino pare kay saaabbbb ..
Ako:tumigil ka diyan pre ,hindi to tungkol sa kanya
Cecilia:sino yung babaeng yun ba jazz ,teka kaya ba wala ka kagabi dun sa inyo kasi ..
General:tumigil nga kayong tatlo,di to panahon para pag usapan niyo yan trabaho muna ang pag tuunan niyo at jazz ,bakit anong ginawa ni clark,bakit umepal siya sayo
Ako:ewan ko sir,parang kilala niya si de paz ,di pa ako sigurado dun kaya yun din ang aalamin ko,
Kevin:ganito na lang,i set up natin si de paz
Cecilia:anong klaseng set up naman yun
Kevin:yayain natin siyang makipag inuman at kapag nalasing na siya ay dun na niya sasabihin ang totoo
Cecilia:paano kung tayo ang malinlang niya ,kilala ko si de paz matalino yun,marunong mangkilatis
Ako:tama si cecilia ,pre ..ako na ang bahala kay de paz ,sa akin yun binigay ni sir ,
General:wag kayong mag alala kevin at cecilia,bibigyan ko rin kayo ng napakalaking kaso,
Ako:nga pala sir(sabay lapit kay sir)natatandaan mo pa ba yung kaso ni miguel de ocampo
Kevin:bakit pre ,ako ang humawak sa kaso niya,matagal na yun wala yung kaso niya kasi yung tatay ng miguel na yun ay pinatigil na niya ang kaso ng anak niya
General:bakit jazz,kilala mo ba yung batang yun,
Ako:kasi kanina nakausap ko ang papa niya,naawa ako sa papa niya gusto ng papa niya na malaman ang totoo di siya naniniwala na aksidente yun,
Cecilia:so anong gagawin mo
Kevin:teka pre,parang ang dami mo yatang kaso ngayon,hehehe,una si de paz,pangalawa yung clark na yun at ngayon yung miguel na yun
Ako:kasi may kutob ako na may koneksyon silang tatlo,si miguel dito ang biktima nila,si clark ang pa in at si de paz ang boss nila at meron pang pinaka master head nila at yun ang most wanted serial killer na may tattong kutsilyo
General:yan ang gusto ko sayo jazz,napaka talino mo,kaya di na ako magtataka kung bakit ka nagkaganyan sige di kita pipigilan ,sige na umalis na kayo ,
Kevin:sana all ,hehehe,tara na umalis na tayo
Cecilia:pinapahanga mo talaga ako baby jazz ko,hehehe
Ako:tigilan niyo na yan,mamaya ko na kayo ililibre ,hahaha
Kevin:hahaha ,mukha ba kaming walang pera pre,
Ako:sige tutal mayaman ka naman pre ikaw ang manglibre sa amin kahit pizza lang dun sa yellowcab
Kevin:hahaha,tara na ,sir alis na kami
General:sige na magsilayas na kayo..
Ako:hehehe sige sir alis na kami ..
Ayun umalis na kami at nandito na kami sa labas
Ako:ano saan tayo magkikita kita,nga pala saan natin makikita yung rapist na bryan na yun,
Cecilia:nandun siya ngayon sa guitars hub,may photoshoot siya dun
Ako:tara na,kitakits na lang tayo dun
Cecilia:di tayo pupunta dun na naka uniform tayo,
Ako:wala akong dalang extra t shirt dito
Kevin:pumunta muna tayo sa inyo pre,dun tayo magpalit ng damit
Ako:oh siya sige pumunta na lang kayo dun,may mga sasakyan naman kayo
Cecilia:sige jazz,ingat ka sa pagdrive
Kevin:ay ang shweeeeeett naman ,hehehe ,
Ako:sige na ..
Ayun pumasok na sila sa kotse nila at pina andar ko na ang motorsiklo ko ,ng biglang nag ring cellphone ko at nung kukunin ko ito sa bulsa ko bigla na lang may naghablot ng cellphone ko nakita ko isang batang lalaki ang nag snatch ng cellphone ko kaya kaagad ko siyang hinabol ..wag kang magkakamali na magpahuli sa akin kundi papatayin kita tang ina kang snatcher ka ,
Maya maya biglang may humuli sa nagnakaw ng cellphone ,kaagad niya itong hinawakan ,maya maya ay nandito na ako sa harapan nila kaagad kung kinuha ang cellphone ko sa lalaking naghuli sa snatcher,
Ako:salamat po sir
Ferdie:wala yun ,anong gagawin mo sa batang to
Snatcher:sir di ko na po uulitin ,
Kaagad kung binatukan tong batang lalaking to na 16 or 17 palang ang edad
Ako:gago ka ,wala ka talagang pinipili pati pulis ninanakawan mo
Ferdie:bigyan mo na lang siya ng isa pang pagkakataon iho ,pag gumawa pa siya ng kasalanan ay ikulong muna yan ,menor de edad pa naman to ,kaya di pa to makukulong
Ewan ko habang nakatingin ako sa matandang lalaki na to ay parang bigla akong may naalala sa kanya,parang familiar siya at yung boses niya parang narinig ko na ..
Itutuloy.