Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 8 - CHAPTER 7:Who is the Killer ?

Chapter 8 - CHAPTER 7:Who is the Killer ?

POV na ito ni Sabrina

Bakit ganun, bakit sunod sunod yata tong kamalasan na dumating sa buhay ko, una nakulong yung pasaway kung kapatid, at ngayon naman yung best friend ko na si amethyst, huhuhu , pinatay siya ng walang pusong tao, pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kaibigan,

Sana yung nahuling kriminal dun sa magsaysay ay siya din ang pumatay sa kaibigan ko kasi mapapanatag na ang loob ko, nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya, gusto kung makulong habang buhay yung killer na yun,

Dumagdag pa tong babaeng kasamahan ni manyakis, akala niya kung sino siya, akala niya uurungan ko siya, porket pulis siya, iba!!!

Huli na nung makapunta ako dito sa ospital kasi wala na yung bestfriend ko, huhuhu, di ko siya naabutan, kaya lubos akong nalungkot at umiyak ng umiyak, nung sinabi sa akin ng doctor na wala na ang kaibigan ko ay tanging nagawa ko na lang ay yakapin ko ng mahigpit si amethyst, dun ko na lang siya ibuburol sa amin, kasi wala na siyang pamilya, isa na siyang ulila, di nga niya alam kung sino ang kanyang tunay na mga magulang, lumaki kasi si amethyst sa bahay ampunan, at inampon siya ng mag asawang abogado, pero sinasaktan siya nito, kaya napilitan siyang lumayas, huhuhu , bakit ganun bakit mo ako iniwan besssss

Lumabas ako ng room at umupo dito sa labas, iyak ako ng iyak, nagulat ako ng biglang tumabi sa akin tong manyakis na to, at wow, binigyan niya ako ng panyo pero di ko siya pinansin, at nung nagsalita siya ulit

Jazz:anong nangyari sa kaibigan mo?

Ewan ko ba bigla kung niyakap tong manyakis na to, gusto ko kasi ngayon ng karamay, at umiyak ako ng umiyak, binuhos ko ang lahat ng emosyon ko dito sa manyakis na to, at after ilang segundo ay iniwas ko na ang pagkakayakap sa kanya at hinarap ko siya,

Sinabi ko sa kanya kung sino ang pumatay sa kaibigan ko at alam ko na yung kaninang nahuli ng mga pulis na lalaki na may tatto rin ay yun din ang pumatay kay amethyst,

Biglang tumayo tong manyakis na to

Jazz:sumama ka sa akin, alien, ipapakita ko sayo yung killer na nahuli kanina baka iisa lang sila, may tattoo rin yun sa braso

Tiningnan ko siya, nakita ko ang mga mukha niya, parang galit na galit siya, hindi sa akin kung hindi sa taong pumatay kay amethyst, yung kamay niya parang sasapak siya,

Ako:sigurado ka ba na may tattoo siya sa braso

Jazz:sumama ka na lang

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya ayun napatayo na lang ako, wala ako ngayon sa mood makipagtalo sa manyakis na to, sumama na lang ako sa kanya at nandito na kami sa harap ng dalawang pulis na ito pati tong babaeng pulis na akala kung sino siya,

Cecil:magkahawak pa talaga ng kamay ha!!! (inis niya sabi)

Kaya kaagad kung binitawan ang pagkakahawak sa akin ni jazz

Talisay:bakit reyes, gusto niyong makita ang suspect?

Jazz:oo, gusto kung makita, kasi tong kasama ko ay pinatay ang kanyang kaibigan ng lalaking nasa loob ng kwartong yan(sabay turo ng room)

De paz:sige na pumasok na kayo, kilala kita reyes, hinding hindi ka titigil hanggang hindi ka makapasok

.

Cecil:tsk...

Ayun binuksan na ni jazz ang pinto at dahan dahan kaming pumasok, at ayun unti unti na kaming nakalapit sa lalaking kriminal na ito

Pinakita sa akin ni jazz ang tattoo sa braso at sobra akong nagulat sa aking nakita, kasi bakit magkapareho sila ng tattoo ng aking tatay, pareho sila ng tattoo, sabi ni papa nag iisa lang ang tattoo niya na may kutsilyo at nakatusok ito sa puso, bigla akong nanghina at napasandal sa pader, anong ibig sabihin nito, tong lalaking to ang pumatay sa kaibigan ko, impossible naman na magkakilala sila ni papa, nagkataon lang na pareho sila ng tattoo

Jazz:anong nangyari sayo, kilala mo ba tong demonyong to, bakit parang gulat na gulat ka?

Ako:siya nga, siya nga ang pumatay sa kaibigan ko,(sabay tulo ng luha ko)

Jazz:sigurado ka?,

Ako:oo, siya nga, pagbabayaran niya ang ginawa niya, sa kaibigan ko, dapat mabuhay siya at makulong habang buhay,

Jazz:hindi sapat ang makulong lang siya, buhay ang kinuha niya, buhay rin ang kabayaran niya(galit na sabi sa akin)

Ako:teka anong binabalak mo

Jazz:malalaman mo na lang yan, mamaya, tutulungan kita na makapaghiganti sa kaibigan mo, alam ko na masakit ang mawalan ng minamahal,

Ako:masaya na ako na makulong siya, bakit ano ba ang gagawin mo sa kanya, papatayin mo ba siya

Jazz:malalaman mo mamaya, ano ba, di ka ba nakikinig, tara na umalis na tayo, babalik tayo dito mamayang gabi

Ako:di ako sasama sayo, babatanyan ko ang burol ng kaibigan ko

Jazz:nandun yung kapatid mo, siya muna ang magbabantay sa kaibigan mo

Ako:ano ba kasi ang gagawin natin dito mamayang gabi, teka parang masama ang kutob ko, wag mong sabihin na..

Jazz:wag kang maingay diyan, tara na

Ayun hinawakan na naman niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas,

Talisay:hawak kamay, hawak kamaaaaaayyyyy..(napakanta ang baliw)

De paz:i wanna hold your haaaaaannnndddd(kumanta rin)

Cecil:tumahimik nga kayo, jazz tara umuwi na tayo

Jazz:dito ka lang cecil, kaso mo ito, aalis ako

Ayun binitawan ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya

Jazz:(sabay tumingin sa akin ng masama) siraulo ka ba, bakit mo inalis yang kamay mo, hoy, wala akong virus, (galit na, sabi niya sa akin)

Ako:aalis na ako, wala ako sa mood ngayon makipagtalo sayo,

Ayun tinarayan ko lang tong manyakis na to at sabay nag walk out, buti di ako sinundan, akala ko susundan niya ako at maya maya ay nandito na ako sa labas ng ospital, mamaya ihahatid ang labi ni amethyst dun sa bahay namin, babalikan ko si harold dun sa prisinto, di muna ako ngayon magtratrabaho, ewan ko ba napaka bigat ngayon ng nararamdaman ko, isa pa yun si papa, may tinatago ba siya sa amin..

Ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko kung sino ang tumatawag sa akin walang iba kundi tong manyakis na to, ewan ko sinagot ko ang tawag niya

Ako:ano ba!!!

Jazz:nasaan ka, ihahatid kita sa inyo, alam ko di ka okey, nasaan ka

Ako:wow, concern ha!!!, pwede ba wag kang pa fall diyan ,di yan tatalab sa akin

Jazz:wag kang mag assume, di kita type, siraulo, nasaan ka, nakaalis ka na ba dito sa ospital

Ako:oo kanina pa nandito na ako sa taxi, nakasakay..

Ng biglang sumigaw yung nurse,

Nurse:maam, kayo po ba si sabrina del pilar, ang guardian ni amethyst salvador, tama po ba tong address na ito dito

Tiningnan ko ng masama ang nurse

Ako:oo tama lahat yan,

Nurse:okey maam, thank you,

Ayun umalis na ang nurse

Jazz:naka alis na pala ha, humanda ka sa akin, diyan ka lang, wag kang aalis alien ka..

Ako:nanakot ka pa sa lagay na yan, as if naman matatakot ako sayo, bahala ka sa buhay mo, i dont need your help..

Kaagad kung pinatay ang tawag, dumadagdag pa to sa problema ko, wala akong oras makipag bangayan sa kanya, masaya na ako kasi nahuli na yung kriminal na yun, ayun pumara na ako ng taxi, sasakay na sana ako ng biglang my humawak sa damit ko at bigla akong napatingin kung sino ang humawak sa, damit ko walang iba kundi ang manyakis na ito kaagad ko siyang tinulak

Ako:ano ba ang problema mo ha!!! (galit kung sabi)

Jazz:di ka ba nakaka intindi ha..ihahatid nga kita, at papalayain ko na ang kapatid mo

Ako:may gusto ka ba sa akin ha!!

Jazz:nagpapatawa ka ba ha, di ako cheap para magkagusto sayo, wag kang assuming hoyy

Ako:so bakit mo ako ihahatid ha!!, pwede ba di ka high class, kung makatawag ka sa akin ng CHEAP, bakit mamahalin ka ba ha..,

Jazz:tara na nga, sumakay ka na..

Ayun umalis na tuloy ang taxi, at nakita ko si cecil na nakatingin sa amin,

Ako:oo na sasakay na ako, teka lang kanina pa tumitingin sa atin yung jowa mo

Jazz:di ko yan jowa, siraulo ka, bahala siya, sige na sumakay ka na, heto helmet..

Ako:arayyy, ano ba natamaan tong boobs ko, makabigay ng helmet, wagas..

Jazz:asa ka pa na may boobs ka, wag kang assuming pwede ba, kasi flat ka,di ko nga yan naramdaman, akala ko pader yung nahawakan ko kaninang madaling araw, boobs mo pala

Balak ko sanang sampaling tong manyakis na to buti napigilan ko, ang bastos, ng bunganga, haysssstttt..

Ako:tumahimik ka na nga, pwede ba, wala ako ngayon sa mood, sige na paandarin muna yang motor mo

Ayun buti di na nagsalita, pina andar na niya ang motor niya, at akala ko mabilis niya itong patatakbuhin, katamtaman lang ang pagpatakbo niya,

Jazz:okey ka na ba? (sigaw niyang sabi)

Ako:ano sabi mo, di kita marinig..

Di ako nakakarinig ng maayos kasi malakas yung ihip ng hangin habang nagdra drive tong manyakis na to.

Jazz:wala.. di ka lang siraulo, bingi ka pa..

Ako:same to you..

Ayun buti di na nagsalita tong manyakis na to, nag drive na lang siya,

Maya maya ay nandito na kami sa police station, bumaba na ako, at pumasok kaagad ako sa loob, nakita ko ang kapatid ko na nanonood ng tv, buti naman at di pa, siya dinala sa kulungan,

Harold:ate, buti naman at nandito ka na, nasaan na ang pagkain, sabi mo magdadala ka ng pagkain

Jazz:di na kailangan kasi makaka alis ka na dito

Harold:talaga ate, saan ka nakahanap ng pera sa pang pyansa sa akin

Ako:wag ka ng madaming tanong, tara na..

Harold:salamat ate(sabay yakap sa akin) akala ko dito na ako makakatulog,

Jazz:pasalamat ka, kid at mabait ako

Harold:mabait saan banda? Sa pwet..

Jazz:pareho kayo ng ate mo, ang sarap pakuluan..

Ako:sige subukan mo at itatapon ko tong upuan sayo(galit kung sabi kay manyakis)

Ramos:mukhang may love team ka na sir(sabay akbay kay manyakis)

Jazz:tumahimik ka ramos..

Ako:alis na kami,..

Ayun umalis na kami ni harold, buti naman at di ako sinundan ni manyakis, nakasakay na kami ng taxi, sabi niya ihahatid niya raw ako sa bahay, sa prisinto lang pala niya ako inihatid, teka bakit ba ako naiinis,.

Harold:ate..

Ako:shut up..

Harold:grabe naman to, galit kaagad, ate pwede ba tigil tigilan muna yang pagka astigin mo, paano ka magkakaron ng jowa niyan, yung pulis na mayabang na yun, bagay kayo ate, hehehe

Ako:(tiningnan ko siya sabay batok) di kami bagay kasi isa yung HAYOP, nga pala harold, wala na si amethyst, (biglang tumulo luha ko) pinatay siya,

Nakita ko ang reaction ni harold, nagulat siya syempre

Harold:ate naman eh, wag kang magbiro ng ganyan,

Ako:di ako nagbibiro harold, seryoso ako

Harold:bakit, anong nangyari sa kanya

Ako:pinatay siya.. At wag kang mag alala kasi nakulong na siya, nasa kamay na siya ng mga pulis

Harold:sino ang pumatay sa kanya,

Ako:di ka maniniwala harold, kasi yung pumatay kay amethyst ay may tattoo sa braso at alam mo ba pareho sila ng tattoo ni papa

Harold:ano naman ang nakapagtataka dun ate, bakit si papa lang ba ang pwedeng magkaron ng tattoong yun, saan raw ang burol ni ate amethyst

Ako:sa bahay natin, gusto kung makausap yung criminal na yun

Harold:para ano ate, para patayin ka rin niya..

Ako:siraulo ka.., gusto kung itanong sa kanya kung kilala niya si papa

Harold:edi wow, teka ate parang may sumusunod sa atin..

Kaagad akong lumingon sa likod at tama nga si harold may sumusunod nga sa amin, na nakamotor

Driver:gusto niyo bang ihinto ko na lang to, baka kayo ang kailangan niya, madamay pa ako..

Nakita ko ang motor at suot ng nagmamaneho at naalala ko si manyakis kasi yun din ang suot niya pati ang motor, teka bakit niya kami sinusundan..

Itutuloy.