POV pa rin ito ni Jazz
Sinuot na ni clark ang kanyang jacket ,at kaagad ko siyang inakbayan
Ako:brad (tiningnan ko siya) may kilala ka bang sabrina marie del pilar
Pagkasabi ko nun ay tumingin siya sa akin na para bang nagulat siya
Ako:ohhh,bakit ganyan reaction mo brad,hehehe,kilala mo siya
General:ano ba kayong dalawa,kakain ba kayo o mag aakbayan na lang kayo diyan,iiwanan ko kayo diyan,hali na kayo,hintayin ko kayo sa labas,
Ayun lumabas na si general,at biglang tinanggal ni clark ang pagkaka akbay ko sa kanya at hinarap niya ako
Clark:sir,may nais ba kayong sabihin sa akin
Ako:teka lang brad,relax ka lang,tinatanong ko lang naman kung kilala mo si sabrina,hehehe,big deal ba yun
Clark:bakit mo naman natanong yun,kung sabihin kung oo kilala ko siya,,
Tekaa kilala niya si alien ,paano sila nagkakilala ,ibig sabihin siya yung kausap ni alien kagabi
Ako:talaga kilala mo siya ,so ikaw yung lalaking kausap niya kagabi ,
Pagkasabi ko nun ay parang nagulat na naman siya
Clark:anong kagabi sinasabi mo sir
Bigla kung naisip na baka siya nga yung lalaking yun ,teka para malaman ko kung siya talaga yun ay titingnan ko kung may tattoo siya sa kanyang paa ,
Ako:clark ,may tattoo ka ba ?
Clark:wala ,diba bawal yun sa mga pulis,pinagbabawal yun sa mga criminology na kagaya ko
Ako:ganun ba ,tama ka bawal nga yun pero
Clark:pero ano ?
Biglang sumigaw si general
General:ano sabihin niyo lang kung kakain pa kayo o hindi na ,
Kaagad akong lumapit kay sir,nagalit na naman si general,hahaha
Ako:heto na sir,sorry po ,clark tara na (sabay tawag kay clark)
Clark:tara na po sir,kain na tayo
General:ano isasabay na lang natin yung lunch ,para mamaya tuloy tuloy na yung kwentuhan niyong dalawa ,
Ako:hahaha ,napaka emotional mo naman sir,hahaha
General:tara na ,ako pa talaga ang pinaghintay niyong dalawa,
Ayun lumabas na kami,dito lang kami kumain sa likod ng opisina ,may cafeteria kasi dito,
Nag order na kami ng pagkain,mamaya ko na lang ulit tatanungin si clark ,ewan ko pinaghihinalaan ko talaga siya,malakas ang kutob ko na siya yung kausap ni alien,pero bakit tinanggi ito ni alien na di niya kilala si clark,parang may di magandang nangyayari ,
Nandito na kami sa may lamesa ,umupo na kami ,magkatabi kami ni general ,parang tatay ko na tong si general kasi siya ang tumulong sa akin para maging pulis ako,di kayo maniniwala ,kung di lang madre si mama ay di siya huminto sa panliligaw kay mama,hehehe ,
General:clark ,bakit gusto mong maging pulis ,
Clark:yun po kasi ang gusto ni papa ,sir
Ako:talaga,bakit naman yun ang gusto ng papa mo,
Clark:okey lang ba na sabihin ko kung bakit ,
General:bakit clark,masyado bang malalim ang rason kung bakit ..
Ako:clark,tinatanong ka ni general,bakit raw ?
Clark:pinatay kasi yung tito ko ng di kinikilalang tao,
General:isang murderer ang pumatay sa tito mo ,
Clark:oo ,isang magaling na murderer ,yung pumatay sa tito ko,
Ako:bakit naman pinatay niya yung tito mo,,
Clark:kilala niyo diba yung most wanted rin na killer yung alias blackshades yung tanging pinapatay niya lamang ay mga kriminal ,
Pagkasabi nun ni clark ay bigla akong napasubo sa pagkain,kasi ako lang naman ang tinutukoy ni clark na alias blackshades,sino kaya dun ang kanyang tito,nakalimutan ko na,pero di ibig sabihin na nakokonsensya ako sa ginawa ko,malas lang ng tito niya na gumawa siya ng di maganda,so ibig sabihin nito na ako ang dahilan kung bakit gustong maging pulis si clark ,ako ang hinahanap niyang tao ,hehehe ,mapaglaro talaga ang panahon,
General:bakit clark,siya ba yung pumatay sa tito mo ,matagal na rin naming hinahanap yang blackshades na yan,hanggang ngayon ay di pa namin nahahanap ,talagang napakagaling yang kumag na yan,
Bigla akong napa inom ng tubig ng sabihin yun ni general,bwesit !!! ,paano kung malaman ni general na ako ang killer na yun ,pero okey lang yun ,inihanda ko na ang sarili ko ,hehehe
Clark:salamat sir (sabay tingin sa akin)sir jazz bakit di ka makapag salita diyan,
Ako:kita mo na kumakain pa ako,alangan naman na magsalita ako habang may laman tong bibig ko,hehe
Clark:hehehe,pasensya na sir ,
General:don't worry clark, we will not stop until we catch that criminal, especially when you become a full time police officer, right SPO1 reyes(sabay tingin sa akin)
Ako:oo naman sir,di tayo titigil hanggang di natin mahuli yang demonyong killer na yan,
Napalunok na lang ako sa sinabi ko,hehehe,hay naku ,di nila alam na nasa tabi na nila yung tinutukoy nila,walang iba kundi ako,hahaha,ewan ko bakit parang natatawa ako imbis na mag alala ako kasi most wanted pala ako hehehe,talagang ako ngayon ang mainit sa mga pulis na katulad ko,yung demonyong pumatay sa mga magulang ko ay ayun parang nakalimutan na siya ,di na kasi yun nagpaparamdam ,siguro naka upo na yun sa wheelchair kaya yung mga new generation na lang ang humahawak sa iniwan niyang trabaho,isa na yun sa sinunong kung kriminal at tong si clark parang isa rin siya sa mga killer ,pero wala pa akong ebidensiya ,gusto ko munang malaman kung meron siyang tattoo
Maya maya ay natapos na kaming kumain ,tumayo na kaming tatlo papunta n kami sa opisina
After ilang minuto ay nandito na kami sa opisina
General:SPO1 reyes,ikaw na ang bahala diyan kay clark ,galingan mo ang pagturo mo diyan ,kasi nakasalalay ang grado niyan sayo
Ako:wag mo ng i mention yan sir,para namang di mo ako kilala,hehehe
General:kaya nga sinasabi ko ulit yan sayo kasi kilalang kilala kita reyes,sige na ,iwanan ko muna kayo ..
Ayun umalis na si sir ,pumunta na siya sa kanyang opisina ,heto hinarap ko si clark,kaagad niyang hinubad ang kanyang jacket
Clark:alam ko na kung ano ang sasabihin mo sa akin sir
Ako:pasensya ka na clark ha ,di naman sa pinaghihinalaan kita,pero di lang kasi ako mapakali
Clark:okey lang,di naman kita masisisi,pero mamaya ako naman ang magtatanong sayo
Ako:oo naman,para patas ,sige na clark ipakita muna sa akin kung may tattoo ka ba o wala
Ayun hinubad na ni clark ang sapatos niya pati medyas ,dahan dahan niyang ini angat ang kanyang pantalon ,pero bakit ganun wala akong makitang tattoo sa kaliwang paa niya ,siguro nagkakamali lang ako ,hindi naman basta basta niya yun mabubura ,pero kahit binura niya ito ay malalaman ko pa rin ito kasi nakabakat pa rin ito sa balat niya,nagkakamali lang yata ako,ayun sinuot na ni clark ang sapatos at medyas niya
Clark:ano sir,okey na ba ?
Ako:pasensya na clark,tara na magsimula na tayo,ituturo ko na sayo lahat
Clark:sandali lang sir,
Ako:bakit?
Clark:ngayon ako naman ang magtatanong sayo
Ako:,sige ano yun
Clark:bakit mainit ang dugo mo sa may mga tattoo,may kaaway ka bang tao na may tattoo
Ako:oo clark,tama ka ,kaya pasensya ka na ha kung napaghinalaan kita
Clark:bakit mo naman ako pinaghihinalaan sir,lahat ba ng nakaka usap mo o nakaka trabaho ay pinaghihinalaan mo
Ako:hindi naman ako ganung tao clark,di ako judgemental,nagkataon lang na kilala mo si sabrina at parang ikaw yung kausap niya kagabi ,pareho kayo ng jacket eh,
Clark:ganun ba ,ngayon naiintindihan ko na,pero sir bakit kayo galit na galit sa may mga tattoo
Ako:hindi ko naman nilalahat yung may mga tattoo,di ako galit sa kanila,tanging yung tattoo lang yun ang kailangan kung makita ..
Clark:anong tattoo ?
Ako:kutsilyo na may nakatusok na puso,
Pagkasabi ko nun ay parang nagulat si clark,parang nag iba ang kanyang reaction
Ako:bakit clark,bakit ganyan ang reaction mo
Clark:wala sir,ibig sabihin pareho pala tayo ng motibo kung bakit natin gustong maging pulis,na mahuli natin ang mga kaaway natin
Pagkasabi nun ni clark ay tama naman ang sinabi niya pero paano kung malaman niya na ako ang hinahanap niyang tao na gusto niyang paghigantihan,ako pa naman ang magiging mentor kay clark,para ako nitong siraulo ,baka sa bandang huli ay pagsisihan ko ang gagawin kung pagturo kay clark,sa mga nalalaman ko ,paano kung higitan niya ang pagiging magaling kung pulis pero bakit naman ako matatakot,eh ,apprentice ko lang siya,
Ako:oh,siya tama na tong kadramahan natin clark,baka sigawan na naman tayo ni sir general,tara na at mag umpisa na tayo
Clark:hehehe,kaya nga sir ,mukhang napasarap yata ang kwentuhan natin
Ako:isulat mo na lang yan sa papel clark at ipadala mo sa kay maam charo sa mmk ,
Clark:di na yun mababasa ni maam charo kasi nagsara na ang abs cbn,kay tita mel na lang dun sa magpakailanman,hahaha
Ako:hahaha,tang ina ,para tayong mga sira,tara na nga ,
Ayun pumunta na kami sa opisina ko,at bago ko ituro kay clark ang mga code bilang isang pulis ay inorient ko muna siya kung ano ang mga do's and don'ts ,at pagkatapos ay pinabasa ko sa kanya ang mga article rights ,diba parang abogado lang,hahaha.,habang binabasa niya ang mga articles ay biglang pumasok si general sa opisina ko
General:reyes,sayo ko ibibigay tong kaso ni romel valencia
Kaagad akong tumayo ,
Ako:teka sir,diba kay de paz yang kaso na yan,siya ang humahawak diyan
General:alam mo naman na wala akong tiwala kay de paz,halos mag tatatlong buwan na ,hindi pa niya nahuhuli yung druglord na yun,
Ako:sir,alam mo naman na senior ko si de paz,pag malaman niya na ako na ang hahawak sa kaso ni valencia ay tiyak magagalit yun
General:natatakot ka ba jazz ,akala ko ba wala kang kinatatakutan
Ako:hehehe,sir naman,di ako natatakot ayoko lang na magalit sa akin si de paz,
General:di naman niya malalaman na binigay ko sayo yung kaso,palihim mo lang mamatyagan si de paz ,pati yung valencia na yun
Ako:anong ibig mong sabihin sir
General:malaki ang tiwala ko sayo jazz,pag mahuli natin yung druglord na valencia na yun ay tiyak pupurihin tayo ng pangulo ,bibigyan niya tayo ng award,pinaghihinalaan ko na rin yung de paz na yun kasi ,ang tagal na ,di pa rin niya nahuhuli yung druglord na yun
Ako:grabe ang haba nun sir,sige na nga,oo na palihim kung hahawakan yung kaso ni valencia,parang private detective na ako nito,
General:salamat jazz,sige na pwede ka ng umalis,puntahan mo si de paz ngayon
Ako:pero paano si clark,
General:isama mo siya
Ako:ano ,bakit ko naman siya isasama
General:para malaman niya kung paano ang ginagawa mong trabaho ,
Kaagad na tinawag ni sir si clark
General:clark,sumama ka kay reyes,mag observe ka muna kung ano ang ginagawa niya
Clark:sir yes sir(sabay salute)
General:okey ,..
Ako:pambihira naman to si sir,ojt palang yan si clark,
General:sige na reyes,wag ka ng magreklamo,sige na umalis na kayo
Ako:hayssstttt ..
Ayun umalis na kami ,alas 10 pa lang ng umaga,ang aga naman para mag imbistiga ako,kung di lang malakas si general sa akin,di ko siya susundin,
Wala pala akong dalang kotse pati yung motorsiklo ko di ko nadala,
Ako:clark,may motor ka ba ?
Clark:wala pero yung kaibigan ko merong kotse,
Ako:kaibigan,sino ?
Clark:sakto lang nandito na siya ..
Kaagad na may paparating na kotse at nagulat ako kung sino ang driver walang iba kundi si alien,talaga bang araw araw kaming magkikita ng alien na to,akala ko di ko na makikita ang pagmumukha ng alien na to,kaagad bumaba si alien at wow ha,kaagad niyang niyakap si clark
Sabrina:claaaaaaaaaaarrrrkkkkkyyyyyyy (ang higpit ng yakap)i miss yowwwww ,
Itutuloy.