Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 16 - CHAPTER 15:HINALA

Chapter 16 - CHAPTER 15:HINALA

POV na ito ni Sabrina

Ano ba to lord,bakit pinaparusahan mo ako ng ganito,bakit parati mo kaming pinagtatagpo ng manyakis na yun,bwesit na bwesit talaga ako sa pagmumukha ng manyakis na yun,feeling naman niya na nasa kanya na ang lahat,di lang siya manyakis feelingero pa ,grabe akala ko magiging okey na kami kasi nilibre niya ako ng pagkain at tsaka yung favorite chocolate ko pero ganun pa rin back to normal life ,nagbabangayan di pa naman yun nagpapatalo ,bwesit !!!

Kaya di ko sinabi sa kanya ang totoo na kilala ko yung taong kausap ko kaninang madaling araw,yung naka jacket na may hood ,yun ay si clark johnnson camariness ,sobrang namiss ko siya super ,kasi sinorpresa niya ako nung oras na yun,9 years ko siyang hindi nakita,actually childhood friend ko siya ,nakilala ko lang siya dahil kay papa,inaanak siya ni papa ,in short ninong niya si papa ,hehehe ..wag kayong maingay kay clark ,siya yung pinaka unang lalaking nagustuhan ko ,nakalimutan kung ikwento to sa inyo pero ayos lang naman diba kung ikwento ko sa inyo kung bakit ko siya nagustuhan ,okey ..ganito yun ..

Year 2011 ,15 years old pa lang ako nun ,nung naliligo kami nila papa,harold at syempre kasama nun si clark dun sa may La Villa Resort ,diba ang dami naming money ,naka resort ang mga dukha ,haha

Masaya kaming nagtatawanan dito sa may cottage nila papa,clark at harold

Papa:clark ,iho (inakbayan niya si clark) ikaw ang gusto kung mapangasawa ni sabrina,dapat pag nasa tamang edad na kayo ay ligawan muna yang anak ko kahit panget yan ..

Nakita ko si clark na nakangiti lang habang nakatingin sa akin,ako naman ay heto napakarupok ,nag wave ako ng buhok ko,enebe kese ,kinikilig ako eh ..

Ako:papa ,naman eh,baka iwasan ako ni clark niyan,ligawan kaagad,eh ,ang babata pa namin

Buti na lang di pa gaanong pasaway tong si harold,busy siya sa kanyang laruan ,

Clark:di ko po alam tito ,baka po kasi may makilala si sab at magustuhan niya yung lalaking yun at diba nga pagtuntong ko ng 18 ay pupunta kami nila papa sa batangas ,baka pagbalik ko ulit dito ay may boyfriend na si sab (sabay tingin sa akin)

Ako:so itutuloy mo talaga yung pagpunta mo sa batangas clark nakakalungkot naman

Clark:dun kasi ako pinapaaral ni mama eh ,

Ako:pwede ka naman dito mag aral bakit dun pa ,

Papa:sab ,anak ,pabayaan muna kung ano ang desisyon ng tita vivian mo para kay clark,wag kang mag alala di maghahanap ng ibang babae yang si clark,kasi ikaw lang sapat na ..

Clark:hehehe,ninong naman eh,nahihiya tuloy ako (sabay kamot sa ulo)

Harold:gusto ko ng maligo sa dagat..

Clark:tara ,harold maligo na tayo dun ,ikaw sab sama ka ..(ngiting sabi sa akin ni clark)

Ako:go ,tara ...

Papa:mag ingat kayo dun ha ,malakas ang alon ng tubig

Clark:wag kang mag alala ninong,magaling kaya tong lumangoy ,hehehe

PaPa:sige,maligo na kayo ..

Ayun kaagad tumakbo si harold papunta sa dagat,dala dala ang kanyang micky mouse na salbabida ,heto naglalakad kami ni clark papunta sa dagat ,grabe ang lakas talaga ng alon ,

Maya maya ay nandito na kami ,masaya ng nagtatampisaw si harold sa dagat habang nakasakay sa kanyang salbabida ,

Ako:harold,wag kang lalayo,diyan ka lang

Sigaw ko kay harold,habang nakaupo kami ni clark dito sa may buhangin

Ako:clark,tara maligo tayo ..naiinggit ako kay harold ,hehehe

Clark:sige sab mamaya na ako maliligo,titingnan muna kitang maligo,hehehe

Ako:basta ha,sumunod ka mamaya ,sige maliligo na ako ,hehehe

Ayun kaagad akong pumunta sa dagat ,marunong naman akong lumangoy kaya okey lang na pumunta ako sa malalim,hehehe

Harold:ate ,punta ako sayo diyan,

Ako:diyan ka lang harold ,malalim dito ,

Harold:eh,turuan muna akong lumangoy,para makapunta na ako sa malalim

Ako:mamaya na ,

Harold:kainis naman to ...

Kaagad akong lumangoy ,lumangoy ng lumangoy,at nagulat ako ng pag ahon ko ay may kaharap na akong isang lalaki,ka edad ko lang ..

Jazz:muntik munang mahawakan itlog ko miss,pwede ba kung lalangoy ka ,marunong kang dumistansya,malayo ka na dun sa pwesto niyo (galit niyang sabi)

Ako:wow ,nakakahiya naman sayo ,bakit pagmamay ari mo ba tong dagat na to ha,bakit bawal ba akong lumagpas sa pwesto namin,siraulo ka ..napaka manyakis mo,

Jazz:umalis ka na,baka mag iba ang paningin ko sayo

Ako:tinatakot mo ba ako ha ,wag mo akong utusan na umalis kasi aalis talaga ako dito,at teka lang ,bakla ka ba ?

Jazz:gusto mong sampulan kita,para makita mo kung sino ang tinatawag mong bakla

Ako:well,i dont care,goodbye !!!(kaagad ko siyang tinalikuran)

Grabe napaka antipatiko ng lalaking yun,akala niya naman sa kanya tong dagat na to,gwapo sana kaso suplado..wala talagang makakapantay sa ugali ni clark,

Ayun kaagad akong lumusod sa tubig tsaka lumangoy ,habang lumalangoy ako ay biglang may kumagat sa hita ko,at biglang nanigas ang isa kung paa,dahilan ng nawalan ako ng focus sa paglangoy ,unti unti na akong nalulunod di ko alam ang gagawin ko ,sumisigaw na lang ako ng

Tulong !!! Tulong !!!! Tulungan niyo ako !!!

Bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong lalaking papalapit sa akin na para bang yung lalaking ka edad ko lang na yung antipatikong yun ,papalapit siya sa akin at nung hawakan na niya yung bewang ko ay dun na ako nawalan ng malay ..

After ilang minuto ..di ko lang kung minuto na ba ang nakalipas o oras ,

Bigla akong nagkamalay,paggising ko ay nandito na ako sa kama,nakita ko na may nakalapat ng gauze pad ang hita ko ,medyo di masakit ,sino kaya ang nagligtas sa akin,babangon na sana ako ng biglang dumating sila papa at cLark ,at lumapit sila sa akin

Papa:anak ,wag ka munang bumangon ,di ka pa okey ..bakit ka ba pumunta dun sa malalim ,

Ako:wala naman kaso kung pumunta ako sa malalim pa,bigla kasing may kumagat sa akin,di ko alam kung ano yun at biglang nanigas yung paa ko kaya ayun nalunod ako

Clark:sorry sab kung nahuli akong iligtas ka ,

Ako:so ikaw ang nagligtas sa akin clark

Papa:oo siya ang nagligtas sayo kaya magpagaling ka na diyan pinag alala mo kami

Ako:diba clark,takot ka sa dagat,paano mo ako naligtas

Pagkasabi ko nun ay biglang napatigil si clark,di ko alam bakit ako nagdududa sa kanya nakita ko kasi yung supladong lalaking yun na papalapit sa akin ,baka namalikmata lang ako ,

Clark:sab,di ko alam,nawala yung takot ko sa dagat nung makita kitang nalulunod kaya ayun kaagad kitang tinulungan buti di ka masyadong nalunod pati yang sugat mo di gaanong malalim,

Pagkasabi nun ni clark ay naniwala na ako ,siguro nga namalikmata lang ako ,utang na loob ko kay clark ang 2nd life ko,

Kaya ayun si clark ang 2nd hero sa buhay ko,kaya masisisi niyo ba ako kung bakit ko nagustuhan si clark ,nasa kanya na ang lahat eh ..

End of throwback ..

Kaya sobrang saya ko na nandito na ulit si clark at dito siya nag oojt sa lugar namin,magpupulis din siya,

Sinabi niya sa akin na makikita ko na raw ang papa ko dun sa may aquarium fantasy,ibig sabihin magkasama sila ni papa,yes naniwala kaagad ako sa kanya nun ,di natuloy ang pag uusap namin ng biglang lumapit si manyakis,di ko alam bakit biglang tumakbo si clark kaya ayun,buti di siya hinabol ni manyakis,grabe talaga ano ba ang meron sa tattoong yun ,bakit galit na galit si manyakis,baka yung tattong yun ang tanging paraan para makita ni manyakis ang taong pumatay sa pamilya niya,pero wala naman kinalaman sila papa at clark dun diba,hay ewan ko,kaya kung magkita kami ni papa ay yun ang una kung itatanong sa kanya

Kinabukasan ..

Pumunta kaagad ako dito sa police station kung saan nag oojt si clark,yes im so excited kasi magkaka sama kami ngayon at babayaran niya ako ng talent fee,hahaha ,pero wait lang yung ibabayad niya sa akin ay yun ang gagamitin namin sa pang date namin,ayieehhhh ..ang landi mo girl ,hehehe,

Pero pilit talaga kaming pinagtatagpo ng manyakis na to di ko alam kung bakit,nangonsensya pa ,bwesit siya ,pero nilibre naman niya ako kagabi so pasasakayin ko na lang siya di naman ako bad girl,good girl kaya to hehehe,pero di talaga siya nagpapatalo sa akin ako na lang ang tumigil para manahimik na siya nakakahiya naman,

Habang nakikipag harutan ako kay baby clark ko ay nandito naman tong KSP na manyakis na to,bwesit ,pinasakay ko na nga kotse sabihin niya lang kung nagseselos siya,hehehe,assuming ka rin no girl ,hahaha

Maya maya ay nandito na kami sa aquarium fantasy ...nakita ko kaagad si papa na sasakay na sa kotse may mga kasama siyang mga lalaki ,di ako nagkakamali kahit malayo sila ay kilalang kilala ko si papa ,naka bonet siya na naka red polo. Kaagad akong bumaba at tumakbo papalapit sa kanila ..

Ako:papaaaaaaaaaaaaaa!!!!(ang lakas kung sigaw habang papalapit sa kanila)

Ayun di yata ako narinig biglang umandar na ang kotse na sinakyan nila ..

Clark:bumalik tayo sa kotse habulin natin sila

Jazz:kilala ko yung kotse na yun kotse yun ni de paz,siguro pupunta na sila sa hideout nila

Ako:(tiningnan ko si manyakis)anong ibig mong sabihin na hideout ..

Clark:sir ,di naman gumagamit ng droga yung papa ni sab ..baka nagkakamali lang kayo

Jazz:sundan natin yung kotse na yun bago pa sila makalayo ,tara na..

Ayun kaagad kaming bumalik sa kotse ko ,

Jazz:ako na ang mag dradrive para mahabol natin sila

Di na ako nakipagtalo kay manyakis,di ko alam biglang nanghina ang pakiramdam ko nung makita ko ulit si papa,impossible naman na di niya narinig ang napakalakas kung sigaw sa kanya,binigay ko sa kanya ang susi ko ..

Pina andar na ni manyakis yung kotse ,kaagad akong nagulat kasi grabe ang bilis magpatakbo nitong lalaking to ,maya maya ay nakikita na namin yung kotse na sinakyan ni papa,ibang klase nahabol pa namin sila papa,ng biglang nagsalita si clark

Clark:sab ,pwede bang pumunta muna tayo sa divine world ospital

Jazz:ikaw na lang ang pumunta dun clark,kailangan namin mahabol yung de paz na yun

Ako:bakit clark,anong nangyari ?

Clark:si mama sinugod siya sa ospital,pinapupunta niya ako

Biglang tinigil ni jazz ang kotse,

Jazz:mag commute ka na lang clark,kailangan ko talagang malaman kung saan pupunta yung de paz na yun pati yung papa ni alien,

Clark:sige sasakay na lang ako ng taxi

Ako:hindi clark,pupunta tayo sa ospital,manyakis ,iliko mo pupuntahan natin ang mama ni clark

Jazz:(nakasimangot sa akin)seryoso ka ? ,paano ang papa mo !!!

Ako:magkikita pa naman kami ng papa ko,mas importante yung mama ni clark,

Clark:okey lang sab,sasakay na lang ako ng taxi ,sige na at may mission rin si sir jazz ,na mahuli niya yung de paz na yun

Jazz:nakakalayo na sila ano ba alien ,

Ako:sigurado ka clark ?

Clark:oo ,sige na sab ,mag ingat kayo ni sir

Ako:clark,,pasensya ka na,gusto ko na talaga makita si papa,at makausap

Jazz:hay naku ..

Clark:okey lang yun sab sige na. Baka di niyo na sila maabutan ..

Ayun bumaba na si clark ..

Ako:ikamusta mo na lang ako kay tita ,mag ingat ka clark

Ngumiti na lang sa akin si clark at parang may tumawag sa kanya ,

Jazz:ang drama niyo..

Ayun pina andar na ni manyakis ang kotse at as usual mabilis pa rin niya itong pinatakbo ,pero maya maya ay di na namin sila nakita o naabutan ..

Jazz:bwesit !!!ang dami pa kasing drama,di ko tuloy naabutan o nakita kung nasaan silang direction dumaan,bwesittt !!(hinampas niya ang manibelang kotse ko)

Ako:hoyyy,tumigil ka nga diyan ..may araw pa para mahuli mo yang de paz na yan at makita ko ang papa ko,sisirain mo yang manibela ,tabi diyan ako na ang magdra drive

Jazz:sabihin mo nga..alien .

.sinadya ba to ng clark na yun para di ko mahabol yung de paz at yung papa mo ha (galit niyang sabi sa akin)

Ako:anong ibig mong sabihin na sinadya ni clark ha ..

Itutuloy.