POV na ito ni JAZZ
Nanggigil talaga ako sa kumag na clark na yun,alam ko na myembro siya ng kutsilyo gang na yun ,di ko talaga siya titigilan hanggang di ko malaman ang totoo ,alam ko na malapit ko ng malaman kung sino ang demonyong pumatay sa mga magulang ko ,talagang pagbubuhulin ko ang katawan niya,..
Nandito kami ngayon sa ospital,dun talaga lumakas ang hinala ko kay clark nung sinabi ng nurse na di na confine yung mama niya dito sa ospital ,kaya sobra talaga ang galit ko ,pati si alien ay nadadamay sa galit ko ,alam ko wala siyang kasalanan at wala siyang idea ,pero paano kung pati ang papa ni alien ay may tattoo rin kagaya kay clark ewan ko na lang talaga ,
Wala talagang oras o segundo na di kami nagbabangayan ng babaeng alien na to ,siya pala talaga ang babaeng lubos kung binigyan ng atensyon ,para makipagtalo parang bata na tuloy ako nito ,ewan ko sa babaeng to,di kompleto ang araw ko kapag di ko siya inaaway,
Kaagad ko siyang kinaladkad palabas ng ospital para tawagan niya si clark,kasi may kutob talaga ako na sinadya yun ni clark sa amin para di ko mahabol sila de paz at yung papa ni alien,pero maya maya biglang sumulpot si clark,
Sobra akong nagulat ng makita ko na nandito sila clark sa ospital kasama ang mama at kapatid niya ata yun ,kaya kaagad kung ko siyang kinausap ng private lang ,at maya maya ay nandito na kami sa may puno ,kami lang dalawa
Clark:may sasabihin ka ba ?(galit niyang sabi)
Wow ,siya pa ang galit ha !! ,
Jazz:ano ang pakay mo sa akin ha !! ,bakit ginawa mo yun sa akin,akala mo di ko alam na kilala mo si de paz ,sabihin mo sa akin kung nasaan sila de paz ,
Clark:ano ba ang problema mo !! sinabi ko na sayo diba na di ko kilala yung de paz na yun at di ko sinadya yun talagang dito na confine ang mama ko ,kung ayaw mong maniwala tanungin mo yung front desk dun
Jazz:tang ina !! ,tinanong na namin sabi niya di raw na confine ang mama mo dun,magsabi ka na kasi ng totoo kung ayaw mong masaktan(kaagad kung kwinelyohan si clark)nanggigil na ako sayong bwesit ka !!
Balak ko na sanang sapakin tong si clark ng biglang dumating tong si alien,at hinawakan niya kamay ko,grabe talagang mahal na mahal niya ang taong to,
Kaya nasigawan ko tuloy si alien at nasabihan na sasaktan ko siya pero wow !! ,mawawala raw ang respeto sa akin ni clark kapag sinaktan ko si alien kasi sasaktan niya ako,hahaha nagpapatawa ba siya o nagjojoke ,sa pinapakita niya sa akin meron pa ba siyang respeto ,bwesit !! Binitawan ko na ang pagkakahawak ko ng kwelyo kay clark di dahil natakot ako sa sinabi ng clark na to kundi naalala ko ang sinabi ni mama emerald sa akin na bawal akong manakit ng babae,ewan ko parang sumagi yun sa isip ko,kaya binitawan na rin ni alien ang kamay ko ,
Kaagad kaming bumalik sa loob ng ospital para i double check ulit kung na confine talaga ang mama ni clark pero laking gulat ko na sinabi ng babaeng to na confine pala talaga ang mama ni clark di lang niya sinabi sa amin ni alien kasi di raw kami kamag anak,mapapa mura talaga ako sa sinabi ng babaeng to ,parang magkakilala sila ni clark,talagang pinagtakpan pa niya si clark pero posible rin na na confine talaga ang mama niya pero baka acting lang nila to para mapaniwala nila ako ,di na ako nakipagtalo kaagad akong umalis pero bigla akong napahinto at tinawag ko si alien,gusto kung sumama siya sa akin,kasi gusto kung tawagan niya ang papa niya ,at talagang ayaw niyang sumama sa akin ,ibang klase,mas gusto niya pa talagang samahan yung kumag na yun,akala niya papayag ako na di niya ako samahan,no way !! ,kaagad kung nilapitan si alien pero tong clark na to,talagang inuubos niya talaga ang pasensya ko ,talagang gusto niya ng away,pag di ko ma control ang sarili ko,humanda siya,buti na lang kaya ko pang controlin ang sarili ko,
Sinabihan ko na siya na ako ang trainor niya at ibabagsak ko siya pero talagang matigas tong clark na to,di na raw siya papasok sa akin ,simula bukas,eh !! Wala akong pakialam ,di siya kawalan,di pa rin ako tumitigil sa pakikipagtalo sa gongong na clark na to kasi gusto ko talagang sumama sa akin si alien kaya nagulat ako ng biglang hawakan ni alien ang braso ko
Sabrina:halika dito(sabi niya sa akin)
Clark:saan kayo pupunta
Sabrina:babalik ako clark,kakausapin ko lang tong manyakis na to
Di na ako pumalag nung hawakan ni alien braso ko ,nandito na kami sa labas,di ko alam ng bigla kung nginitian tong alien na to ,grabe ang ganda niya pala sa malapitan ,
Kaya ayun tinarayan na naman ako ng babaeng to,pero ang cute niya kapag nagagalit kaya imbis na magalit rin ako ay lalo ko siyang inasar. Hehehe
Akala ko di niya ako sasapakin buti na lang nahawakan ko ang malambot niyang kamay,nagulat ako ng bigla na naman niyang tinadyakan ang titi ko ,tang ina ang sakit bwesit !!! ,kaya sa galit ko ay hinawakan ko ang kamay niya at sinabihan na ,hahalikan ko siya kapag sinaktan niya ulit ako,sinabihan pa ako antipatiko,naalala ko tuloy yung batang babaeng niligtas ko dati sa dagat,yung nagsabi rin sa akin ng antipatiko,talagang di sila nagkakalayo ng ugali ng babaeng yun,kamusta na kaya yung babaeng yun matapos ko siya iligtas ,
Fast forward ...
Bumalik kami sa kotse ni alien,kasi pupuntahan namin kung nasaan sila de paz,pinasama ko na rin si clark at kinuha ko ang cellphone niya baka itext na naman niya si de paz o yung papa ni alien,,kaya ayun pina andar ko na ang kotse,at talagang masayang masaya tong alien na to nung bigyan siyan ng pagkain ni clark,nung nilibre ko siya di naman siya kasing saya kagaya ngayon ,ano kaya ang nakita niya sa gonggong na clark na to
Bigla kung hininto ang kotse ,ewan ko naiinis ako sa pinaggagawa ng dalawang to,dito pa talaga sila naghaharutan sa harapan ko ,
Ayun galit na galit na naman sa akin tong alien na to,
Clark:jazz ako na ang magdradrive tutal ako naman ang may alam kung nasaan si tito ferdie
Ako:buti pa nga clark,hoy !! Manyakis umalis ka diyan,si clark ang magdradrive
Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ni clark ,at nakita ko na yung papa ni sab ang tumatawag,ninong ferdie ang nakalagay eh !!
Pina loud speak ko ito para marinig ko ang boses ng papa ni sab,binigay ko kay clark ang cellphone niya ,at bigla namang nag ring yung cellphone ko ,nakita ko na si kevin ang tumatawag,sinabi ko sa kanila na si general ang tumatawag sa akin pero si kevin naman talaga,bago ako bumaba sa kotse ay may iniwan akong isang voice recorder maliit lang ito para di nila makita at di ko pinahalata na sa kanila na iniwan ko ito sa ilalim ng upuan ,gusto kung marinig ang usapan nila na wala ako,ayun bumaba na ako at sinara ko ang pinto.
Sinagot ko na ang tawag ni kevin
Ako:pre ..
Kevin:nasaan ka na !! ,sabi ni general na pinuntahan mo raw si de paz
Ako:oo pre,at muntik ko na sanang makita si de paz kaso may asungot eh ..
Kevin:asungot ? Sino
Ako:yung walangyang trainee ko ,may hinala ako na isa rin siya sa myembro ng kutsilyo gang yung may tattoo na kutsilyo na may nakatusok na puso
Kevin:grabe ka pre,pati ba naman yang trainee mo pinaghihinalaan mo,nasaan ka tutulungan kita kay de paz ,sakto tapos na ang duty ko ngayon
Ako:wag na pre. Kaya ko na to ,kasama ko rin naman si sabrina ,at malalaman ko na rin ang totoo
Kevin:teka ,teka ,sinong sabrina ? Naks ,pre ..di mo sinasabi sa akin na may jowa ka na pala,hehehe ,talagang wala ng pag asa si cecilia,
Ako:GAGU !! sige na babalikan ko na sila baka kung ano ang ginagawa nila sa loob ng kotse
Kevin:hahaha,seloso ka pala pre ,ang lupit mo palang magmahal,hahaha
Ako:tang ina,di ko syota yung alien na yun,siraulo ka talaga pre
Kevin:wow ! May callsign na pala kayo,hehehe,nakakakilig naman,hehehe,basta pre ,ninong ako sa first baby niyo ha !! ,
Ako:ako na naman ang napagtripan mo pre,kung di lang kita kaibigan matagal na kitang ginulpi ,sige na maya na lang babalitaan na lang kita ..
Kevin:hahaha,sige pre ..
Ayun pinatay ko na ang linya at kaagad akong pumasok sa loob ng kotse at nagulat ako ng bigla kung makita na umiiyak si alien,nakayakap siya kay clark kaya kaagad akong lumapit sa kanila
Ako:anong nangyari ? Bakit umiiyak siya(sabi ko kay clark)
Clark:wag na tayong tumuloy ,gusto ng umuwi ni sab sa kanila
Ako:teka,ano ba ang nangyari
Clark:bakit di mo pakinggan tong voice recorder mo ,para malaman mo ,
Nagulat ako ng nakita ko na hawak hawak ni clark yung maliit kung voice recorder,nakita niya pala yun,
Clark:ano ba ang problema mo jazz bakit ba pinaghihinalaan mo ako ,
Sabrina:pwede ba tigilan niyo na yan ,gusto ko ng umuwi sa amin,
Galit na sabi ni alien habang umiiyak ,di na lang ako nakipagtalo kay clark kinuha ko na lang ang voice recorder ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng kotse at pina andar ko na ito ,iyak ng iyak pa rin si alien,di ko alam kung anong nangyari,gusto kung sa akin siya sumandal. Pero nakasandal siya kay clark
Clark:tama na yan sab,bukas na bukas,kakausapin ko si ninong..
Sabrina:wag na clark,wag na ,huhuhu
Teka ano kaya ang sinabi sa kanya ng papa niya at umiyak tong si alien,mamaya na lang malalaman ko naman mamaya ang kanilang pag uusap,gamit tong voice recorder kung to,
After ilang minuto ay nandito na kami sa bahay nila alien,,hinayaan ko na lang muna na puntahan sila de paz ,may bukas pa naman,kapag kasi tinawagan ko si de paz ay maghihinala yun lalo pa at hindi kami close ng taong yun,nakakagulat lang kasi di ko siya mahagilap gamit ang GPS access ko ,siguro may ginawa siya para di ko siya mahanap kung nasaan siya .
Talagang tama ang hinala ni general kay de paz,
Bumaba na ako sa kotse pati rin sila alien
Clark:umalis ka na jazz,ako na ang bahala kay sab ,
Ako:sige aalis na ako,hoy !! Alien ,tama na yang kakaiyak mo ,baka kunin ka ng kalahi mong mga alien
Pagkasabi ko nun ay nakita ko na biglang ngumiti si alien ,at pinunasan niya ang luha niya
Sabrina:umalis ka na manyakis,baka ihagis ko tong basurahan sayo
Ako:sige nga ihagis mo nga ..hehehe
Sabrina:siraulo ka talaga ,kahit kailan ..
Clark:tara na sab ,pumasok na tayo sa loob(hinawakan niya ang kamay ni alien)
Ayun bago sila pumasok ay tinawag ko si alien
Ako:hoy !! Alien ..
Kaagad na lumingon si alien sa akin
Sabrina: anooo !!
Ako:susi mo ,baka madala ko pa to (kaagad kung inabot sa kanya ang susi)
Clark:akin na(kaagad niyang inagaw) ,sige na umalis ka na
Ako:kanina ka pa clark ,ano ba ang hanap mo,gusto mo ba talaga ng away ..
Sabrina:alam mo manyakis ,umalis ka na pwede ba,naririndi na ako sa boses mo kanina ka pa
Pagkasabi nun sa akin ni alien ay ewan ko biglang kumirot tong puso ko ,imbis na si clark ang pagsalitaan niya ako pa talaga
Ako:sorry ha !!(sabi ko kay alien) sige alis na ako ,
Ayun tinalikuran ko na sila at nakita ko si alien na tumingin sa akin ,umalis na ako ,bwesit naman to ,magcocommute ako nito ,pero gusto kung pakinggan muna tong voice recorder na ito,kung ano ang pinag usapan nila kanina ,kaagad kung pina play tong voice recorder
Narito ang kanilang pag uusap
Sabrina:hello ,papa ..
Ferdie:anak ,sabrina ikaw ba yan..
Clark:oo ninong si sab yang kausap mo ..
Sabrina:nasaan ka ba pa,mahigit isang taon ka ng di nagpapakita sa amin ni harold ,may iba ka na bang pamilya at alam ko ikaw ang nakita ko kanina dun sa aquarium fantasy
Ferdie:anak,pasensya ka na ha !! ,hindi pa ako pwedeng magpakita sayo kasi may nais lang ako ayusin dito wag kang mag alala di matatapos ang buwan na ito magpapakita ako sa inyo ni harold at oo ako nga yung nakita mo kanina,buti na lang ay di mo ako nahabol,
Sabrina:nandito ka pa pala sa lugar na ito pero di ka man lang nagpakita sa amin,bakit mo kami natitiis pa,mas importante pa ba yang aayusin mo kesa sa amin,at talagang nagpasalamat ka pa talaga na di ko kayo naabutan kanina,grabe
Ferdie:basta anak,sige na ,wag niyo na akong sundan dito ni clark ,kasi nag aaksaya ka lang ng oras. Sige na bumalik ka na sa bahay at magpahinga ka na ,parang di kayo sanay ni harold na wala ako sa tabi niyo ,clark ikaw muna ang bahala sa kanila,at wag mong sasabihin kung nasaan ako kay sabrina kundi malilintikan ka ..
Sabrina:pa ,hello pa ,,wag mong ibaba ..huhuhu
Clark:sab,tama na yan ,
Sabrina:clark,bakit ka ganyan bakit mo ito sinekreto sa akin huhuhu ,tawagan mo ulit si papa
Clark:sab sorry ,pag tinawagan ko ulit si ninong ay tiyak magagalit yun sa akin,ayokong magalit si ninong sa akin,sab sana maintindihan mo ako,alam mo naman na pinagkakatiwalaan ako ni ninong at sana mahintay mo ang sinabi niya na di matatapos ang buwan na ito na hindi siya magpapakita ,alam ko na tutuparin yun ni ninong,kilala ko siya
Sabrina:sabihin mo nga clark,totoo ba ang hinala sayo ni jazz ha
Clark:hindi yun totoo sab,wala ka bang tiwala sa akin mas nagtitiwala ka ba talaga sa taong yun ha .
Sabrina:hindi naman sa ganun clark,masakit lang kasi sa pakiramdam na gagawin yun sa akin ni papa grabe siya,huhuhu ..
Clark:tama na sab,ako na ang bahala sayo,babantayan kita ,yun ang pangako ko kay ninong ,tama na yan sab ..
At hanggang dun lang ang na record ,grabe kawawa naman pala si alien,pero kung mali ang hinala ko kay clark bakit magkasama kanina sila de paz at yung papa ni alien,ewan ko ,di pa rin ako satisfied ..
Balak ko sanang balikan si alien sa kanila pero wag na lang nandun kasi yung clark na yun baka mag sapakan lang kami.tinawagan ko si kevin ..
Ring.ring.ring.
Kevin:hello ,sino to ..
Ako:gago ..nasaan ka pre,shot muna tayo ..
Kevin:ang aga naman pre,heheheh,tapos na ba yang duty mo,baka hanapin ka ni general
Ako:parang di mo naman ako kilala pre,malakas kaya ako kay general,sige na tagay muna tayo,
Kevin:himala yata pre,hahaha ,wala ka yata ngayong lakad,sige dun na lang tayo magkita sa ktv bar sa may wherelse
Ako:sige pre ..
Ayun pinatay ko na ang linya,good boy muna ako ngayon,di muna ako papatay ng mga kriminal ewan ko ba,parang biglang nagbabago na ako simula ng makilala ko tong alien na to,grabe ...
Sumakay na ako ng taxi at papunta na ako sa ktv bar ..alas 3 pala ng hapon ,maaga pa talaga ,
Maya maya ay nandito na ako ,grabe ang bilis ni kevin nandito na siya ,
Kevin:anong problema natin pre bakit parang nakipag inuman ka sa akin,hehehe
Ako:mamaya na,pumasok na tayo sa loob ..
Heto pumasok na kami sa loob,mag one on one na naman kami nito,matira matibay na naman to ,nag order na kami ng isang set ,yung may 15 na stallion na red horse at isang buong pizza,meat crabs at potato fries ..pumasok na kami sa room no.4 ,basta kasi ktv bar ay may kanya kanyang room bawat isa ay may videoke ..
Kevin:pili ka na ng kanta pre ,hehehe
Ako:ayokong kumanta ,,sige na simulan na natin,
Kaagad kung binuksan ang isang bote,tag isang bote kami ni kevin,ininom ko kaagad ito
Kevin:sabi mo magkasama kayo ng sabrina na yun,asan siya pre,
Ako:yung alien na yun,andun na sa kanyang mahal na lalaki,iniwan ako at pinagtabuyan ,
Kevin:ang sakit naman nun pre,hehehe so broken hearted ka pala ,hehehe ,so sino yung sabrinang yun,bakit di ko siya kilala,
Ako:broken hearted pinagsasabi mo ,di ko yun type pre,gago ..natatandaan mo nung isang gabi ,naghatid sa akin
Kevin:ah..siya pala yun,yung grab driver ,hahaha ,yun pala pre ,yung mga type mo,hahaha,pero may itsura naman siya kulang lang sa ayos ,
Ako:siraulo sinabing di ko siya gusto ..
Kevin:wag ako pre,kilala kita,at ngayon lang kita nakita na nagkaganyan sa babae,di ka kaya ganyan kay cecilia ,hahaha
Uminom ulit ako ng red horse pati si kevin
Ako:ewan ko pre ,masaya ako kapag iniinis ko siya at kanina nung nakita ko na masaya sila nung clark na yun ,bigla akong nainis,..ganun ba talaga pre kapag gusto mo ang isang babae
Kevin:hahahaha ...sabi ko eh ..sa wakas umibig na rin ang walangyang kaibigan ko ,hahaha
Ako:ano ba sagutin mo tanong ko ,
Kevin:100% pre na nagseselos ka ,talagang iniibig mo na yung sabrinang yun,hahaha
Bigla akong napahinto nung sinabi yun ni kevin,grabe totoo ba to ,nagkakagusto na ako sa alien na yun,di pwede ,
Uminom na naman ako ,ganun din si kevin ..
Medyo mahaba haba ang pinag usapan namin ni kevin ,di namin namalayan na Alas 7 na pala ng gabi mukhang may tama na ako pero di pa gaanong matindi ..
Kevin:pre,umuwi na tayo,may duty pa tayo bukas,
Ako:sige pre,baka hanapin ka na naman ng misis mo ,
Ayun tumayo na kami ,grabe may tama na talaga ako nahihilo ako ng kunti ..
Kevin:hatid na kita pre sa inyo
Ako:wag na may pupuntahan pa kasi ako pre
Kevin:naks,pupuntahan mo yung dream girl mong si sabrina,hahaha
Ako:tumahimik ka,sige na ..
Ayun maya maya ay nandito na kami sa labas
Kevin:sige pre ,ingat ka ha ..sana masabi muna kay sabrina yang feelings mo,hahaha,goodluck ..
Kaagad na sumakay si kevin sa kotse niya at heto sakto may lumapit sa akin na tricycle
Driver:sir saan po kayo ..
Ako:dun sa may santa cruz,
Driver:sige sakay na kayo sir
Ayun sumakay na ako ,tama ang sinabi ni kevin pupuntahan ko si alien ewan ko,parang gusto kung sabihin to sa kanya ,sakto lang to nakainom ako
Maya maya ay nandito na ako sa bahay nila ,bumaba na ako ng tricycle ,at nagbayad
Nag doorbell ako sa gate nila alien..doorbell ako ng doorbell wala man lang may lumalabas mga bingi na ba sila,ayun ang ginawa ko kumuha ako ng bato at yun ang ginamit ko pangkatok sa gate nila,
Makalimang beses ko yatang ginawa yun ng biglang marinig ko ang boses ni alien
Sabrina:sandali lang ,wag kang mag iskandalo dito (sigaw niyang sabi)
Kaagad niyang binuksan ang gate at nakita ko na nakasuot na ng pantulog si alien,ang aga naman para matulog na siya,naka pajamas na siya pati yung damit niya ay grabe bakat na bakat ang nipple ng boobs niya
Sabrina:anong ginagawa mo dito at anong tinitingnan mo,
Kaagad niyang tinakpan ang boobs niya at bigla niya akong sinampal
Sabrina:napaka manyakis mo talaga ,naka inom ka pa talaga ..umalis ka na ..kung ayaw mong tumawag ako ng tanod dito
Ako:GUSTO KITA !!!
Sabrina:anong sabi mo ..
Ako:ano ba ,may deperensya ba yang tenga mo ,ayoko ng ulitin ,siraulo to ..
Itutuloy..