Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 17 - CHAPTER 16:TRUE IDENTITY

Chapter 17 - CHAPTER 16:TRUE IDENTITY

POV pa rin ito ni Sabrina

Parang pinagdududahan yata ng manyakis na to si clark ,mukhang magkakabangayan na naman kami nito kaya tiningnan ko siya,galit talaga ang gago,

Ako:anong ibig mong sabihin na sinadya ni clark ha !!!

Jazz:(lumapit siya sa akin)magsabi ka nga ng totoo

Grabe ha ,halos one inch lang ang distansya namin,parang maghahalikan yata kami kaya kaagad ko siyang tinulak

Ako:ano ba,hahalikan mo ba ako ,napakamanyakis mo talaga ,tabi na diyan ako ang mag dradrive,pupuntahan ko si clark at ikaw ,bumalik ka na sa trabaho mo

Jazz:sagutin mo ang tanong ko ..

Ako:anong tanong,teka nababaliw ka na ba,ano ba ang pinagsasabi mo na sabihin ko ang totoo.siraulo to..

Jazz:kaninang madaling araw si clark yun diba ,siya yung kausap mo kanina ,na may tattoo sa paa ,

Ako:okey !!! Fine ,oo na siya yun ,bakit ba ,ano ba ang issue mo sa tattoong yun ,at bakit mo ba pinaghihinalaan si clark ,eh !! napakabait yun,

Jazz:sabi ko na nga ba !!! ,pero bakit ganun ,bakit nung tingnan ko ang paa niya wala siyang tattoo,

Ako:grabe ,ibang klase ka talagang tao ka ,lahat na lang pinaghihinalaan mo,iba lang ang ibig sabihin nun,hindi tunay ang tattoo niya,madaling mabura

Nagulat ako ng paandarin ni jazz ang kotse

Ako:hoyyy !!di ka ba nakakaintindi,sinabi ng ako na ang magdradrive,

Jazz:pupuntahan ko yung kaibigan mong kriminal

Ayun niliko na niya ang kotse at papunta na kami sa divine ospital .talagang galit na galit yung mukha nitong manyakis na to,

Ako:ano ba kasi ang problema ,bakit ka nagkakaganyan ,hindi kriminal si clark ..

Jazz:lahat ng may tattoong kutsilyo na may nakatusok na puso lahat sila mga kriminal ,kaya humanda yang clark na yan

Ako:wag mong sabihin na yung pumatay sa mga magulang mo ay may tattoo rin kagaya nung kay clark

Jazz:buti naman at ginagamit mo yang utak mo,oo tama ka !!! ,kaya humanda yang clark na yan,kasi di ko siya titigilan hanggang di niya aminin ang totoo

Grabe bakit parang natatakot ako ngayon sa mood ni manyakis,galit na galit talaga siya,impossible naman na maging myembro nun si clark ,di yun magagawa ni clark,napakabait niya

Ako:sabihin mo nga manyakis bakit pinaghihinalaan mo si clark eh,diba sumama pa nga siya sa atin dun sa aquarium fantasy,at pinasakay ka pa niya sa kotse ko ..

Jazz:ginawa niya lang yun para di ko siya paghinalaan pero di niya ako malilinlang pulis kaya to slash detective ,nagkamali siya na nakilala ko siya ..

Parang mali yata na sinabi ko kay manyakis na si clark ang kausap ko kaninang madaling araw,ano bang nangyayari sa akin bakit bigla akong nakaramdam ng kaba,akala ko magagalit ako at makikipag debate sa manyakis na to pero malumanay ang pakikipag usap ko sa kanya,dahil ba sa ayoko ng makipagtalo sa kanya ,tsk...

Di ko na kinausap si manyakis kasi sobrang napaka seryoso niya ngayon,akala ko si clark ang makakasama ko ngayon ,pero tong manyakis na to ang kasama ko,bakit lord bakit parati mo kaming pinagtatagpo ,yung taong ayaw kung makita ay siya yung nakakasama ko araw araw ,palagi tuloy sira ang utak ko este araw pala bwesit !!!

Maya maya ay nandito na kami sa divine ospital. Kaagad na bumaba si jazz at tumakbo papasok sa ospital ,kaya heto bumaba kaagad ako at hinabol ko si jazz ,syempre sinara ko muna ang pinto ng kotse ,

Kaagad na lumapit si jazz at information desk.

Jazz:(tumingin sa akin)hoy !! Alien ,ano ang pangalan ng mama ni clark

Ako:maka hoy ka naman !! ,vivian camarines

Jazz:(kaagad tumingin sa nakabantay na babae)miss anong room naka confine si vivian camarines

Girl:bakit po sir,kaano ano niyo po siya ,may ginawa bang kasalanan yung hinahanap mo

Jazz:tita siya ng kasama ko

Ako:saan siya naka confine anong room(sabi ko sa babaeng to na kung makatitig kay manyakis parang huhubarin niya)

Girl:okey ,willing naman kayong maghintay diba lalo ka na mr.gwapong pulis(sabay pa cute kay manyakis)

Jazz:bilisan mo !!

Hahaha,edi pahiya ka ngayong babae ka,napagalitan ka tuloy ng manyakis na to ,

Girl:sorry po sir heto na po ,

Kaagad na narattle si malandi girl,ayun hinanap na niya ang records ..

Tiningnan ko si manyakis pinagpapawisan siya bakit kaya mukhang gusto niya talagang makausap na si clark ,habang tinitingnan ko siya ay bigla siyang tumingin sa akin in short nagkatinginan kami ,

Jazz:hoyy !! Alien bakit ka ganyan ka makatingin ha !!! ,sabihin mo lang kung pumapanig ka sa kaibigan mo ,kasi pati ikaw idadamay ko ..

Kaagad kung iniwas ang tingin ko sa kanya,bwesit bakit biglang namula tong pisngi ko bwesit ,ngayon ko lang nalaman na ang hot pala tong manyakis na to teka mukhang nasisiraan na yata ako,kung ano na ang pinagsasabi ko,

Ako:pwede ba !! wag kang manakot diyan,di ako natatakot at talagang kakampihan ko si clark kasi kaibigan ko yun ,siraulo to !! ,idamay mo ako hanggang sa gusto mo,para sa ikakasaya mo,(inis kung sabi sa kanya)

Biglang nagsalita si malandi girl

Girl:sir ,maam ,sorry po ,wala pong vivian camarines na confine dito ,ni nagpa check up wala po wala po siyang records dito

Pagkasabi nun ni malandi girl ay biglang tumingin sa akin ng masama si jazz ,at hinawakan niya ang braso ko ,sabay nagpaalam kay malandi girl

Jazz:sige,miss salamat ,,

Ayun umalis na kami ni manyakis na hawak hawak niya braso ko

Ako:ano ba ,bitawan mo nga ako ,(pagpupumiglas kung sabi sa kanya)

Maya maya ay nandito na kami sa labas ng ospital at binitawan na niya ako,magkaharap kami ngayon

Jazz:tawagan mo yung clark na yun,sinasabi ko na sayo na sinadya niya na di natin mahabol yung papa mo nagsinungaling siya na nasa ospital ang mama niya talagang dinamay pa niya ang mama niya,..

Naisip ko bigla ,bakit gagawin yun ni clark,bakit nagsinungaling siya,totoo kaya ang hinala ni jazz ,

Jazz:hoyy,bakit nakatulala ka diyan ,ano pati ikaw nagulat ,pasabi sabi ka pang mabait yung clark na yun,tawagan mo yung ungas na yun ,

Di ko alam na nakatulala na pala ako ,paano kung malaman rin ni jazz na may tattoo rin si papa kagaya kay clark,,talagang gusto ko ng makausap si papa kung ano yung meaning ng tattoong yun,nung una wala akong pakialam sa tattoong yun pero ngayon ,

Ako:oo na tatawagan ko na siya pwede ba wag kang magalit diyan ,di mo ako utusan ,(galit kung sabi sa manyakis na to)

Jazz:ano pang hinihintay mo !!

Tatawagan ko na sana si clark ng biglang ..

Clark:sabb...

Kaagad akong tumingin sa kaliwa ,nakita ko si clark ,kasama ang mama niya at kapatid niya na si maica,naka wheelchair si tita vivian ..

Tita:sab ,kamusta ka (ngiting sabi niya sa akin)

Nagulat kami ni jazz ,akala ko ba wala sila dito ,at hindi na confine si tita vivian,kaagad na lumapit si jazz kay clark

Jazz:clark ,maari ba kitang makausap ng private

Tita:bakit iho (tanong niya kay jazz)anong ginawa ng anak ko sayo ,bakit gusto mo siyang makausap,

Clark:siya po yung trainor ko ma ,si sir jazz ,sa kanya po ako ng oojt

Tita:ah,ganun ba ,sorry iho ,sige okey lang naman na mag usap kayo ng anak ko

Jazz:salamat po tita ..

Ayun kaagad na umalis sila jazz at clark. Ewan ko gusto kung sumama sa kanila gusto ko rin makausap si clark at baka mag bugbugan ang dalawang yun,mahirap na ..

Ako:tita,saglit lang po ,

Tita:sige sab ,..

Bago ako maka alis ay narinig ko muna ang sinabi ni maica

Maica:ma ,yun ba ang boyfriend ni ate sab ,akala ko ba si kuya clark ang magiging boyfriend niya .

Bigla kung nilapitan ulit sila tita at maica ,

Maica:ate sab,bakit ka bumalik,

Ako:uhhhhmmm ,maica mali ang iniisip mo. Hehehe

Maica:yung boyfriend mo yung pulis na yun

Ako:oo ,di ko siya boyfriend ,at lalong hindi ko siya friend

Maica:so bakit kayo magkasama

Ako:mamaya ko na lang ichichika sayo ,pupuntahan ko lang yung kuya mo

Maica:ohhh,natatakot baka mag suntukan yung dalawang yun,hehehe,ang haba naman ng hair mo te ..

Tita:sige na sab,puntahan muna sila .maica pumasok na tayo sa loob ..

Maica:okey ,

Ayun umalis na sila kaya heto ako pupuntahan ko na yung mga poging lalaking yun,hehehe,grabe lumalandi na ako ,hehehe

Maya maya ay nandito na ako ,nakita ko si jazz na sasapakin na sana niya si clark hawak hawak nito ang kwelyo ni clark ng bigla akong lumapit sa kanila at hinawakan ko ang kamay ni jazz

Jazz:bitawan mo yan (tumingin sa akin na galit na galit),kundi masasaktan ka

Clark:subukan mo lang saktan si sab,di ako magdadalawang isip na sapakin ka sir ..nirerespeto kita kasi ikaw ang trainor ko pero pag sinaktan mo yang babaeng nasa harapan mo ,mawawalan ako ng respeto sayo..

Grabe nahulog yata yung panty ko ,nung sabihin yun ni clark sa harapan ko,,ang sheereeepp sa feelings 😍😍

Ako:sige saktan mo ako (sabi ko kay manyakis) ,ganun ka naman diba,pumapatol sa babae ,para kang hindi lalaki ,

Nagulat ako ng bigla inalis ni jazz ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni clark

Jazz:bitawan muna yang kamay mo ,(sabi niya sa akin)

Ayun binitawan ko na siya

Ako:ano ba ang kasalanan ni clark,at balak mo siyang sapakin ha!!(sabi ko kay jazz)

Jazz:ayaw niya kasi magsabi ng totoo,

Clark:anong sasabihin ko sir ,eh talaga namang naconfine dito si mama at hindi ko sinadya na di mo maabutan sila de paz kanina ,at higit sa lahat wala akong tattoo na sinasabi mo. Diba pinakita ko na yun sayo kanina,

Itutuloy.