POV pa rin ito ni Sabrina
Grabe tong dalawang lalaki pinag aagawan nila ako,ganun na ba kahaba ang buhok ko,ipapagupit ko na to ,para wala ng gulo,hahaha,pero chika lang ,baka sabihin niyo na assuming ako at feeling maganda ,maganda naman talaga ako ,syempre nagagandahan ako sa sarili ko ,alangan naman sa iba ako magandahan,hahaha
Buti naman at hindi ako pinatulan ng manyakis na to,mukhang nakonsensya sa sinabi ng hero clark ko ,di talaga siya makampante kay clark pero ako rin naman nagulat bakit nandito sila clark,oh di kaya nagkamali lang yung babaeng yun na na confine talaga si tita vivian
Jazz:na confine pala ha !! Eh sabi ng babae dun sa loob na di raw na confine ang mama mo dito,magsabi ka na kasi ng totoo ,
Clark:sige kung ayaw mong maniwala balikan natin yung babaeng sinasabi mo para malaman mo at wala akong sasabihin sayo na totoo kasi wala naman talaga
Ako:opppsss !!! Time first muna,manyakis (tiningnan ko si jazz)pwede ba maging low tempreture ka muna,baka nagkamali lang yung malandi girl na yun,di niya nakita ang pangalan ni tita vivs..
Jazz:(tumingin siya sa akin ng masama)low temperature mo yang mukha mo ,tara bumalik tayo dun sa loob ..
Ayun naunang pumasok sa loob si manyakis ,at sumunod kami ni clark ,nandun na sa loob sila tita at maica ,at maya maya kaagad na lumapit si manyakis kay malandi girl
Girl:hai sir ,bakit kayo bumalik ,siguro kukunin mo number ko ano ,hehe
Jazz:ang sabi mo hindi dito na confine si vivian camarines bakit nandito siya ha ..(galit niyang sabi kay girl)
Lumapit naman si clark kay girl
Clark:miss diba pumunta pa nga ako dito para tanungin sayo kung anong room na confine ang mama ko,diba !!
Girl:oo sir ,totoo po yun ,
Jazz:tang ina !! Bakit sabi mo na hindi na confine dito yang mama niya
Girl:sorry sir kasi hindi po kasi kami pwedeng magbigay ng info kung hindi naman kamag anak ng pasyente
Jazz:ganun !! Salamat ha !! Miss ..
Girl:pasensya na talaga sir
Ayun biglang nag walk out si manyakis at bigla niyang tinawag pangalan ko
Jazz:hoy,alien sumama ka sa akin !!
Ako:bakit naman ako sasama sayo,sasamahan ko dito si clark,umalis ka mag isa mo
Bigla siyang lumapit sa akin at hinarangan naman siya ni clark
Jazz:tumabi ka diyan clark
Clark:subukan mong saktan si sab ,kundi ako ang makakalaban mo
Jazz:wag kang OA diyan clark,bakit ko naman siya sasaktan,tang ina !! ,tumabi ka diyan,nais ko lang magpasama diyan sa alien na yan ..
Teka saan kaya ako dadalhin nitong manyakis na to,bakit niya gustong magpasama sa akin,aba !! Feeling close siya ha !! Bigla kung nilapitan tong manyakis na to
Clark:sab,wag mong sabihin na sasamahan mo siya
Ako:(tiningnan ko si clark) clark,sandali lang kakausapin ko lang to sa labas,madali lang
Clark:sige,basta wag kang sasama sa kanya ha !
Jazz:baka nakakalimutan mo clark na ako pa rin ang trainor mo at may duty ka pa ngayon,gusto mo bang ibagsak kita
Ako:(tumingin ako kay manyakis) grabe ka naman kay clark,nakikita muna na nasa ospital yung mama niya,wala ka bang konsensya
Jazz:eh !! Nawawalan na ng respeto yang kaibigan mo eh !! ,oo wala kami sa opisina pero respetuhin niya naman ako,namumuro na yang kaibigan mo ,pag ako di nakapagtimpi ewan ko lang
Clark:di muna ako kailangan ibagsak jazz ,kasi di na ako papasok simula bukas ,di muna ako studyante
Jazz:wala akong pakialam
Ako:tama na yan,tama na nga kayong dalawa,at clark(hinarap ko siya)di muna ba itutuloy yang pagiging pulis mo
Clark:syempre itutuloy,pero dun ako sa iba mag oojt ,
Jazz:kung makapag ojt ka pa ,tingnan lang natin yang kayabangan mo
Clark:wag mo akong umpisahan jazz ,(galit niyang sabi kay jazz)
Jazz:bakit gusto mo umpisahan na natin dito ,di kita uurungan
Kaagad kung hinawakan ang braso ni manyakis
Ako:halika dito (sabi ko kay manyakis)
Clark:saan kayo pupunta sab
Ako:babalik ako clark,kakausapin ko lang tong manyakis na to
Ayun kaagad kung dinala palabas tong manyakis na basagulero na to ,buti di pumalag tong lalaking to ,maya maya ay nandito na kami sa labas ng ospital at binitawan ko na siya ,kaagad ko siyang hinarap ,nagulat ako kasi bigla siyang nakangiti sa akin,teka anong problema ng manyakis na to bakit nakangiti to sa akin,infairness meron siyang dimple ,pero di ako nakyukyutan sa kanya,..kanina lang galit na galit to ,,
Ako:hoyyy !! Tigil tigilan mo yang pangiti ngiti mo sa akin ,sasapakin ko yang mukha mo(pagtataray kung sabi)
Jazz:sapakin mo nga,alam ko naman di mo kaya ,hehehe,
Ako:aba !! ,gusto mo ha !!
Ayun sasapakan ko na siya kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko ,
Ako:bitawan mo yan ,
Jazz:ang lambot pala ng kamay mo ,sayang kung naging matino ka lang sana baka niligawan na kita kaso napaka burara mong babae eh,ewan ko nga kung babae ka o lalaki,
Pagkasabi nun ni manyakis ay kaagad kung tinadyakan ang ano niya,yung junior niya ,ayun kaagad siyang napa aray sa sakit ,
Jazz:tang ina !!! ,ikalawang beses muna tong ginawa
Napaluhod siya sa sakit,akala niya nagbibiro ako,pwesss !!
Ako:pag di ka pa diyan tumigil ,di lang yan ang gagawin ko,ngayon sabihin mo nga bakit galit na galit ka kay clark ha !! Napatunayan naman niya na di siya kasabwat nung de paz na yun
Kaagad siyang tumayo at yung tingin niya ay parang kakain ng tao ,
Jazz:pag ako mabaog nito,ikaw ang sisisihin ko,di kita mapapatawad
Ako:eh ! baog ka naman talaga ,
Jazz:gusto mong subukan para malaman mo kung sino ang baog,halika dun tayo sa motel dun ko ipapakita sayo ang kaligayahan,
Ako:bastos ka !!
Balak ko siyang sampalin pero sinalo niya ito
Jazz:pag saktan mo ako ulit,hahalikan na kita,,wag mo akong sasagaran ..
Ako:bitawan mo yang kamay ko ..
Ayun binitawan na niya
Ako:bakit kita hindi sasaktan eh,napaka antipatiko mo ..
Jazz:alam mo ,ikaw ang ikalawang babaeng nagsabi sa akin ng ganyan
Ako:yung ano ,
Jazz:na isa akong antipatiko ..
Ako:bakit di mo tanggap,sino yung babaeng yun tiyak magkakasundo kami,kasi pareho kaming galit sayo ..
Jazz:di ko na nakita yung babaeng yun matapos ko siyang iligtas sa kamatayan ,akalain mo yun matapos niya akong tarayan at sabihan na manyakis at antipatiko niligtas ko pa siya,sabagay mga bata pa kami nun
Ako:maniwala ako sayo ,wala sa ugali mo ang magligtas teka nga iniiba mo yung topic,bakit ka ba galit na galit kay clark
Jazz:pero bakit ganun pareho kayo ng ugali ng batang babae na niligtas ko dati dun sa dagat ,
Ako:ano ba !! Manyakis,wala akong pakialam sa babaeng yun,wag mong ibahin ang topic,hinihintay na ako ni clark
Pero bigla kung naisip yung sinasabi ni manyakis,batang babae na niligtas niya,teka baka ako yun,pero imposible naman na ako yun,wag sana,si clark ang nagligtas sa akin nun,wala ng iba ..
Jazz:bakit ka ba patay na patay sa lalaking yun ha !!
Ako:none of your business !!
Jazz:sige gusto mong malaman kung bakit ako galit sa clark na yun,kasi pinagdududahan ko pa rin siya pati yung papa mo ..
Ako:wow !!,hiyang hiyang naman ako sayo napaka judgemental mo as in !! Pati tatay ko dinamay mo,bakit di mo nalang ako isama para maging masaya ka na
Jazz:kaya nga,gusto kung sumama ka sa akin para puntahan natin yang papa mo,tiyak nandun si de paz,kasi hinding hindi aamin si clark kahit bugbugin ko yun,diba gusto munang makita yang papa mo,
Pero promise,pati ako pinagdududahan ko si papa,alam ko si papa yung nakita ko kanina,paano kung tama ang hinala ni manyakis,di ko siya masisisi kasi isa siyang pulis ,kadalasan kasi sa mga pulis ay tama ang kanilang pagiging judgemental nila sa isang tao.
Ako:okey !! ,pero wala akong contact number kay papa.
Jazz:kay clark ,humingi ka sa kanya ng contact number,diba sabi niya kanina na alam niya kung nasaan ang papa mo at tama siya nandun nga ang papa mo sa aquarium fantasy kaso bigla silang umalis baka tinext ni clark na may kasama siyang pulis at ako yun,
Ako:ayan ka na naman pwede tigilan muna yang paghihinala mo kay clark
Jazz:mawawala lang ang paghihinala ko sa kanya kapag malaman ko na ang totoo
Clark:gusto mo talagang malaman ang totoo ano !!
Nagulat ako ng biglang magsalita si clark,teka kanina pa ba siya nakikinig sa amin dito,bigla kaming napalingon ni jazz
At lumapit si clark sa amin
Clark:tatawagan ko ngayon si tito ferdie ,yung papa mo sab,para matigil na tong pulis na to(sabay tingin kay jazz)
Jazz:wag mo siyang tawagan ,kundi sumama ka sa amin kung nasaan sila pati si de paz,alam ko na alam mo kung nasan sila..
Clark:sige kung yan ang gusto mo ..pero pag mali yang hinala mo sa amin ng papa ni sab ay sasapakin ko yang mukha mo at titigilan mo na si sab
Jazz:sige ,deal !! Akin na yang cellphone mo
Clark:anong gagawin mo sa cellphone ko
Jazz:baka itext mo yung papa ni sab na parating tayo ngayon sa kanila,at tatawagan ko yung papa ni sab ,para malaman ko kung tama yung direction na pupuntahan natin,bubuksan ko ang GPS ng cellphone mo
Clark:ibang klase ka talaga !! ,
Jazz:ibigay mo na yang cellphone mo
Ako:clark,sige na ibigay muna yan para matahimik na tong taong to,pero clark paano si tita vivian,wala siyang kasama
Clark:(tumingin sa akin)nandun si maica,sab ..at sige sige oh !! Ayan na cellphone ko !!(galit na binigay niya ang cp kay jazz)
Jazz:tara na ,sumakay na kayo sa kotse ,ako ang magdradrive ,di ako titigil hanggan di ko malaman ngayon ang totoo
Ako:nakapag angkin ng kotse hanep tayo ha !! Kotse mo yan ..
Jazz:sige na,umaandar ang oras ..
Ako:pwede bang kumain muna tayo nagugutom na ako anong oras na ..
Jazz:mamaya na ,
Clark:sab ,may binili akong pagkain dun sa greenwich ,sayo na lang yun .
Ako:talaga clark ,
Clark:oo ,busog pa naman ako sandali lang kukunin ko lang sa loob
Jazz:ang sweet naman ,bilisan mo ..
Ayun umalis na si clark.
Jazz:dun na lang natin siya hintayin sa loob ng kotse
Ako:pumasok ka nalang dun,hihintayin ko siya dito
Jazz:bahala ka !!.
Ayun galit na sabi sa akin ni jazz,at pumunta na siya sa kotse ,inis na inis na ako sa lalaking yun,bwesit siya !!
Maya maya after ilang minuto ay nandito na si clark ,grabe ang dami naman niyang dala,kaagad ko siyang nilapitan
Ako:akin lahat yan clark,hehehe
Clark:oo ,hehehe para tumaba ka na ,ang sexy mo kasi hehehe
Ako:ikaw ha,ang sweet mo talaga,nakakainis ka ,hehehe ,akin na yan hehehe
Clark:dun na lang sa kotse ka kumain ako na ang magdadala nito
.
Ako:ang swerte naman ng babaeng mapapangasawa mo clark ,napaka sweet mo hehehe
Clark:so ang swerte mo pala sa akin hehehe
Kaagad akong napatingin sa mga mata ni clark nung sabihin niya yun,teka nagpaparamdam na ba siya sa akin hehehe
Nagkatinginan lang kami ni clark,grabe lalo siyang gumwapo at naging hot ,kaso payat pa rin siya,pero okey lang basta ang importante malaki ang kanyang,hehehe ,oppssss !!! Yung puso niya malaki ,hindi yung ano niya,di ako blue minded ano, hehehe
Jazz:hanggang kailan yang pagtititigan niyong dalawa ,hanggang hating gabi ba !!
Nagulat ako ng bigla magsalita tong manyakis na to,kahit kailan talaga bwesit to sa buhay ko..ayun kaagad kung iniwas ang pagtitig ko kay clark
Ako:tara na clark,pumunta na tayo sa kotse may masamang engkanto kasi na lumapit sa atin
Jazz:masamang engkanto okey lang atleast hindi alien
Ako:talk to yourself !!
Ayun tinarayan ko siya at hinawakan ko ang braso niya clark at pumunta na kami sa kotse nakita ko ang mukha ni manyakis,mukhang nagseselos,hahaha,,ayun nandito na kami clark sa loob ng kotse pinagbuksan niya ako,diba sobrang napaka sweet talaga tong future hobby kung to,magkatabi kami ni clark ,at maya maya ay pumasok na ang manyakis na to ,galit na galit ..
Di kami pinansin ,kaagad niyang pina andar ang kotse kaya di na lang namin siya pinansin,binuksan ko na lang ang pagkain ..
At pagbukas ko ay grabe sobrang saya ko kasi lahat ng paborito ko ay binili ni clark,talagang di pa niya nakakalimutan ang mga favorites ko,yung spaghetti,pizza,fried chicken at may milktea pa ,kaagad kung niyakap si clark
Ako:super thank you talaga clarkyyyyyy 😍😍😍
Nagulat kami ng biglang nag break ng kotse tong manyakis na to muntik ng mahulog ang pagkain pati milktea ko kaya kaagad kung binatukan tong manyakis na to
Jazz:ano ba!!(tumingin sa akin)
Ako:siraulo ka bakit di ka nagsasabi ng ihihinto mo yung kotse,muntik ng mahulog tong pagkain na to pati milktea ko
Jazz:may biglang dumaan ,
Clark:jazz,ako na ang magdra drive,tutal ako naman ang may alam kung nasaan si tito ferdie ..
Ako:buti pa nga clark hoy ,manyakis umalis ka diyan si clark ang magdradrive
Ng bigla tumunog ang cellphone ni clark
Jazz:mukhang namimiss ka na ng tito ferdie mo clark mukhang kailangan na niya mg update mo sa amin ,hehehe ,kausapin ko nga
Ako:teka si papa ba yan,na tumatawag,akin na ,ako ang sasagot
Jazz:hindi si clark ang sasagot ,pero ipapa loud speaker natin para malaman natin ang sasabihin niya,
Clark:akin na yan,sasagutin ko na,..
Ayun kaagad na binigay ni jazz ang cellphone kay clark at biglang nag ring yung cellphone ni jazz ,
Jazz:hay naku naman si general napaka wrong timing naman nito,ano ba ang kailangan niya,kainis,sige baba muna ako,sagutin ko muna si general basta alien sabihin mo sa akin kung ano ang pag uusapan nila,
Ako:tseee ..bumaba ka na
.
Ayun bumaba na si jazz at sinagot na ni clark ang tawag ..pero binigay niya ang cellphone sa akin para ako ang makausap ni papa,
Ako:hello !!
Papa:hello !! Clark ,
Nung marinig ko ang boses na yun ay biglang tumulo ang luha ko after one year ay narinig ko na rin ang boses ni papa grabe wala talaga akong communication sa kanya ,
Papa:hello ..naririnig mo ba ako ..
Ako:papa ,
Papa:teka ..sabrina ikaw ba to ...
Itutuloy..