Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 13 - CHAPTER 12:CLARK ?

Chapter 13 - CHAPTER 12:CLARK ?

POV pa rin ito ni Jazz

Kaagad akong lumapit kung sino man ang lalaking kausap ni alien na may tattoo rin kagaya nung dalawang demonyong mga kriminal na yun,tumakbo ako palapit sa kanila,

Biglang tumingin sa akin yung lalaki,di ko siya namukaan kasi madilim at naka hood siya ,kaagad siyang tumakbo palayo nung makita niyang palapit ako sa kanya ,di ko na siya hinabol pa,kasi nandito naman si alien,tatanungin ko na lang siya ,kaagad kung binuksan ang pinto ng kotse ni alien at nakita ko ang mga matatalas niyang tingin sa akin

Ako:bakit ganyan ka makatingin sa akin,may nais kang ipaliwanag sa akin(galit kung sabi)

Sabrina:pwede ba hinaan mo yang boses mo,at bakit naman ako magpapaliwanag sayo ha !!!(galit rin niyang sabi)

Ako:sino yung lalakimg yun,

Sabrina:grabe ganun na ba ako ka prettyful para ma obsessed ka sa akin ng ganyan,

Ako:ano daw ? Prettyful?,pwede ba,tigilan mo yang pagiging praning mo,seryoso ako ,sino yung lalaking yun,at nakita ko ang tattoo sa kanyang paa,pareho sila nung kriminal na pumatay sa kaibigan mo

Sabrina:di ko rin yun kilala ,at talagang nakita mo pa talaga ang tattoo niya sa paa ,sa gitna ng kadiliman,

Ako:kung hindi mo yun kilala bakit nakipagkita ka sa kanya,pwede ba sabihin mo sa akin ang totoo ,kung ayaw mong pati ikaw idamay ko

Sabrina:hoyyyy !!! Lalaki (sabay duro sa akin)wag mo akong pagbantaan ng ganyan,kasi hindi ako na aalarma sayo,ako pa talaga ang hinamon mo,at pwede rin ba kung ayaw mong maniwala na di ko yun kilala ,edi wag ,wala akong pake at bakit ba napaka big deal yung lalaking yun sayo ha,nagseselos ka ba

Ako:sige na ,sabihin muna ,seryoso ako,kasi yung tattoo na yun ay yun ang tanging paraan ko para makita ko yung matagal ko ng hinahanap na tao ,sabihin muna kung sino yun

Binaba ko na ang pride ko ,ako na ang nagpakumbaba,despirado na ako eh ,

Sabrina:marunong ka palang mag adjust ng tono ng boses mo ,okey ..nagsasabi ako sayo ng totoo manyakis,di ko nga yun kilala,o sige ,sasabihin ko sayo kung paano kami nagkita ,ganito yun biglang may tumawag sa akin na number lang,di ko alam kung sino yun ,at nung sinagot ko ito,yung lalaking yun pala ang tumawag,sabi niya sa akin na alam niya raw kung nasaan ang tatay ko ,nung una natatakot ako kasi di ko siya kilala baka kung ano mangyari sa akin,alam ko kasi na sinusundan mo ako kanina pa kaya nakipagkita ako sa lalaking yun,alam ko walang masamang mangyayari sa akin kasi nandito ka ,,hoyyy !! wag kang assuming diyan,no choice lang ako at yun na nga sasabihin na sana niya kung nasaan ang tatay ko kaso di natuloy kasi lumapit ka ,natakot yata sayo,

Pagkasabi yun ni alien ay parang nagsasabi naman siya ng totoo ,sino kaya yung lalaking yun bakit niya kaya kilala ang tatay ni alien ,isa rin kayang kriminal yung lalaking yun,pareho kasi sila ng tattoo eh,bwesit sana hinabol ko na lang yung lalaking yun,di pala kilala ni alien yun eh .

Ako:sa tingin mo alien,kinidnap ba niya yung papa mo,o di kaya biktima rin ang papa mo kagaya ng nangyari sa kaibigan mo

Sabrina:actually di ako nangangamba kay papa kasi matapang at may pagka gangster yun ,di yun basta basta magpapa api ,at kinidnap siya ,impossible naman yun,so ano satisfied ka na ba manyakis,uwi na ako ,at umuwi ka na rin,anong oras na

Ewan ko parang biglang sumagi sa isip ko na baka isa ring kriminal yung tatay ni alien,pero di naman yata yun mangyayari ,kung ano ano na tong naiisip ko,kung sino na ang pinaghihinalaan ko ,

Ako:wow ,ako lang talaga ang uuwi,umuwi ka na rin,at oo okey na ako,nakikita ko naman na nagsasabi ka ng totoo,sana walang masamang mangyari sa tatay mo sige na umuwi ka na ,

Sabrina:oo uuwi na ako,at pwede ba wag muna akong sundan,kaya ko na ang sarili ko

Ako:sige sabi mo eh ..sige alis na ako..

Ayun iniwan ko siya ,akala niya siguro na type na type ko siya,ayun pina andar ko na motor ko at bago isara ni alien ang pinto ng kanyang kotse ay matalas ang tingin niya sa akin at parang nagdabog siya nung sinara niya ang pinto ,ayun di na ako nag helmet,wala namang enforcer sa ganitong oras eh,pina andar ko na motor ko,at ganun din si alien,bali pina una ko siya,nasa likod niya ako,di ko siya susundan ano ako langaw ,siya naman ay Tae ,hahaha,pwede naman hahaha

.

Ayun maya maya ay nag iba na ako ng direction pauwi na ako sa amin,alam ko naman na uuwi na yung alien na yun,at safe na yun,

After ilang minuto ay nandito na ako sa bahay ,kaagad kung binuksan ang gate ,may susi ako ,hehe at pinasok ko na ang motor ko,kaagad nag vibrate ang cellphone ko at pagtingin ko ay nag text sa akin si alien

Hoy,manyakis,salamat ulit sa libre ,hehehe,nakauwi na ako,yun lang bye ..

Ewan ko bigla akong napangiti sa text niya,hay naku ,nireplayan ko siya

Eh !!ano ngayon .wala akong pake ,..

Yun lang naman ang reply ko,hahaha,kaagad ng reply ang alien..inspired yata to sa akin,

"Ang sarap mong tirisin , bahala ka sa buhay mo,wala rin akong pake sayo,GAGUUU "

Hahaha,ayun galit na naman ang alien,ang sarap talagang asarin tong babaeng to di ko na siya nireplayan ,pumasok na ako sa loob ng bahay namin,at kaagad akong pumunta sa kwarto ko,hinubad ko kaagad damit ko pati short ko,naka boxer lang ako,kung matulog eh,di na ako naligo ,malamig eh,baka lagnatin ako,bukas na lang,

Kaagad akong humiga at biglang nag ring cellphone ko ,pagtingin ko ,si alien ang tumatawag,grabe nahulog na yata si alien sa akin,iba talaga ang kagwapohan at kakisigan ko,hahaha ,ayun nakaka awa naman siya sinagot ko na lang

Ako:Hello !!! Who's this !!

Sabrina:tang ina mo !!!di ka sana makatulog ,gago !!!

Galit niyang sabi at kaagad niyang pinatay ang linya,grabe nabingi ako dun ha,hehehe,tumawag pa talaga siya,hay naku ..talaga..inihagis ko na lang cellphone ko dun sa kabilang sulok ng kama ko at ayun pinikit ko na mga mata ko ..

ZzzzzzzZZzzzzzz !!

Mama:jazzz,gumising ka na ..naghihintay na sayo si cecil sa baba ..

Kaagad akong nagising kasi naman biglang pinisil ni mama ang ilong ko ..

Ako:grabe naman kayo ma ,anong oras na ba ,bakit nandiyan si cecil ,

Mama:7 am na mahal na prinsipe ,bumangon ka na diyan,nakakahiya babae pa ang naghintay sayo,,bumangon ka na ..

Ako:hayssss ..

Ayun bumangon na ako,late na ako ,bahala na lang to,tiyak papagalitan na naman ako nito ni general ,at bakit nandito si cecil ,iba ka talaga jazz ,ano ang secreto mo bakit habulin ka,hehehe

Kaagad akong pumasok sa banyo at naligo na ako ,mga 3 minutes lang ay tapos na akong maligo ,kaagad akong nagbihis ng uniform ko,ang bait talaga ni mama sa akin,naka plantsa na ang uniform ko ,hehehe

Ayun bumaba na ako at nakita ko si cecil na nakaupo sa sala habang nakatingin sa akin

Mama:kumain muna kayo..

Ako:wag na ma,dun na lang kami kakain sa opisina,late na kami

Cecil:salamat po tita,hehehe

Mama:hala ,sige umalis na kayo ,jazz anak ,wag mong kalimutan bilhan ako ng vitamins ko yung caltrate plus

Ako:opo ,sige alis na kami ma(sabay halik sa pisngi ni mama)

Diba ang sweet ko ,hehehe ,

Ayun umalis na kami ni cecil ,

Cecil:jazz,dito ka na lang sumakay sa kotse ko

Ako:sige,tinatamad akong mag motor tutal nasa opisina lang naman ako ngayon

Cecil:sige..

Ayun sumakay na kami sa kotse at pina andar na ni cecil ang kotse niya,papunta na kami sa opisina

Cecil:jazz,sorry ha ,

Ako:para saan ?

Cecil:di kita tinext,nagtatampo kasi ako sayo eh.at sorry rin sa nabalitaan ko na tinakasan ka ng kriminal na yun

Ako:cel ,tigilan muna ang pagkagusto mo sa akin,marami naman diyang iba,at ayos lang yun,ako na ang maghahanap sa kriminal na yun

Cecil:di ko magawa jazz,di ko magawang umibig sa iba,kasi ewan ko lahat ng gusto ko sa lalaki ay nakita ko sayo..

Ako:makakalimutan mo rin yan

Cecil:yung babaeng yun,gusto mo ba siya jazz

Ako:sino yung alien na yun,hahaha,hindi ko siya gusto,grabe ka namang mag joke,hahaha

Cecil:grabe ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan jazz,

Ako:kung ano ano na lang ang naiisip mo cel,mag drive ka na lang,hehehe ,

Cecil:tskkkk..

Nakita ko si cecil bigla siyang nalungkot ,bakit kaya ayaw pa akong tigilan ni cecil,palagi ko na nga siyang iniiwasan at palagi akong cold sa kanya pero dikit ng dikit pa rin siya sa akin,..paano kaya kung sabihin ko sa kanya na may girlfriend na ako,tiyak titigilan na niya ako.

Sino kaya ang gagawin kung fake girlfriend,hehehe

Maya maya ay nandito na kami sa opisina ,kaagad kaming bumaba ni cecil at sabay kaming pumasok sa loob,

General locsin:buti naman at nandito ka na reyes..

Ako:pasensya na po sir,late ako ..

General:meron kang bagong ojt na tuturuan

Ako:akala ko ba sir na di na tayo tatanggap ng mga ojt dito

General:nagrereklamo ka ba..

Ako:hehehe,hindi naman sir hehehe,nasaan ba siya

Tara nandun siya sa opisina ko ,halika,at ikaw cecilia samahan mo si de ocampo dun sa may avenida street dun kayo mag bantay

Cecil:sir yes sir(sabay magsalute)

Ayun umalis na si cecil ..

General:sumama ka sa akin reyes..

Ayun sinundan ko sir ,nakakahiya naman,hahaha,at nung nandito na kami sa opisina niya ay nakita ko ang halos ka edad ko lang na lalaki nakaupo siya ,kaagad siyang tumayo nung makita niyang pumasok kami

Clark:goodmorning po ulit sir ,at sa inyo rin po sir(sabay tingin sa akin)

Ewan ko ba ,parang familiar tong lalaking to,nagka tinginan kaming dalawa ,kaagad nagsalita si general

General:ano to,love at first sight ,ang lagkit ng tinginan niyong dalawa,hehehe

Clark:hehehe,sir ako nga pala si clark jason ibanez,ang apprentice niyo(pagpapakilala niya sa akin)

Ako:okey ,kilala muna man ako diba

Clark:oo,napaka galing niyo pong pulis eh .

General:fake news yan iho ,wag kang magpapaniwala sa nababalitaan mo,

Ako:sir naman eh,hehehe,ano magsisimula na ba akong magturo sa kanya

General:malamang ,alangan naman next year mo pa siya turuan

Ako:hot naman kayo sir tara kain muna tayo ,nagugutom na ako eh.

General:yan,sakto nagugutom rin ako,ikaw clark,kumain ka na ba

Clark:tapos na po sir,salamat po

Ako:sus,nahihiya ka pa,hehehe,tara na brad .kain muna tayo(sabay akbay sa kanya)

Clark:sige sir,kunin ko lang jacket ko .

Ako:sige

Ayun kinuha ni clark jacket niya at nung sinuot niya ito ay bigla kung naalala ang lalaking kausap kagabi ni alien,pareho kasi sila ng jacket na suot ni clark,baka nagkataon lang na pareho sila,

Itutuloy.