Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 9 - CHAPTER 8:CONCERN

Chapter 9 - CHAPTER 8:CONCERN

POV pa rin ito ni SABRINA

Ano ba ang ginagawa ng manyakis na to bakit ba ako sinusundan,

Harold:ate, ginayuma mo ba yung baliw na pulis na yun, ang haba naman ng hair mo, sinusundan ka pa talaga, hahaha(sabay tumawa ng malakas)

Ako:kuya driver, wag kang huminto,patuloy mo lang ang pagmamaneho mo, wag kang mag alala walang mangyayaring masama sayo, i swear..

Driver:sige po maam,

Buti naman at nagpatuloy lang sa pagmamaneho si kuya driver, ano kaya ang natira ng manyakis na to at sinusundan ako, hayssss..akala ko ba di niya ako type,,

Nandun na kaya ang labi ni amethyst sa bahay namin, masakit pa rin dito sa puso ko nung mawala ang pinakamamahal kung kaibigan, sana di na magising yung kriminal na yun, sorry lord kung ito ang naiisip ko, parang tama kasi ang sinasabi ng manyakis na yun na buhay ang kabayaran niya, pero di naman ako ganung tao, ikaw na po lord ang bahala sa kriminal na yun..

Maya maya ay nandito na kami sa bahay, agad na kaming bumaba ni harold, 6 pm na pala ng gabi, ang bilis naman ng oras, at wala pa dito ang libing ni amethyst,

Harold:hay salamat nakauwi na rin ako sa wakas,

Bubuksan na sana ni harold ang gate ng biglang dumating tong manyakis na to, bigla niyang hinubad ang kanyang helmet,

Lumapit si harold kay manyakis na galit na galit

Harold:ano ba ang kailangan mo sa ate ko ha... (galit niyang sabi kay manyakis)

Jazz:sumama ka sa akin(tumingin siya sa akin)

Ako:tumahimik ka nga diyan, sabing di ako sasama sayo, di ka ba nakakaintindi, kailangan kung hintayin dito ang kaibigan ko,

Jazz:hindi dito dadalhin sa inyo ang labi ng kaibigan mo

Pagkasabi nun ni jazz ay nagulat ako

Ako:teka anong sinasabi mo diyan, pwede ba wag kang magsalita ng ganyan, sasapakin kita

Jazz:sinabi sa akin ni cecil, nawala raw ang katawan ng kaibigan mo dun,

Ako:at bakit naman sinabi yun ng cecil na yun, kilala ba niya yung kaibigan ko at anong nawala pinagsasabi mo, siraulo ka, umalis ka na, dito (galit kung sabi)

Ng biglang may tumawag sa akin number lang

Jazz:baka yung nurse na yun dun sa st mary ospital ang tumatawag sayo

Tiningnan ko ng masama si jazz at kaagad kung sinagot ang tawag

Ako:hello, sino to?

Nurse:hello po, kayo po ba si ms.sabrina del pilar yung guardian ni amethyst delgado

Ako:oo bakit?

Nurse:kasi po, nawawala yung katawan ni amethyst, di po namin alam kung sino ang kumuha, tiningnan na namin ito sa cctv pero madilim, di namin makita,

Pagkasabi nun ng nurse ay bigla akong nagalit

Ako:anong nawala!!!!, sino naman ang kukuha ng katawan niya eh wala naman siyang pamilya kundi ako lang, ano ba kayong mga klaseng nurse diyan, wala ba ni isang nakabantay sa inyo, (galit na galit)

Biglang inagaw ni jazz ang cellphone ko at kaagad niya itong pinatay

Ako:(tiningnan ko ng masama si jazz) bakit mo pinatay cellphone ko, wala ka bang manners ha, akin na yan..

Jazz:sumama ka sa akin,para malaman natin kung sino ang kumuha sa kaibigan mo,

Ako:bakit, detective ka ba ha?,

Jazz:hindi, pulis ako, at bakit hindi ba pwedeng maging detective ang mga pulis, ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa tong galit,alam mo di ko alam kung bakit ko to ginagawa sayo,

Harold:ate, sige na sumama ka na sa kanya, para malaman mo kung sino ang kumuha ng katawan ni ate amethyst

Kahit ayaw ko, no choice ako, ewan ko ba, allergic ako sa manyakis na to, kainis, alang ala na lang sa kaibigan ko,

Ako:oo na sasama na ako, akin na yang helmet mo(pagtataray kung sabi)

Jazz:ibang klase, siya pa ang galit, siya pa ang napipilitan, pasalamat ka, galit din ako sa pumatay sa kaibigan mo, sakay na,

Bigla niyang inihagis ang helmet niya sa akin buti nasalo ko ito, napaka gentleman talaga ng manyakis na to, bwesit..

Ako:(tiningnan ko si harold) hoyy, wag kang aalis dito sa bahay, pag bumalik ako na wala ka dito, lagot ka sa akin

Harold:opo mahal na reyna, sige na umalis na kayo, at ikaw (tinuro niya si manyakis) baka kung saan mo dalhin yang ate ko, lagot ka sa akin

Jazz:wag kang mag alala kid, di ako pumapatol sa mga alien

Ako:tumahimik ka nga diyan, tara na umalis na tayo, kanina pa ako nag aalala kung sino ang kumuha sa kanyang katawan

Jazz:ang dami mo pa kasing arti, kanina ka pa nagpapabebe, akala naman niya kinaganda niya,

Hinampas ko sa kanya ang helmet sa braso niya,

Jazz:pag ako magdilim ang paningin ko pati ikaw mawawala

Ako:eh, nakakainis ka kasi,

Harold:sige magtalo pa kayo diyan, hanggang bukas pa kayo makakarating dun, hay naku, para kayong mga kindergarten,

Ayun sumakay na ako, at sinuot ko na ang helmet niya,

Buti di na nagsalita tong manyakis na to, pina andar na niya ang motorsiklo niya,

Di naman mabilis yung pagmamaneho niya, buti naman at di na to kaskasero,nga pala di ko hinawakan yung abs niya raw, eh wala naman,

Nagulat ako ng biglang nag iba ng daan tong manyakis na to, teka hindi to papunta sa ospital, kaagad kung kinurot ang bewang niya

Jazz:ano ba, wag kang magulo diyan baka pati tayo ma imbalsamo ng di oras(sigaw na sabi niya)

Ako:eh, saan tayo pupunta, di to papunta sa ospital, saan mo ako dadalhin(sinigawan ko rin siya)

Jazz:basta, wag kang mag alala, di kita dadalhin sa motel,,

Ako:eh, saan mo nga ako dadalhin..

Jazz:ang kuliittttt, ng alien na to, basta nga, isa mo pang tanong ,ihuhulog kita diyan.

Ako:waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh(malakas kung sigaw sa tenga niya)

Kainis, nakakainis, bwesit...bakit ba ako naniwala sa manyakis na to, saan niya kaya ako dadalhin, di ko na siya kinurot pang muli kasi baka nga totohanin niya ang sinasabi niya, walang sinasanto tong lalaking to, kaya wala akong nagawa kundi ang manahimik..

Maya maya after ilang minuto ay nandito na kami sa isang bahay kubo, teka bakit niya ako dinala dito, sa isang munting kubo na to, at parang walang nakatira dito kahit ni isang bahay, tanging tong kubo lang to ang nakatayo dito, kaagad akong bumaba,, at tinanggal ko na ang helmet, bumaba na rin tong manyakis na to

Ako:ano to, bakit mo ako dinala dito

Jazz:eto ang hideout ko,

Ako:anong hideout pinagsasabi mo, nandito ba ang katawan ni amethyst

Jazz:wala, pero nandito ang pumatay sa kaibigan mo

Ako:anong ibig mong sabihin?

Nagulat ako ng biglang hawakan ni jazz ang kamay ko at kinaladkad niya ako papasok sa bahay kubo, kinuha niya ang susi ng pinto sa bulsa niya at ayun nabuksan na ito, kaagad niya akong tinulak papunta sa loob,

At nagulat ako nung makita ko ang lalaking pumatay sa kaibigan ko, nakahiga siya, at nagkamalay na siya, nakagapos ang katawan niya at nakita ko na nanghihina pa ito, di ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa lalaking to, dapat nga matuwa ako kasi nahihirapan siya, naka packing tape rin ang kanyang bibig, yung mga tingin niya sa akin ay parang humihingi siya ng tulong sa akin

Jazz:ano masaya ka ba,

Bigla kung nilingon si jazz

Ako:bakit mo siya dinala dito, diba nasa kamay na siya ng mga pulis, paano mo siya dinala dito, eh, kanina pa tayo magkasama

Jazz:binigay nila sa akin ang kaso nila sa taong to,,ako na ang mag iimbestiga sa kanya,, tanungin mo siya kung may alam siya kung nasaan ang katawan ng kaibigan mo,

Kaagad akong lumapit sa kriminal na to at tinanggal ko ang packing tape sa bibig niya

Garry:buti naman at tinanggal mo na to, miss, bigyan mo ako ng tubig, nauuhaw ako,

Jazz:demanding..

Ako:sabihin mo sa akin, bakit mo pinatay ng kaibigan ko(galit na, sabi ko sa kriminal na to) bakit, huhuhu(biglang tumulo luha ko)

Garry:wala lang trip ko lang pumatay..

Jazz:gago ka!! (bigla niyang sinapak) trip pala, kung patayin kita ngayon(sigaw niyang sabi)

Garry:wag kang mayabang diyan, brad, tanggalin mo tong nakatali sa akin at mag one on one tayo para malaman natin kung sino ang mauunang mamamatay sa ating dalawa

Balak na sanang sapakin ulit sa mukha ni jazz tong kriminal na to pero pinigilan ko,

Ako:tama na, pwede ko bang kausapin ng private tong kriminal na to(sabi ko kay jazz)

Jazz:sige, magpapalamig muna ako sa labas,

Ayun lumabas na si jazz, at sinara ko ang pinto,

Garry:parang namumukaan kita miss(sabi niya sa akin)

Ako:(tiningnan ko siya ng masama) kilala mo ako, teka ako ba ang sunod mong papatayin

Garry:hahaha, paano kita papatayin, eh, anak ka ng ama ko, hahaha

Pagkasabi niya ay biglang tumayo balahibo ko,

Ako:ano sabi mo?

Garry:magkapatid tayo sa ama, natatandaan na kita, ikaw, diba si sabrina, yung panganay na anak sa ibang babae ni Ferdie del pilar,

Bigla akong napaluhod, nung sabihin yun ng taong to, kilala niya si papa, at pareho sila ng tattoo ni papa, kilala niya rin ako, teka anong ibig sabihin nito, totoo bang kapatid ko tong kriminal na to, biglang tumulo na naman luha ko

Garry:alam ko di ka naniniwala, pero di kita pipilitin, kasi mahirap naman paniwalaan diba, hehehe, kaya kalagan muna ako dito, para puntahan natin ang ama natin, hehehe

Ako:di ako baliw para maniwala sayo,, saan mo dinala ang katawan ng kaibigan ko

Garry:di ko alam, di ko kilala yang kaibigan mo, at di ko alam na kaibigan mo siya, napag tripan ko lang siyang patayin,

Binigyan ko ng napakalakas ng sampal tong kriminal na to, at bigla kung hinawakan ang damit niya,

Ako:hayop ka!!!, hayop ka!! (sigaw na sabi ko habang umiiyak) wala kang puso, huhuhu, bakit mo yun ginawa sa kaibigan ko, huhuhu,

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni jazz ang kamay ko at kinaladkad na naman niya ako palabas, nandito na kami sa labas,

Ako:ano ba, bakit mo ba ako dinala dito ha, gusto ko pang makausap yung kriminal na yun, huhuhu..

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni jazz

Jazz:tama na, ako na ang bahala sa kriminal na yun, tumawag sa akin si cecil na nakita na ang katawan ng kaibigan mo, kinuha pala siya ng babaeng nag ampon sa kanya, sige na ihahatid na kita sa inyo,

Ewan ko parang ang biglang bumait tong manyakis na to, napakalma niya ako, at bigla ko siyang tinulak pero mahina lang

Ako:talaga, kinuha na siya ni sister emerald

Jazz:oo, sige na ihahatid na kita, diyan ka muna, babalikan ko lang sa loob yung kriminal na yun

Ako:ano ba ang gagawin mo sa kanya, bakit di mo na lang siya ibalik sa prisinto,

Jazz:basta, mamaya ko siya ihahatid dun sa kulungan niya, may nais lang akong itanong sa kanya, diyan ka lang,

Ayun pumunta na sa loob si manyakis at heto ako nakatayo habang patuloy pa rin dumadaloy ang luha ko, kinabahan ako akala ko kung sino na ang kumuha kay amethyst, pero bakit di nagpaalam si sister felia na kukunin niya si amethyst, at yung sinabi sa akin ng kriminal na yun, totoo ba ang sinasabi niya, anak siya ng papa ko, kapatid ko siya, teka bakit ba ako naniniwala, sa sinasabi niya,

Maya maya ay lumabas na si jazz,

Jazz:tara na..

Ayun sinuot ko na ang helmet ko, at sumakay na ako kay jazz, pinaandar na niya ang motor niya,

Maya maya ay nandito na ako sa bahay namin, 8 pm na pala ng gabi, grabe kaya pala nakaramdam na ako ng gutom,

Pagkatapos kung bumaba at ibigay ang helmet kay jazz ay bigla siyang umalis, grabe agad agad,, di man lang nagpaalam sa akin na aalis na siya, kaya pumasok na ako sa loob, nakita ko si harold na nanonood ng tv, buti di umalis tong siraulong to

Harold:kamusta lakad niyo ng bayaw ko,

Di ko siya pinansin, patuloy akong pumunta sa kusina,

Ako:kumain ka na ba? (sigaw na sabi ko kay harold)

Kanina pa ako sigaw ng sigaw, at iyak ng iyak, talagang mawawalan ako nito ng boses,

Harold:tapos na,

Nagulat ako ng biglang nag ring cellphone ko at nung tingnan ko ito ay nakita ko na tumatawag tong manyakis na to, yess, nakasave na ang pangalan niya dito sa contact list ko, at manyakis ang pinangalan ko dito, sinagot ko kaagad

Ako:hello (pagtataray kung sabi sa kanya)

Jazz:pagkatapos mong kumain, magpahinga ka na, wag ka munang mag grab driver ngayon,

Bigla ko tuloy napa isip na, wOw concern ang gago,

Ako:ano ka, jowa ko, wag kang pa fall diyan, di yan tatalab sa akin, byee...

Ayun pinatay ko kaagad ang tawag at maya maya ay tumatawag na naman tong manyakis na to, sinagot ko

Jazz:ibang klase ka talaga, sinusubukan ko na ngang maging mabait sayo, ikaw pa tong choossy, bahala ka, sa buhay mo, tang ina.. (galit na sabi niya)

Ako:mabait?, saan banda, sorry pero di ka magiging ganun, wag ka ng umasa pang babait ka sa mga babaeng katulad ko, eh napakawalang hiya mo, bahala ka rin sa buhay mo, tang ina ka rin..

Jazz:bwesittttt...

Ayun kaagad niyang pinatay ang tawag, wala naman akong pake kung tulungan niya ako, di ko naman siya pinipilit, at di rin ako nagpapapilit, siya lang tong makulit, akala niya siguro na magugustuhan ko siya, in his dreams, bukas ko na lang dadalawin si amethyst, kakain muna ako at magpapahinga..

Itutuloy.