Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 10 - CHAPTER 9:Who is SABBBB ?

Chapter 10 - CHAPTER 9:Who is SABBBB ?

POV na ito ni Jazz

Di ko maintindihan ang alien na yun,siya na nga tong tinutulungan ko ,siya pa nito ang may kayang magalit,aba matindi !!! ,ewan ko ba kung bakit ko yun tinutulungan,bwesit !!!,wala talagang oras na hindi kami nagbabangayan,siya lang yung babaeng pinaka kakaiba,sabagay di na ako magtataka kasi isa siyang E.T ,hahaha,Extra Terrestial in short Alien .

Alam ko ang nararamdaman ngayon ng alien na yun kasi namatayan rin ako ng minamahal sa buhay,kaya ang mga ganung klaseng tao ay dapat pinapatay ,kaya meron na akong next target,hahaha,papatayin ko yung kriminal na yun pero bago ko patayin ay kakausapin ko muna siya ..

Bago ako umalis sa ospital ay tinawagan ko muna si kevin ,oo si kevin ang nagdala sa kriminal na yun dun sa munting kubo na tinayo ko ,pero di alam ni kevin na isa akong killer,ang akala niya ay iimbestigahan ko yung kriminal na yun,binigay na kasi sa akin yung kaso kay amethyst at sa kriminal na yun,buti naman .

Ilang oras na lang ay matatapos na ang day off ko,papasok na ulit ako bukas,akala ko di ako ngayon papatay ng tao pero nagkamali pala ako,sorry po lord kung nadagdagan na naman ang kasalanan ko,tanggap ko na po na mapunta ako sa impyerno,pero wag muna ngayon,di ko pa napapatay yung main target ko ..

Nung makapunta na kami ni alien dun sa hideout ko ay kitang kita ko sa kanyang mukha ang galit at lungkot na nararamdaman niya,kaya hinayaan ko na lang muna siyang makausap niya ng mag isa yung kriminal na yun,lumabas muna ako at nagpalamig ,baka mapatay ko kaagad yung kriminal na yun ng di oras,

Biglang tumawag si cecil sa akin sinagot ko kaagad ito

Ako:hello

Cecil:nasaan ka ? kasama mo ba yung babaeng yun

Ako:oo bakit ? nga pala may balita ka na ba kung sino ang kumuha ng katawan nung amethyst na yun

Cecil:talagang tinutulungan mo yung babaeng yun ano,nagseselos na ako jazz

Ako:pulis ako,kaya kailangan kung imbistigahan ang lahat

Cecil:yun lang ba talaga

Ako:di tayo mag syota,di kita girlfriend,kaya pwede ba sagutin muna tanong ko

Cecil:akala ko ba makikipagkita ka sa akin,jazz ako na nga nito ang nagyayaya sayo ,ano ba ang kulang sa akin

Ako:cecil,pwede ba ,wag muna ngayon,marami pa ang iniisip ko

Cecil:yung kumuha kay amethyst ay ang mama niya,yung nag ampon sa kanya(galit niyang sabi)

Ng bigla akong makarinig ng sigaw ni alien,ano kaya ang nangyari,

Ako:sige cecil,maya na lang,salamat nga pala,bye..

Ayun kaagad kung pinatay ang linya at kaagad akong pumasok sa loob nakita ko na umiiyak si alien,kaya kaagad ko siyang hinawakan at kinaladkad ko siya sa labas

Sabrina:ano ba bakit mo ba ako dinala dito ha(galit niyang sabi)gusto ko pang makausap yung walangyang kriminal na yun,huhuhu(sabay umiyak)

Ewan ko ba bigla ko siyang niyakap ,naawa ako sa alien na to,bwesit talaga,sinabi ko sa kanya ng dahan dahan na ako na ang bahala sa kriminal na yun at sinabi ko sa kanya na nahanap na ang katawan ng kaibigan niya,bigla tuloy akong naging mabait sa alien na to,hay naku lord..

Nung sabihin ko yun ay kumalma na siya kaya iniwan ko muna siya sa labas at binalikan ko ang kriminal na yun,nung makapasok na ako sa loob ay kaagad kung sinapak sa mukha tong hayop na to at talagang nakangiti pa siya,

Garry:yan na ba ang buo mong lakas brad,lalaki ka ba talaga ,bakit di ko maramdaman yung pagsapak mo sa mukha ko,hahaha

Kaagad ko siyang kwinelyohan at tiningnan sa mukha

Ako:maghintay ka mamaya brad,enjoy mo na lang yung mga natitira mong oras ngayon,(galit kung sabi at dinuraan ko siya sa mukha)

Garry:wag mo akong takutin,wag kang mag alala maghihintay ako sayong pagbabalik mamaya,ihatid mo muna pauwi yang syota mo,hahaha

Ayun sinapak ko ulit siya,talagang ginagalit ako ng hayop na to,bigla na akong dumistansya sa hayop na to at nilagyan ko ulit ng packing tape ang bibig niya,,kinuha ko ang injection na pampatulog dun sa cabinet ko

Ako:ipikit mo muna yang mga mata mo ,para pagbalik ko ,impyerno na ang makikita mo pagdilat mo,

Sabay tusok ng injection sa leeg niya,ang talas ng titig sa akin ng hayop na to,akala niya talaga puro lang ako salita,,ayun dahan dahan niyang pinikit ang mga mata niya.

Ako:sleepwell brad ,..(ngiti kung sabi sa kanya)

At ayun lumabas na ako at ni lock ko na ang pinto,nilapitan ko na si alien

Ako:tara na

Kaagad niyang sinuot ang helmet niya at sumakay na siya sa likod ng motor ko,

Pina andar ko na ang motor ko at maya maya ay nandito na kami sa bahay nila,pagkatapos niyang bumaba at ibigay sa akin ang helmet ay kaagad akong umalis ,di na ako nagpa alam sa kanya ,gusto ko na kasing patayin yung hayop na yun ,

Di pa ako gaanong nakakalayo sa bahay nila ay di ko talaga matiis yung alien na yun tinawagan ko siya,buti sinagot niya kaagad

Alien:hello

Ako:pagkatapos mong kumain magpahinga ka na,wag ka munang mag grab driver ngayon

Sheeeetttt ,bakit ko yun nasabi sa kanya,ano ba ang nangyayari sa akin

Alien:ano ka jowa ko,wag kang pa fall diyan,di yan tatalab sa akin,byee

Kaagad niyang pinatay ang linya,biglang uminit ang ulo ko nung sabihin yun ng alien na to,wow ha,,pasalamat nga siya naaawa ako sa kanya,bwesit talaga tong alien na to,di marunong magpasalamat,tinawagan ko ulit siya,at kaagad akong nagalit sa kanya,napamura tuloy ako sa kanya,akala ko magiging okey na kami ganun pa rin pala,magbabangayan na naman ulit kami,

Ako:bwessssssiiiitt(galit kung sabi sa kanya)

Ayun pinatayan ko rin siya ng tawag akala niya siya lang marunong,di ako magpapatalo sa kanya,ayun pina andar ko na ang motor ko,bahala yung alien na yun,pupuntahan ko na yung hayop na yun,anong oras na,may duty pa ako bukas..

Mabilis kung pinatakbo ang pagmamaneho ko ,kaya after ilang minuto ay nandito na ako sa hideout ko,kaagad akong pumasok sa loob ,at wow mahimbing pa ang tulog ng gagong to,dapat gising na to kasi 20 minutes lang ang epekto nun,kaya kumuha ako ng isang baldeng tubig,hindi yung kumukulong tubig,,syempre di ako gaanong harsh,sa pagpatay,hahaha,at ayun kaagad kung binuhos sa kanya ang isang baldeng tubig ,at bigla siyang nagising,hahaha,yung titig niya sa akin parang gusto na niya akong patayin ,kaya kaagad kung tinanggal ang packing tape sa bibig niya,

Ako:kamusta ang tulog mo,exciting ba ang panaginip mo,

Garry:putang ina ka!!! Kalagan mo akoooo,lumaban ka ng patas,tang ina ka!!!(galit niyang sabi)

Ako:,di ako nakikipaglaban sayo gago,kasi papatayin kita,ayokong mag effort makipag bugbugan sayo kasi di tayo magka level,ngayon sabihin mo sa akin,saan mo nakuha ang tattoong yan

Garry:bakit,magpapatattoo ka ba,gusto mo rin bang maging myembro namin,

Ako:marami kayo ng may ganyang tattoo

Garry:hindi dalawa lang kami ang may ganito,teka alam ko na kung bakit mo ako gustong patayin,dahil ba pareho kami ng tattoo ng hinahanap mo ,

Ako:paano mo nalaman yun,paano mo nalaman na hinahanap ko siya,

Garry:so ikaw pala ang most wanted rin na killer dito ,ikaw pala yun,nice to meet you idol,im your biggest fan ,

Bigla ko siyang sinapak .

Garry:actually ,matagal ka na rin niyang mimanmanan,kasi napaka galing mong killer,walang bahid na bakas ang pagpatay mo,pero di niya alam na may nagawa siyang kasalanan sayo,di na ako magtataka kung bakit mga kriminal ang pinapatay mo ,

Ako:sabihn mo,saan ko makikita yang boss mo,(galit kung sabi sa kanya)

Garry:bakit ko naman,sasabihin sayo kung nasaan siya ,

Kaagad kung pinisil ang tatlong daliri niya,kaya bigla siyang napa aray sa sakit

Garry:putang ina ka,tigilan mo yan..

Ako:sabihin mo kung nasaan siya,kung ayaw mong baliin ko tong daliri mo

Garry:tang ina ka,ang sakit ,nasa sayo na ang pa in mo sa kanya ,dun ka na lang sa kanya maghiganti para patas na kayo,pareho kayo ng nawalan ng minamahal,

Di ko maintindihan ang sinasabi ng hayop na to,kaya mas lalo kung pinisil ang daliri niya

Garry:ano baaaaaaaaaa!!!(sumigaw siya sa sakit)

Ako:sabihin muna ,wag ka ng magpaligoy ligoy pa,tang ina ka!!!

Garry:meron siyang anak na nakatira dito sa lugar niyo

Ako:anak ..sino siya ,anong pangalan ng anak niya,..

Garry:siya si saaabbb...

Bogsssshhhhh...

Di na natuloy ang pagsabi niya ng pangalan ng biglang may bumaril sa kanya sa kanyang ulo at kaagad siyang nawalan ng malay,pero nakadilat ang mata niya,kaagad akong lumabas akong lumabas ,kasi sobra akong nagulat kung sino ang bumaril sa kanya pero paglabas ko wala akong nakita ,nilibot ko ang paligid ng bahay wala talaga habang dala dala ko ang baril ko,sino kaya yung taong yun,bakit siya nakapunta dito sa hideout ko,di ko napansin na may sumusunod sa akin kanina at bakit niya binaril yung hayop na yun,

Kaagad akong pumasok sa loob at lumapit ako sa hayop na to,hinawakan ko ang pulso niya ,di na rin siya humihinga,inshort patay na siya,pinikit ko ang mga mata niya,kaagad kung tiningnan ang computer ko para i check ang cctv ,pagtingin ko sa cctv ay nakita ko ang isang taong nakasuot ng maskara yung skull na maskara at naka itim siya ,puro itim ang suot niya,teka sino siya bakit yung hayop na yun ang pinatay niya imbis na ako,waaaaahhhhh..tang ina namang buhay na to,bakit ba ang dami kung kalaban,imbis na malalaman ko na yung anak ng demonyong pumatay sa mga magulang ko,,

Sabbbbb ,ang sinabi ng hayop na yun,ang daming sab dito ,di ko rin alam kung lalaki o babae ang anak niya at sino ang taong yun na bumaril sa kanya,...

Itutuloy..