POV pa rin ito ni Jazz
Napa upo na lang ako dito sa sulok habang tinitingnan ko ang patay na katawan ng kriminal na ito,di ako natatakot kung sino ang bumaril sa kanya,mas masaya nga kasi di niya ako pinahirapan na patayin ko tong kriminal na to,ang inaalala ko lang ay kung sino yung taong yun,bakit niya pinatay tong hayop na to,sino kaya ang bumaril sa kriminal na to at siguro hindi pa ngayon ang panahon para makilala ko yung anak ng demonyong pumatay sa magulang ko,.
Susunugin ko na lang ang bangkay ng hayop na to tutal di naman to tatanggapin sa langit at masusunog rin naman to sa impyerno ,kaya susunugin ko nalang to,baka ako pa ang paghinalaan na pumatay dito,...
Kaagad akong tumayo at kumuha ako ng diesel sa kusina,yeah ..always akong ready ,lalo na yung diesel,nilagay ko na sa labas ang isang galon na gas,at ayun hinila ko ang hayop na to palabas ,kung saan malayo layo sa munting kubo ko bwesit,nakakapagod hilain tong hayop na to,pasalamat ka di ako ang pumatay sayo ,hahaha,kawawa ka naman,wag kang mag alala magkikita pa naman kayo ng master mo kasi hahanapin ko siya at papatayin,
Para na akong sira kinakausap ko ang patay,ayun binuhusan ko na ng gas ang buong katawan ng hayop na to,at nilabas ko na ang lighter at sinindi ko na ito at ayun hinagis ko ito sa hayop na to ,at booommmm !!! ,munting lumiwanag ang paligid at uminit,sumiklab ang lakas ng apoy hahaha,ang saya saya talagang magsunog ng katawan,
Naalala ko tuloy yung sinambit ng hayop na to Sab ,tanging sab lang yung nasabi niya,so ibig sabihin babae yung anak ng demonyong yun,bwesit naman to,mukha ba akong manghuhula nito ,tang ina ,at dumagdag pa yung misteryosong gunman na yun,kakampi ko ba siya o kaaway,hay naku ..
Unti unti ng nalulusaw ang katawan ng hayop na to at kunti na lang ang apoy ,habang pinagmamasdan ko ang nasusunog na katawan ng hayop na to ay biglang nakarinig ako ng isang kanta
Your way to beautiful girl...
Ang lakas ng sound ,kaya bigla akong napalingon at nakita ko ang isang naka maskarang nilalang,naka itim ang suot,nagkatitigan kami,bigla akong napasigaw na
Ako:sino ka !!!
Bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko siya
Hoyyyy,!!!sino ka !!!! ,anong pakay mo sa akin,ikaw ba ang bumaril sa taong yun ha!!!
Sigaw ko sa kanya habang hinahabol ko siya ,kaya di ko napigilan ang sarili ko na barilin siya,
Baaaaaaannnnnnngggg !!!!
Ayun buti natamaan ko siya sa kanyang braso at nagulat ako ng bigla niya akong hinagisan ng maliit na box at bigla nagbuga ng usok kaya ayun di ko na siya nahabol di ko na makita ang paligid eh,pasalamat siya sa braso ko lang siya natamaan,magkikita rin tayo ,makilala rin kita,ano kaya ang pakay niya ,siguro siya yung taong bumaril sa kriminal na yun ..bahala na,napagod ako dun sa paghabol ko sa ungas na yun,haysss,nagutom tuloy ako,
Oo nga pala,hahanapin pala sa akin yung kriminal na yun nina cecil,magrereport muna ako sa opisina at ipapa alam ko sa kanila na natakasan ako ng kriminal na yun..
Bago ako umalis ay binalikan ko muna yung kriminal na yun kung tuluyan ng na cremate at pagbalik ko ay buti naman at abo na lang siya,kunti na lang ang apoy ,kaya ayun kumuha ako ng tubig para patayin ang apoy at para linisin ang kalat ng ginawa ko,
Sa wakas ay okey na ,naipaghiganti ko na rin ang kaibigan ng alien na yun ,dapat siyang magpasalamat sa akin kasi wala na ang pumatay sa kaibigan niya,..
Nagpalit muna ako ng damit,nagsuot ako ng jacket at syempre nagpabango,.
Ayun ni lock ko na ang munting kubo ko at pina andar ko na ang motor ko ,papunta na ako sa opisina grabe ang bilis mg oras mag aalas 10 na ng gabi ,
Maya maya ay nandito na ako sa opisina at nakita ko ang motor ni kevin,teka bakit siya nandito,pumasok na ako sa loob ,
De paz:ohhh,reyes bakit ikaw lang,nasaan yung kriminal ,diba sabi mo iimbistagahan mo siya ,nasaan siya ..
Ako:nakatakas,natakasan niya ako,
Talisay:anoooooo!!!(sigaw niya)pambihira ka naman reyes,akala ko ba magaling ka sa mga ganyan,bakit hinayaan mo lang na matakasan ka,alam mo ba na ,isa yun sa mga most wanted,maliban sa dalawang murderer,,reyes disappointed ako sayo
Ako:pasensya na boss,wag kang mag alala,ako mismo ang hahanap sa kanya
Talisay:syempre ikaw ang maghahanap sa kanya,may pasabi sabi ka pang ikaw na ang bahala sa kanya,gawan mo ng solusyon yan
Ako:okey boss,copy..(sabay salute sa kanya)
Gusto kung sapakin tong talisay na to,pasalamat siya mataas ang ranggo niya sa akin,
De paz:magkaibigan nga kayo ni gomez,pareho kayo mga palpak
Ako:bakit anong nangyari kay kevin
Talisay:nandun siya sa loob,ginagaling ni mendez
De paz:nabaril siya sa braso,natakasan rin siya ng isang snatcher
Pagkasabi nun ni de paz ay agad akong pumasok sa loob ng opisina at nakita ko na ginagamot siya ni mendez,
Kevin:pare ,ano kamusta ka?
Ako:(tinabihan ko siya)ikaw ang kamusta,anong nangyari sayo pre? ,nakakagulat naman na natakasan ka ng isang snatcher at nabaril ka ba
Kevin:hehehe,hindi naman palagi tayong nananalo pre,kita mo ,natakasan ka rin,pareho tayong napagalitan,hehehe
Ako:hindi ako affected pre,kailangan natin mag usap,tama na yan,para kang bata,daplis lang yan eh ..tara na ,mag usap tayo sa labas
PO1 Mendez:ang titindi niyo talaga mga idol,hehehe
Ako:wag mo kaming gayahin nurse mendez,tapos na ba yang panggagamot mo sa siraulong yan
Mendez:tapos na idol..
Ayun nilagyan na ng gauze pad at plaster ang sugat ni kevin at tumayo na siya
Kevin:salamat brad(sabi niya kay mendez)
Mendez:walang problema ,mag ingat na kayo idol ..
Kevin:hehehe ..
Ayun lumabas na kami at napakatalim ng tingin sa akin ni talisay,,habang lumalabas kami,syempre nagpaalam muna kaming lumabas sa kanya kahit matalim ang tingin niya sa akin,
Nandito na kami sa labas at tawa ng tawa tong walangyang kevin na to,kaya hinampas ko ang sugat niya
Kevin:aray ...ano ba pre,hahaha,kita munang fresh pa tong sugat ko,kasing fresh ng mukha ko,hahaha
Ako:alam mo pre,napakayabang talaga ng talisay na yun,porket mataas ang rank niya sa atin,pasalamat siya di ako ganun kasamang tao,
Kevin:relax pre,may araw din yung talisay na yun,tara i tagay muna natin yan
Ako:nga pala pre,saan mo talaga nakuha yang sugat mo,
Kevin:diba sinabi ko na sayo,bakit ayaw mong maniwala pre hehehe
Ako:may naalala lang kasi ako pre ,
Ano ba tong naiisip ko ,bigla ko tuloy naisip na baka si kevin ang nabaril ko kanina ,at siya rin ang pumatay sa kriminal na yun ,napakasama ko namang kaibigan,pinaghihinalaan ko ng masama si kevin,nababaliw na ako .impossibleng si kevin yun,
Kevin:hoy pre(sabay batok sa akin)bakit tulala ka diyan,lumilipad na naman yang isip mo,iniisip muna naman ba yung pumatay sa mga magulang mo
Ako:oo pre iniisip ko nga yung demonyong yun,at di tayo makakapag inum ngayon kasi nandiyan ang mahal na reyna mo
Bigla siyang lumingon ,
Kevin:anong ginagawa mo dito(sabi niya kay thea asawa niya)
Thea:wala ka talagang balak na sabihin sa akin na nasugatan ka(galit niyang sabi)
Kevin:sasabihin ko naman sayo,heto naman,sige na umuwi ka na,mag iinuman muna kami ng parekoy ko
Thea:may duty kayo bukas,bawal kayong uminom ngayon,diba jazz(tumingin sa akin)
Ako:sige pre,next time na lang,hehehe,alis na ako byee..
Kevin:wala kang kwentang tao,tang ina mo pre,
Sigaw sa akin ni kevin habang pinapa andar ko motor ko
Ako:nag asawa ka kasi kaagad yan tuloy,hahaha,sige alis na ako pre ,alis na ako thea
Kevin:bwesit..
Kaagad na binatukan ni thea si kevin
Thea:anong bwesit ha ..
Kevin:wala,heto naman,tara na dun na lang ako iinom sa bahay ,one on one tayo,hehehe
Ako:wow,sana all,hahaha
Kevin:umalis ka na,tang ina ka pre,
Ako:hahaha,sige pre,take care,hahaha,
Ayun pina andar ko na motor ko at pinaharorot ko na ito grabe 11 pm na,nagugutom na ako,punta muna ako kung saan may lomi house
Papunta na ako sa Rafael house ,habang nagmamaneho ako ay bigla kung napansin ang isang babaeng pilit na kinakaladkad papasok sa loob sa hotel estrella,kaagad akong napahinto kasi bigla kung namukaan ang babae walang iba kundi si alien,kaya kaagad akong lumapit sa kanila
Sabrina:ano ba,bitawan niyo nga ako,mga manyakis (sigaw niyang sabi)
Ako:bitawan niyo siya,pulis ako(sabay pakita ng id ko)
Kaagad na tinulak papunta sa akin si alien buti nasalo ko siya at umalis na bigla yung dalawang ungas,nagkatinginan kami ni alien
Kaagad siyang lumayo sa akin
Sabrina:isa pa tong manyakis,(pagtataray niyang sabi)
Ako:pasalamat ka pumunta ako dito kundi kanina ka pa na rape ng mga ungas na yun,
Sabrina:ohhhh,edi wow ,bahala ka diyan,alis na ako,maghahanap buhay pa ako
Tinalikuran niya ako at bago siya maka alis ay hinawakan ko braso niya at hinarap ko siya
Ako:di ka ba marunong magpasalamat man lang
Sabrina:why should i ? Humingi ba ako ng tulong sayo,actually yakang yaka ko naman sila,kahit di ka dumating,wag kang mag aasume na ikaw ang superhero ko kasi di yun mangyayari
Ako:bahala ka nga,nakakapagod ng makipag bangayan sayo,diba sabi ko na wag ka munang mag grab driver,
Sabrina:kanina gusto mong maging superhero kita,ngayon naman jowa ,so ano ,ibig sabihin nito,di kita jowa at di kita tatay wag mo akong pagsabihan,
Ako:kung di ka lang babae kanina ka pa nakatikim sa akin
Sabrina:so akala mo ,titikman kita,yuck.
Biglang tumunog yung tiyan ni alien,kaagad niya itong hinawakan
Ako:kumain ka na ba ?
Sabrina:alis na ako,may customer pa ako
Aalis na sana siya ,pero hinawakan ko na naman ang braso niya
Sabrina:ano ba !!!
Ako:kumain tayo,libre ko ..
Sabrina:talaga ?
Ako:oo sabi ,alam ko nagugutom ka ,
Sabrina:sige ,saan ,
Ako:wow,di man lang nag dalawang isip,bigla ka yatang bumait,
Sabrina:go ako basta libre ,saan nga ..
Ako:sa rafael house,tara ..
Sabrina:sira ka ba,may kotse ako ,di ko iiwan tong kotse na to dito
Ako:sayo ba yan
Sabrina:hindi,pinahiram sa akin to ng tita ko,so ano pupunta muna ako dun bago ako maghanap buhay
Ako:oh,siya sige,bahala ka ..
Ayun sumakay na ako sa motor ko,pati rin siya sumakay na rin siya sa kotse niya at pina andar na namin ito
Itutuloy.