Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 12 - CHAPTER 11:AS SWEET AS CHOCOLATE

Chapter 12 - CHAPTER 11:AS SWEET AS CHOCOLATE

POV pa rin ito ni JAZZ

Nandito na kami ni alien sa rafael house,di ko alam kung bakit ko to nilibre,ano ba ang pinakain to sa akin bakit parang mabait yata ako dito sa alien na to,puro lang naman mura ang pinapakain sa akin ng alien na to,bwesit !!! siya pala ang kauna unahang babae na lilibrehin ko,

Pumasok na kami sa rafael house,una akong pumasok,di ko siya pinagbuksan ng pintuan,

Service attendant:Hello po ,good evening po ,sa inyo sir at maam,sakto lang po ang pagpunta niyo,may limited promo po kami ngayon,as a couple ,mag couple naman kayo diba ..

Balak ko na sanang sabihin sa service attendant na to na di ko jowa tong alien na to,bigla kasi akong kinurot dito sa bewang ko ng alien na to,tiningnan ko siya ng masama,tumingin rin siya sa akin na nakangiti,

Service attendant:ang sweet naman,hehe

Sabrina:(tiningnan ang service attendant)talaga maam,ano ba ang mga limited promo's niyo dito

Service A:pag omorder po kayo ng dalawang putahe ay bibigyan po namin kayo ng 2 pair of chocolates,yung ferrero po na chocolate

Ako:yun lang ba ang promo niyo,wag na lang ,kasi ang totoo ay..

Ayun kinurot na naman ako ng alien na to

Ako:ano ba (galit kung sabi kay alien)

Sabrina:favorite ko yung chocolate na yun,sige na pleaseee (nag beautiful eyes siya sa akin)

Grabe bakit ang cute niya,,di na lang ako nakapagsalita ,tiningnan ko na lang siya,

Sabrina:sige,oorder na kami,uhmmm..dalawang mainit init na lomi at dalawang mainit init na carbonara ,with milktea,hehehe,yung chocolate wag mong kalimutan,hehehe(nakangiti niyang sabi sa service attendant)

Ewan ko nakatingin lang ako sa alien na to,ang sarap pala niyang pagmasdan pag nakangiti siya ,na hindi siya galit at masungit

Service attendant:sige po maam,i seserve na lang po

Sabrina:mga ilang minuto po kami maghihintay

Service attendant:10 minutes lang po,

Sabrina:okey,hehehe

Ayun biglang hinawakan ni alien kamay ko,di man lang ako pumalag ewan ko,bakit biglang gumaan pakiramdam ko ngayon,ayun umupo na kami,magka harap kami ngayon

Sabrina:hoyyy,tigilan mo nga yang pagtitig sa akin,nahahalata ko na ha ..siguro nagagandahan ka na sa akin ano,hehehe(sabay wave ng buhok niya)

Ako:parang nag evolve ka ngayon,from alien to monster,hehehe

Sabrina:sus ,pero salamat ha ,akala ko talaga sasabihin mo na di tayo mag jowa,

Ako:bakit gusto mo bang maging boyfriend mo ako

Sabrina:yucks !!!,in your dreams,gusto ko lang kasi yung chocolate na promo nila yung ferrero,favorite ko kasi yun eh,hehehe

Ako:talaga lang ha ..teka lang,okey ka na ba ..

Sabrina:oo okey na ako,diba nakulong na yung kriminal na yun,

Ako:oo,nakulong na siya sa impyerno,

Sabrina:hehehe,thank you manyakis ha ,

Ako:himala,nag thank you ka ang bait mo yata ngayon,

Sabrina:ngayon lang to kasi nilibre mo ako,at nakakapagod ng makipag talo sayo,,maraming beses muna akong tinulungan eh,kaya eto na lang ang mabibigay ko sayo,yung thank you ko,

Ako:buti naman at natauhan ka ,nga pala pwede bang malaman kung nasaan ang mga magulang niyo,parang dalawa na lang kasi kayo ng pasaway mong kapatid eh na nakatira dun sa bahay niyo.

Sabrina:wow,close na ba tayo para mag interview ka sa akin ng personal info ko,

Ako:so hindi pa tayo close,paano ba maging close sa isang alien,

Sabrina:siraulo ka talaga ,di mo pa nga kilala buo kung pangalan,fyi lang ha,im not an alien,

Ako:mukha ka kasing alien,wag ka ng maarte diyan,eh yun ang gusto kung itawag sayo eh,

Sabrina:ewan ko sayo,,

At dumating na ang inorder namin,nakita ko sa mga ngiti ni alien na masayang masaya siya ,

Sabrina:yesss,nagugutom na ako,sa wakas

Kaagad na nilapag ang pagkain,ayun kumain kaagad tong alien na to,grabe ang napaka takaw naman to,parang lalaki kung kumain,totoo nga alien nga to,hehehe

Sabrina:hoy,kumain ka na diyan,sige ka uubusin ko to(sabi niya habang may laman pa ang bibig)

Ako:ubusin mo muna yang nasa bibig mo,baka ka mabilaukan ,

Ayun nagpatuloy lang siyang kumain,kaya heto kakain na lang ako,sayang yung pera ko pag di ako kumain,

Maya maya ay natapos na kaming kumain,

Sabrina:thanks lord,nabusog ako,hay !!! ang sarap mabuhay ng maganda ,hehehe

Ako:thanks to me ..

Sabrina:nag thank you na ako sayo diba,ano unlimited ang pagpapasalamat,siraulo to,hehehe

Ako:tara na umalis na tayo,gusto ko ng magpahinga ,

Sabrina:edi umalis ka,magbayad ka muna dun at kukunin ko na ang chocolate,

Ako:di mo pa sinasagot yung tanong ko

Sabrina:oo na,sasagutin ko na,wala na akong mudrabels at yung tatay ko ay nasa ibang planeta,di namin alam kung nasaan,pero nagpapadala pa rin siya sa amin ng pera

Ako:so may iba ng pamilya ang tatay mo,bakit di mo alam kung nasaan siya

Sabrina:di ko alam kung may iba na siyang pamilya,at wala akong pakialam kung nasaan siya,sanay na kami ng kapatid ko na wala siya,

Ako:pareho lang pala tayo iniwan ng mga magulang

Sabrina:so hindi mo pala tunay na magulang yung babaeng sumalubong sa akin nung hinatid kita sa inyo,

Ako:oo,pero para ko na siyang tunay na ina,higit pa sa tunay na magulang,

Sabrina:if you don't mind,nasaan na yung mga magulang mo

Ako:pinatay sila,minasacre ang pamilya ko,sana nga pinatay na lang din ako ng demonyong hayop na murderer na yun,(galit kung sabi)

Sabrina:sorry ,kung natanong ko yan sayo,wag kang mag alala,may panahon rin yung demonyong pumatay sa mga magulang mo,masusunog rin yun sa impyerno,may plano si lord sayo kung bakit hinayaan ka pa niyang mabuhay ,sorry ha ,nag judge ako sayo,di ko alam na mas malala pala ang pinagdadaanan mo kesa sa akin,

Ako:oo,buti nga nabuhay pa ako kasi ako mismo ang magpaparusa sa demonyong yun,pati sa anak niya,idadamay ko ang anak niya,tingnan lang natin kung paano mawalan ng mahal sa buhay ,malas lang niya at binuhay niya pa ako

Sabrina:ay ang harsh muna man,wag mong gagawin yan,nakalimutan muna ba ang ten commandments

Ako:sira ,syempre hindi ,teka bakit ba napunta dito ang usapan natin,tara na umalis na tayo,may duty pa ako bukas,at ikaw umuwi ka na sa inyo,wag ka ng mag grab driver,baka matuloy ang pag gang rape sayo,sige ka..

Sabrina: ewan ko sayo,yan talaga ang iniisip mo sa akin na ma gang rape ako,ang sama talaga ng ugali mo,tara na umalis na tayo,nga pala nagbayad ka ka na ba

Ako:hindi pa ,

Kaagad na tinawag ni alien yung waiter para tingnan ang bill namin,at ayun lumapit na sa amin ang waiter at kaagad kung tiningnan ang bill ,

Pagtingin ko grabe ang laki naman,2,999.99 ang babayaran ko,na scam ako dun sa chocolate na yun,

Sabrina:bakit malaki ba,hehehe.kaya muna man yan diba,richkid ka kaya

Ako:last na to di na kita ililibre ,malulugi ako sayo,

Sabrina:hahaha,ikaw kasi eh,wag kang mag alala pag naka luwag luwag na ako,ililibre kita

Ako:kahit wag na,di naman na tayo magkikita,last na natin to na pagkikita

Sabrina:oh my god (gulat niyang sabi)so it means mamamatay ka na,advance condolence sayo ,

Ako:(sabay hagis sa kanya ng kutsara) mauuna kang mamamatay,tang ina ka,condolence mo mukha mo,siraulo to..

Sabrina:mas matanda ka sa akin kaya ikaw ang unang mamamatay(sabay hagis ng tinidor sa akin buti nasalo ko)

Ako:ayan na naman tayo,nagsisimula na naman tayo,akala ko na okey na tayo

Sabrina:hiyang hiya naman ako sayo,eh,ikaw nito ang nagsimula ,bwesit ka ..tara na umalis na tayo ,(galit niyang sabi)

Ako:haysss,mga bipolar talaga ang mga babae

Sabrina:narinig ko yun.

Ako:edi ,congratulations,

hindi ka bingi ,

Sabrina:ewan ko sayong manyakis ka ,

Ayun tumayo na tong alien na to at pumunta na sa may cashier kaya tumayo na rin ako at nilapitan ko siya,

Ako:tara na umuwi na tayo(sabi ko sa kanya)

Sabrina:wag kang atat,kinukuha ko pa ang chocolate ko,

Ako:wow,iba ,sige dun na ako sa labas ,maghihintay

Sabrina:nagbayad ka na ba ..

Ako:oo ,anong akala mo sa akin ,mag 1,2,3 ,

Maya maya ay inabot na kay alien ang chocolate ,sobra ang tuwa niya,yakap yakap pa niya ito,grabe ang napaka babaw ng kaligayahan ng babaeng to,

Sabrina:yessss,i love you (hinalikan niya ang chocolate)

Ayun iniwan ko na yung alien na yun ,lumabas na ako ,maya maya ay nandito na ako sa labas ,

Sabrina:siraulo ka (sabay hampas sa likod ko)

Ako:ano na naman bang problema mo(hinarap ko siya)

Sabrina:bakit mo ako iniwan dun sa loob,nagtaka tuloy yung service attendant,kung mag syota ba tayo o hindi,muntik ng bawiin ang chocolate ko

Ako:hindi naman binawi diba at bakit naman nila babawiin eh malaki ang binayaran ko,sige na sumakay ka na sa kotse mo ,para ngang binayaran ko yung chocolate na yan,

Sabrina:bahala ka nga at mauna kang umuwi ,

Ako:sabay tayo,siraulo to,sige na sumakay ka na

Sabrina:ang sweet mo ha ,(pagtataray niyang sabi)

Buti naman at sumakay na tong alien na to ,at pina andar na niya ang kotse niya ,kaya sinuot ko na rin helmet ko at pina andar ko na motor ko,

Susundan ko muna siya kung uuwi na ba talaga siya ,di ko talaga alam kung bakit ko to ginagawa sa kanya,baka kasi may mang trip sa kanya,

Habang sinusundan ko siya ay bigla niyang hininto ang kanyang kotse ,siguro lalabas to at magagalit sa akin kasi sinusundan ko siya pero ilang minuto lang ang nakalipas ay bigla siyang lumiko,teka saan siya pupunta ,babalik ba siya sa rafael house,kaya imbis na tawagan ko siya ay sinundan ko siya ,saan kaya siya pupunta,mag gragrab driver pa talaga siya,ang tigas talaga ng ulo,kaya ayun sinundan ko siya ,pina andar ko ulit ang motor ko at habang palayo kami ng lugar,nandito na kami sa isang tahimik na lugar puro mga puno na lang ang nakikita ko,at ang iingay pa ng mga kuliglig,mga alas 12 na kaya ng madaling araw,ng bigla siyang huminto ,medyo malayo ang pagitan ko sa kanya,nakita ko na biglang may lumapit na isang lalaki,halos ka edad lang namin ni alien,lumapit ito kay alien ,at parang may inabot siya kay alien ng isang plastic bag,di ko alam kung ano ang laman,,habang inaabot niya ang plastic bag kay alien ay bigla kung napansin anfg tattoo sa kanyang paa,di ko alam kung bakit ko yun napansin,at kinagulat ko kasi yung tattoo niya ay pareho ng demonyong pumatay sa mga magulang ko pati yung sinunog ko na kriminal,kaagad akong lumapit sa kanya ..at..

Itutuloy.