POV pa rin ito ni JAZZ
Bakit ba ako pumayag na ihatid ko tong alien na to, hinipnotize niya ba ako, boysit talaga..
Ako:kumapit ka sa abs ko baka mahulog ka,
Sabrina:hoyyy, hinding hindi ko na yan hahawakan, baka lagnatin ako, sige na paandarin muna,, nag aalala na ako sa kaibigan ko
Ako:lalagnatin pala ha,...
Ayun pina andar ko na ang motor ko at kaagad ko itong pinatakbo ng mabilis,ayun biglang sumigaw tong alien na to at biglang napayakap sa akin, at ayun kaagad kung pinabagal ang takbo
Ako:akala ko ba di mo hahawakan tong abs ko,sabagay niyakap mo pala ako,pa ayaw ayaw mo pa ha..
Kaagad niyang iniwas ang pagkakayakap niya sa akin at hinampas niya ako sa may balikat ko
Sabrina:siraulo ka talaga, kung magpapakamatay ka, wag mo akong idamay, gago ka ba ha!! (galit niyang sabi) akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo.,muntik na akong atakihin dun
Ako:hoyyy, wag mo akong sigawan diyan, ikaw tong humingi sa akin ng pabor tapos pagagalitan mo ako, edi bumaba ka sa motor ko, (galit ko ring sabi sa kanya)
Inihinto ko muna ang pagdrive ko ng motor,
Sabrina:bakit ka huminto, malayo pa ang ospital
Ako:bumaba ka!!!
Sabrina:okey, pasensya na..di na kita sisigawan, ikaw naman kasi eh,..sige na ihatid muna ako sa ospital
Ako:sabi ko BABA!!! (sinigawan ko ulit siya)
Sabrina:kainis naman tong manyakis na to, tsk...!!!,walang puso, walang konsensya, at higit sa lahat napakadamot!!!
Ayun bumaba na siya at binigay sa akin ang helmet,
Yung mukha niya ay hindi naguguhit, galit na galit, at tinitingnan niya, ang relos niya, ayun pina andar ko na ang motor ko, at umalis na ako, bahala siya, siya pa ang galit ha, pasalamat nga siya hindi ko siya dinala sa hideout ko, imbis na ikukulong ko siya dun, wag na lang, bumaling na yung atensyon ko sa lalaking kriminal na yun..
Hindi pa ako nakakalayo bigla kung tiningnan ang side mirror ko, nakita ko yung alien na yun na napaupo at parang umiiyak, teka diba siya sasakay ng taxi o jeep man lang, haysssss, bakit ba ako nakokonsensya, bigla kung niliko ang motor ko at binalikan ko siya..
Maya maya ay nandito na ako,
Ako:sakay!!!
Bigla siyang tumingin sa akin ng masama
Ako:wow, ang talas naman niyan, ano sasakay ka ba o hindi!!! (galit kung sabi)
Sabrina:salamat na lang, sasakay na lang ako ng taxi, gusto ko pang mabuhay, sige na umalis ka na(ayun inis na inis sa akin)
Hay naku mga babae talaga, hayssss,ako pa tong may kasalanan boysit, bahala siya,
Ako:bahala ka diyan, siraulo ka talaga, aalis na ako..
Ayun pina andar ko na ulit motor ko, aalis na sana ako pero bigla siyang tumayo at
Sabrina:sandali lang, sige na nga, boysit kang lalaki ka,
Ako:ano sinabi mo, boysit ako!!!
Sabrina:wala po mahal na kamahalan, akin na yang helmet mo, susuotin ko
Ayun inihagis ko sa kanya ang isa kung helmet, buti nasalo niya,
Sabrina:waaaaaahhhh!!! (sigaw niyang sabi), kainis ka talaga,
Ako:wow, super saiyan ba yan, ibang klase rin ha, sige na sumakay ka na, ang dami mo pang arti, may pupuntahan pa ako,
Sabrina:heto na, heto na, atat lang, tsk..(pagtataray niya sa akin)
Ayun sumakay na siya, ewan ko ba bakit bigla akong napangiti, ang saya, sa pakiramdam kapag naiinis at nagagalit siya, sa akin, hehehe, nawala tuloy ang pagka badtrip ko ngayong araw
Pinaharorot ko na ang motor ko, pero di gaanong mabilis, di niya hinawakan ang abs ko, dun siya humawak sa likuran,
Maya maya ay nandito na kami sa saint mary ospital, bumaba na siya at kaagad niyang binigay sa akin ang helmet, at ayun di man lang nagpasalamat, kaagad siyang pumasok sa loob, grabe walang utang na loob ang alien na yun ha, kaya bago pa siya makapasok sa loob ay sinigawan ko siya
Ako:hoyy, alien..
Wow snob ang siraulo, di niya ako nilingon, ang ganda niya ha,
Kaya ayun sinundan ko siya, ewan ko ba bakit ko siya sinundan, ano ba ang nagyayari sa akin,
Ako:hoyy, alien, ano ba, bingi ka ba ha!! (sinigawan ko siya)
Biglang tumingin sa akin ang dalawang babaeng dumaan sa amin harapan, kaya liningon na ako ng alien na to,
Sabrina:(naka poker face ang mukha) ano ba, langaw ka ba ha..bakit ka ba, sunod ng sunod sa akin, (galit na naman niyang sabi)
Ako:oo langaw ako, bakit ba sumusunod ang langaw, kasi sinusundan niya ang TAE,
Sabrina:so ano, tatawa na ba ako, alam mo, umalis ka na nga dito, ayoko ng makita yang pagmumukha mo, boysit ka..
Ako:ibang klase ka rin ano, imbis na magpasalamat ka, kasi inihatid kita dito, pero ikaw pa tong galit sa akin, grabe ikaw lang ang nakilala kung babae na ganito.
Sabrina:wow, nagsalita ang perfect, baka nakakalimutan mo na di ka pa nagsosorry sa akin, matapos mo akong sukaan kaninang madaling araw, for your informatin, mas malala pa ang ginawa mo sa akin,
Ako:bakit pinilit ba kita na ihatid ako kanina ha, at binayaran ka naman ng malaki ng kaibigan ko, teka lang bakit ba ako nakikipagtalo sayo,
Cecil:jazz?
Bigla akong lumingon, at nakita ko si cecil, nandito siya, naka uniform pa rin siya,
Ako:anong ginagawa mo dito, (sabi ko kay cecil)
Di ako sinagot ni cecil, nilapitan niya si sabrina at
Cecil:narinig ko ang pagtatalo niyong dalawa ni jazz, miss, bakit galit na galit ka kay jazz, pasalamat ka nga inihatid ka niya dito, kahit di kayo magkakilala, di ka man lang marunong magpasalamat, nasaan na ang manners mo..
Sabrina:pulis ka ba talaga o isa lamang tambay sa kanto, makapagsalita ka parang kilalang kilala mo ako, close ba tayo ha!!, magkaibigan nga kayo ng manyakis na yan, pareho kayo ng ugali,
Nagulat ako ng balak sampalin si sabrina pero nasalo ito ni sabrina, at aakma namang sampalin ni sabrina si cecil pero bigla siyang napatigil
Sabrina:gusto sana kitang sampalin, pero base sa RA 8485 the animal welfare act, bawal manakit ng HAYOP!! (pagtataray niyang sabi kay cecil)
At kaagad niyang tinulak si cecil, pero mahina lang, grabe ang tapang pala tong alien na to, napabilib ako dun, biglang natameme si cecil
Sabrina:wag niyo akong gaganyanin, kasi graduate din ako ng 4 year course, may diploma ako, kagaya niyo, hiyang hiya naman ako sa pagka PERFECT niyo,(galit niyang sabi sa amin)
Ayun biglang tumalikod si sabrina at umalis na..
Cecil:saan mo ba nakilala yung babaeng yun, jazz(sabay tingin sa akin na parang naiinis)
Ako:naging grab driver ko siya kaninang madaling araw, tapos ayun nagkita kami ngayon sa di inaasahan, grabe ang pinakita niya, ang tapang niya..
Cecil:pagbabayaran niya ang ginawa niya, sa akin
Ako:ikaw naman ang nauna cecil, patas lang kayo..
Cecil:kinakampihan mo pa talaga siya, teka ano ba ang ginagawa niyo dito, bakit inihatid mo pa siya dito, mukhang naninibago ako sayo ngayon jazz, parang lumambot yata yang puso mo(inis niyang sabi sa akin)
Ako:wala, alis na ako..may pupuntahan pa ako, maya na lang ulit tayo magkita..
Cecil:saan ka pupunta, sagutin mo kaya tanong ko..
Ako:pumunta siya dito kasi nag aagaw buhay ang kaibigan niya, ikaw bakit ka nandito,
Cecil:dito dinala yung suspect, yung sa may magsaysay,
Ako:talaga, dito siya naconfine, anong room siya
Cecil:bakit ka interesado dun jazz, kilala mo ba talaga yung suspect na yun
Ako:basta sabihin mo na lang, ang dami pang tanong(galit kung sabi)
Cecil:relax ka lang, bakit ka ba nagagalit, tara kumain muna tayo, anong oras na..
Ako:sabihin muna, anong room siya..
Cecil:room 405 siya nandun sila talisay at de paz nagbabantay, jazz parang may binabalak ka, dun sa, suspect na yun, nasesense kita..
Ako:ano ba yang iniisip mo,teka bago tayo kumain gusto kung puntahan muna yung suspect na yun,
Cecil:okey, 😏😏😏, tara..
Buti naman at di na nagtanong si cecil, ngayon alam niyo na kung bakit di ko kayang magustuhan si cecil kasi ganyan ang ugali niya, kahit ngayon lang kami nagkakilala ng alien na yun, parang magkaiba sila ng ugali, teka di ko type yung alien na yun,
Papunta na kami sa room ng suspect na yun, buti kung nagising na yun, para makausap ko, kung saan niya nakuha ang tattoo niya sa braso, bakit magkapareho sila ng tattoo ng demonyong pumatay sa mga magulang ko,
Maya maya ay nandito na kami sa 3rd floor, teka si alien ba yung nakikita kung umiiyak sa may upuan,
Cecil:kawawa naman siya, marunong palang umiyak yung mga walang manners,
So nasa 407 pala na confine yung kaibigan niya.
Nandito na kami sa room 405 at nandito nga sila talisay at de paz
Talisay:nandito ka na naman reyes, diba wala kang duty ngayon
De paz:ano ka ba, naman sir, para ka namang others, hehehe, syempre nandito si SPO1 santos, magkasama pa silang pumunta dito, diba ang sweet,
Cecil:hehehe(kinikilig) ano ba naman kayo,
Di ko sila pinansin, bagkus lalapitan ko si sabrina, kanina pa, siya iyak ng iyak, nakakaawa naman siya
Cecil:teka pupuntahan mo ba siya(biglang hinawakan braso ko)
Ako:sandali lang, cecil, bitawan mo ako
De paz:ohhhh, may third party kaagad, hehehe
Ayun binitawan ako ni cecil at nilapitan ko na si sabrina
Tinabihan ko siya, at ewan ko ba,, talagang nagiging pusong mamon na ako, bigla ko siyang binigyan ng panyo
Ako:marunong palang umiyak ang mga alien..
Di niya ako pinansin, iyak ng iyak pa rin siya, di nga niya kinuha ang panyo ko
Ako:anong nangyari sa kaibigan mo?
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at patuloy pa ring umiiyak
Sabrina:huhuhu wala na siya, huhuhu , iniwan na niya ako, huhuhu, (humahagolgol siya sa iyak) napaka walang puso yung taong pumatay sa kaibigan ko, huhuhu..
Ewan ko ba nakaramdam ako ng lungkot at galit, ramdam ko ang mawalan ng mahal sa buhay, kasi nawalan na rin ako,,
Ako:(hinimas ko ang likod niya) tama na yan, alam mo ba kung sino ang pumatay sa kanya, ako mismo ang huhuli sa kanya, pananagutan niya ang ginawa niya sa kaibigan mo.
Bigla niyang iniwas ang pagkakayakap niya sa akin at humarap siya sa akin, bigla niyang kinuha ang panyo ko at pinahiran niya ang luha niya,
Sabrina:sabi ng naghatid sa kanya dito na isang lalaki raw na may tattoo sa braso, dun mismo sa magsaysay, kung saan tayo pumunta kanina, huhuhu , baka yung taong yun ang pumatay sa kaibigan ko, huhuhu, (iyak pa rin ng iyak)
Itutuloy..