Chapter 5:
POV pa rin ito ni Jazz
Matapos kung sigawan tong babaeng to ay ayun biglang napatahamik, buti naman at marunong siyang matakot,
Sabrina:sige na, mag drive ka na, di na ako magtatanong, kainis naman tong manyakis na to, tsk..(pagsusungit na sabi niya)
Ako:good girl...
Ayun nakita ko na nakasimangot ang mukha ng babaeng to, pina andar ko na ang kotse at papunta na ako sa magsaysay..
Mabilis ko itong pinatakbo para makarating kaagad ako dun, akala ko magrereklamo na naman tong babaeng to kasi ang bilis kung magpatakbo, pero mukhang nag eenjoy pa ang baliw, sinandal niya ang ulo niya sa upuan, mukhang iidlip yata tong babaeng to, ano kaya ang ginawa niya kagabi parang puyat na puyat siya..
Ako:matutulog ka ba (sabi ko sa kanya)
Sabrina:Who you!!! (inis niyang sabi)
Ako:boysit...
Ayun pinikit na niya ang mga mata niya, ewan ko bigla kung tiningnan ang mukha niya habang natutulog, ang ganda niya pala pag tulog, mukhang walang sira sa utak ang babaeng to, mukhang hindi maangas, at higit sa lahat mukhang anghel, pero pag magising to mukhang delubyo..
Bigla kung iniwas ang tingin ko sa kanya at binaling ko ito sa kalsada habang nagmamaneho ako, bigla kasi siyang dumilat..
Sabrina:type mo ako ano... (galit niyang sabi sa akin)
Ako:tumahimik ka diyan,...
Sabrina:suuussss, nakita kita na tinititigan mo ako, sorry di kita type at hinding hindi kita sasagutin, in your dreamsss, yucksss!!!
Ako:pinagbabawal na ngayon an pagsinghot ng rugby, ang lakas ng tinira mo ngayon ha,...,
Sabrina:nagagandahan ka sa akin ano..
Di ko siya pinansin bagkus kinuha ko ang masking tape
Sabrina:sabi ko nga, matutulog na ako,
Ayun sumandal ulit siya sa, upuan, ako nagagandahan sa kanya, papatawa ba siya, di ako magkakagusto sa alien na katulad niya..
Maya maya ay nandito na kami sa magsaysay, at nandito pa rin ang mga pulis, pati marami pa ring tao ang nakapaligid, agad akong bumaba, iniwan ko sa loob ng kotse tong alien na to, nakatulog kasi eh..
Cecil:oyyy, jazz, tama nga sinabi ni kevin, pupunta ka dito(agad akong nilapitan ni cecil)
Ako:nandiyan pa ba ang suspect, teka bakit maraming tao ang nandito, ano ba ang nangyari
Cecil:oo nandito, nakipag barilan kasi sa amin, kaya ayun natamaan siya sa dibdib, nawalan ng malay, hinihintay pa namin ang ambulance dito, teka bakit ka pumunta dito, gusto mo ba akong makita, hehehe
Ako:baliw,,.gusto kung makita ang suspect,
Agad akong pumunta kung nasaan ang kriminal,
Ako:tabi kayo diyan, tabi(sigaw ko sa mga tao na nakakasagabal sa dinadaanan ko)
Buti tumabi sila at nakita ko ang walang malay na lalaking sobrang payat, at kaagad kung nakita ang tattoo niya sa kaliwang braso,nakasando lang kasi siya, alam ko na hindi ito ang lalaking pumatay sa mga magulang ko kasi mukhang nasa 30 plus pala ang edad nito, pero bigla kung tiningnan ng mabuti ang tattoo niya kasi parang magkahalintulad ang tattoo niya sa demonyong pumatay sa mga magulang ko, yung tattoo niya kasi ay kutsilyo rin na may nakatusok na puso, halos pareho talaga, biglang dumilim ang paningin ko, ewan ko bigla akong kumuha ng malaking bato, para ipukpok ko sa ulo sa lalaking to, kaso bigla akong pinigilan ng mga kapwa ko pulis
SP02 De paz:ano ba nangyayari sayo,SPO1 reyes(kaagad na kinuha ang bato sa akin)
Ako:pasensya na, may naalala lang ako sa kriminal na to,
Cecil:jazz, anong problema, kilala mo ba yang taong yan(sabay haplos sa balikat ko)
Ako:hindi ko yan kilala, teka bubuhayin niyo pa ba yang kriminal na yan ha(galit kung sabi sa kanila)
SPO3 Talisay:oo naman, reyes, marami pa ang dapat namin tanungin diyan sa taong yan..
Ako:kaya hindi nauubos ang mga kriminal kasi binubuhay niyo pa, sige alis na ako,...
Agad akong nag walk out sa kanila, lalong sumikip tong dibdib ko, nung makita ko yung tattoo na yun sa lalaking yun, naalala ko kasi yung demonyong yun, paano kung magkakilala pala sila, o di kaya iisa lang ang kanilang pinanggalingan, paano kung anak yun ng demonyong pumatay sa mga magulang ko, pinamana niya ang kasamaan niya sa lalaking yun, pati yung tattoo, kuhang kuha niya, waaaahhhhh, kailangan kung makausap muna ang taong yun bago ko patayin, oo papatayin ko yung lalaking yun, kung nakaligtas siya sa mga kasamahan kung pulis, sa akin di siya makakaligtas, papatayin ko siya,
Cecil:jazzz, teka lang, oyyyy,
Ako:ano na naman ba,(nilingon ko siya at hinarap)
Cecil:anong nangyayari sayo,, sabihin mo kilala mo ba yung taong yun, tutulungan kita,
Ako:hindi nga sabi, sige na kaso niyo yan, di ako makikialam, hindi akin yan, sa inyo yan napunta, sige na balikan muna sila de paz at talisay
Cecil:magkita tayo mamaya ha, usap tayo, tatawagan kita mamaya
Ako:sige sige, alis na ako, hiniram ko lang kasi ang kotse ni ramos,
Cecil:kaya pala, akala ko si ramos ang pumunta dito, ikaw pala, sige ingat ka ha..
Biglang bumaba si sabrina
Sabrina:hoyyyy, manyakis, bakit di mo ako ginising(sigaw niyang sabi sa akin)
Nakita ko ang reaction ni cecil, parang nagulat
Cecil:may kasama ka pala jazz, teka bakit tinawag ka niyang manyakis?
Ako:mahabang istorya cecil, mamaya na lang, sige alis na ako,..
Ayun tinalikuran ko na si cecil at umalis na ako,
Ako:pumasok ka na sa loob, (sabi ko kay sabrina)
Ayun pumasok naman siya, at pumasok na rin ako sa kotse
Sabrina:sino yung girl na yun na kausap mo, mukhang type ka nun ha,
Ako:shut up!!!
Pina andar ko na ang kotse,
Sabrina:edi shut up,., saan na ngayon ang rota mo ha, manyakis, pwede bang ibalik muna ako dun sa police station, gusto kung samahan ang kapatid ko dun
Ako:sinabi ng wag kang maingay(bigla ko siyang sinigawan) di ka ba nakaka intindi ang salitang SHUT UP!!!!, wala ako sa mood makipag bangayan sayo, pwede ba...,pag ako nagdilim ang paningin ko, di ako magdadalawang isip na putulin ko yang ulo mo,
Sabrina:okeyyyyy....
Ayun alam ko na natakot siya sa pinakita ko sa kanyang galit,, wala ako sa mood ngayon, gusto kung patayin yung taong yun, buti nakuha ko ang cellphone ng lalaking yun habang hinawakan ko ang braso niya, ang bilis ng kamay ko diba, ni hindi napansin yun nila cecil, kaagad kung kinuha ang cellphone niya, sa bulsa niya, mamaya ko na lang to bubuksan pag makapunta na ako sa secret hideout ko
Ni hindi ko na narinig ang boses ng alien na to, mabilis kung pinatakbo ang kotse, at maya maya ay nandito na ulit kami sa police station, grabe nagugutom na ako, 1 pm na pala ng hapon, ang tagal pala namin dun sa magsaysay,, ayun bumaba kaagad sa kotse tong alien na to, na nakabusangot ang mukha, at ako rin bumaba na,
Pumasok na ako sa loob ng police station,
Ramos:ohhh, anong nangyari sir, bakit ngayon lang kayo
Kaagad kung binigay ang susi kay ramos
Ako:wala, salamat pala sa pagpahiram ng kotse mo, kamusta yung batang pasaway
Ramos:ayun, tumahimik na rin, pinakain na lang namin kasi nagugutom na raw, kawawa naman,
Ako:bakit niyo pinakain, dapat turuan yan ng lection, ang problema kasi sa inyo mga pusong mamon kayo, sige alis na ako..
Ramos:paano si miss beautiful sir, di mo ba siya isasakay sa motor mo
Ako:tumahimik ka ramos, (galit kung sabi)
Ramos:hahaha, pasensya na bosss..
Ayun umalis na ako, bakit ko pa isasakay sa motor ko yung alien na yun, ano siya hilo, sinuot ko na ang helmet ko at sumakay na ako sa motor ko, pinaharorot ko na ang motor ko ng biglang hinawakan ng alien na to ang likuran ng motor ko
Bigla kung hininto ang pagpapaharorot ko,
Ako:ano bang problema mo ha, pwede ba umalis ka diyan, kung ayaw mong ipasagasa kita (galit kung sabi sa kanya)
Sabrina:manyakis, pwede favor, pleaseee
Ako:favor mo mukha mo, humingi ka pa ng favor sa lagay na yan ha,
Sabrina:pleaseee sige na naman, gusto ko lang kasi puntahan kaagad ang kaibigan ko, nag aagaw buhay siya ngayon dun sa saint mary ospital, pleaseee..
Ako:eh bakit pag pumunta ka ba dun, mabubuhay siya, siraulo, sumakay ka na lang ng taxi, may pupuntahan pa ako, tabi diyan..
Sabrina:pleaseee, pleaseee, wala siyang kasama dun, tumawag lang sa akin yung nurse, sige na naman sir, pleasee, pangalan ko ang tinatawag ng kaibigan ko,
Ewan ko parang bigla akong naawa sa alien na to, at tinawag niya akong sir, parang sincere siya sa pagmamaka awa sa akin, yung pagka angas niya ay nawala bigla,
Ako:sige, sige sakay...
Bwesit, bakit ba ako pumayag sa favor niya, hayssstttt, parang ako yata tong pusong mamon eh..,
Sabrina:yesss,thank you sir,
Ayun kaagad siyang sumakay sa motor ko,
Ako:ano bang nangyari sa kaibigan mo
Sabrina:binaril raw siya ng maraming beses, di ko alam yun ang sinabi ng nurse sa akin
Ako:saang lugar siya binaril
Sabrina:di ko nga alam, sige na paandarin muna yang motor mo,
Parang bigla kung naisip na yung taong bumaril sa kaibigan ng alien na to ay yung lalaking nahuli nila cecil kanina..
Bakit kaya pareho sila ng tattoo ng lalaking yun, may grupo ba sila o sadyang magkamag anak sila, kailangan ko talagang makausap yung kriminal na yun, mamaya pagkatapos kung ihatid tong alien na to sa ospital,.. Pupuntahan ko talaga yung lalaking yun,..
Itutuloy.