Chereads / A Crime For Stealing My Heart / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 2

It's been a week since the last time I talked to Kier. At nalate ako ng gising ngayong araw na dahilan kung bakit hindi ako nakapasok sa school.

Shocks ano nalang gagawin ko dito? Tutunganga? Oh i have an idea.

Since madami akong friends sa school na pinag-aaralan ni Kier, what if I ask some of them to hang out with me ?

Shenaiga Mariko:

Girl! Are you free later? After class? Let's catch up! Wait kita sa tapat ng school niyo.

And then i clicked the send button. Omg im so excited baka makita ko nanaman si Kier , this is my chance!

Kath Montero:

Sure! Always free for you babe!

This is it! Masisimulan ko na ang mission ko hahaha.

Di ko napansin na nakatulog ako at nagising sa alarm ng phone ko para makapaghanda sa pagpunta kay Kath.

Nagsuot ako ng croptop na turtle neck tshirt at high waist shorts, sinamahan ko na rin ng necklace para hindi ganun ka simple. I put some light make up to enhance my features and tadaa! I'm done! I also have a belt bag for my money and phone.

Nagpahatid ako kay manong sa school ni Kath at sinabi na magbobonding lang kami nito. Sakto pagkarating ko ay naglalabasan na ang mga estudyante, isa isa ko silang tinignan baka sakaling makita ko ang mission ko.

Naramdaman ko nagvibrate phone ko at nakatanggap ako ng chat kay Kath.

Kath Montero:

Babe Sorry baka malate ako ng onti biglaan kasi meeting sa group namin sa research.

Shenaiga Mariko:

Its okay, don't worry. Take your time.

Pagkasend ko ay kasabay ng pag-angat ng ulo ko. Nahagip ko ang isang lalaki na seryosong naglalakad na para bang siya may ari ng daan. Napakalakas ng aura niya madami akong nakitang naghahagikgikan sa tabi niya , sa likod pati narin sa unahan niya. Samantalang siya walang pake sa paligid niya.

Halos mapatalon ako nang mahuli niya akong nakatitig sakanya, agad akong umiwas ng tingin at di ko napansing nasa harap ko na pala siya.

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin na nakapagpakabog sa dibdib ko.

" I-I'm waiting for.. Kath" nauutal kong sambit sakanya. Humalimuyak ang pabango niya ng unti unti siyang lumapit sa akin, I can smell a manly and mint scent in him.

"Why?" He asked.

"Why are you asking? Gusto mo ba sumama? " pabalik na tanong ko sakanya.

" I mean bat ka nandito? Diba may pasok ka?" Tanong niya na lalong nakapagpataka sakin.

"Oh? Alam mo schedule ko? Crush moko noh?" Pabirong sagot ko sakaya.

"What are you talking about?" O diba nagmaang maangan pa siya, halata na wag na mahiya. Mukhang mapapadali ako sayo ah.

"Bakit gusto mong sumama? Lika na libre ko." Aya ko sakanya

"No i have some things to do, bat di mo ayain si John?" Sagot niya sa akin at tinawag si John na saktong may kausap malapit sa amin. Naknang teteng nakalimutan ko pang dito pala nagaaral to.

"Oh bro! " sambit ni John sabay napatingin sa akin. " O Shena nandito ka pala. " napansin ko ang lungkot at pagkabigla sa sinabi nito

"Obviously John , I'm here alive and kicking. Maiwan ko na nga kayo." Sambit ko at umalis na sa harapan nila. Bwisit naman tong John na to, lumapit pa talaga kitang dumidiskarte pa ako kay Kier.

Nagulat ako ng hilahin ni John ang braso ko. " Shenaiga, can we talk?" Tanong niya sakin at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sakanya.

" Why? Don't you understand what I told you na ayaw ko na? Please John Back off, alam kong madami ka pang reserba kaya di ako kawalan sayo kahit iwanan pa kita." Diretsong sambit ko sakanya at tinalikuran na siya. Can't he see? Ayoko nga siyang makausap, binlock ko na nga siya diba.

Habang naghihintay ay nagulat ako ng lumapit si Kier. "Hey, are you alright?" I can hear the worry in his voice, akala niya siguro nasaktan ako dahil kay John.

"I'm now alright because you're here." Walang pagaalinlangan kong sambit habang nakatingin sa mga mata niya. Kita ko ang pagkailang niya ng iniwas niya ang tingin niya sa akin.

Nagtaka ako ng sinamahan niya akong mag-antay kay kath sa tapat ng school nila. " Bakit nandito ka pa? Kala ko ba marami kang gagawin? Ano? Sasama ka na ba?" tanong ko sakanya.

"Nothing, I just don't want you to be bored here." Sambit niya sakin na nakapagpangiti sa labi ko. So he's really concerned huh?

" Fine, got to go. Chat me when you got home." Habol niya pa bago tumalikod at umalis sa harapan ko. Bakit parang bumait siya bigla? Ano sabi niya chat ko daw siya pag uwi ko? Bipolar ata to e, kanina lang sungit sakin ngayon gusto pang ichat ko siya.

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko na sinisigaw ni Kath

"Shenaiga!!! Namiss kita!" Sigaw niya habang patakbong lumapit sa akin para mayakap ako.

"I missed you too!!" Sambit ko at niyakap siya pabalik.

" Bakit bigla ka nag aya ng gala? May problema ka ba?" Nag- aalalang tanong niya sakin.

"Hala, wala I just want to see you, namiss lang talaga kita." Palusot ko sakanya , sana umubra. Kilalang kilala ako neto ni Kath alam niya kung nay tinatago ako o wala.

"We? Maniwala ako. Ano nga meron spill it!" Paulit ulit niya akong pinipilit na sabihin kung ano man meron. Napilitan akong ikwento yung about sa plano ko kay Kier.

"Really?! Kiervin Sison? As in K-I-E-R-V-I-N?! Sinamahan ka niya kanina? Sinabi niya na ichat mo siya? Parang di na need plano mo e." Sunod sunod na sabi niya sa akin. Kahit kelan talaga walang hinto bunganga neto.

" Oo nga pero gusto ko maging sure, yung tipong siya na mismo magfirst move, yung hahanap hanapin niya atensyon ko ganon." Paliwanag ko sakanya.

"Pero girl, advice lang. Ingat ka jan, baka sa huli ikaw mahulog. Tignan mo naman kasi itsura niyan kahit mga teacher ay mahuhulog panty sakanya." Natatawang sambit niya.

Halos gabihin kami ni Kath sa paggala kung saan saan, napakarami naming pinagkwentuhan, namiss ko talaga siya.

Nang makauwi ako sa bahay ay diretso hilata na ako sa kama ko. Nang may naalala ako sa dapat kong gawin. Inopen ko agad ang messenger ko at nagchat kay kier.

Shenaiga Mariko:

Hi babe just got home.

Kiervin Sison:

Okay. Tulog ka na.

Shenaiga Mariko:

Fine, Goodnight babe mwa!

Seen.

What?! Sineen niya lang ako? Ang bipolar mo talaga Kiervin Sison! Di bale hindi pa tapos ang laban. Nagbibigay ka na rin naman ng motibo.

Way to go, Sison. You'll be mine soon.

PussyCathMB...