Chereads / A Crime For Stealing My Heart / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4

That's it!! Im done! Hindi ko na itutuloy ako plano ko. Naiinis ako sa sarili ko bakit ba ganun ang asta ko sa harapan niya? Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon binubulabog parin ako ng alaala nung araw na yon. Ayoko na ayoko na maghahanap nalang ako ng iba. Naaalala ko nanaman ung may pabulong bulong niya, nilapit pa niya mukha niya sa akin! Bakit ba biglaang bilis tibok ng puso ko non? Hindi ko naman naramdaman to sa mga naging ex ko huh? Baka nagpalpitate lang ako sa gulat? Bibigyan ata ako ng heart attack ng lalaking yun e.

Sabado ngayon at dahil walang pasok, dito lang ako sa bahay ngayon. Wala akong gana lumabas kagabi ka sumasakit ulo ko kakaisip sa nangyari nung thursday. Mas okay pa na sinusungitan ako ng bipolar na yun e.

"Anak! Baba kana dito kakain na tayo." Katok ni mama sa pintuan ko.

"Sandali po!" Pagkasabi ko ay dumiretso na ako sa banyo at nagshower muna bago bumaba.

Normal lang ang naging araw ko, patulog na ako ng magvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito agad at binuksan.

Kiervin Sison likes your photo.

Kiervin Sison likes your photo.

Kiervin Sison likes your photo.

Tinignan ko kung anong picture ang nilike niya at laking gulat ko na puro throwback yon. Aba!! Iniinis ako ng lalaking to ah.

Shenaiga Mariko:

Oh u like my photos, does that mean na u like me too?

Akala niya siguro papalagpasin ko yun ah.

Kiervin Sison:

Mukha ka kasing inosente don kumpara ngayon. And I just liked the photo not you.

Sheinaiga Mariko:

ASSHOLE!

Nasira ang araw ko sa pag uusap namin ng lalaking iyon. Hindi ko alam bakit siya naman ngayon ang nagpaparamdam sa akin. Nagdesisyon na akong tigilan siya kasi masama na kutob ko sa nararamdaman na ito. Pero bakit siya naman ngayon lumalapit sa akin? Nung nakaraan lang ay sinusungitan niya ako ah. Hays, ayoko na isipin yun sasakit lang ang ulo ko at siguro mawawala rin to kapag itinulog ko nalang.

Kinabukasan , maaga akong ginising ni Mama para maghanda sa pagsimba. Siguro ipagdadasal ko nalang iyong lalaki na yun. Iiwasan ko na siya, sana wag na niya akong bulabugin.

Nang makarating kami sa simbahan ay kaunti palang ang tao, marahil ay maaga pa. Madalas kasi na dumadagsa ang mga tao dito kapag dating na ng hapon.

Malapit kami sa harapan nakaupo ng pamilya ko at naghihintay na magsimula ang misa.

Habang nakaluhod at magdarasal ay biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Kier.

" Lord, ano na po bang nangyayare sakin? Simula ng huli naming pagkikita ay lagi ko na siyang naaalala, hindi naman siguro to pag-ibig diba? Masyado pa akong bata para magmahal. Itinigil ko na po ang mission ko sakanya, pero pakiramdam ko kulang ang araw na hindi ko siya nakikita. Natatakot na ako lord. Bigyan niyo naman po ako ng sign. Kung pag-ibig na ba ito o hindi. Kapag pag-ibig na ito ay makikita ko si Kier ngayong araw at kung hindi naman ay uulan. Please lord tulungan niyo po ako. In the name of Jesus Christ, our saviour. Amen."

Pagkatapos kong magdasal ay agad akong umupo. Narinig ko na ang biglang pagbuhos ng ulan. Napabuntong hininga ako. Ito na ba ang sign lord? Ibig sabihin ba hindi talaga pag-ibig tong nararamdaman ko?

Habang nakatitig sa altar ay may naramdaman akong nakatingin sa akin. Paglingon ko ay may nakita akong lalaki na nakangisi at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Si Kier.

Eto nanaman yung tibok ng puso ko na para bang may nagwawala sa loob. Anong ibig sabihin nito? Baka hindi totoo yang sign sign na yan. Madami kasi akong napanood na binibigyan sila ng sign pag nagdadasal sila. Sabagay, palabas lang yun. Baka hindi nga talaga totoo. Napatingin ako sa gawi ni Kier ng makita kong wala na siya sa upuan.

Inutusan ako ni Mama na magtirik ng kandila pagkatapos ng misa at ipagdasal si lola na namatay noong nakaraang tatlong taon. Hindi ko na nakita si Kier simula nung nawala siya sa inuupuan niya. At ayoko rin naman siyang makita dahil guguluhin nanaman niya ang utak ko. Baka masira pa ang araw ko at kakasimba ko lang ayokong makagawa agad ng kasalanan dahil sa lalaking yun. Inintay namin na humina ang ulan bago ko ipagtirik ng kandila si lola.

Nang unti unti na humina yung ulan ay pinabili na ako ng kandila sa tapat ng simbahan.

"Anak, hintayin ka nalang namin sa sasakyan. Bilisan mo baka bigla nanamang lumakas ang ulan." Paalala ni Mama sakin bago ako bumalik sa loob.

"Opo." Sagot ko at tinalikuran na sila. Nagmadali akong pumasok dahil wala akong payong na dala at umaambon pa.

Kakatapos ko lang magtirik ng kandila at magdasal para sa yumao kong lola, iniintay ko mangalahati ang kandila ng may maamoy akong pamilyar na pabango. Nilingon ko ang pinanggagalingan nito at laking gulat ko ng makita na katabi ko ang lalaking iniiwasan ko.

" Hi. Looking for me?" ani niya ngunit hindi ko ito pinansin at diretso lang ang tingin sa kandila. Lakas din ng apog netong lalaking to e.

Naramdaman kong biglang paglakas ng ulan sa labas. Pambihira naman wala pa naman akong payong. Inintay ko na humina ulit ang ulan bago ako bumalik sa sasakyan namin.

"Baka mamaya pa humina yan, sumabay ka na sakin." Gulat na napatingin ako sa katabi ko nang magsalita ito.

"Hihina yan tiwala lang." Sambit ko at lumayo sakanya. Ilang minuto na akong nakatayo ng bigla akong matamaan ng tumatakbong lalaki palabas ng simbahan. Nawalan ako ng balanse at biglang nanigas ng naramdaman kong may kamay na biglang humawak sa aking bewang. Tiningala ko kung sino at nakita ko si Kier. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko ng mapansin ko kung gaano kalapit ang aming mukha. Nararamdaman ko nanaman ang mabilis na tibok ng puso ko ng napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko.

Agad agad akong umayos ng tayo at sumugod sa ulan para makalayo sakanya. Bigla niya akong hinila at napayakap ako sakanya. Agad akong lumayo.

"Ano bang problema mo?!" Pabulyaw na tanong ko sakanya.

"Ayokong magkasakit ka, sumabay ka na sakin hahatid kita hanggang sa sasakyan niyo." Mahinanong sambit niya na nakapagpakaba sa akin. Wala na akong nagawa at sumabay na lang sakanya sa paglalakad. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa kabilang braso ko at bigla niya akong nilapit sakanya. Para bang kinuryente ako sa katawan ng maramdaman ko ang kamay niya sa katawan ko.

"Salamat, sana hindi mo na yun ginawa, napalayo ka pa tuloy." Nahihiyang sabi ko nang nakarating na kami malapit sa sasakyan.

"U-uhm. Shena, May tanong sana ako sayo." Nakikita ko ang hiya at kaba sa mga mata niya nang sinabi niya ito.

"A- ano ?" Kabado kong sagot sakanya. Aamin na ba siya sakin? Hala wag muna, hindi pa ako handa.

" Are you free tomorrow? "

To be continued...

Thank you po!!!